《The Present Series 5: If Only (COMPLETED)》Chapter 11
Advertisement
"PWEDE ba tayong mag-usap?"
Ang mga salitang iyon ni Akeem ang bumungad kay Demi pagbukas niya ng pinto ng kanilang bahay.
Minasdan niya ang binata. Seryosong-seryoso ang mukha nito. Naroon ang kagustuhan niyang yakapin ito nang sandaling iyon pero hindi niya magawa. Miss na miss na niya si Akeem. Pakiramdam niya ay napakalayo ng binata sa kanya. Ito na ang pinakamatinding problemang naranasan nila.
Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. Tumalikod siya at naramdaman niyang sumunod ito sa kanya. Umaasa siyang magkaka-ayos rin sila ngayon. Dahil hindi niya kayang maging ganoon sila ng binata, nasasaktan siya.
Huminga siya nang malalim ay hinarap ito. Nakatingin ito nang mataman sa kanya. Gustung-gusto niyang haplusin ang mga mata nitong parang napakaraming problema.
"Akeem..." mahinang sambit niya.
Nakita niya ang paghugot nito ng malalim na hininga. Parang nahihirapan ito nang sandaling iyon.
"Nandito ka ba para makipag-ayos sa akin?" Hindi na niya naitago ang kagustuhan niyang iyon. Ngumiti siya rito.
"Demi..." malamlam ang mga matang nakatingin ito sa kanya.
Bumikig ang kanyang lalamunan. Hindi na niya kaya pang pigilin ang emosyon. "Handa akong kalimutan ang mga nangyari basta dito ka lang Akeem." Namasa ang kanyang mga mata. "D-Dito ka lang sa tabi ko." Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya napigilan ang paglandas ng kanyang mga luha sa mga mata. "K-Kasi hindi ko kaya na ganito tayo... hindi ko kayang malayo ka sa akin," nasasaktang sambit niya.
"I'm so sorry Demi," malamlam ang mga matang sambit nito. "Sorry kung wala ako sa tabi mo noong kailangan mo ako." Hinayaan niyang maglandas ang kanyang mga luha. "Sorry kung naramdaman mo na wala akong pakialam sa'yo." Hindi nakaligtas sa kanya ang sakit na dumaan sa mga mata nito. Unti-unting lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang balikat. Tumingin ito sa kanyang mga mata na puno nang pagsamo. "Sorry kung nasaktan kita. But Demi... please don't make it hard for me," nahihirapang sambit nito. "D-Dahil hindi ko alam kung kaya kong sabihin sa'yo ang totoong dahilan kung bakit ako nandito." Puno ng paghihirap ang tinig nito.
Natigilan siya sa sinabi nito. Biglang naramdaman ng puso niya ang matinding kaba habang nakatingin sa mga mata ni Akeem na puno ng pagkalito.
"A-Ano'ng sinasabi mo Akeem?" nangangambang tanong niya habang dama ang kaba sa kanyang dibdib.
Unti-unting binitawan nito ang pagkakahawak sa kanya. "Nandito ako para..." dama niya ang paghihirap sa tinig nito. Nakita niya ang paghugot nito ng malalim na hininga bago tumingin ng tuwid sa kanyang mga mata. "Para magpaalam sa'yo."
Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan sa narinig. Pakiramdam niya nang sandaling iyon ay tuluyan nang mawawala sa kanya si Akeem. Umiling-iling siya... hindi, nagkakamali lang siya sa narinig.
"S-Saan ka pupunta?" abot-abot ang kabang tanong niya.
Iniiwas nito ang tingin sa kanya. "Aalis ako kasama ang mga magulang ko papuntang America."
Para siyang unti-unting pinapatay sa sinabi nitong iyon. Bakit pakiramdam niya ay tuluyan na itong malalayo sa kanya?
"Kaya pala..." nasasaktang sambit niya. "Kaya pala hindi ka nakikipagkita sa akin nitong mga huling araw dahil aalis ka na pala," nahihirapang sambit niya. Iyon pala ang dahilan kung bakit abala ito. Ngayon ay lubos na niyang naiintindihan ang lahat. "Bakit Akeem?" puno ng pagdaramdam ang puso niya. "B-Bakit kailangan mong itago sa akin ang mga plano mo? Akala ko ba walang maglilihim? Hindi ba ang sabi mo, wala tayong dapat itinatago sa isa't-isa?" nasasaktan siya sa isiping naglihim ito. "Akeem hindi naman kita pipigilan eh. Kung gusto mong umalis... papayag ako. Pero babalik ka pa hindi ba?" abot-abot ang kaba niya sa tanong na iyon. "Babalik ka pa rin sa akin hindi ba?" Muling naglandas ang kanyang mga luha sa mga sinabing iyon.
Advertisement
He just looked at her. Ni wala siyang mabasa sa ekpresyon ng mga mata nito.
"Hindi ko alam," mahinang sambit nito. "Hindi ko alam kung kailan ako babalik." Sumikip ang dibdib niya sa sinabi nitong iyon. "Sa America na ako mag-aaral dahil gusto kong tulungan si mommy sa pagpapatakbo sa kumpanya niya. At gusto kong pamahalaan na ang kumpanya niya."
Tigas siyang umiling sa mga sinabi nito. Mapait siyang ngumiti. "Hindi... hindi mo gustong hawakan ang kumpanya ng mommy mo. Kahit-kailan ay hindi mo iyon ginusto. Hindi iyon ang pangarap mo!" lumakas ang kanyang tinig sa matinding emosyon. Lumuluhang lumapit siya sa binata at sinapo ang mukha nito. Nasasaktan siya sa kalamigang nasa mga mata nito. "A-Ang pangarap mo ay magkaroon ng auto company," puno ng luhang sambit niya. "Iyon ang matagal mo nang pangarap," mariin niyang patuloy.
Parang libo-libong patalim ang bumaon sa dibdib niya nang alisin nito ang kanyang mga kamay sa mukha nito.
"Noon iyon Demi... hindi na ngayon," malamig na sabi nito. "Na-realized ko na wala nang saysay pa ang pangarap kong iyon," mariin ang tiniog nito. "At ang gusto ko na lang gawin ngayon ay ang pamahalaan ang kumpanya ng mommy ko. Iyon na ang pangarap ko ngayon," walang emosyong pahayag nito.
Umiling-iling siya. "Bakit napakadali para sa'yo ang kalimutan ang matagal mo nang pinangarap? Sa isang iglap ay kakalimutan mo na lang ang lahat ng iyon?" puno ng pagdaramdam ang kanyang tinig. Hindi siya makapaniwala na naririnig niya ang mga salitang iyon sa binata. Siya ang higit na nakakaalam noon pa man ng lahat ng pangarap nitong gawin sa buhay. "At iiwan mo ako dahil doon?" nasasaktang sambit niya. "M-Mas mahalaga pa ba sa'yo ang bagay na iyon kaysa sa akin?"
"Oo!" malakas na hiyaw nito na dahilan para matigilan siya. "Mas mahalaga ang pag-alis ko kaysa sa'yo!" Namumula ang mukhang sambit nito. Pinagpira-piraso ang kanyang puso sa masakit na salitang iyon. Lumapit ito sa kanya at muling hinawakan ang kanyang balikat. Nanginginig ang kanyang buong katawan sa sakit na nararamdaman. "Wala nang mas mahalaga pa sa akin ngayon kundi iyon na lang."
Marahas na bumitiw siya sa pagkakahawak nito. "Hindi... hindi totoo 'yang sinasabi mo," puno ng luhang sambit niya. Ayaw maniwala ng kanyang puso sa mga sinabi nito. "A-Akeem nangako ka sa akin... ang sabi mo kahit ano'ng mangyari hindi mo ako iiwan kahit-kailan," garalgal ang tinig niya. "Akeem hindi ko kaya..." nahihirapan na siya sa sakit na nararamdaman. "H-Hindi ko kayang malayo ka sa akin. Buong-buhay ko ikaw lang ang nasa tabi ko. Paano pa ako mabubuhay kung iiwan mo na ako? Paano na ako Akeem? Paano na ako..." paulit-ulit na sambit niya sa nahihirapang tinig. "Akeem..." lumapit siya rito at hinawakan ang mga kamay nito. Nakayuko lang ito habang pulang-pula ang mukha. Alam niyang kagaya niya ay nahihirapan din ito. "Huwag mo namang gawin sa akin ito. Please huwag mong gawin ito... huwag kang umalis Akeem. Huwag mo akong iiwan," nagmamakawang sambit niya. "M-Mahal na mahal kita Akeem."
"I'm so sorry Demi..."
Nanigas siya sa kinalalagyan sa labis na sakit na nararamdaman. Unti-unti nitong inalis ang kanyang mga kamay sa kamay nito. Pakiramdam iya ay unti-unti siyang pinapatay sa ginawa nitong iyon.
Pinuno niya ng hangin ang dibdib sa paghihirap. Pakiramdam niya ay mabubuwal na siya anomang sandali.
"S-Sorry?" puno ng hinanakit na sambit niya. "Hindi ko kailangan ng sorry mo Akeem," matigas ang tinig niya. "Ang kailangan ko ay ikaw!" malakas na hiyaw niya. "At ang pangako mo sa akin na hindi mo ako iiwan kahit-kailan!" nasasaktang sigaw niya. "Napakasinungaling mo!" marahas na hiyaw niya. Hindi niya napigilan ang sarili at pinagbabayo niya ang dibdib nito. Doon niya ibinuhos lahat ng sakit at paghihirap na nararamdaman niya. Hinayaan lang siya ng binata. Hanggang sa maging hagulgol ang kanyang mga pag-iyak. "A-Ang sabi mo hindi mo ako iiwan pero ano? Ipagpapalit mo ako sa pangarap mo!" Wala siyang pakialam kahit maubos ang boses niya sa pagsigaw. Gusto niyang pakawalan lahat ng sakit na nararamdaman niya. Hanggang sa mapagod siya at hindi niya napigilan ang sariling dumausdos pababa at napaluhod siya sa sahig habang puno ng luha ang kanyang mga mata. "I-iiwan mo akong mag-isa..." mahinang bulong niya.
Advertisement
"P-Patawarin mo ako Demi..."
Ramdam niya ang paghihirap sa tinig nito. At wala nang sasakit pa ang sandaling iyon nang makita niya ang mg paa nitong unti-unting tumalikod sa kanya.
Nataranta siya. Hindi niya kaya na mawala si Akeem nang tuluyan sa kanya. Nag-angat siya ng tingin at ang papalayong pigura nito ang kanyang nakita.
"A-Akeem..." pagtawag niya. Huminto ito pero hindi tumingin sa kanya. "B-Bumalik ka please?" nagsusumamong hiling niya. "N-Nakikiusap ako... huwag mo akong iiwan."
Lumingon lang ito sa kanya ay buong-puso niya itong yayakapin. Pero nawasak ang mundo niya nang nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa mawala sa kanyang paningin.
Wala siyang ibang magawa kundi ang humagulgol. Sinapo niya ang dibdib, nahihirapan siyang huminga. Parang wala nang paglagyan pa ang sakit na nararamdaman niya.
HINDI maampat ang mga luha sa mga mata ni Demi habang nakahiga at nakasubsob ang kanyang mukha sa unan sa loob ng kanyang kwarto.
Ang sakit at paghihirap na nararamdaman ng kanyang puso ay hindi niya alam kung kaya pa niyang dalhin. At ang lahat ng iyon ay si Akeem ang dahilan. Hindi niya kayang tanggapin na mawawala na ito sa kanya. Mahal na mahal niya ang binata. Paano siya mabubuhay kung iiwan na siya nito?
Ipinagpalit siya ni Akeem sa sinasabi nitong pangarap na nito ngayon. Hindi siya makapaniwalang magagawa nito iyon sa kanya. Nawala na ang lahat ng pangako nito sa kanya. At ang pinakamasakit roon ay binalewala nito ang pagmamahal niya para rito.
Inalis niya ang unan sa kanyang mukha at dahan-dahang umupo. Pinahid niya ng kanyang mga kamay ang mga luha sa pisngi. Hahayaan na lang ba niyang mawala nang tuluyan sa kanya ang pinakamamahal? Alam niya na mahal na mahal rin siya ni Akeem. At ipaglalaban niya ito.
Hindi na siya nagdalawang-isip at mabilis na tumayo mula sa kama. Iisang direksyon ang tinahak ng kanyang mga paa. Ang kinaroroonan ni Akeem. Payapa siyang nakarating sa bahay ng mga ito. Naabutan niya ang isang kasambahay na isinasara ang gate.
Kilala niya ito. "Manang Chona," tawag niya.
"Oh Demi!" gulat na sabi nito at huminto sa pagsara sa gate. Hinarap siya nito. "Ano'ng ginagawa mo rito hija?"
Humiga siya ng malalim at pinagsalikop ang mga kamay. "Manang... nandiyan po ba si Akeem? Gusto ko po sana siyang makausap."
Nakita niyang natigilan ito sa kanya. Bigla siyang kinabahan sa inaakto nito.
"Hindi ba nagpaalam sa'yo si Akeem hija?" Napalunok siya nang mariin. "Kahapon pa sila umalis papuntang America kasama ang mga magulang niya. Ako at ang ilang mga kasambahay ang pinagkatiwalaan nilang maiwan sa mansion."
Pinanlamigan si Demi sa narinig. Namasa ang kanyang mga mata sa labis na sakit na naramdaman. Wala na... wala na ang lalaking mahal niya. Tuluyan na siyang iniwan ni Akeem. Sa isiping iyon naramdaman niya ang paglandas ng kanyang mga luha sa pisngi.
"I-Iniwan na ako ni Akeem," puno ng sakit ang pusong sambit niya.
"Demi, hija..." Narinig niya ang nag-aalalang tinig ni manang Chona. Dinaluhan siya nito. "Bakit ka umiiyak? Hindi ba nagpaalam sa'yo si Akeem?"
Pinahid niya ang mga luha at pilit na ngumiti rito. "Pasensya na po kayo. Sige po, aalis na ako. Maraming salamat po."
Tumango lang ito at mabigat ang mga paang naglakad siya palayo. Pero dinala pa rin siya ng kanyang mga paa sa isang lugar na nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay nila ni Akeem. Namalayan na lang niya ang sarili na nasa tapat ng talyer.
Lalo lang nadurog ang puso niya nang makitang sarado na iyon at ibinebenta na ang pwesto ng talyer. Ayaw tanggapin ng puso niya na iniwan na siya ni Akeem. Pero mariing sinisigaw ng isip niya na iniwan na siya nito.
Mahal na mahal kita Akeem. Ikaw lang sa puso ko. Pero bakit hindi mo nagawang pahalagaan ang pagmamahal na iyon? Bakit kung sino pa ang inaasahan kong hindi ako iiwan kahit-kailan ay siya pang nang-iwan sa akin? Piping sambit niya sa kanyang isip.
Iniwan niya ang lugar na iyon at umuwi sa kanilang bahay. Gusto niyang magkulong sa kanyang kwarto at matulog. Para kahit papaano ay makalimutan niya ang bigat na nararamdaman ng puso niya.
Natigilan siya nang makita ang mama niya na pababa ng hagdan. Nanlalalim ang mga mata nito at napakaputla ng mukha. Nagpapasalamat siya dahil nakakausap na niya ito. Pero napapansin pa rin niya ang madalas na pananahimik nito at palaging nakatulala.
Bakas ang lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Ayaw na niyang dagdagan pa ang problema nito kaya sasarilinin na lang niya ang lahat.
Hindi niya napigilan ang sarili, lumapit siya rito at yumakap nang mahigpit. Doon ay pinakawalan niya lahat ng sakit na nararamdaman niya. Kahit ano'ng pilit niyang maging malakas ay naging mahina pa rin siya nang maramdaman ang pagganti ng yakap nito.
Hinayaan niyang maglandas ang kanyang mga luha habang nakayakap rito.
"W-Wala na siya ma... iniwan na niya ako. I-Iniwan na ako ni Akeem," puno ng sakit at paghihirap na sambit niya. Hindi na nga niya naitago ang tunay na nararamdaman.
Ramdam niya ang masuyong pag-alo ng ina sa kanya. "Shh... tahan na anak," nanginig ang tinig nito. "I'm sorry... I'm sorry Demi," umiiyak na sambit nito. "Ito lang ang alam kong gawin ngayon para damayan ka... ang yakapin ka at iparamdam ko sa'yo na nandito ako. Mahal na mahal kita anak at hindi ka nag-iisa."
Nagsumiksik siya sa mga yakap nito. Ito na lang ang meron niya. Iyon ang kailangan niya ngayon, ang pansamantalang maramdaman na hindi siya nag-iisa. Dahil alam niya kapag kumalas na siya sa yakap ng mama niya ay mag-iisa na naman siya.
Advertisement
- In Serial273 Chapters
Age of Gods - A VRMMO Story
Darren is just an average guy, not rich, not poor, not too fat, not too thin, just about everything regarding him is in the 'Goldilocks Zone'. He spends his leisure time playing VRMMO's, but he isn't the righteous hero or conniving villain, instead, he spends his time hunting down the rarest resources to craft the most powerful items he can. Today Karonite Industries newest VRMMO is launching and Darren is ready to play. Join Darren in a new world on his adventures in Age of Gods! ------------------------------------------- I had previously started writing this story but became dissatisfied because of my lack of experience. Now, Age of Gods is relaunching with the same premise but many many changes. I hope you will all enjoy this journey with me! (Just a quick note, any reviews dated before 12/10/2018 are for the previous version of this story.) I did not make the cover if the owner of the art wants me to take the image down please just send me a message and I will comply immediately.
8 293 - In Serial33 Chapters
From Nothing
Rejoice Humanity! You have been invited to join the Galactic Hegemon. It is time for our Centenary Caste Competition. The best 1% of humanity will be given a 1 cycle tutorial before the 5 cycle contest. Be brave, be bold, but most of all, be strong and earn your place and privileges. Burning red letters hung large in the vision of everyone on earth that knew a written language. At the same moment that smartest, fastest, and strongest people on the planet disappeared with nothing to mark their passing. After a cycle of training and growth they would compete to earn their place in their suddenly expanded galaxy. This is not their story. Joe did his best to take care of his parents house and stay healthy. He was the only one of the four family members not chosen. The societal upheaval made by the announcement made the inflation and purges of the 20's seem pleasant by comparison but he keeps his head down and survives. Once the next message arrives 11 months later about the contest starting, even that society broke down into city states around large population centers. Joe tightened his belt and looked forward to the day that his family returned. Two years later burning red letters once again filled his vision. Humanity, the last of your competitors have been eliminated. Your determined caste level is 13 of 13. As such your planet has been claimed and will be repurposed for ideal resource production. Rifts will be seeded across the planet to increase resources and mana density. Your orbit will be corrected to ideal Hegemon standard. Do not interfere with any Hegemon activity, as the bottom caste you have no rights. Rejoice that all castes receive at least the basic Hegemon Growth System. Better luck next century. Joe didn't comprehend any of it. His family was dead. Everything he cared about was gone.
8 139 - In Serial52 Chapters
Psych Investigation Episodes
Jack Harris thought failing math was the worst thing that ever happened to him. That was before he discovered he had superpowers: before he became the prime suspect in a series of murders.
8 157 - In Serial22 Chapters
Raw Rothbard
I am a freshly divorced, retired special agent. My mind, body, and spirit are in shambles but I am recovering. I use this public forum to air my personal bullshit, hoping to find answers to my two biggest questions: why did my life get so fucked up even though I always tried so hard and what should I do in my next attempt at building relationships? I am Raw Rothbard.
8 211 - In Serial37 Chapters
Beastly
Beastly- very unpleasant, cruel, unrestrained."You know beauty fell in love with the beast" "Yeah but he didn't kill her father"This amazing cover was made by the beautiful and talented @zealouszoeyStarted - 16th May 2016Finished -16th April 2018
8 80 - In Serial52 Chapters
Akatsuki x Reader One-shots (DISCONTINUED)
Requests are closed!!! I probably read all Akatsuki fanfiction there is so I decided to write some, how hard could it be??? (probably very hard) This book contains very sexual scenes in some chapters!!!I do not own any naruto characters! I also do not own the cover. I thought it was cool and decided to use it. All rights go to the owner!
8 582

