《The Present Series 5: If Only (COMPLETED)》Chapter 15
Advertisement
"DEMI, sandali lang!"
Natigilan Si Demi sa akmang pagbubukas ng pinto sa loob ng opisina ni Akeem nang maramdaman ang paghawak nito sa kanyang braso.
Nagpunta siya roon para ipakita rito ang mga produktong ibinebenta nila at i-discuss rito ang lahat ng iyon. Tapos na siya sa pakay at aalis na nang pigilan siya nito.
Dahan-dahan siyang lumingon. Binitawan nito ang kanyang kamay.
"Pwede ba kitang makausap ng personal?" seryosong tanong nito.
The last time they talked it just turned out to an argument. Kinalma niya ang sarili. Gusto na rin naman niyang matapos ang lahat. At tatapusin niya iyon sa sandaling ito.
Dahan-dahan siyang tumango. "Okay."
"Seryoso ako nang sabihin ko sa'yo na gusto ko ng pangalawang pagkakataon. Gusto kong ibalik ang dati... ang lahat sa atin," puno ng kaseryosohan ang tinig nito.
"Akeem bakit? Bakit mo ginagawa sa akin ito?" nahihirapang tanong niya.
Dahil naguguluhan siya at hindi alam kung ano ang gagawin sa mga sinasabi ni Akeem sa kanya.
Ngumiti ito na hindi aabot sa mga mata. "Tama ka nang sabihin mo na bumalik ako para sa kumpanya. Dahil iyon naman ang dahilan kung bakit iniwan kita," mapait itong ngumiti. "Pero sana ay maniwala ka sa akin na... na bumalik rin ako para sa'yo. K-Kasi kahit ano'ng gawin ko ikaw lang Demi," garalgal ang tinig nito. Hinayaan niyang hawakan nito ang kanyang mag kamay at naramdaman niya ang maingat na pagpisil sa mga iyon. "Kahit malayo ako ikaw lang ang iniisip ko. Hindi ka nawala sa isip ko kahit-kailan. Nangako ako sa sarili ko na sa pagbalik ko... babalikan kita. Kaya nandito ako at nagmamakaawa sa'yo para sa isang pagkakataon."
Damang-dama niyan ang sinseridad sa tinig nito.
"Akeem... pagod na pagod na ako," hindi na niya napigilan ang pamamasa ng kanyang mga mata. "A-Ayoko nang masaktan pa." Nahihirapang dugtong niya. Habang narito ngayon ang binata sa harap niya ay punung-puno ng agam-agam ang puso niya. Hindi niya alam kung kaya pa niyang dalhin ang bigat na nararamdaman ng puso niya. "Kasi natatakot ako Akeem... natatakot ako na kapag hinayaan kitang papasukin ulit sa buhay ko ay iwan mo na naman ako." Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya napigilan ang pagkawala ng kanyang mga luha.
Iyon ang malaking pader na pumipigil sa kanya... ang matinding takot.
"Demi...." Paanas na sambit nito.
Hinayaan niyang hawakan nito nang mahigpit ang kanyang mga kamay.
"Akeem iniwan mo ako noon," nasasaktang sambit niya. "Natatandaan mo pa ba kung gaano ako halos magmakaawa na huwag kang umalis?" mapait niyang tanong. "Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan sa ginawa mo. Alam mo naman na hindi ko kayang mawala ka hindi ba? Pero ano'ng ginawa mo? Iniwan mo pa rin akong mag-isa. Akeem ang sakit-sakit," puno ng luhang sambit niya. "I-Ikaw ang kahuli-hulihang taong iisipin kong sasaktan ako. Pero ikaw pala ang unang lalaking mananakit sa akin," puno ng hinanakit na patuloy niya. "Hanggang ngayon ay nandito pa rin ang sakit... hindi iyon nawala."
"Shh... tahan na Demi," masuyong pag-alo nito sa kanya. Sa nanlalabong mga mata ay nakita niya ang butil ng luhang naglandas sa mukha nito. Naramdaman niya ang pagpahid ng mga kamay nito sa kanyang mga luha. "Patawarin mo ako," nagusumamong sambit nito. "Kung araw-araw na hihingi ako ng tawad sa'yo ay gagawin ko mapatawad mo lang ako. Dahil ayoko nang maramdaman ang galit mo kasi tumatagos iyon dito," mariin nitong itinuro ang dibdib. Punung-puno ng sakit ang mga mata. "Ang sakit-sakit Demi. Kung alam mo lang kung gaano kasakit ang makita ang galit sa mga mata mo."
Advertisement
Pinuno niya ng hangin ang dibdib. Gusto niyang haplusin ang mukha nitong puno ng paghihirap. Pero pinipigilan niya ang kanyang sarili.
"Akeem sinaktan mo ako," nahihirapang sambit niya. "Masisisi mo ba ako ngayon kung nahihirapan akong paniwalaan ka?"
Dahil nagtatalo ang isip at puso niya nang sandaling iyon. Sinasabi ng puso niya na yakapin at tanggapin ito pero mariing sinasabi ng isip niya na tama na ang sakit na idinulot nito sa kanya.
"Can't you feel me?" nasasaktang sambit nito. "Hindi mo ba nararamdaman na nandito ako at hindi na kita pababayaan kahit-kailan?" Humugot ito ng malalim na hininga tanda ng paghihirap. "Hindi na ako aalis Demi... hindi na kita iiwan." Masuyong sinapo nito ang kanyang mukha at puno ng luhang tumingin ng tuwid sa kanyang mga mata. Ang pamilyar na kislap ng mga mata nito ang nabasa niya roon. Puno ng damdamin. "K-Kasi mahal na mahal kita. Ikaw lang sa puso ko mula noon hanggang ngayon," madamdaming pahayag nito. "Wala akong ibang gagawin kundi ang mahalin ka habang-buhay."
Napuno ng pagsuyo ang kanyang puso sa mga salitang iyon. Habang nakatingin siya sa mga mata ni Akeem ay pagmamahal ang tanging mabasasa niya. Pagmamahal na para lang sa kanya.
Dahan-dahang bumitiw siya rito at tumalikod. He can see and feel the pain in his eyes... nang gawin niya iyon. Sinapo niya ang bibig ng kanyang mga kamay. Nahihirapan siyang magdesisyon.
Mahal na mahal din kita Akeem. Impit niyang bulong sa sarili. Ito lang ang laman ng puso niya mula noon hanggang ngayon. Pero ang pagmamahal na iyon ay katumbas rin ng napakaraming takot sa puso niya.
"Hindi ako susuko Demi... hanggang sa mahalin mo rin ako ulit." Ang matatag na tinig na iyon ni Akeem ang narinig niya.
Kinalma niya ang sarili bago binuksan ang pinto at naglakad palabas. Alam niya sa kanyang sarili na mahina ang kanyang puso at hindi alam kung kailan bibigay iyon para sa pagmamahal niya kay Akeem
"MUKHANG abala ka sa ginagawa mo."
Hindi na kailangan pang lumigon ni Demi para kilalanin ang magmamay-ari ng tinig na iyon. Sapat na ang mabilis na pagtibok ng puso niya para malaman na si Akeem iyon. Ito lang ang nakakagawa no'n sa kanya.
Nag-angat siya ng tingin mula sa binabasang papeles sa loob ng kanyang opisina. At sinalubong siya ng nakangiting mga mata ni Akeem. Hinaplos ang kanyang puso sa suyo ng ngiti nito sa kanya. Ang ngiting iyon ang nagpapaligalig sa puso niya.
Pero hindi niya dapat ipakitang apektado siya. Nakita niya ang isang bungkos ng bulaklak na hawak nito. Mula nang sabihin sa kanya ng binata na gusto nito ng pangalawang pagkakataon para sa kanilang relasyon ay palagi siya nitong pinapadalhan ng bulaklak at kung ano-ano sa opisina. Tinotoo nga nito ang sinabing hindi susuko mahalin lang niya ito ulit.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" kalmanteng tanong niya.
Lumapit ito sa kanya at iniabot ang bulaklak at may hawak na isang paper bag. Ipinatong nito ang mga iyon sa mesa.
"Nandito ako para ibigay sa'yo ang mga iyan," hindi mawala-wala ang magandang ngiti sa labi nito at itinuro ang mga dala. "Dinalhan kita ng lunch. Ako mismo ang nagluto ng kare-kare... paborito mo. At meron ding chocolate cookies."
Wala sa sariling napatingin siya sa paper bag na nasa mesa. Talagang ipinagluto pa siya nito. Bumalik ang tingin niya rito.
"Hindi ka na dapat nag-abala pa," aniya.
"It's okay Demi. Kung para naman sa taong mahal ko ay kaya kong gawin ang lahat," puno ng ngiting sambit nito.
Natutunaw ang kanyang puso sa mga ginagawa at sinasabi nito sa kanya. Dahil alam niya sa kanyang puso na totoo ang sinseridad ni Akeem para sa kanya. Ang tanging pumipigil lang sa kanya ay ang matinding takot. Takot na muling sumubok at tanggapin ito sa kanyang buhay.
Advertisement
"Ang mabuti pa kumain ka na. Masama ang magpalipas ng gutom," masigla ang tinig nito. "Here!" Kinuha nito ang paper bag at binuksan ang laman no'n. Naamoy niya ang masarap na ulam.
"Hindi ako nagugutom," walang emosyong sabi niya. "Dalhin mo na lang ulit ang mga 'yan at umalis ka na." Hindi tumitinging sabi niya at inabala ang sarili sa pagbabasa ng papeles. Kahit na wala roon ang atensyon niya.
Natigilan siya nang kunin nito ang folder na binabasa niya at itabi iyon.
Kunot-noong tiningnan niya ito. "Akeem ano ba?" mariin niyang saway.
Ngumiti lang ito. "Mamaya mo na gawin 'yan. Kumain ka muna." Pamimilit nito at inabot sa kanya ang ulam. "Masarap ito. Kumain ka na."
Napapikit siya ng mariin sa pangungulit nito. "Sinabi nang hindi ako nagugutom!" malakas na sabi niya at tinabig ang kamay nito.
Na dahilan kung bakit nabitawan nito at natapon ang hawak na ulam. Natigilan siya nang magkalat iyon sa sahig. Nakonsensya naman siya nang masayang ang pagkaing dala nito.
Lumipat ang tingin niya kay Akeem. Natigilan rin ito at naroon ang lungkot na dumaan sa mga mata.
"Ayos lang na matapon lahat ng pinaghirapan ko," mahinang sambit nito. "Kaya ko namamg ipagluto ka ulit ng lahat ng paborito mo. Hindi ako magsasawang gawin iyon para sa'yo," nakangiting sambit nito. Pero ang ngiting iyon ay hindi aabot sa mga mata.
Bumikig ang kanyang lalamunan sa nakikitang lungkot sa mga mata nito.
Huminga siya ng malalim. "Itigil mo na ito Akeem," walang emosyong saad niya. "Huwag ka nang mag-aksaya pa ng panahon sa akin."
"Hindi Demi," mariin nitong sabi. "Hindi ako titigil sa pagsuyo sa'yo. Hindi ako titigil na patunayan sa'yo na malinis ang hangarin ko. Hindi ako titigil hanggang sa bumalik ka ulit sa buhay ko. Kahit paulit-ulit mo pa akong itaboy ay hindi ako aalis Demi." Mariin ang bawat salita nito. Humugot ito ng malalim na hininga at dama niya ang paghihirap nito. "Magpapatawag na lang ako ng maglilinis rito," anitong nakatingin sa natapon na kare-kare. Ibinalik ang tingin sa kanya. "Kumain ka nang mabuti ha? Huwag kang magpalipas ng gutom," nakangiting sabi nito. "Aalis na ako."
Nakatingin lang siya rito nang unti-unti itong tumalikod sa kanya. Nag-uumapaw sa damdamin ang kanyang puso. Nandito si Akeem at hindi tumitigil para suyuin siya. Alam niya sa kanyang puso na gagawin nito ang lahat tanggapin lang niya itong muli sa buhay niya. At napakahina ng kanyang puso dahil unti-unti iyong bumibigay para sa binata. Dahil mahal na mahal rin niya ito.
"A-Akeem..." hindi na niya napigilan ang sariling tawagin ito. Pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa matinding emosyon.
Unti-unti itong lumingon at sinalubong siya ng kislap sa mga mata nito. Kislap ng pagmamahal na para lang sa kanya. Parang nawasak ang malaking pader na hinarang niya sa kanyang sarili. At napalitan iyon ng pagmamahal para kay Akeem. Sa mga panahong lumipas ay inasam niya ang pagkakataong iyon... ang bumalik ito sa buhay niya.
Dahan-dahan siyang tumayo habang magkahinang ang kanilang mga mata.
"P-Pwede ba'ng huwag ka munang umalis?" nagsusumamong sambit niya. Hindi na niya kaya pang pigilin ang tunay na naramdaman.
Doon ay nakita niya ang pagliwanag ng mukha nito sa kanya. Lumapit ito sa kanya hanggang sa magpantay ang kanilang mga paningin. Namasa ang kanyang mga mata sa damdaming kitang-kita niya sa mga mata nito. Ang pagmamahal na napakatagal niyang hinintay na muling bumalik.
"H-Hindi na ako aalis kahit-kailan Demi," garalgal ang tinig na sambit nito. "Hindi na kita iiwan. Dahil hindi ko na kaya pang mawala ka sa buhay ko."
"A-Akeem... natatakot ako," puno ng pag-aalinlangang sambit niya.
Masuyong ngumiti ito at kinabig siya. Naramdaman niya ang masuyong pagyakap nito sa kanya. At iyon lang ang kailangan niya para tuluyang mawala lahat ng agam-agam sa kanyang puso. At napalitan iyon ng walang kapantay na pagmamahal para sa binata.
Naramdaman niyang hinapit siya nito at hinaplos ang kanyang buhok. Pagsuyo ang kanyang naramdaman. Nagsumiksik siya sa mga bisig nito at doon ay ibinuhos lahat ng laman ng damdamin niya. Wala ng mahalaga pa sa kanya ngayon kundi si Akeem na lang. Pipiliin niyang maging masaya... at iyon ay sa piling ni Akeem.
"Sana ay sapat ang yakap na ito para maipadama ko sa'yo ang buong-pusong pagmamahal ko," masuyong sambit nito habang yakap-yakap siya. "Na mawala ang lahat ng takot sa puso mo." Lalong hinigpitan nito ang yakap sa kanya na parang ayaw na siyang bitawan pa kahit-kailan. "Handa akong maghintay Demi... hanggang sa tanggapin at mahalin mo ako ulit."
Kumalas siya sa yakap pero nanatiling magkalapit ang kanilang mga katawan. Hindi na niya napigilan ang masuyong ngiti rito. Nag-uumpaw sa saya ang puso niya sa kislap ng pagmamahal na nasa mga mata ni Akeem.
Namasa ang kanyang mga mata habang magkahinang ang kanilang mga paningin. "Nandito na ako Akeem," masuyong sambit niya. "Handa na akong tanggapin ka at papasuking muli sa buhay ko. Pwede bang kalimutan na lang natin ang lahat? At maging masaya? Dahil ikaw lang Akeem... ikaw lang ang alam kong makakapagpasaya sa akin. Ikaw lang ang minahal ko sa buong-buhay ko. Na kahit ano'ng pagpipigil ang gawin ko ay nagsusumigaw ang totoo kong nararamdaman. Na mahal kita. Mahal na mahal kita." Madamdaming sambit niya kasabay ng paglandas ng kanyang mga luha. Luha ng kaligayahan.
Lalo siyang napaiyak nang makita ang mga luha nitong kumawala mula sa mata. Sa mga luhang iyon ay hindi maitatago ang walang katumbas na saya.
"M-Mahal na mahal din kita Demi," madamdaming sambit nito. Masuyong hinaplos ang kanyang mukha at pinahid ang mga luha. "Can you please say you love me again?" puno ng luhang hiling nito na parang 'di makapaniwala.
Ngumiti siya ng matamis. "Mahal na mahal kita Akeem."
Muling kinabig siya nito at sa pagkakataong iyon ay hinalikan siya ng buong pagsuyo at tamis. Parehong ibinuhos nila ang kanilang pagmamahal sa halik na iyon. God, she missed him so much. Ang halik na iyon ang tanging nagparamdam sa kanya ng kakaibang sensasyon na umaabot sa buong katawan niya.
May pananabik ang paraan ng halik nito pero naroon ang pagmamahal na damang-dama ng puso niya. Parehong habol ang hiningang kumalas sila sa isa't-isa. Sinapo nito ang kanyang mukha. Ngumiti siya ng matamis. Nangingislap ang mga mata nito sa kanya. Hindi maitatago ang saya.
"Ang tagal kong inasam na marinig ulit sa'yo ang mga salitang iyan," abot-abot ang saya sa mga mata nito. "Mula ngayon ay hindi na ako mangangako nang kahit ano sa'yo. Basta ang gagawin ko ay mahalin ka nang buong-buhay ko." Masuyong sambit nito. "Mahal na mahal kita Demi. Maraming salamat sa pagtanggap mo ulit sa akin."
Ngumiti siya ng walang kasing-tamis. "Ang mahalaga ngayon ay tayo... na mahal na mahal natin ang isa't-isa. Alam ko na habang nandito ka sa tabi ko ay hindi na ako matatakot pa kahit-kailan. Dahil mas matimbang ang pagmamahal kaysa sa takot."
Gumanti ito ng masuong ngiti. "Napakasaya ng nararamdaman ko ngayon at ikaw ang dahilan nito. Mahal na mahal kita Demi."
He grabbed her again and held her tight. Buong-puso siyang tumugon sa yakap. Yakap na punung-puno ng pagmamahal.
Advertisement
- In Serial38 Chapters
Vampire Genesis
Zuheil hurt anyone she could until the consequences of her actions caught up with her when she was murdered in retribution. In the depths of hell, she came upon an entity that had use for her in its perpetual war with the light. She was sent to a world different from her own, to fulfil its vague purpose. Zuheil awakens in the body of a Beast of great power. She must now learn how to control it and, in time, use it to dominate.
8 170 - In Serial7 Chapters
Berk Van Polan And The Creatures Of Darkness
[participant in the Royal Road Writathon challenge] Discord Community: Discord When the call comes down the line to search for a missing princess, a investigator bound by a blood contract to serve her follow the trail to the world of Valiant. Upon arriving there he stumbles on monsters, magic, creatures, spirits, and many more strange things. Not only is there light and darkness in this world, but there is also a dark power building an army in this world to make a return back to earth and cause havoc, now it's up to him and his friends to stop the invasion to earth.
8 189 - In Serial11 Chapters
Failing Can Lead To Peace
We all know and love the Error from the Forced Destroyer multiverse, but what if Error failed? What if 'only' he and Ink survived? But... What if they have to travel to find something? Or should I say, some monsters? Well, let's see. Undertale is made by Toby Fox. AU's are made by many creators. (Sorry, but there are too many for me to track down them all and count them.) Ink is made by Comyet on Tumblr. Error, Geno, and Fresh are made by CQ on Tumblr. (Listed those four since their outcodes.) Forced Destroyer concept, Fate, and Destiny are made by Harrish6. Ship: Errormare
8 191 - In Serial64 Chapters
Marvel-ous Ninjutsu
So content warning first, this is a fanfic of hot steaming garbage. I hope you enjoy it. I will probably put in bad words, fights, maybe gore and maybe some lemons. Or maybe I won’t, we will see how this goes. This story is my attempt to write some fanfiction that I won’t hate, which is still up for debate. Let us follow the MC as he is pushed into the world of Marvel with his own special super power made up from the world of Naruto. This will be close to the MCU, but let's call it Earth-199999-AU. AU is for the author's universe. MCU, check. X-Men, check. Doom and the fan-4? Double check. Other stuff from comics, also check. From Naruto, eye powers? At some point, so check. Tailed beasts and summons? Nope. Chakra and ninja powers? Check and check. Other things to note, I will try to keep the power for the MC in balance. But with his super power it might be hard, those eye powers can be some pretty high level BS. I don’t plan to have a harem for the MC, but I might give one to another character, because I know people like harems. But if I give you a harem, I won’t give you any lemons to go with it. I hope you enjoy the story. If you don’t let me know, or don’t. It’s a fanfic anyways, expect hot garbage. Chapters will be put out when they are put out, I do not have a big back log and I am trying not to burn myself out with writing. Also this is only posted on RR for now. I might at some point post it else where and when I do, I will add a link here.
8 274 - In Serial22 Chapters
Undesired Power
Alex Zuki, a half African-American and a half-Japanese kid moved to Japan where he is bullied for mistaking Anime to be the same as real-world Japan. Five years later, it is even harder to differentiate as he is thrown into a secret world dominated by superpowers and gains the ability to stop time.
8 133 - In Serial16 Chapters
One bowl of Spicy Noodles
It's a fluffy SpicyNoodleshipping fic! Yes, it's Red Son x MK.I'll be posting it to AO3 so more people can enjoy it soon!Cover made by colesmonkies on instagram at. https://instagram.com/colesmonkies_?igshid=4be7tw2191je
8 197

