《Hunter's Wrath (Completed)》Chapter 32
Advertisement
I didn't leave. Umalis ako sa kwarto niya, pero hindi sa bahay. Kahit anong sabihin niya, hindi ako aalis basta.
I don't know where this stubbornness came from. Pero nagsisimula na akong mawalan ng pakialam sa nakaraan. Hunter needs me. Iyon ang nakikita ko. I have to stay, for him to get better. I need to persuade him. He needs to see it again. Hindi ako makakapayag na tuluyan siyang mawalan ng ganang ayusin ang sarili niya.
Kinabukasan ay hinintay ko siyang gumising. Katatapos ko lang magluto ng almusal. Mayamaya lang ay nakarinig na ako ng mga yapak. Tahimik kong sinalubong si Hunt at marahan siyang hinawakan sa braso upang alalayan.
Naramdaman ko ang panandalian niyang paninigas at halatang nagulat.
"Dim..."
"Mananatili ako Hunt."
He tried to shove my hands away from guiding him, but I didn't let him succeed. Hindi na siya pumalag pa at tahimik na lang na hinayaan ako.
He didn't dare to talk to me. Tahimik siyang kumain, at bukod sa bulag na nga siya at hindi niya ako nakikita. Itinuturing pa niyang hangin ang aking presensya. Hinayaan ko na lang din, ang mahala ay huwag na niya ako ipagtulakan paalis. Matapos kumain ay pinili kong maghugas muna ng mga pinagkainan bago naglinis ng bahay.
Dumating muli si Zyc at natitiyak kong may seryoso silang pinaguusapan tungkol sa negosyo kaya ng matapos ay pinili ko na lang magbasa ng magazine.
Nang paalis na si Zyc ay huminto ito ulit tila may naalalang isang bagay na dapat niyang sabihin.
"Dumating na ang divorce papers... Nakay Hunter, na. Hindi ko na sasabihing pakawalan mo si Hunter at hindi ko rin sasabihin na huwag kang pumirma. Ang mabibigay ko lang sa 'yo na advice, gawin mo kung ano sa tingin mo ang makakabuti para sa inyong dalawa." hinayaan kong umalis si Zyc. Tahimik akong naiwan habang nakaupo roon at pinoproseso ang sinabi nito. I played with my fingers and felt something inside me. It was like something was squeezing my heart. Painful.
I took a deep breath. Bumuga ako ng hangin habang nakatingala sa kisame at nakatulala.
Paano kung ayaw ko?
Tumunog ang phone ko at nakita ang pangalan ni Tremor. I remembered our memories together over the last four years. Hanggang sa maging kami at maging fiancé niya ako.
I am ready to marry him. Pero pakiramdam ko, may kung anong pumipigil pa sa akin. I closed my eyes, and later on, found myself falling into oblivion.
Naalimpungatan lang ako ng makarinig ng mga yapak. When I opened my eyes, I saw Hunt passing by. Sinundan ko lang siya ng tingin, hindi ako kumilos o humabol. Tila nawalan ako ng gana at lakas na tumayo o kausapin siya. Natitiyak kong perma ko na lang ang kulang. Tuluyan na akong makakalaya sa kaniya.
Advertisement
I already have Tremor. Ano pa ba ang iniisip ko? Ready na akong magpakasal ulit. He's just waiting for me.
Pinikit ko ng mariin ang mga mata at tahimik na lumabas ng living room. I decided to talk to Hunt ng makita kong may kausap siyang, bisita.
Noong una ay hindi ko ito nakilala ngunit ng mas nagkaroon ako ng space para makita siya ng malinaw ay halos manlaki ang mata ko.
It's Jock!
Mayamaya lang ay pumasok na rin silang dalawa at umalis saglit si Hunter. Naiwan si Jock na nagmamasid sa buong bahay, tila ba may inaalala siya sa bahay na ito at napakatagal niyang nawala.
Hindi ako nagdalawang isip na lumapit sa kaniya at bahagya pa siyang nagulat nang bumagsak ang tingin niya sa akin.
He stared at my eyes first, and a faint, gloomy smile formed on his lips. Lumamlam din ang mga mata nito.
"Miss..."
"Long time no see, Jock."
"Yeah, medyo maraming ginagawa. Lalo pa ngayon, na kami na lang ni Zyc ang pinakanapagkakatiwalaan ni Hunter sa mga negosyo niya." so si Jock ang nag-aasikaso ng ibang negosyo ni Hunter? Grabeng upgrade ah. From tauhan, to driver, naging tiga linis pa ng bahay at tiga luto ko noon, ngayon nag m-manage na ng ibang business ni Hunter.
"Ikaw, ngayon ko lang nalaman na nakabalik ka na pala rito."
"Oo nga, medyo ang hirap e-explain kung bakit."
"Kumusta ka Miss?"
"Okay naman ako, so far, so I'm doing great."
"Good, your eyes. Okay lang ba? Wala namang conflict?" tumango ako naguguluhan. Ngumiti siya at tila nakahinga ng maluwag.
"Bakit?"
"Huwag mo na lang ako alalahanin Miss." We were interrupted by Hunt's voice. Naririnig namin itong may kausap at mula rito sa baba, nakita namin itong abala sa pakikipagusap on phone.
"Ang laki ng pinagbago ni Hunter."
"Pansin ko rin."
"Apat na taon na simula noong buwagin niya ang organization. Lima lang sa amin ang nakaligtas, pwera siya. Marami sa miyembro namin ang hindi pinalad na mabuhay."
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko pa sa 'yo, pero sa tingin ko dapat lang naman na malaman mo. Apat na taon na simula noong, mangyari ang trahedyang hinding hindi namin makakalimutan. Watak-watak kami noon, Hunter was away for business. I was busy doing some tasks when he left. 'yon pala. The enemy has already set a trap for us. Alam nila ang destinasyon namin, mabuti na lang nasabihan ako ng isa sa kasamahan ko. He warned me, pero bago pa man niya matapos ay nabaril na siya. Tanging putok na lang ng baril ang narinig ko noon. After that, hindi ko na rin ma-contact ang iba. I left everything, mga gamit ko, phones, lahat ng pwedeng magamit upang ma-trace ako hanggang sa tahimik akong makabalik sa hideout namin. And then... What I found in our hideout had become my nightmare. They're all dead. Hindi namin napaghandaan ang biglaang pag-atake ng kalaban. Naging pabaya kami." tumigil siya at sumulyap sa akin saglit bago muling tumingin kay Hunt.
Advertisement
"Nakaligtas si Lester, dahil siya ang naatasan ni Hunter na magbantay sa 'yo. Pero hindi ko inaasahan ang sunod kong nalaman mula kay Zyc. Hunter was convicted after ng ilang business trip niya. Ang sabi sa akin ni Zyc, it was framed. Dumalo noon si Hunter ng ball para sa mga business man. He was drugged at nagising na lang siya, may mga bangkay na sa tabi niya at may mga pulis nang nakatutok ang baril sa kaniya. He was convicted for 9 months. Pinagdidiinan ng mga pamilya ng biktima na siya ang gumawa noon, but then later on he was pulled out. Due to lack of evidence. At dahil na rin sa tulong ng kung sino na hindi ko nakilala. Only Hunter knows." I gasped.
Hindi ako nagkakamali kong ang naalala kong mga panahon na 'yan ay noong 9 months siyang nawala. I was pregnant at that time. Ang tagal kong hindi siya nakita at akala ko'y kasama niya si Amari.
"Nang makauwi siya rito kaagad niyang nalaman kung sino ang mga gumagawa noon sa kaniya." He stopped. Hindi na niya dinagdagan ang sasabihin, at sa loob-loob ko. Iyon din 'yong part kung kailan kami natapos ni Hunter. Iyon ang pinakamasakit na gabi sa akin. Dahil hindi lang asawa ko ang nawala kundi anak, at paningin ko.
"Months after, namatay si Lester ng minalas siya at ang nakasagupa niya sa gitna ng mission niya ay ang mismong boss ng organisasyon na kalaban ni Hunter."
"Lester was supposed to be the eye donor for Hunter that time... Pero Hunter declined and requested to put you on the top list para ikaw na agad ang maoperahan at bilang kapalit, ipinalagay niya ang sarili niya sa pinakahuli ng waiting list." I was shocked. Hindi ko alam kung paano mag r-react sa narinig mula sa kaniya.
So it's really true... Ang naisip ko kahapon. It was Hunter. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako gaanong nahirapan. Kung bakit nakakakita ako ngayon. He saved me from being in the dark, pero ako... Sa loob ng apat na taon, nag p-plano kung paano siya sisirain.
I am worse too.
"Hunter loves you; iyon lang ang alam ko. The rest of the story... It was only Hunter who knew."
Muli silang nag-usap ni Hunter matapos noon. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na si Jock, dahil marami pa raw siyang kailangang asikasuhin. Nauiwan ulit kaming dalawa roon ni Hunter na wala namang balak na pansinin ako.
I didn't try to bother him. Siguro mas makakabuti 'yon sa ngayon.
Tremor called me again. Hindi ko kasi ito nasagot kanina kaya, ngayon ay lumabas muna ako sa garden para kausapin siya.
"Tremor..."
"Busy ka ba? Sorry, I just missed you." I sighed. Naupo ako at tumulala sa kawalan.
"Hindi naman."
"Bakit parang, wala ka sa mood?" Kung tutuusin, pitong taon na kaming nagkakasama ni Tremor. Pero sa naunang tatlong taon, kay Hunter nahulog ang loob ko at hindi sa kaniya na nagsilbing takbuhan ko kapag gusto ko nang kausap. Pwera kay Kimmy, siya 'yong hingahan ko sa t'wing masama ang loob ko kay Hunter. At sa apat na taon, matapos ng trahedyang nangyari sa buhay ko, si Tremor 'yong una kong narinig sa pagmulat ng mga mata ko. Siya 'yong umalalay sa akin, noong nga panahong madilim ang mundo ko. Siya rin ang una kong nakita ng mga panahong bumalik ang kulay ng paningin ko. Sa loob ng apat na taon, si Tremor 'yong andoon. Tinulungan niya akong bumangon. He was my torch. The light. The radiance. Hindi niya ako kailanman iniwan.
Tears fell from my eyes.
Tremor remained loyal to me. Hindi niya ako kailanman sinaktan. Sa kahit anong dahilan.
Kung tutuusin, I don't deserve him.
"Dim?"
"Tremor. Thank you."
"Huh?"
"Na-realize ko lang ngayon, hindi pa ako nakakapagpasalamat sa 'yo." Suminghot ako at nagpahid ng luha.
He chuckled. Parang musika sa pandinig ko ang boses niya. Hindi ko siya kailanman na-appreciate ng ganito. Kahit bumalik ang paningin ko, napagtanto kong hindi ko pala siya nakita sa paraang nararapat para sa kaniya. Hindi ko siya tiningnan sa paraan kung paano ko tingnan si Hunter noon. Hindi ko siya kailanman binigyan ng pansin, which I know he really deserves.
"You're always welcome, because you deserved it. Everything I did for you, you all deserved it. Even my love."
"Si Diana? Okay lang ba siya?"
"Yes, I was even spoiling her. Ang cute lang niya. Gusto mo bang makausap?"
"Hindi na, hayaan mo na muna. Kausapin ko na lang kapag andyan na ako."
"S-Susunod ka na sa amin?"
Accidentally, napaangat ang tingin ko sa teresa ng bahay, and I saw Hunter. Nakatayo ito roon, malayo ang tingin.
"Wait, tawagan na lang kita mamaya may gagawin lang ako."
"Sige, I love you."
"I love you too, Tremor." Kaagad kong pinatay ang tawag bago pa siya magkasagot ulit.
Advertisement
- In Serial423 Chapters
Amara – Reunion
A college senior goes on a vacation to Italy with her classmates and her world flips upside down when she dies and wakes up as an immortal.
8 6152 - In Serial37 Chapters
Chaos (old)
Once upon a time, there was a boy. A boy who only knew to take. A boy who brought the night... Once upon a time, there was a girl. A girl who only knew to give. A girl who brought the day... And once upon a time, the demon king met a god. Time flows by, and now there is only the boy. A broken boy. A boy who knew only to take. A boy who brought the night. But now he wonders: Why? Why must he only take? Why must he bring the night? And why must the day die for the night to be born? Author's note: I found the cover online, and I used it because I thought it looks like how I envision the MC... If the owner wants me to take it down, just tell me and I'll do so. Minor spoiler about the cover; this information is revealed in the prologue: Spoiler: Spoiler This is his day form. His night form is just different color hair and eyes...
8 229 - In Serial30 Chapters
My Mate The Alpha King
Read the story to find out.This is my first story so bear with me.Amelia the Alpha of the most powerful pack.Xavier the Alpha prince soon to be the Alpha king.Read their love story.The credit for the cover goes to @_navyblueee_
8 273 - In Serial31 Chapters
Delusion
Pieces, Poetries and Songs, straight out of my heart - from a girl who lives in delusion...
8 143 - In Serial28 Chapters
Lydia | ✔️
"Did you punch him in the face?""No!" She laughed. "That's not the Lydia I know," Carter shook his head, staring up at the grey clouds with a reminiscent expression. "The Lydia I know punched me in the face the first time we interacted.""We were five." She deadpanned but felt a little enthralled that he remembered. "Yeah, so you should be able to hit harder now." Copyright ©️Cover and graphics made by the one and only @Ashely_Mariex
8 242 - In Serial38 Chapters
The Bad Boy's Favorite Girl
When both of her parents leave on a business trip for a few months, Alina Hadley is sent from Fort Worth to Greenwich, where her mom's best friend lives. She is introduced to a whole new world, one that she wasn't aware of when she moved seven years ago. This change from Texas to Connecticut is topped off with having to live with the school's bad boy, Jay Von Baron. Will Alina last these few months?
8 165

