《The Present Series 5: If Only (COMPLETED)》Chapter 14
Advertisement
"PWEDE ba'ng huminto muna tayo dito?"
Nilingon ni Demi si Akeem habang nagmamaneho ito ng kotse. Naabutan niya ito kanina sa tapat ng kanilang building nang pauwi na siya. Nagprisinta itong ihatid siya. Ayaw na niyang magdiskusyon pa sila kaya pumayag na siya.
Tiningnan niya ang dinadaanan nila. Naroon sila sa baywalk. Maaliwalas ang kalangitan ng gabing iyon at nakita niyang may ilan din na mga taong nakatambay roon.
"Okay," pagpayag niya. Hindi niya alam kung bakit ginagawa iyon ni Akeem. Gusto niyang umiwas pero hindi pwede dahil may kailangan siya rito.
Huminto ang sasakyan. Kaagad itong bumaba. Ganoon din siya. Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng pinto na palagi nitong ginagawa noon. Sinaway niya ang sarili. Bakit ba palagi na lang niyang binabalik ang dati?
Tumingin siya sa kalangitan. Napakagandang pagmasdan ng mga bituin.
Napangiti siya habang nakatingin roon.
"Ang ganda-ganda ng ngiti mo."
Nabura ang ngiti niya sa boses ni Akeem na nasa tabi na niya. Nilingon niya ito. Nakangiti ito sa kanya. Kaagad niyang iniiwas ang tingin. Hindi niya kayang tagalan ang nakikitang kislap sa mga mata nito.
"Iyon naman dapat ang gawin 'di ba? Ang ngumiti at maging masaya," saad niya.
"Tama ka..." Narinig niyang sabi nito. Naramdaman niyang tumingin rin ito sa maaliwalas na kalangitan. "Dapat lang na maging masaya ka Demi." Tumingin siya rito at nagtama ang kanilang mga mata. Dama niya ang malakas na pintig ng puso niya habang ang mga mata ni Akeem ay may kislap. "Because you deserve to be happy."
"Naging masaya ang buhay ko Akeem," seryoso niyang tugon. "Kahit na maraming pagsubok ang pinagdaanan ko ay naging masaya pa rin ako. Dahil walang puwang ang lungkot sa mundong ito. Na kung may mga bagay man na naging dahilan kung bakit nalungkot ako... ay kinalimutan ko na ang mga iyon at hindi na dapat pang balikan," mariin niyang patuloy.
"Demi..." naging malamlam ang mga mata nito at hindi naitago ang dumaang sakit roon.
Huminga siya ng malalim. Hindi niya alam kung kaya pa niyang pigilan ang emosyong biglang umahon sa dibdib niya.
Advertisement
"Hindi ba ganoon naman iyon Akeem?" mariin niyang saad. "Kinakalimutan na dapat at hindi na inaalala pa ang mga taong naging dahilan ng lungkot mo noon. Iyong taong nanakit at nang-iwan sa'yo," hindi na niya napigilan ang magbuhos ng damdamin.
"Hindi ko gustong saktan ka noon Demi," malungkot ang mga matang sambit nito. "I'm so sorry."
Tumawa siya ng pagak. "Huwag mong pagsisihan ang isang bagay na sinadya mong gawin Akeem," walang emosyong saad niya.
Humugot ito ng malalim na hininga. "Alam ko at ramdam ko ang galit mo sa akin. Demi..." hindi siya nakakilos nang hawakan nito ang kanyang mga balikat. Nakatingin ito sa kanya na puno ng pagsamo ang mga mata. "Kung may magagawa lang ako para piliin na huwag kang masaktan ay ginawa ko," mariing sambit nito.
"But you chose to hurt me," nasasaktang sambit niya. Hindi na nga niya naitago ang nararamdaman ng puso niya. "Akeem kinaya kong mabuhay kahit na alam kong mahirap," pinuno niya ng hangin ang dibdib sa matinding emosyon na lumulukob sa kanya. "K-Kinaya kong mag-isa... nang wala ka. Kaya hindi kita kailangan sa buhay ko," matatag na patuloy niya.
Dahan-dahang binitawan nito ang hawak sa kanya. "Sabihin mo sa akin kung ano'ng dapat kong gawin para patawarin mo ako?" nagmamakaawa ang tinig nito. "Oo alam ko nasaktan kita pero sana mapatawad mo ako Demi." Humugot ito ng malalim na hininga. Kita rin niya ang paghihirap sa mga mata nito. "Dahil nasasaktan akong nakikita ang galit sa mga mata mo habang nakatingin ka sa akin."
Bumikig ang kanyang lalamunan nang makita ang pamamasa ng mga mata nito. Lumunok siya ng mariin at sinisikap na papatagin ang sarili.
"Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan Akeem?" puno ng hinanakit ang tinig niya. "Kung may isang higit na nasaktan dito... ako iyon," mariing tinuro niya ang sarili. "D-Dahil iniwan ako ng isang taong hindi ko akalaing iiwan ako." Sa pagkakataong iyon ay hindi niya napigilan ang paggaralgal ng tinig. "Tapos ngayon ay bumalik ka at muli mo na namang pinaalala sa akin ang mga bagay na ayoko nang maalala pa."
Advertisement
"Demi!" lumapit ito sa kanya at sinapo ang kanyang mukha. Nagpumiglas siya pero hindi siya nito hinayaaan. "Demi please... makinig ka sa akin."
"Ayoko nang makinig sa'yo!" malakas na sigaw niya.
"Bumalik ako para sa'yo," mariing sabi nito na nagpatigil sa kanya. Tumingin siya rito na puno ng pagsamo ang mga mata. "Gusto kong ibalik ang dati," puno ng diing saad nito. "Gusto kong hingin ang kapatawaran mo. Please... give me another chance," nagmamakaawang hiling nito.
"Pagkatapos ano?" mapait niyang turan. "Iiwan mo ako ulit?"
Naramdaman niya ang masuyong paghaplos sa kanyang mukha. "Hindi," mariin nitong tugon. "Hindi na kita iiwan kahit-kailan," masuyong sambit nito.
Napakasarap sanang marinig ang mga salitang iyon. Pero ayaw na niyang umasa pa sa mga salitang iyon na siya ring nanakit sa kanya.
"Tama na Akeem!" tumaas ang kanyang tinig at kumawala rito. "Huwag ka nang magsinungaling pa dahil alam natin pareho na bumalik ka para sa kumpanya niyo," malamig na sabi niya bago iniwan ito at sumakay siya sa kotse.
How dare him to say that to her? Naikuyom niya ang mga kamay sa magkahalong sakit at pait na nasa puso niya.
PABAGSAK na umupo si Akeem sa couch. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at dinama ang sakit na nararamdaman ng puso niya.
Parang unti-unti siyang pinapatay nang makita sa kanyang isip ang galit na mga mata ni Demi sa kanya. Walang katumbas na sakit para sa kanya ang galit nito na alam niyang para sa kanya. Gusto niya itong yakapin at alisin ang lahat ng sakit na nararamdaman nito. Pero alam niyang hindi sapat iyon.
Mula nang magkita sila ulit ay napakasaya niya. Hindi niya akalain na ito ang nagrepresenta sa kumpanyang pinagtatrabahuan nito na gustong maging distributor ng kanilang kumpanya. Nang malaman niya iyon mula sa sekretarya niya ay labis ang naramdamang saya ng puso niya. Dahil hinintay niya ang sandaling iyon... ang muling makita ang kaisa-isang babaeng minahal niya.
Bumikig ang kanyang lalamunan sa matinding emosyong nararamdaman. Wala siyang ibang minahal kundi si Demi lang. Ang mga panahong wala ito sa tabi niya ay napakasakit para sa kanya. Kahit ano'ng gawin niya ay ito lang ang isinisigaw ng puso niya. Dahil mahal niya ang dalaga mula noon hanggang ngayon. Nang yakapin niya ito ay ayaw na niyang bitawan pa ito. Gusto na lang niya itong ikulong sa mga bisig niya.
Tama ito, bumalik siya para sa kumpanya. Pero sa likod ng dahilang iyon ay bumalik siya para kay Demi. Iyon ang ipinangako niya sa sarili. Nangako siya na kapag bumalik siya ay babalikan rin niya ang pinakamamahal. Na gagawin niya ang lahat maging kanya lang ulit si Demi. Dahil hindi niya kayang mawala pa ito sa kanya sa pagkakataong iyon.
Mahal na mahal niya ito at ipaglalaban kahit ano'ng mangyari. Gusto niyang makasama ito ulit. Mayakap at mahagkan. At wala siyang ibang gagawin kundi ang mahalin ito.
Iminulat niya ang mga mata at iginala ang paningin sa kabuan ng bahay. Hindi na niya napigilan ang pagkawala ng mga luha nang maalala ang lahat ng masasayang alaala nila ni Demi sa unit na iyon.
Naroon siya San Diego Compound, sa dating unit na ginamit nila ni Demi, ang unit 1-F. Doon niya piniling tumira mula nang bumalik sa bansa. Kahit na pwede naman siyang tumira sa kanilang mansion ay doon pa rin siya tumira. Dahil gustung-gusto niyang balikan ang mga magagandang alaala nila ni Demi roon. Ang lugar na iyon na lang ang naiwan sa masasayang alaala nila.
Pagkatapos ng pagtira nila roon ay naghiwalay rin sila ng dalaga. Naalala niya ang sumpa. Hindi siya naniniwala roon kahit na naghiwalay sila ni Demi pagkatapos tumira roon. Naniniwala siya na ang pagkakataon ang dahilan ng paghihiwalay nila at ang pagkakataon rin ang gagawa ng paraan para bumalik sila sa piling isa't-isa. At gagawin niya ang lahat maging kanya lang ulit si Demi.
Pinahid niya ang mga luha at huminga ng malalim. Kung alam lang ni Demi kung gaano kasakit para sa kanya ang iwan ito. If only he could tell her everything....
Advertisement
- In Serial39 Chapters
From the Final World
I have lived a long, long time. Longer than the universe knows; longer than any star has seen or traveling light records. My memories; that is all that is left that knows that length, and that which was seen within it. Then again, that is all that ever did. When I am gone, it will be forgotten, a truth and a history lost forever no matter who or what tries to find it. I think that is why I write this now. A record, or a lament, of the most significant being of all time. It is a prideful exaltation of endless triumph, or the dread condemnation of infinite evil. I don’t know which; I shall leave it for others to judge. I could explain further, of course. I could list the sins that have been committed, the deeds that have been done. Yet for now, I believe this is enough. Her story will speak for itself. About the good, and evil, in the heart of a single girl burdened with more than her fair share. And how she reacted to it. So, I will tell her story. Of gods and devils, mortals and monsters, of legends long forgotten and civilizations long turned to dust. And in the end, I hope she knows herself, whether it is salvation, or destruction, she should receive.
8 186 - In Serial227 Chapters
Re:World
What would you wish for if you have one? Power? Wealth? Immortality? Yet he wished for something different. In his entire life, he was mocked, humiliated, and backstabbed. But not this time. He’s was born a human, But they say his worse than the devil. His personality is twisted as it can be. One moment he beheaded someone next his smiling with blood all over him. Why I am telling you this? What is this all about? Hahaha, you’ve done well to listen to me up until this point. Let me tell you a story of a boy named Reiki. Like any other name, it’s plain and simple but to others this name was special. To some, he was their Lover, Enemy, and Savior. This is not a story about him being a saint and helping the entire world achieve world peace nor a story about him being a devil killing everything in sight like you he was only human. But you don’t want to hear the story like this no let me start over. One day Reiki killed his best friend for selling him out and on this day he tried to commit suicide.
8 312 - In Serial15 Chapters
MURDER IS AN ART | ✓
dying is a saving grace.
8 200 - In Serial54 Chapters
Follow the Plot
In many stories, there is many tropes, clichés and so more.However, there is this one, specific trope, in which is called, the reincarnation into another world trope. Otome games, novels, another world. There is countless of them.In this plots, our heroines would always reincarnate into something they do not desire to be. Such as, the villainess or side character that will meet the bad end, aka, the death flag.And now, it seems, it has happen once again. And to stay alive, Estorea will do anything to survive. Even if it means ruining the lives of others.
8 188 - In Serial8 Chapters
life of a dragon slayer
FTO fanfic that is slightly inspired by something written someone
8 152 - In Serial5 Chapters
BAMBISONAS!! MY OCS (DO NOT STEAL!)
My dave and bambi golden apple ocs! PLEASE PLEASE.. DO NOT STEAL!
8 137

