《Hunter's Wrath (Completed)》Chapter 18
Advertisement
I woke up with swollen eyes and body pain. Para akong binugbog, from my throbbing head, to my wrist and legs.
"Miss..." Nilingon ko ang nagsalita and I found Jock serving bowl of soup, glass of milk and sliced fruits.
"Jock, why?" hindi ko matuloy ang pagtanong dahil nakakapagtaka ang ginagawa niya. We're not close, madalas lamang siyang utusan ni Hunter to pick me or send me. He used to drive a car for me, pero never kami nagkakwentuhan.
"Kumain na po kayo Miss, hindi pa kayo nakapag dinner." Ilag ang mga mata niya pero hindi ko na lang masyadong pinansin. When I remembered what happened last night, kaagad na nanginginig ang katawan ko sa takot.
"Where's your boss? Umuwi ba siya kagabi?" Natigilan siya saglit bago tumango.
"Nasa library, po si boss," Tumango naman ako at marahang tumungo sa mesa para kumain. Akala ko'y aalis na siya pero nanatili siyang nakatayo.
Jock looks like young. Maybe he was just in his late 20s, 27? 28? Parang naghahabulan lang ang edad naming dalawa. Sa lahat din ng tauhan ni Hunter ay siya 'yong pinakabata.
"Who were those filthy goons last night?" I asked him while chewing my food at a slow pace.
Wala pa sana siyang balak na magsalita pero nang tingnan ko siya ay kaagad siyang napayuko.
"Tauhan po ng isa sa kalaban namin..."
"So they're here because of Hunter?" Tumango siya bilang sagot kaya muli akong nanahimik. I blink the tears away and continue eating. Nang matapos ay kinuha na niya ang mga kinainan ko para ibaba sa kusina.
Naiwan naman ako sa loob ng kwarto, trying to calm myself cause every time na naalala ko ang nangyari kagabi ay nanginginig ako.
"How are you?" napalingon ako sa nagsalita at napatitig kay Hunter. Walang emosyon itong pumasok habang nakapamulsa at huminto sa gilid ng kama.
"O-Okay lang ako..." He was about to touch me when I move away, and that shocked him.
"Miss may kai—" hindi natuloy ni Jock ang sasabihin nang makita niya si Hunter.
"Jock, go to my library and wait for me there... may sasabihin ako." Malamig na utos ni Hunter na nanatiling nakatingin sa akin. Kaagad namang sumunod si Jock at walang imik na umalis.
"May pupuntahan ako mamaya, okay lang ba kung iiwan kita ulit dito?" bigla akong kinabahan.
"Andito ba si Jock, hindi mo ba siya paaalisin?" sunod-sunod na tanong ko sa takot na maulit ang nangyari. Napansin ko ang paggalaw ng panga niya. Tila naiinis at nagtitimpi.
"No, hindi si Jock, iiwan ko rito."
"B-Bakit?" I can only trust Jock!
"You don't have to know. You can now rest here for now."
"I want Jock here," Mahinang sabi ko ngunit hindi siya huminto.
Mabilis siyang naglakad palabas ng kwarto. Babalik na sana ako sa pagkakahiga ngunit naisipan kong sumunod out of curiosity. Nakarating ako sa library ni Hunter ng walang ingay. I hide myself near the door and try to hear what's going on inside. Napansin kong may konting awang sa pinto kaya roon ako sumilip at halos manlaki ang mata ko nang makitang malakas na sinuntok ni Hunter si Jock.
"I told you not to interfere!"
"I can't watch her suffer like that, hindi niya dapat maranasan 'yon." mabilis na hinaklit ni Hunter ang damit ni Jock para patayuin at gigil niya itong tiningnan.
"She deserves that! Kulang pa 'yon sa mga nangyari noon! Kung hindi ka nakialam sana masaya na ako ngayon, sana naitapon ko na ang babaeng 'yon! Sana nakuha ko na ang hustisya na matagal na panahon kong inasam para sa anak ko at kay Amber!"
Advertisement
"Did you plan that?" I covered my lips, trying to stop my tears from falling.
"What if yes? Makikialam ka nanaman ba? Yes, I planned it. Alam ko na darating ang mga iyon sa bahay ko kaya sinandya kong manood kaysa makialam. At dahil sa 'yo nasira ang gusto kong mangyari."
Marahas na binitawan ni Hunter ang damit ni Jock at galit na pinasadahan ng kaniyang daliri ang sarili buhok.
Why? Bakit ganoon na lang ang galit niya?
A-Akala ko ba mahal niya ako?
"You love her, bakit ginagawa mo pa rin ang mga 'to?"
"Who says I love her? Hindi ko kailanman mamahalin ang kapatid ng lalaking dahilan kung bakit nawala si Amber...No! I could never love that woman! I despise her and her brother! I despise their family! I want my revenge. I want that woman to feel what Amber felt that night! Hindi mo ako maiintindihan dahil hindi ikaw ang nakasaksi! Hindi mo nakitang patayin ang babaeng mahal mo sa harapan mo mismo! Hindi ka nawalan ng anak na hindi pa lang naisisilang sa mundo, kinuha na agad sa akin! Ang tagal kong nagdusa Jock! Isa ka sa nakakaalam kung bakit ko ginagawa 'to! Damon Dankworth made me like this! This is my wrath that I want them to taste!"
Sasagot na sana si Jock ng bigla akong matumba, dahilan para bumukas ang pinto at mapunta sa akin ang tingin nila. I was on my knees. My body was trembling and my eyes were shedding tears.
Ang malalamig na mga mata ni Hunter ay unti-unting namilog habang nakatingin sa akin. Gusto kong tumayo, gusto kong tumakbo...pero pinangunahan ako ng panghihina, sakit at pag-iyak ko mula sa narinig.
Hunter approached me and tried to touch me, but I refused. I shoved his hand away the moment that Jock walked towards me. Inalalayan niya akong tumayo at mas pinili kong sumama sa kaniya.
"Dimaria..." tinawag niya ang pangalan ko, pero hindi ako humarap. My heart was clenching, pero kahit sobrang sakit.. .hindi ko magawang bumitaw o umalis. Alam kong kakayanin ko, kung gugustuhin ko, pero hindi ko magawang bumitaw sa kaniya. I still want him to keep me, kahit gaano pa kasakit ang mga naririnig ko.
"Miss...I'm sorry." hindi ko sinagot si Jock at pumasok na lang sa kwarto. The moment that I close the door, doon na ako tuluyang napaiyak ng malakas.
I was like a child, crying out loud. It's so painful that I want to scream, nagbabakasakaling mawala pero mas sumasakit lang.
What did I do to deserve all of these?
I just thought he really loved me... It turns out that he was just using my emotions to get even... fuck.
"Dim..." I heard his voice, but I don't have enough strength to face him.
Hindi ko na alam kung paano ko pa ilalabas ang sakit na nararamdaman ko. I should stop, I know that...pero hindi ko magawa dahil sa pesteng nararamdaman ko sa kaniya. Why do I have to feel these shits?
Bakit kailangan ko pang mahalin siya, bakit pa ba ako nahulog sa kaniya? Bakit hindi ko siya magawang iwan sa kabila ng sakit na dinudulot niya sa akin.
I feel like a toy to him. Umpisa pa lang, pero gano'n ako katanga para paulit-ulit na piliing manatili. Kasi umaasa ako na baka habang tumatagal, na baka pag nanatili ako, mabura na 'yong galit na mayroon siya para sa kuya ko... na baka matutunan niya akong mahalin sa kabila ng nangyari noon. Ano man ang nagawa ni Damon, ano man ang nangyari sa fiancé niya na si Amber...sana...sana matutunan niya ring patawarin si Luci.
Advertisement
"Dimaria..."
I leaned closer and didn't do anything to answer him. Hanggang sa marinig ko na lang ang mga yapak niya papalayo.
Hunter is the worst.
He doesn't have the heart to forgive people.
He has the coldest heart.
Sarado ang isip. At puno ng galit ang puso.
He's a saddist. Hindi man physically.
He's a deceiver and has a mischievous mouth. Magkaibang magkaiba sila ni Damon.
Damon has a heart, even if he doesn't show it. Tahimik siyang kumilos at pumrotekta. I know, marami ang hindi naiintindihan si Lucifer at walang nakakainitindi sa mga kinikilos niya. Even other people say he's cunning, mischievous, and heartless. Kahit ang totoo, tahimik lang siya at hindi malapit sa tao. Hindi niya hilig iparamdam at ipakita ang nararamdaman niya. Mukha lang siyang walang pakialam pero sa loob niya he cares for the people he loves and is closest to him.
But Hunter's different.
He's cruel and the epitome of deception. He knows how to hold someone on their neck. He knows how to torture them. He's full of vengeance in his heart... pure darkness you wouldn't dare to stay in.
Akala ko totoong mahal na niya ako. Umasa ako. Kahit konti. Umaasa ako na baka pwede pa kami. Pwede naman siguro 'di ba? Maybe I just need patience with him...alam kong mamahalin din naman niya ako. Kahit gano'n siya, he's still a human. Balang araw magkakaroon din ako ng puwang sa puso niya...mamahalin din niya ako gaya ng kung gaano ko siya kamahal ngayon.
I felt so numb for all the pain. It was too much to bear. Those revelations are too much to process in my mind. Parang sasabog na ang utak ko sa mga nangyari. I was confused, wrecked, hurt... I was draining. Nakakapagod siyang mahalin, nakakapagod mabuhay.
All my life... palagi na lang akong nasa binggit ng kamatayan. At ang mas masakit pa roon, mismong mga taong mahal ko ang dahilan. Ayoko na... it is too much. I just want to harm myself and to end my life... maybe in that way mababayaran ko na ng buo ang nagawa ni Damon kay Hunter, mabibigyan na ng hustisya ang pagkawala ng mapapangasawa at dapat ay anak niya. If I will end my life, lahat ng ito'y matatapos na rin.
I didn't know what drove me at that moment, but I just found myself holding a knife. Umiiyak kong itinapat iyon sa sarili kong dibdib. I was staring at myself in front of the mirror, crying. I was slowly piercing the point of it against my chest as I slowly felt a searing pain. Mas lumakas ang pag-iyak ko'y patuloy ko iyong tinutulak, kahit na patuloy ding nanginginig ang mga kamay ko. I want to end this. I no longer want the suffering.
Nanlalabo na ang mga mata ko sa pag-iyak, at matapos humugot ng malalim na hininga ay nakahanda na sana akong itusok iyon ng mas malalim when I pair of arms wrapped around my body as he took away the knife and threw it. Gumawa iyon ng malakas na ingay pero unti-unti rin iyong naglaho. Napalitan ng malakas kong pag-iyak habang nanginginig ang katawan.
"The fuck are you thinking?! You want to kill yourself?!" kumawala ako sa kaniya at marahas siyang hinarap. His eyes were reddish. Tila may nagbabadyang mga luha sa mga mata niya, habang kita ko ang takot sa mga iyon.
"If that's the only way to give you what you want, I am willing to take my own life. Pagod na pagod na rin ako Hunter. Pagod na pagod na akong pagbayaran lahat, pagod na pagod na akong mahalin ka, pagod na pagod na ako sa kulungang ginawa mo sa akin." unti-unti akong napaluhod sa harapan niya at malakas na umiyak. When I lifted my head, I saw him crying too. Mabilis niya akong dinaluhan at niyakap' I can feel his trembling body against mine.
"No... no... you can't do that. You can't leave me. Hindi ka pwedeng mawala. Don't fucking do that again. I can't afford to lose another one," nababasag ang boses niya habang mahigpit pa rin ang yakap sa akin ngunit ang boses niya'y unti-unti nang naging malabo sa pandinig ko hanggang sa mahulog ako sa kawalan.
Nagising ako kinabukasan na sobrang sakit ng ulo. Una kong napansin ay ang suot na damit, sleeveless night dress. Doon ko naalala ang lahat-lahat ng nangyari kahapon. Nawalan ako ng malay. Did Hunter changed my clothes? Napansin ko rin na may band-aid ang dibdib ko kung saan ko sinubukang itusok ang kutsilyo. Napasapo ako sa mukha ko ng makaramdam ng takot sa ginawa ko. I was just driven by pain and of everything. Hindi ko sinasadyang gawin iyon sa sarili ko. Mabilis kong pinagsisihan ang ginawa ko. I feel so sorry for myself.
I fixed myself, took a very cold shower and get dressed. Pagkatapos ay bumaba ako to look if Hunter is here or Jock. Ngunit hindi ko sila nakita buong araw.
Wala pa rin si Jock sa mga sumunod na araw at hindi ko rin nakita si Hunter na umuwi.
Wala akong makausap, kahit si Tremor ay hindi ko ma-contact.
I tried to call Hunter and Dame, pero walang sumasagot.
May mga gusto akong itanong kay Damon kaso ay mukhang may pinagkakaabalahan ito kaya isinantabi ko na muna. While Hunter's always missing in action, these past few days. 'Pag tinatawagan ko, either naka-off ang phone or hindi niya sinasagot.
It's been four weeks. Mas okay na ang pakiramdam ko at mukhang okay din naman ang iniwan ni Hunter to watch over me. Mas okay sana kung si Jock, because that guy really earned my trust that night when he saved me.
"May gusto pa po ba kayong kainin?" Umiling ako dahil pakiramdam ko'y wala akong gana. Pinili kong bumalik sa kwarto para matulog nang makatanggap ako ng message mula kay Hunter.
From: Hunter
I will be gone for one week. Stay there. Do whatever you want, but bring Lester with you. Don't do reckless things when I'm gone. When I get back, we'll talk again.
One week. Saan naman kaya siya pupunta?
Hindi na ako nag-reply at hinayaan na lang, kahit naman magreklamo ako ay hindi naman siya makikinig, hindi siya babalik kapag sinabi kong huwag siyang umalis.
"Miss..." napalingon ako sa pintuan at naabutan ko roon si Lester na may dalang fruit shake.
He eyed me like he wanted to say something. Noong una ay balewala naman iyon sa akin, saka hindi pa rin kami close...pero noong lumapit siya at nilapag ang fruit shake sa side table ay hindi ako nilubayan ng tingin niya.
"May gusto ka bang sabihin?" I asked while getting the fruit shake to taste it. Magaling siya sa ganito, at sa pagluluto. Pareho sila ni Jock.
"Kapatid ko si Jock. And he asked me to take good care of you, when he found out that I was the one assigned to watch over you." napasinghap ako bago pa man ako makahigop sa shake.
Kaya pala medyo hawig sila.
"Pareho kaming nag t-trabaho kay Hunter. Malaki kasi utang na loob ng pamilya namin sa kanila at isa pa...matalik na kaibigan ni Hunter si Jock." nanlaki ang mata ko sa sunod na nalaman.
"Magkaibigan sila?" tumango siya.
"Hindi lang halata dahil malaki ang ipinagbago ni Hunter. Simula noong mamatay si Amber." Napatungo ako at pinaglaruan ang straw ng shake.
"Hunter becomes a vengeful jerk. And you became his target to take his revenge against your brother."
"I-I know..." pero nasaan kaya si Hunter ngayon? Hindi kaya kasama niya si Amari? Nasasaktan ako sa isiping iyon.
Kinuha ko ang shake at humigop doon. Hindi pa lang ako nakakarami ay agad na akong napatigil dahil sa pakiramdam na tila gusto ko iyong iduwal kaya bago pa man siya makasalita ay inabot ko na ang baso ng shake sa kaniya at tumungo sa banyo bago roon dumuwal.
Tears escape my eyes, naghalo na ang sakit na naramdaman at ang walang patid na pagduduwal ko, tila hinahalukay ang tiyan at gusto nang lumabas lahat.
It's too painful, kahit wala na akong mailabas at manghina na ay hindi pa rin ako tumitigil. Lester ran after me, asking if I was okay while caressing my back, but I didn't bother to answer.
Nanghihina akong napaupo sa sahig at pilit binabawi ang lakas. I wipe my lips after at tulalang napatitig sa kawalan.
"Miss... ayos ka lang ba? Masama ba nagawa kong fruit shake? Pasensya na."
"O-Okay lang ako," Nahihilo pa akong tumayo pero nahawakan naman niya ako at naalalayan patungo sa sink. I washed my face and brushed my teeth. Habang wala pa ring imik na bumalik sa kama.
"Ayoko na ng shake."
"S-Sige miss, sabihin niyo lang kung anong gusto niyo."
"Matulog... matutulog muna ako." sinunod naman niya ang gusto ko at mabilis akong iniwan sa kwarto. I covered my body using the comforter. Magulo ang isip ko at hindi na maproseso pa ang mga nangyayari.
Hunter, Amari, Amber, Damon, and me. Everything is too much to think about. The fact that Hunter's with Amari right now, hindi na lubos maproseso ng utak ko ang mga naiisip kong ginagawa at posible pa nilang gawin sa loob ng isang Linggo. Sumasakit ang ulo ko, gusto kong magwala pero alam kong wala rin naman na mangyayari.
If only Tremor was here, o kahit ang sagutin man lang ang tawag ko...maybe...maybe I won't feel so alone.
Where is he? Okay lang kaya siya?
Paano kung... may ginawa si Hunter para mawala siya ng ganito?
Sana ay wala.
Advertisement
- In Serial52 Chapters
I Can't Believe I Have the Girlfriend of My Dreams! - An Unromantic Love-Comedy Light Novel
Kazuki Kaneshiro is down on his luck. After being rejected by the school's "Ice Witch" Akane Yuki, he gets into an accident! Miraculously, he wakes up in the hospital with no injuries! As he tries to get back to his normal every-day life, he starts having weird dreams…where Akane Yuki is his girlfriend! So comes the unromantic-comedy of Kazuki trying to make his dreams a reality!
8 61 - In Serial7 Chapters
I'm just a Side Character
Ataashi Hitoka is your basic average high-schooler with above average perception and deduction skills. Basically, he can read the room better than an average person. We get a third-person view on an actual main character as well as a first-person view on what being a background character feels like. This story is all about romance, expected clichés, a totally basic romcom slice of life story (with a whole lot of plot twists).
8 194 - In Serial24 Chapters
Bleeding Hearts
❝We almost made it.I almost called you 'mine,'And you almost called me 'yours,'I think we almost loved each other But the only thing I was sure about is thatalmost wasn't good enough.❞- Nautica Elaine Woods
8 60 - In Serial47 Chapters
~A Night To Remember~ (Raven x Beast Boy Fanfic)
Ever since the defeation of Trigon things have been different. And with the added night of partying and fun, the sexual tension between two certain Titans is now at an all-time high. But when one of them is whepped away by the devilish intentions of a rogue hero, will that tension turn into something more? Read to find out!⚠️WARNING! ⚠️• I don't own any of the Teen Titans, DC characters, or franchises! This is a fanfic and is ONLY FOR FUN.• I'm basing the characters off the 2006 Teen Titans• Ships:-Raven x Beast Boy-Robin x Starfire-Cyborg x Bumble Bee(sorry to the Cyborg x Jinx fans)• Trigger Warning!:-slight cussing-sexual themes-mention of drinking
8 68 - In Serial71 Chapters
Social Media Famous • tzukook || EDITING
#01 𝙄𝙉 𝘽𝘼𝙉𝙂𝙏𝙒𝙄𝘾𝙀#01 𝙄𝙉 𝙏𝙕𝙐𝙆𝙊𝙊𝙆#01 𝙄𝙉 𝙏𝙕𝙐𝙔𝙐Ever wondered what will happen if two childhood bestfriends were separated for good? She went to Korea and he remained home. But what will happen when in a few years when he followed her to Korea and he is now Social Media Famous? Will it all be the same again?
8 112 - In Serial77 Chapters
GOOD wife
-:EXCERPT:-"It pains." I sobbed. "I don't want it right now.""I don't need your permission to fuck this tight pussy."." He rubbed my vagina. *****Love. Marriage. Family. Death.It is a life cycle. But HER life is different. Everything happened in a blink that SHE never got a chance to manage HER life. The struggle of two people in one relationship affects every person related.Anastasia was bound in a loveless marriage, lived and raised her daughter alone in the big mansion. She waited for her husband to come to the home but he never came.
8 186

