《Chasing Rainbows》8: Good old times
Advertisement
“You what?” Tanong nito.
Huminga ako ng malalim. Sobrang lalim na sana mahalata niya naman kahit papaano na frustrated na ako dahil sa mga ginagawa niya. I gripped the zip lock bag tightly bago inilapag sa lap niya.
“Hindi ko tatanggapin 'yang isda mo.” Mariin kong sabi saka nag-cross arms pa. Napangiwi si Connor. Nakita ko rin ang pabalik balik na tingin sa amin ng mga bakla niyang kaibigan pero isinawalang bahala ko 'yon.
“At bakit? Pera ko naman ang ginastos ko diyan so accept it, duh.”
I huffed. “'Yon na nga diba? pera mo 'to. Kaya sa'yo na dapat! The last thing I want is some other fish, third wheeling my fishes.” Sinamaan ko pa ito ng tingin.
“Ayoko.” He crossed his arms, looking superior.
Pusnag gala, sinusubukan yata pasensya ko.
“Connor, kunin mo.”
Umiling ito. “Ayaw ko.”
“Connor!” Pagpupumilit ko ulit.
“Ayaw.” He smirked.
Hinampas ko pa ang balikat niya. “Baks...”
“Ayaw. Ko.”
Pusang gala talaga.
“Connor Joselito Eman—”
“Ay teka nga! Ano ba itey? Bakit ang gulo niyo?” Tili ng isang matabang bakla habang pinapaypayan ang sarili niya gamit ang isang pamaypay na may muka yata ni Jin ng BTS.
“Oo nga, masakit sa tenga bakla.” Singit naman ng isa na ang payat payat at muka talagang babae sa sobrang petite. Kainggit.
“Mabuti pa, pag-usapan niyo 'yan.” Ani naman ng isang medyo matino tingnan maliban na ngalang sa abot balikat nitong buhok.
Kilala ko naman sila kaya lang hindi ko na maalala kung sino sa kanila si ganito, ganyan. Bahala sila.
“Itong bruhakels kasi ayaw tanggapin yung binigay kong fishlalu. Akembang na nga ang nag-pay ng anda eh, tapos tatanggi pa.” Bulong ni Connor at sabay sabay naman na napasinghap ang tatlong bakla. Maliban sa akin na medyo nagulat dahil first time ko marinig na mag gay linggo ang baklang 'to.
Ang weird pala?
“Is that true beshycakes?” Nakangangang tanong ng baklang payat, showing off his braces. Rich kid?
Napakurap ako. “Ha?” Ano daw?
“Beshycakes, dapat tinanggap mo!” Hirit naman ng mahaba ang buhok.
“True! Minsan lang gumastos ang baklang 'to kaya dapat tinanggap mo na. Jusko kahit nga yung babayaran naming two pesos para sa xerox na module, ako pa pinagbayad eh!” Sabi pa ng bakla na ikinatawa ko ng patago. I almost forgot na dapat serious mode ako.
Umismid lang si Connor. “Deal or Deal, 'yan lang ang choices.”
“Kung gusto mo talaga itong isda, ede patirahin mo diyan sa mga kaibigan mong bakla.” Seryoso kong sabi. Nagkatinginan naman ang tatlong beki saka sabay sabay na napatingin kay Connor.
“H-Hindi pwede,” Muling tumikhim si Connor. “Diba, mga bakla? Bawal.” Sabay siko nito sa mga ito. Naghahanap pa ng kakampi.
“A-Ah Oo! No pets allowed sa dorm namin.” Sabi ng mapayat na may braces at tumango naman ang mahaba ang buhok. Sinamaan ko ng tingin yung mataba, nakita ko pa ang tahasan nitong paglunok at paglalangis ng muka niya.
Kung hindi lang ako seryoso ngayon, malamang kanina ko pa tinawanan ang itsura ng baklang 'to.
“H-Hector... magsalita ka.” Bulong ni Connor at napalunok lang yung matabang beki.
“Ahm, no pets allowe—”
“Try harder.” Kunwari galit kong sabi saka hinampas ang desk nito. Napapitlag pa silang lahat sa gulat bago parang naiiyak na napapikit yung Hector na beki.
Advertisement
“'Wag sa akin! Baka gawin ko lang tinola 'yang isdang yan. Noong nagdala nga ng pusa si Connor, ginawa kong siopao eh! 'Wag ako please, 'wag ako!”
Halos maiyak na ito.
Napakurap ako. 'Di alam kung tatawa, maaawa, o tatawa talaga. Kaya sa huli natawa nalang ako. Kainis.
“Whatever, basta kapag wala na akong makain sa loob ng isang linggo, itong isda mo ang una kong kakainin.” Pinulot ko mula sa lap niya ang ziplock bag na ikinagulat nilang apat.
“Ay!” Sabay sabay nilang singhap.
“Kala ko yung talong..” Bulong ng mapayat na may brace. Napangiwi nalang ako. Mga green minded pusang gala.
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Gutom na ako. Sana naman nasa cafeteria na si Esther.
Hawak ang ziplock bag na may isda ay naglakad nalang ako sa hallway. Paminsan minsan nililibot ko ang paningin ko sa paligid at minsan ibabalik ko sa isda. Napapatingin pa sa akin ang ibang estudyante dahil sa hawak kong isda. Agaw pansin kainis.
“Coco!”
I stopped saka napatalikod. Nakita ko si Connor na hinihingal pa nang makarating sa tapat ko. Hinabol niya ba ako? Malamang.
“Oh? Babawiin mo ulit si Concon?”
Napataas siya ng kilay bago huminga ng malalim saka umubo. “Bitch who?”
“Si Concon!” Tinaas ko pa ang ziplock bag na naglalaman ng isda niya. Napatanga siya. 'Di manlang tinago ang pandidiri niya sa pangalang binigay ko sa isda niya. Bwisit.
“Can't you come up with a more fashionable name?”
Napairap ako. “Conny?”
“That sounds like your first name, Coco.”
Napakunot noo ako. “Iba ang spelling ng Connie ko sa Conny mo!”
“Same thing. Ang pangit pakinggan.” Napanganga ako, medyo offended bwisit. Nagsimula siyang maglakad kaya sumunod nalang ako.
“Joselito nalang—”
“Just name him Connor! Shut up na okay?”
Tawa lang ang sinukli ko sa kanya. Kahit kailan talaga pikon ang baklang 'to. Highschool palang kami palagi na siyang napapaaway dati dahil ang bilis makipag-sabunutan. Buti nga paborito siya ng nga teachers kundi malamang, wala siyang good morale ngayon.
Nakangiti kong pinagmasdan ang ziplock na naglalaman ng orange na medyo golden na isda. “Be patient with me okay?” Ngiti ko dito.
Hindi pa man kami nakakalayo ay may humarang na nga babae at chinika si Connor. I mentally rolled my eyes saka sila nilampasa. Bahala sila.
“Ay bebe gurl!”
Napatigil ako. Pamilyar ang boses.
“Bebe gurl andito ka pala. Kanina pa kita hinahanap. Nadala ko pala ang panyo mo, sorry ah? Eto bagong laba 'yan, pina-laundry ko pa ng bongga!”
Nanlaki ang mata ko nang tunambad sa harapan ko ang isang panyong kulay kahel. Napalunok ako at agad na nag-init ang muka ko nang makita ang nakangiting muka nito sa harap ko.
“H-Ha?” I stuttered, hindi ko alam ang gagawin.
“Hakdog? Ibabalik ko lang sana. Ayern, sorry ulit ah? Okay bye!”
Naguguluhan akong napakurap nang makita ko si Timothee at mga kaibigan niya na papalayo na mula sa akin. Nagtatawanan pa sila pero ako nakatayo lang at nag-iinit parin ang muka.
P-Pusang gala.
“Kapal ng muka, panyo ko 'yan gaga ka.”
Napapitlag ako nang akmang hahablutin ni Connor ang panyo. Kainis 'di ko pa nga ma-process ang nangyari tapos eepal nanaman siya!
“Akin na muna! Ang Kj mo. Amoy na amoy ko pa pabango ni Timothee pusang gala!” Napatalon ako sa sobrang tuwa. Anak ng pusa, kinikilig ako bakit ganun? Kainis ka Timothee.
Advertisement
“Ugh, ewan ko sa'yo!” Connor suddenly blurted out before crossing his arms and walking away. Leaving me behind.
Nagkibit-balikat nalang ako saka inamoy amoy ulit ang panyong binigay ni Timothee. Pusang gala. Parang pinaliguan niya ito ng pabango niya eh! Amoy na amoy ko si Timothee dito.
Tsaka... bebe girl daw?
Lord am I gonna die? Pusang gala!
Habang patuloy sa pagsinghot ay napatigil ako nang may makita akong maliit na embroider ng letra sa may dulo.
“Co...” Basa ko dito. Binuksan ko pa para makita ko kung ano ang buong nakalagay pero halos takasan ako ng dugo sa nabasa.
“Coco...” Basa ko dito.
Pusang gala?
• • •
Hindi ko na alam kung ilang oras ko nang sinisipat si Connor habang maarte itong kumakain at tumatawa sa cellphone niya.
Ilang oras na din akong nag-ooverthink ng mga bagay bagay nang mabasa ko ang palayaw ko na naka-embroidered pa sa kulay kahel niyang panyo.
Maaaring friendly gesture niya lang 'to sa akin? Maaari ring Connor 'to pero ginawa niyang Coco kasi, uhm, wala nang itim na sinulid?
Pusang gala, nakakabaliw pala.
“Alam mo, I will support you na sana kay Timothee but bakit ganyan ka makatitig sa baklang 'yan?” Siko sa akin ni Esther. Sinulyapan ko siya sandali bago kay Connor ulit.
“Sa tingin mo ba may gusto sa akin si Connor?”
Napaubo siya. “Oh gosh, ang lakas ng loob ah. Ang strong. Straight to the point.”
Umirap ako. “Sagutin mo nalang.”
Nag-iwas muna ito ng tingin bago ako tiningnan na parang tinatanong kung seryoso ba ako o hindi. “Are you like serious right now?”
“Muka bang joke time?” Irap ko. Sabay naming pinagmasdan si Connor na maarteng kumakain ng fried chicken at tumatawa sa cellphone niya. Tinitinidor niya pa ang manok. Ang sosyal talaga.
“Uhm, sa pagpilantik palang ng kamay niya at pangri-reject niya sa'yo, baby Coco... ano sa tingin mo ang sagot?”
Napabuntong hininga ako. Totoo nga naman. Pero palayaw ko 'yong nakalagay doon eh? Alangan namang sa ibang Coco eh ako lang ang Cocong kilala niya.
“Gaga.” Biglang bulalas ni Connor kaya napalingon kami sa kanya.
“What?” Esther asked.
“Mga gaga kayo. Bakit ganyan kayo makatingin sa akin?” Sinamaan niya pa kami ng tingin.
Ako na ang sumagot dahil ako naman talaga ang kanina pa nakatitig sa kanya. “Nakita ko kasing may palayaw ko na nakasulat sa panyo mo,” Simula ko. Napatigil siya saka tinaasan ako ng kilay.
“Pinagsasasabi mo?”
Tinapon ko sa muka nito ang panyo niyang may maliit na cursive na nakaukit sa bandang baba kung saan nakalagay ang nickname ko.
“H-Ha?”
Kinunot ko ang noo ko. Nakakapagduda ah. Bakit ganyan siya umakto? Bakit para siyang kinakabahan?
“May gusto kaba sa akin?” Diretso kong tanong. He stiffened. Naramdaman ko din ang pag-tense ng katabi kong si Esther dahil sa tahasan kong confrontation.
“Well, this is gonna be akward, so ciao bitches!” I couldn't care less when Esther stormed out. Nakakunot lang ang noo ko habang pinagmamasdan si Connor. He look distraught.
“Coco...” Bumuntong hininga siya.
Para siyang problemado. Bigla akong kinabahan bigla. Baka mali ang desisyon kong gawin 'to? Bakit ko nga ba ginawa 'to? Pusang gala anong nangyayari sa akin? Ano naman kung umamin siya?
“Shabu pa beh!”
Napatigil ako. Ano daw?
“Ha?” I blinked thrice. Sampal sa ego pusang gala.
“Coco tawag sa akin ng lola ko kaya 'yan ang nilagay niya sa panyo ko. Mga tao nga naman, ang bilis makalimot.” Anito sabay balik sa pagkain. Napatulala nalang ako.
Pusang gala. Ang assuming ko nga.
Nakwento na pala sa akin ni Connor na Coco din ang palayaw sa kanya ng lola niya noon pero natigil lang dahil ayaw ng mama niya.
Nakakahiya.
Napabuntong hininga nalang din ako saka nagpatuloy sa pagkain. Minsan hindi na healthy ang pagiging assuming ko. Pusang gala nakakamatay.
“Connor.” Tawag ko dito. Tumigil naman siya sa pag-scroll sa cellphone niya saka ako binalingan ng atensyon.
“Oh? Sa tingin mo ba magtiktok nalang ako? Tamang throw it back lang ganern.”
Sinamaan ko siya ng tingin. Ang out of the world ng mga tanong.
“Anong naging reaksyon ng parents mo nang mag-come out ka?” Tanong ko. Medyo sensitive yung topic pero curios talaga ako.
Never naming napag-usapan 'yan noong highschool eh. May mahanap lang na topic para i-distract ang atensyon mula sa pagkakapahiya ko.
“Why so sudden?” He chuckled. Nagkibit balikat nalang ako.
“Naisip ko lang bigla.”
Tumigil siya sa pagkain. Bumuntong hininga pa saka ako nginitian. “Well, surprisingly, my dad is fine with what I am. My mom on the other hand, she keeps on setting me up with random girls back then. 'Di niya bet. Pero buti nalang napakiusapan siya ni Daddy.”
Napatawa ako. “So mama mo pala talaga yung hindi ka tanggap?”
“Yes. Ang weird diba? Mostly dapat yung tatay ang hindi makakatanggap kapag bakla ang anak nila. But mom's on another level ka-stress!” Tawa nito. Napangiti lang ako.
“At least 'di mo naranasang mabugbog?”
“Coco, baka nakakalimutan mong pumasok ako ng school noon na may malaking latay ng sampal sa pisnge? Kaloka! Nag-foundation na ako nun lahat lahat ah pero nahalata mo parin!”
Pusang gala. Naalala ko ang kapal ng puting foundation noon ni Connor dahil sa isang sampal. Muka siyang hinipan ng pulbo sa sobrang puti ng muka niya!
Sa mama niya pala galing 'yon?
“Baks, sinong hindi makakapansin eh halos puno ng foundation yung buo mong muka pero kitang kita padin ang pamamaga ng kaliwang pisnge mo?”
“Mahapdi kasi kaya ayaw kong lagyan ng napakarami!”
“Oh tingnan mo, kasalanan mo na 'yon.” Natatawang sita ko. Tumawa lang ito saka pabiro akong inirapan.
“Pero at least suportado ka ng papa mo. Naalala ko tuloy noong sumali ka ng pageant. Tapos yung may category na cross dress!” Natatawa kong sabi. Tumango tango naman siya.
“Hala bwisit oo nga! Kaloka baks mas bongga yung gown na binili sa akin ni daddy kesa sa evening gowns ng mga babaeng contestant. Kinabog ko silang lahat.”
“Grabe baks, nawalan yata ako ng boses noon kakatili ng number mo eh.”
“Bwisit ka, pinipigilan ko ngalang ang sarili kong tumawa noon tuwing nakikita kitang nagtatatalon at nagsisisigaw. Para kang mushroom na gumagalaw.”
Tumawa siya ng malakas pero napatigil lang ako.
Baks... daw? I missed hearing that endearment from him.
“Oh ba't ka napatigil?”
Natauhan ako. Kinunot ko nalang ang noo ko saka siya sinamaan ng tingin. “Hindi pa ako mushroom noon kasi mahaba pa ang buhok ko!”
“Yeah, whatever. Mahaba o maikli, mushroom parin kita.” Tumawa pa ito. Napangiti lang ako habang pinagmamasdan siyang tumatawa habang kumakain.
May kung anong gumaan sa dibdib ko kahit papa'no.
Gusto ko sana siyang tanungin pero nahihiya ako.
But,
Are we... back to being bestfriends now?
• • • •
Advertisement
- In Serial13 Chapters
Shades Darkside
The world got turned on its head. Monsters popping up everywhere, otherworldly systems taking over and powers being giving to a select few. What is Shades to do? Where will the path he chose to walk take him? Will he be the same when he gets there?Will he even care?
8 206 - In Serial11 Chapters
The Blessed Princess
Long long ago, there was a time of eternal harmony, when pain and anguish ceased to exist. The world was united as one under the rule of a glorious goddess. But this goddess made a stupid mistake, and chaos rained through her lands. Her people fought and fought, and she lost control over her creations. To sustain peace, she destroyed herself, and her remnants scattered throughout the lands and into the souls of her people. Her last words were to her daughter, the goddess of love, whom she had cherished, "Though I cannot fix the mistakes I've made, I can wish my people to be happy. No more endless pain. No more raging wars. Love, please. Save my world. Restore hope into the eyes of those I've created." She became the forgotten goddess after her world lost its ruler. First Princess Azulia was born a human with a shocking resemblance to the forgotten goddess. Her hair was ink black, and her eyes glimmered like priceless sapphires. Her features were uncanny in similarity to the goddess, even in the way she held herself. Though the goddess's eyes were more like icicles, Azulia's resemblance was enough to make you think twice. Azulia was raised with the mindset that she would be the future Empress of Hydrangea. It was a destiny placed out in front of her and carefully sorted out. Those around her directed her life like a pawn. Until one day, comes the beak of time, and her destiny points in another direction. Azulia must learn to break the tension her family shapes and create a destiny of her own. Her world depends on it, even if it means she must destroy herself.
8 117 - In Serial9 Chapters
Patroclus & Achilles (AU) (completed)
"I didn't meant for it to happen."A/N: Probs are the story is better than this introduction, sorry, I just can't really find the right words for this part. Also, the watermark on the cover is me, I changed my @ a long while ago
8 176 - In Serial8 Chapters
2173: Akro-Mars Second Conflict
It's been some long 30 years since the complete self-isolation of earth's technological capital "Akro" from the rest of the world as caused by the rebel's staggering take-over operation, which also took over the Mars international colony in a simultaneous struggle. But peace finally wavers as the self-proclaimed King of the Machinery, apparently the supreme leader of Akro, suddenly announces to the whole world that whoever retrieves his daughter to the palace can make whatever they want with the gigantic and advanced city, all the while revealing that the one successful operation from the rebels in those fateful days 30 years ago, took place in Mars and Mars only. Watch the former rebel soldier Myke Laine, who knows very well where the King's daughter is, in his nostalgic journey.
8 112 - In Serial65 Chapters
Lycans Of The Woods
It has been many years since Lycans revealed themselves to the world. Many humans have had difficulty adjusting to their presence, especially as a consequence of some lycans making the decision to destroy many homes and punish humans who protest their actions. Olivia has been imprisoned for the past twelve years in the Klawmoon pack and has endured many harsh treatments. However, her life changes when the pack is attacked and she manages to escape, only to eventually find herself in another pack in the woods. And it is in this pack, that she discovers that she is the Alpha's mate. Copyright © 2019 by Faith HunteAll rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without written permission from the author. The image used on the cover art belongs to its respective owner.
8 81 - In Serial7 Chapters
my lover is a serial killer (killing stalking x yandere reader)
y/n ,a perfect 19 year old girl so people think . On the outside people think she is an all A transfer student , that is kind to everyone and is just PERFECT but inside she is a cold hearted killer who has no mercy for any one until she meets two interesting people YOONBUM AND SANGWOO
8 180

