《[Filipino] PIRASO》Chapter 1
Advertisement
Nagising akong nakahiga sa sementong sahig. Halos wala akong maaninag at hindi ko rin maalala kung nasaan ako. Batay sa kakaunting ilaw sa paligid, alam kong wala ako sa aking kwarto. Hindi ito ang aking condo sa Quezon City.
Ngunit naramdaman kong parang pamilyar sa akin ang lugar. Kahit anong pilit kong maalala kung ba't ako narito --saan man ito—at kung ano'ng nangyari upang magising akong nakahiga sa sahig, walang bumabalik na alaala sa isip ko. Isa pa, wala akong maibigay na dahilan kung bakit wala akong kahit na anong suot na damit.
Kinapa ko ang aking katawan para siguraduhin ito at tama nga ang aking hinala. Hubad nga ako. Medyo mabagal bago ko ito nasigurado dahil halos manhid na manhid ang pareho kong kamay. Ngunit pagkaraan nang marahil labinlimang segundong pagkapa ay nasabi kong wala nga akong kahit anong saplot sa katawan.
May ilang bagay akong naisip na maaaring rason kung ba't wala akong damit—lahat 'di mabuti ngunit 'di ko masabi kung alin dito ang tama. Hindi naman ako nahihilo o nasusuka kaya't wala naman ako sigurong nainom na gamot na pampatulog. Siguro. Walang masakit sa aking katawan, hindi naman yata ako nabagok. Kinapa ko ang aking noo at bumbunan kung may sugat o bukol ako sa ulo at wala namang nahanap.
Kung sana may bumalik lang sa aking alaala ay maaaring matagpi ko na ang mga pangyayari. Ano nga ba ang huli kong naaalala? Nagda-drive ako papuntang... probinsiya. Para... para saan? May kung anong importanteng dahilan kung bakit ako nagpunta dito. Mahaba-haba rin ang biyahe at nagpunta ako sa... isang bahay. Kaninong bahay? May mali dito. May mga butas sa aking memorya na ayaw pang mapuno kahit anong isip ko.
Unti-unti akong umupo. Kung mabagal ang aking pag-iisip at memorya ay mas mabagal lalo ang paggalaw ng aking katawan. Habang ako'y pabangon upang umupo, pakiramdam ko ay babagsak ako kahit anong sandali. Halos wala akong pakiramdam sa aking mga braso at binti. Sinubukan kong iwagayway nang bahagya ang aking kanang kamay. Kung hindi ko bahagyang naaaninag ang kamay ko sa ilaw ay hindi ko siguro masasabing gumagalaw ito. Gayunpaman, kumpara sa kanina ay mas may pakiramdam na sa mga ito.
Ako'y nasa isang maliit at pahabang kwarto. Nasanay na rin ang aking mga mata sa dilim at nakita kong may kaunting ilaw na nanggagaling sa dalawang bintana. May isang lamesa malapit sa akin. Sa likod ko naman ay isang pader. Mayroon ring isang lababo malapit sa akin. Nasa isang kusina ako.
Kinabahan ako nang nakarinig ako ng isang kaluskos galing sa di kalayuan. Naulit pa ito at nasundan ng isang mabagal na ungol. May kung anong panganib dito, naisip ko.
Sa puntong ito, mga limang minuto na siguro magmula nang ako ay magising. Sinubukan kong tumayo at bagamat mabagal pa rin ang aking paggalaw, nagawa ko ito. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may posibilidad na ako'y mabuwal. Mukhang wala naman. Siguro ay bumabalik na ang lakas sa aking katawan.
Patuloy pa rin ang pag-ungol. Dapat ba akong magtago o dapat akong lumapit sa pinanggagalingan nito? Mula sa kung nasaan ako nakatayo, hindi ko pa rin makita kung sino pa ang kasama ko rito. Wala ring kahit anong mapupulot sa paligid ko na pwedeng gamiting sandata. Kahit na alam kong nasa isang kusina ako, walang kutsilyo o kawali dito. Isa pa, sa panghihinang nararamdaman ko, duda akong may magagawa ako upang protektahan ang sarili ko. Marahil ay kung sino man ang nandito ay ang may dahilan sa pagkawalan ko ng malay kanina.
Advertisement
"Tulong." Mahinang sabi ng kung sinoman ang may gawa ng pag-ungol kanina.
Natagpuan ko ang sarili kong naglalakad na lang sa kadiliman patungo sa boses. Sa paglapit ko dito ay napansin kong bahagyang mas may liwanag na sa lugar na ito dala na rin ng mga iilang bintana. Kakabit lang rin ng kusina itong isang sala na ito, batay sa mga kagamitan. Pero hindi ko na rin napansin nang maayos ang lugar dahil sa puntong iyon ay nakita ko na ang dalawang katawang nasa sahig.
Ang isa ay nakaupo sa sahig at sa pader. Isang lalake na malaki ang pangangatawan at hindi na gumagalaw. Isang kutsilyo ang nakatarak sa kanyang dibdib. Lumapit ako nang ilang hakbang upang makita nang mas maayos ang kanyang kalagayan. Naramdaman ko ang panginginig ng aking katawan nang nakita ko ang dami ng dugo sa lapag. Alam kong patay na ang taong ito o kung hindi man ay maliit ang tsansang mabubuhay pa siya ngunit naisip kong kung sakaling makahanap ako ng telepono ay tatawag ako upang may magpunta ritong ambulansya. Kung maalala ko o may mahanap na detalye sa lugar na ito na magsasabi sa akin tungkol sa kung saan man ako naroroon.
Kilala ko ang pangalawang tao na nasa sahig at gumagapang patungo sa akin. Kagaya na unang lalake, mayroong kutsilya rin na nakasaksak sa kanyang katawan, sa kanyang likuran. Nagkatinginan kami. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita ngunit hindi ako maaaring magkamali. Siya si Joshua Mirasol at nagpunta siya rito upang gampanan ang huling habilin sa kanya ng kanyang namayapang kaibigan. At sa kung anumang dahilan, may nangyari ngayong gabi at dumating ang isang lalakeng hindi niya kilala. Nagawa niyang patayin ang lalake at ngayon, siya naman ay mukhang 'di rin makakaligtas. Siya si Joshua Mirasol. Alam ko ito dahil ako rin si Joshua Mirasol.
Hindi ko siya magagawang lapitan. Alam kong kung hindi ko siya matutulungan ay mamamatay na rin siya ngunit hindi ako makagalaw. Wala akong maisip na matinong eksplenasyon kung bakit nasa sahig ako at gumagapang, habang narito ako't nakatayo. Lumakas ang aking kutob na isang panaginip lang ang lahat na ito. Posible nga ba?
Hindi. Alam kong totoo ang nagaganap na ito. Lumapit ako at lumuhod sa kung saan siya—ako—ewan, at tiningnan kung ano ang pwede kong gawin para sa kanya. Cellphone. Marahil may cellphone siya sa isa sa mga bulsa niya. Naalala ko bigla na ang suot ng Joshua'ng ito ay ang suot ko rin noong nagpunta ako sa probinsya. Kung tama ako, ito'y kaninang umaga. Unti-unti nang bumabalik ang aking mga alaala. marahil dahil sa presensya ng isang Joshua.
Pero teka, wala akong oras para pag-isipan ang mga bagay na 'yan. Cellphone. Ayaw ko siyang hawakan dahil ayokong maisip na totoong tao nga siya. Ngunit napansin ko muli ang kutsilyong nakatarak sa kanyang likod at sa dugong sumisirit mula dito. Kailangang magmadali. Sinalat ko ang kanang harapang bulsa ng pantalon niya kung saan ko kadalasang inilalagay ang aking cellphone. Wala. Sa kabilang bulsa'y wala rin. Nasaan?
Sa labas ng bahay. Tama, ginamit ko ang cellphone kanina, noong kinailangan kong kumonekta sa internet gamit ang laptop. Kasalukuyan akong nasa bahay ni Alexis sa Batangas at may ginawa ako rito, bagay na importante para sa aking namayapang kaibigan.
Advertisement
Okay. Pinagmasdan kong muli ang lugar na kinalalagyan ko ngayon. Mabilis na ngayon ang pagbalik ng aking mga alaala tungkol sa lugar na ito. Halos tumakbo ako palabas ng living room at patungo sa balkonahe kung saan naroon pa rin ang aking laptop at sa tabi nito ang cellphone. Sandaling sumagi sa isipan ko na ako nga pala ay hubo't-hubad pa rin ngunit dahil hindi naman ito ang panahon para maging mahiyain, mabilis kong tinungo ang lamesa at hinablot ang cellphone bago tuluyang bumalik ulit sa loob ng bahay.
Hindi ko alam kung ano ang emergency number sa probinsiyang ito. Subukan ko kaya ang 116? O mas dapat kayang kumonekta ako sa internet upang i-search ang numero nito? Panic. Alam kong hindi ito makakatulong sa akin, literally sa akin, ngunit hindi ko ito mapigilan. Alam kaya niya? Papalapit ako sa kanya nang napansin kong wala na sa kanyang pwesto kanina ang isa pang lalake. Malaking pagkakamali ang aking nagawa. Nagkunwari lang siguro siyang patay dahil hindi ko pa nagagawang lumingon upang hanapin siya ay naramdaman ko na ang isang tuloy-tuloy na pagtulak mula sa aking likuran.
Bumangga ako sa pader una ang aking dibdib. Halos maubusan ako ng hininga sa baga dito. Hindi pa ako nakakaisip ng maaari kong gawin para protektahan ang sarili ko nang maramdaman ko ang dalawang kamay sa magkabila kong balikat na humila sa akin para lamang muli akong itulak tungo sa pader. Sa puntong ito ay nauntog rin ang aking noo sa simento at panandaliang namuti ang aking paningin. Hindi kaagad na tinuloy ng lalake ang ginawa niyang pag-atake sa akin kaya't nagawa kong magpumiglas at nabitawan niya ang kanan kong balikat. Mabilis akong umikot upang magkaharap kami at kasama ng aksyong ito ay sinipa ko siya palayo. O sinubukan ko dahil halos walang pwersa ang pagsipa kong ito. Nagawa nitong itulak siya palayo ngunit hindi ko masabing may nagawang pinsala sa kanya. Tangina. Sa puntong ito'y naramdaman kong parang isa lang itong panaginip. 'yung klase na kahit gaano ka naiinis sa iyong kaaway, parang tapik lang ang pwersa ng mga suntok at sipa mo. Pero hindi ito panaginip. Totoong buhay ito at ang taong nasa harap ko'y marahil walang intensyong payagan akong mabuhay.
Hindi pwedeng panghinaan ng loob, sabi ko sa aking sarili. Bilis, mag-isip ka. Ano ang pwede mong gawin? Kausapin siya? Tanungin kung sino siya at ano ang putanginang nangyari kung bakit ako hubad at kung siya nga ba, marahil siya nga, ang sumaksak sa isa pang Joshua. Bakit ako nakahubad? Kahit ano basta mabigyan ko lang ang sarili ko ng dagdag na oras.
Dahil liwanag lang ng buwan ang nakakapasok na ilaw, ilang detalye lang sa lalake ang aking napansin. Ang isang kutsilyo'y nakatusok pa rin sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib. Matipuno ang kanyang pangangatawan. Napansin ko ring may edad na siya dahil sa kulay ng kanyang buhok. Siguro nasa 50s o 60s na siya. Dinig na dinig ang kanyang patuloy na hingal.
Walang ibang tutulong sa akin. Sa gilid ng aking paningin ay nakita ko si Joshua na hindi na gumagalaw. Sa puntong ito higit na nananaig sa akin ang intensiyong tumakbo na lamang at iwanan ang lalakeng ito at ang sarili ko ngunit hindi ko rin matantya kung kaya ko itong gawin. Bumalik na nang kaunti ang aking lakas ngunit hindi ko masabi kung makakatakbo ako nang tuloy-tuloy o magagawa pa ring habulin ng lalake. Malubha ang kanyang sugat, ngunit ramdam ko pa rin ang kanyang lakas sa ginawa niyang nakaraang pag-atake. Malamang ay naghihintay lang ito ng pagkakataon kung kailan niya ako muling dadambahin.
Tangina. Sige, gawin na natin ito.
"Manong. Teka lang. Hindi mo ako kaaway. Hindi ko kayo kilala. Hindi ko alam ang nangyayari dito. Nagising na lang ako dito. Hindi ako kasali sa away niyo nung lalake diyan. Payagan niyo na lang akong umalis o kaya itatawag ko ho kayo ng ambulan—"
Sinuntok niya ako gamit ang kanyang kanang kamao. Ang totoo ay hindi naman ako umasa na makikinig siya sa akin pero mabuti na ring masubukan. Habang nagsasalita ako ay handa ako sa anumang maaari niyang gawing biglaang pag-atake. Napansin ko kaagad ang paghanda niya upang suntukin ako. Pero kahit inabangan ko ito, hindi ibig sabihin ay kaya kong iwasan. Tumama sa aking panga ang mabigat na kamao ng matandang lalake at ako ay nawalan ng balanse.
Gayunpaman, kahit hindi ko ito naiwasan ay 'di rin ito tumama ng solid sa akin. Nagawa kong bumalikwas patagilid upang mabawasan ang pwersang dulot ng suntok. Ang problema ay isa palang kombinasyon ang plano niyang gawin. Isang left uppercut ang sumikmura sa akin dahilan upang halos masuka na ako sa lakas ng suntok. Posible ring hindi lamang imahinasyon ang naramdaman kong pag-angat ng pareho kong paa mula sa lupa dahil sa lakas ng pangalawang suntok na ito.
Hindi ako makahinga. Nanlaki ang aking mga mata. Tumulo ang aking laway sa braso ng lalakeng ito. Kabaliktaran ng kanina, ngayon naman ay nagdilim ang aking paningin. Kung mawalan rin ako muli ng ulirat ay sigurado akong hindi na ako papayagang magising ng taong ito.
Kaya't bago pa ako mawalan ng malay ay hinawakan ko na ang kutsilyo sa kanyang dibdib. Ito rin naman talaga ang plano kong gawin ngunit hindi ko naisip na makakalapit ako sa ganitong paraan. Di bale, ang importante lang ay ang kamay ko na mahigpit kong isinara sa hawakan ng kutsilyo.
Narinig ko ang dagliang pag-igik niya pagkahawak na pagkahawak ko dito. Panalo na ako. Kung hugutin ko ito ay siguradong magtutuloy-tuloy ang pagkaubos ng dugo sa kanyang katawan. Kapag diniinan ko naman ito lalo ay malamang aabot na ito sa higit na parte ng kanyang puso. Sa halip, binigatan ko ang buo kong katawan at dumausdos ako pababa hawak pa rin ang patalim.
Dumausdos rin pababa ang kutsilyo at sumirit ang dugo ng lalake sa kanyang harapan. Karamihan dito ang pumaligo sa akin. Halos sabay kaming bumagsak. Ako na napaluhod sa sahig. Siya naman ay nahulog patalikod, napaupo at napahiga nang nakatiyaya. Nang inangat ko ang aking leeg upang tingnan siya, nakita kong wala nang buhay sa kanyang katawan. Ang kanyang mga mata ay nakatingin na lamang sa itaas tungo sa kisame. Nanalo ako.
Advertisement
- In Serial331 Chapters
The Hunter - Trilogy
“Start talking.” Ullir said.“Go to hell.” The scaly alien spat.“You have always underestimated me.” Ullir said and touched the alien's arm with the Light sword and he screamed. “You believe that I hold your lives in high regard, and you couldn't be farther from the truth. You are scum. The worst of the worst.” He said and slowly moved the Light sword through the alien's arm, who screamed again. I publish daily with occasional breaks between books. Preliminary cover by me.The first book (Star Wars like, 777 pages, part one) is done. A complete rewrite / retelling / massive expansion / using some of the ideas from Reborn Into Starwars, Summoned into Fantasy by TTT144. With permission, I made it my own. I've actually created a whole new universe for it.The second book (Fantasy, 1,348 pages, part two) is done, and characters from the first book are in it, crossing scifi and fantasy.The third book (Scifi, 1,983 pages, part three) is done, and characters from the first and possibly second books are in it.
8 142 - In Serial66 Chapters
Canticle: Code Caligula
Death to you. A phrase the demon "Bloodstrider" Mura knows all too well; living out his unusual life as a would-be assassin in an unforgiving world. But in a twist of fate, Mura is exiled to Earth, stripped of his powers and is now hunted by those he once called comrades.
8 114 - In Serial81 Chapters
Tasteless
My name is Haru Tashikawa. I lost my parents when I was a child. I don't remember them much, but I was told that they were real superheroes who possessed superpowers. After my parents' death, I was raised by my uncle and he was everything to me. He was the one who taught me all about life.BUT THEY TOOK HIM AWAY AND NOW I'M GONNA HUNT THEM DOWN AND KILL EVERY SINGLE ONE OF THEM. Edit: Be warned since this is the first story I ever finish, the grammar is atrocious. COVER WAS DONE BY CLARK-C2 DeviantArt Page There is minimum Profanity in this novel but I'm still gonna tag it.
8 221 - In Serial11 Chapters
Rioneed : VRMMORPG
Rioneed isn't like any other Virtual Reality games that are very popular in the 24th century. the game is like a whole new world filled with many secrets and hidden dangers. Ibru is an Egyptian player who traveled back in time for ten years at the beginning of this game. how would he try his best to change his destiny and destiny of the humanity? what secrets he will be stunned when he discover them? how will he do when he knows these deep secrets ? this is a long journey filled with unpredictable events and many thrilling challenges .
8 109 - In Serial17 Chapters
A Very boring book
There is nothing better than a really dumb book that's wastes a lot of your time
8 166 - In Serial25 Chapters
The times and struggle of a orc cook in the Demon Lord's army. (On Hiatus due to reasons seen in summary)
Title needed a change. So a full honest update to you all who are reading and following this story. I'm putting this story on a Hiatus not only because of I'm trying to improve my spelling and grammer (which is slow going) but also due to other reasons listed down below. 1) The story is getting a full re-write as these last months have given me time to see what I have already writen and what else I have planned is not gonna work no matter how much I've tried with what I call 'test chapters' to see how what works or not. 2) I don't really have the time to write, mainly thanks to life deciding to throw a bunch of stuff and leaving me exhausted both mentally and physically. And what little free time I have is barely enough for me to do anything that other than sleep or play a game for maybe 15 min. 3) I have a job and bills to pay. Some of which are overdue. It also dose not help that thanks to the new inflations in prices, I've been struggling to get things in order. So now you all know. Once things have calmed down and gotten somewhat in order again, I'll be posting the new first chapter as soon as I can along with a new summary for the story. Until then, I hope you all have a nice day and enjoy all the other stories you can find around this wonderful site.
8 143

