《Hunter's Wrath (Completed)》Chapter 36
Advertisement
I am happy. Magkakaanak na rin kami ni Tremor. Masyado kasi kaming busy sa loob ng limang taon na kasal kami, kaya hindi rin kami agad nagkaroon ng anak. Saka sapat naman na si Dian pero blessing pa rin na magkakaroon na kami ng sariling anak namin.
"May gusto ka bang kainin, hal?"
"Hmm? Wala pa naman... Hindi ako nagugutom."
"If you need something, tell me asap, okay?" ngumiti ako. He caressed my hair, stroking every strand of it before he pressed his forehead against mine.
"I so damn love you, Dim." He sniffed. Sinapo ko ang mukha niya at pinahid ang luhang kumawala. Pati tuloy ako naiiyak na.
"Mahal din kita, Tremor... Hmm?" ngumiti siya sa kabila ng pagluha. We hugged each other so tight, na tila ayaw na n'yang bumitaw. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang kamay niyang humahaplos sa sinapupunan ko.
"Baby, naririnig mo ba si daddy?" I chuckled. Dugo pa 'yan, Tremor. But of course, I didn't spoil his moment. Alam kong pangarap din naman niya ang magka-anak kami at masaya akong naibigay ko 'yon sa kaniya. Pakiramdam ko, mabuti akong asawa.
"Bukas hal, pupunta tayo sa resort ng parents ko. Birthday ng anak ni Shane... Iniimbitahan tayo, okay lang ba sa 'yo?" Sa tingin ko'y iniisip niya rin na nandoon si Hunter.
But Hunter and I are just part of the past. Kung ano man ang namagitan sa amin ni Hunter noon, hanggang doon na lang iyon.
"Sure, wala namang masama. Saka I also want to meet their daughter. I'm sure makakasundo siya ni Diana, pwedeng pwede silang maging mag-ate." Nakangiting sabi ko. I wonder what his daughter looks like. I'm sure she's very beautiful, kasi gwapo ang tatay.
Maaga kaming gumising kinabukasan. Aligaga pa si Tremor na mag-pack ng gamit namin dahil two nights daw kami roon. Si Diana naman ay abala sa phone ko.
"Mommy, daddy told me na magkakaroon na raw ako ng little brother... Is that true?" Sinuklay ko ang buhok niya, habang abala pa rin siya sa paglalaro.
"Yes, pero hindi pa natin alam kung baby brother ba or baby sister."
"Kahit alin sa dalawa mommy! Excited na ako makilala siya."
Advertisement
"Ako rin baby, excited na rin ako. Huwag mo aawayin ah?"
"Of course! Promise mommy aalagaan ko s'ya. I will be a good big sister!" nagtaas pa siya ng kamay na tila nanumpa kaya pinisil ko ang pisngi niya at nakangiting tinitigan siya sa harap ng salamin. When I saw her eyes, bigla akong natigilan at napakunot noo.
Those eyes... May kilala akong ga---
"Hal?" Nawala sa isip ko 'yon at napalingon kay Tremor na nakasimangot at tila may problema.
"Bakit?"
"Ipapasundo ko na lang kayo kay Kimmy." Nakasimangot pa rin na sabi niya.
"Bakit? Anong nangyari? Hindi ka sasabay?" He brushed his hair.
"May kailangan akong asikasuhin, puntahan ko lang. Susunod ako kung hindi mamaya baka bukas." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo bago sa labi, he also dipped his head down to kiss my tummy before he smiled at me.
"I'm sorry, kailangan ko talagang puntahan. Babawi ako bukas hmm?"
Halatang nag-aalangan s'ya na umalis.
"Kung importante talaga, you should fix it first. May bukas pa naman o baka naman mamaya ay makahabol ka rin." Tumango-tango naman siya bago muling tumunog ang phone at sinagot iyon.
"I really have to go, papunta na rito si Kimmy." Tumango ako at pinanood siyang lumapit kay Dian.
"Baby, kayo muna ni mommy ha? Alagaan mo si mommy at si baby brother or sister mo habang wala ako."
"Yes daddy! Promise!" Tremor kissed her forehead, bago siya muling lumingon sa akin at yumakap bago umalis. I was stunned in my place as I silently watched him leave.
Kinakabahan ako. Wala siya. Parang pakiramdam ko ang hirap harapin ni Shane at Hunter kung wala si Tremor.
Hindi rin naman nagtagal matapos makaalis ni Tremor ay dumating na rin si Kimmy.
"Hay naku! Ang hirap talaga kapag business man ang asawa at CEO pa 'no? Lagi na lang busy! Kaya ayaw niyan dating manahin ang mga negosyo ni dad e." Naiiling na sabi ni Kimmy.
"Hayaan mo na, wala na rin naman kasing mag m-manage e." Malungkot na sabi ko at ngumiti naman siya.
"You're right! So let's go? Asaan na ang pamangkin ko?"
Advertisement
"Auntie! I'm here!" Lumabas Dian at patakbong lumapit kay Kimmy.
Hindi na rin kami nagtagal sa bahay at nagsimula nang bumyahe patungo sa resort. Tanghali na rin kami nakarating at si Dian naman ay tuwang tuwa sa buhangin habang naglalakad kami patungo sa beach house kung saan kami tutuloy.
Hindi pa lang kami nakakaabot ay natanaw ko na ang bulto ng isang lalaking palapit sa amin.
Hindi ko alam ang magiging reaction. Bumati ang asawa ni Kimmy rito at ganoon din sa si Kimmy bago tumama ang tingin niya sa akin at kay Dian, hanggang sa nasa harapan na namin siya.
"Hey, little girl." Dian innocently looked up at him.
"Can I help you carry your little bag?" inosente pa rin siyang tiningnan ni Dian bago ito marahang tumango at tumingala sa akin. Wala akong naging reaction kaya kinuha na ni Hunter ang maliit na bag ni Dian bago ito tumingin sa akin.
"You're pregnant. Let me carry your bag." nakaramdam ako ng ilang at pagkalabog ng dibdib ko.
I let him take my bag from my hand. Iyon 'yong inimpake ni Tremor para sa amin at dapat s'ya ang magdadala no'n.
"Salamat." Tipid na sagot ko sa kaniya pero hindi na siya nagsalita pa. Sumabay siya sa amin paglalakad. Dala niya ang gamit namin, habang hawak ko naman sa kamay niya si Diana.
Nakarating kami sa beach house, at nanatiling nakasunod sa likuran namin si Hunter.
"Dimaria! Buti nakarating na kayo! Hey doon mo na lang sa first room ilagay 'yan, that will be their room. Thank you." Tahimik namang sumunod si Hunter at umakyat sa taas.
"Nagsabi kasi sa akin si Tremor na hindi siya makakasabay kaya pinakiusapan ko asawa ko na sunduin kayo sa labas. Hindi ka pwedeng magbuhat-buhat. Medyo malaki pa naman bag mo. Anyway! Eto na ba si Diana?" May kirot sa dibdib ko na pilit kong hindi pinansin. Bakit parang nadismaya ako sa narinig?
"Ah, oo."
"Hi Dian! I'm Tita Shane, cousin of your dad."
"Hello, Aunt. I'm Diana." malumanay na sagot ng anak ko at pinisil naman siya ni Shane sa pisngi. Bahagya pang tumagilid ang mukha ni Shane at natulala sa mukha ng anak ko bago napatingin sa akin.
"B-Bakit?" I asked.
"Uh... Wala... may kamukha lang kasi si Dian, pero hayaan mo na...Ganoon naman talaga." Naguluhan ako sa sinabi niya ngunit hindi na rin ako nakasagot pa ng ayain niya kaming ihatid sa room namin, sakto pa na papalabas si Hunter.
"Where's Harsh?" He asked his wife.
"Nasa room niya..." Tumango lang si Hunter, at tumingin sa akin bago kami nilagpasan.
"Pahinga na muna kayo. If nagugutom kayo or you need something to eat, just tell me andyan naman si Hunt." Tumango ako at nagpasalamat. Umalis na rin si Shane ng kwarto na 'yon dahil may mga aasikasuhin pa raw siya para sa event bukas.
"Mommy! Ang ganda rito."
"Nagustuhan mo?"
"Yes, po! Saka ang babait nila, lalo na 'yong gwapong mama." I smiled.
"That's your Tito Hunter, asawa siya ng Tita Shane mo." she giggled.
"Gusto ko po mommy pag laki ko, ang maging asawa ko ay katulad niya." Huh?
"Hey, you're too young to think about that. Saka bakit hindi tulad ng daddy mo?"
"Ew, mommy! Ayoko isipin na tulad ni daddy kasi daddy ko s'ya." Napatawa na lang ako sa sinabi niya.
We both planned to sleep, so we could rest. Yakap ko si Dian hanggang sa tuluyan kaming nakatulog.
Ngunit nasa kailaliman kami ng pagtulog ng biglaan na lang may mga yabag kaming narinig, hanggang sa marahas na bumukas ang pinto na siyang kinabalikwas namin ng anak ko.
I saw Hunter, panting and looking at me worried.
"H-Hunter?" I asked in confusion. Bumangon ako at lumapit sa kaniya para mas makausap siya.
"Bakit?" Instead of answering, he hugged me. Mahigpit. Kumalabog ang dibdib ko. Umahon ang kaba at hindi maipaliwanag na emosyon. Gusto ko siyang itulak pero para na akong naparalisa. Pumasok si Kimmy na umiiyak, ganoon din si Shane habang nakatingin sa akin.
"W-What's wrong? W-What the hell is happening?" I was confused. Nanatiling nakayakap sa akin sa Hunter, tila ba kino-comfort ako.
Shane took my hand, held it tight, and Kimmy hugged me.
"Dimmy... Wala na si kuya."
Advertisement
- In Serial66 Chapters
STORM | Josh Christopher
It's a story worth reading! Featuring a lot of your favourite high school/college basketball players!
8 152 - In Serial55 Chapters
Please Don't Eat Me!
I have reincarnated as Aerta Arlez, the Purifier in a fantasy novel intended for male readers.As the Purifier, I can heal the wizards' minds tainted with 'malignity'.Duke Zahid el Carnoire is the wizard who is in need of me.I did my best to avoid Zahid all my life.Because, if I get intertwined with Zahid, I was going to meet the worst ending that a human can have.Alas, my family went bankrupt even before meeting the protagonist.Now I had to choose between two worst endings.Starve to death or.....?I pondered. In the end, I decided to make a deal with one of my worst endings. *****Written by SAHA 2019Published (English) by BIFROST 2022Published (Original Work) by Feelyeon 2019Translated (English) by Yihyun Evelyn Joo 2022Note: The translation is accurate to the original Korean version - some phrases and terms may be preserved during the localization process for the spirit of the story.
8 289 - In Serial32 Chapters
My Bully Is My Roommate??!! [Jungkook FF✓]
Jungkook is ur bully since high school until now that is college. and u guys are roommates. let's see what happens next~!! LET'S GO!!
8 91 - In Serial60 Chapters
If You Let Me
"Cause if you let me, here's what I'll doI'll take care of you"Allaya is just a girl from the Caribbean trying to make it in NYC. She's too busy going after everything she's ever wanted to be bothered with the drama that comes with love and relationships. She's so used to being alone that she doesn't know how to let someone in. So, what happens when she falls in love with her boss, rapper, and mogul Dave East?I do not own any of the images used in this book or on the cover. All fictional characters do not reflect the names and face claims in reality.
8 125 - In Serial62 Chapters
Bringing the Nation's Husband Home II
Thirteen years ago, she fell in love with him. Because she was young and shy, she didn't dare confess her love.Thirteen years later, she was still in love with him. She loved him so much she tried her hardest to conceal it.The furthest distance on Earth was the distance between them - so close, and yet he didn't realize that she loved him. She stood before him, and yet she didn't dare to let him know that she loved him.But he did.***OFFICIAL BRINGING THE NATION'S HUSBAND HOME'S ENGLISH VERSION ON Wattpad☆ MINT(10 TO 9.9) GRADE CHINESE/MANGA NOVELTHIS WILL BE THE SEQUEL TO BRINGING THE NATION'S HUSBAND HOME.If you haven't read the first one, this one will make ABSOLUTELY ZERO SENSE as this is a continuation of Bringing the Nation's Husband Home.
8 185 - In Serial30 Chapters
May I have this Dance? // Minho Leeknow SKZ
Part of a trio Band, Han Jina, quiet but explosive vocal onstage and a private personality meets Stray Kids Minho (Leeknow) continuously by fate. They find themselves in a dance studio together full of tension. Minho, with a sarcastic sense of humor and loud vibe sees Jina as a challenge with her mysterious ambience. As their lives begin to entangle with each others, will both singers be able to reach an understanding through the hardships? This is a Stray Kids fan fiction (Leeknow ff) , but for those who do not know Stray Kids you will still be able to understand as well :)# 178 out of 1000 Self Love stories# 3 out of 48 risingupbooks stories # 709 lee out of 8.7K stories # 417 stray out of 3.2K stories # 28 lino out of 142 stories
8 145

