《Chasing Rainbows》14: The feelings that never left
Advertisement
“Coke at tubig lang meron kami, okay lang ba sa'yo?”
Nahihiya akong ngumiti kay Sam na nakaupo sa may kama ni Esther. Busy siya sa pagkilatis sa paligid pero lumingon naman siya sa akin at tumango.
“May isda ka pala, may pangalan ba?”
Hindi ako nakaimik bigla. Ang awkward kung sasabihin kong pangalan ko, ni Tim, at ni Connor ang ipinangalan ko sa mga isda ko. Ang conceited at jeje pakinggan.
“Uhm, kung ano lang?” I chuckled awkwardly na sana hindi niya napansin.
After kong kumuha ng coke mismo ay lumapit na ako sa may kama ko at ibinigay sa kanya ang isang bottle samantalang ininom ko naman ang akin.
“Are you seriously living with a college student? O kindergarten?” Nakangiwing itinaas ni Sam ang bra ni Esther na nakakalat pala sa kama ng bruha. Muntik ko pang maibuga ang iniinom ko sa gulat, buti nalang napigilan ko. “Sana all cup C.”
“Esther's fun. Naaalala ko yung dating ako sa kanya ngayon. Nararamdaman ko na tuloy yung narararamdaman mo tuwing sinasaway ako dati.” Tawa ko habang inaalala ang dati, tumawa rin siya. But then suddenly, naalala ko bigla ang sinabi niya kanina kaya tumigil ako at nag-iwas ng tingin.
“Coco, sorry.”
Natataranta kong inangat ang ulo ko at nginitian siya. “Wala kang dapat ika-sorry. Ayos lang naman.” Napakamot ako sa batok ko. “Ang ano lang, uhm, bakit 'di mo sinabi?”
My heart tightened.
Yun lang naman yung tanong na gusto kong masagot niya. Kung bakita 'di niya sinabi sa akin. I feel betrayed for some reason. Hindi ko alam kung bakit pero may part sa akin na medyo galit kay Sam. Nakakaguilty.
“May muka pa ba akong ihaharap kung nireject ako ng isang taong gusto ko na gusto din ng bestfriend ko?” Ngumiti siya, malungkot na ngiti. Napakagat labi ako, medyo nalungkot.
“A-Ano bang nangyari?”
She sighed. “Moving up noon, grade 10 nang mag-confess ako sa kanya. Inabangan ko siya sa labas ng stadium tapos ayun kinausap, I told him about you liking him at sinabi niyang ayos lang siya dun, so I thought, baka ayos lang din siya kapag nag-confess ako diba?”
Napatango ako. After a week ng panunuyo ni Connor, naging maayos yata kami. Kinalimutan ko nalang bigla.
“Pero hindi eh.” Napayuko siya, naguguluhan akong tumingin sa kanya.
“Anong hindi?”
“Connor said he knew. Sabi niya alam niyang may gusto ako sa kanya at alam niya noon pa na may gusto ka sa kanya even before prom.”
Napaawang ang labi ko. 'Di ko alam ang irereact o sasabihin ko. Alam ni Connor? Ha? Paano?
“Gulat din ako gaga.” She chuckled. “Tapos tinanong ko kung may pag-asa ako, sabi niya kaibigan lang. Pero 'di ko matanggap kaya hinalikan ko siya.”
Naikuyom ko ang kamao ko, thinking about Sam kissing Connor somehow pains me. Bakit niya ginawa 'yon? Paano kung nakita ko?
“And Connor hated me since then. Recently ko ngalang siya ginulo gulo dahil bibisitahin kita. I didn't told you para surprise, turns out, galit parin pala si Connor sa akin.”
Nawala na ang galit ko at napalitan ng awa at lungkot. Lumapit ako sa tabi niya at hinimas ang likod nito. Namiss ko si Sam, sobra. She's like my backbone noong highschool bago maging si Connor at Esther.
“I'm sorry, Coco.” She smiled, ngumiti din ako.
“Past is past.” Tawa ko para sana mapatawa siya pero tiningnan lang ako nito sa mata. Pusang gala, kinabahan ako bigla.
“You still like Connor huh?”
That question caught me off guard.
Advertisement
“H-Ha? What makes you think na gusto ko parin si Connor?” Tumawa pa ako kunwari. “Same university na kami ni Timothee oh, papakawalan ko pa?”
“Hindi mo dineny.” Ngiti nito na nagpatigil sa akin.
Sumikip ang dibdib ko at sinubukang hindi maiyak pero sa huli ay naiyak padin ako kaya niyakap ako ni Sam at tinapik tapik sa likod.
“Some things never change, iyakin ka parin.”
I sobbed even garder.
It was the painful truth.
I still like Connor.
A part of me would still like Connor. A part of me still assumes na may something yung mga galaw niya para sa akin, a part of me still misses him so much. A part of me still can't get over him.
“I knew something's fishy nang magkaayos kayo, one week after ng prom. Gulat pa ako na after one week na absent ay pumasok ka bigla at ibang pangalan na dinadaldal mo. Parang walang nangyari.”
Pinunasan ko ang luha ko at nginitian siya.
“Ano namang magagawa ko? Si Connor 'yon eh. Gusto niya magkaayos kami, sinuyo niya ako, ayoko rin namang mawala yung pagkakaibigan namin.”
“Kaya pinilit mong kalimutan nalang kunwari?”
I nodded.
It has always been my problem during senior highschool. Kung paano ko iiwasang mas mahulog pa kay Connor. Dalawang taon din 'yon bago kami nag-college. Bago ko makita ulit si Timothee. Back then, I was just fixated with the idea of Timothee.
But now, I like him for real.
“So panakip butas si Timothee?”
Bumitaw ako mula sa pagkakayakap at umiling kay Sam. “Maybe, back then, I pretended to like Timothee. Pero ngayon? I like him, for real.”
Bumuntong hininga si Sam. “Sigurado ka na ba diyan?”
Tumango ako at marahang ngumiti. “Akala ko imposibleng magkagusto ako sa ibang tao naliban kay Connor. But with Timothee, I realized na hindi lang si Connor ang tao sa mundo.” Tawa ko pa na ikinatawa din ni Sam. Buti nalang tumawa na din siya.
“But if I'm gonna ask you to choose between Timothee and Connor, sino ang pipiliin mo?”
Natahimik ako at tumitig lang sa mata niya. I bit my lips before smiling wide bago sinagot ang tanong niya.
• • • •
“Luh anong ginagawa mo dito?”
“Naka-move on na si Sam sa'yo gaga. May jowa na yung tao kaya kausapin mo.” Walang pasabi akong pumasok sa gate nila Connor at pumasok sa loob ng bahay nila. Nadatnan ko ang nakababatang kapatid niyang si Conan na nanonood ng cartoon network habang si kuya Conrad ay may inaatupag sa laptop niya sa may dining table.
“Uy ang paborito kong dora, Coco!” Tawa ni kuya Conrad kaya pabiro ko siyang inirapan. Hindi naman talaga kasi ako mukang dora eh, sila lang ang mahilig magsabi nun.
“Ate Connie!”
“Conan ang taba mo nang baboy ka.” Nanggigigil kong kinarga si Conan at pinisil pisil dahil sa sobrang cute at chubby, saka palang pumasok si Connor na masama ang tingin sa akin.
Naka-cross arms ito sa isang gilid, suot ang oversized purple shirt niya at pink dolphin shorts exposing his legs. Ang kinis pusang gala.
“Ano bang ginawa sa'yo ni Sam at naisipan mong mameste sa bahay naming gaga ka?” Pagsusungit ni Connor. Lumapit ito sa amin ni Conan at cross legs na naupo sa sofa, naupo na din ako, karga parin si Conan.
“Magbati na kasi kayo para wala nang mang-iinis sa'yo.” Parinig ko, umirap ito.
“Kung ikaw ang mang-iinis ede 'wag nalang gaga.”
Natahimik ako at nanlalaki mata siyang tiningnan. Nakunot naman ang noo nito bago napairap.
Advertisement
“Kaya naman kasi kitang paalisin gamit ang insecticide duh.” Dugtong nito at rinig ko ang tawa ni kuya Conrad mula sa may kusina, napangiwi nalang ako. Ano pa nga bang ini-expect ko?
“Ang akin lang Connor ah,” Inilagay ko si Conan sa lap ni ikinagulat ng bakla. “Matagal na 'yon, in-explain na sa'kin lahat ni Sam at ayos lang 'yon. Alam kong virgin pa lips mo noon pero baks, move on na.”
Umirap lang si Connor, napanguso ako.
“Oo nga Connor!” Biglang sigaw ni kuya Conrad mula sa kusina. “Mag move on kana, si Coco nga oh naka-move on na, diba Coco?”
Pusang gala.
Naiilang akong tumawa at sumigaw pabalik. “Opo, matagal na po.”
Sumulyap ako kay Connor, halatang naiinis na ito dahil kanina pa ito bumubuntong hininga ng malalim, napapatawa nalang ako.
“Leche ka kuya, manahimik ka diyan kairita.” Ani Connor at saka bumaling sa akin, masama parin ang tingin ng singkit niyang mga mata. “At ikaw naman, sabihan mo si Sam na siya ang pumunta dito if gusto niya. Messenger ka girl?”
“Ede ikaw magsabi kay Sam! Messenger ako girl?” Panggagaya ko sa tono niya. Inis itong tumayo at humarap sa harapan ko, inilahad pa nito ang kamay niya sa tapat ko na naguguluhan ko namang tinanggap.
“Chupi, uwi kana!”
Bigla ako nitong hinatak patayo at tinulak tulak palabas sa bahay nila. Todo naman ang pagpupumiglas ko at ang tawa ni Conan sa amin. Pusang gala, wala talagang modo ang baklang 'to.
“Connor, ayaw!” Reklamo ko pero tinutulak parin ako nito plabas sa bahay nila, buti nalang may screen ang pintuan nila kaya 'di niya ako tuluyang nailalabas, nakasubsob ngalang muka ko.
“Pauwi na sina mamshikels mamaya, kaya umuwi kana kung ayaw mo maasar nanaman nila.”
Umirap ako. “Ede sasabihin ko sa kanila na may bago na ako, duh.”
Magrereklamo pa sana si Connor pero natigil dahil sa sigaw ni kuya Conrad.
“Asa Coco, ayaw niya lang na siya ang iasar sa'yo ulit.”
Natawa ako. “Ikaw naman pala ang ayaw maasar sa'kin baks eh.” Asar ko. Agad namang nanlaki ang mata ni Connor at walang pasintabing inuntog ang ulo ko sa screen ng pintuan nila.
Pusang gala!
“Ede 'wag kung ayaw mong umalis.” Naka-cross arms itong tumalikod at bumalik sa sofa nila kung saan tawa ng tawa si Conan, enjoy na enjoy ang bubwit na inuntog ako pusang gala.
“Dito ka nalang mag-dinner Coco, pabalik na din sila mama. Tsaka may take-out.” Sigaw pa ni kuya Conrad na nagpangiti sakin ng malapad, libreng food love it. Tumabi nalang ako kay Connor na umusog naman kaagad. Pabebe talaga kahit kailan.
Nanood lang kaming tatlo ng tv. Mostly kami lang ni Conan ang tawa ng tawa kay Gumball ay Darwin, naiirita parin kasi ang bakla. May dalaw yata.
Ilang oras din kaming panay nood at tawa lang ni Conan. Miminsan ay sasawayim kami ni Connor dahil ang ingay daw namin. As if, anong maingay eh nanonood lang naman kami.
“Yung tawa mo girl umabot sa mars.” Irap nito, napasinghap ako kunwari.
“Pero sa puso mo 'di umabot? Char.” Asar ko pabalik na mas nagpapairita sa kanya.
Ganyan lang kami hanggang sa may marinig kaming humintong sasakyan sa labas ng bahay nila, andito na yata sila tita. Nice, free food.
“Mommy!” Sinalubong agad ni Conan si tita Winona at tito. Tama nga si kuya Conrad, may pagkain.
“Oh, si Coco ba ito?”
Tumakbo kaagad ako palapit sa mga magulang ni Connor at nagmano, para kunwari magalang. Ngiting ngiti pa si tita habang si tito naman ay may mapang-asar na ngiti kay Connor.
Ang cute nila.
“Dito kana mag-dinner, may take-out kami.” Yaya ni tita, tumango naman ako.
“Dinalaw mo ba si Connor?” Si tito naman ang nagtanong, tumango tango ulit ako.
“Opo, may chinika lang ganern.”
“Good 'yan!” Tawa nito. “Palagi ka niyang namimiss eh.”
“Dad!”
Itinawa ko nalang ang sinabi ni tito at tinulungan si tita sa pagpasok ng mga pinamili nila. Pumunta na din kaming kusina para mag-ayos ng makakain, nakita ko doon si kuya Conrad na busy parin sa laptop niya.
“Buti dumalaw ka ulit dito, Coco.” Ngiti ni tita, medyo nahiya tuloy ako. “Kumusta naman mama mo?”
“Okay lang naman po, healthy naman.”
“Dalasan mo ang bisita dito, nangangayayat kana eh.”
Gusto ko sanang sabihin na broken ako kaya ganun pero syempre, sinarili ko nalang. Ano namang pake ni tita kung broken ako diba?
Pagkatapos naming mag-ayos ng hapag kainan ay isa isa nang nagsidatingan ang pamilyang Emanuel. Buti malawak ang dining table nila, kundi baka sa labas ako kumain.
“Kumusta Business Ad?” Tanong bigla ni tito out of the blue habang kumakain. Nagkatingin kami ni Connor, hindi namin alam kung sino ang tinatanong ni tito dahil nakayuko lang ito. Sinenyasan ko siya na siya nalang ang sumagot at umirap lang ang gaga.
“Okay naman dad, kaya naman.” Sagot nito, pasimple akong napangiti.
“Si Coco kausap ko.”
Pusang gala.
“O-Oks naman po, tito. Nakakakopya pa naman po kay Connor.” Biro ko nalang tapos. Tumawa lang sila bago nalipat sa ibang topic ang usapan nila. Makakakain na rin ako sa wakas.
Tahimik na akong kumakain nang sikuhin ako ni Connor, na siyang katabi ko. Uminom muna ako ng tubig saka ito sinamaan at binalingan ng tingin.
“Ano?”
“Umuwi kana pagkatapos nito kung hindi humanda ka sa'kin.” Sinamaan pa ako nito ng tingin.
Inilapit ko naman ang muka ko saka siya nginisian. “Pa'nong paghahanda ba?”
“Coco.” Banat niya at nilapit ang muka sa akin. Aba nanghahamon. Lumawak din ang ngiti ko.
“Connor.” Banta ko pabalik.
Nagsukatan kami ng tingin. Siya halatang naiinis na sa akin at ako naman ay mas lalo lang itong inaasar. Muka siyang galit na pusa. Ang cute.
Ilang minuto din kaming nagsukatan ng tingin hanggang sa may maramdaman kaming ilaw. Napaatras kaagad ako at napalingon sa mga magulang ni Connor na natataranta na habang pinapatay ang flash ng cellphone.
Pusang gala, kinunan ba kami ng picture?
“Dad!” Iritang tili ni Connor pero imbes na magsorry ay tumawa lang sina Tito at tita.
“Ang cute niyo lang kasi anak.”
“Tapos na kumain si Coco, ihahatid ko na siya sa sakayan.” Connor stated suddenly and I was in pure confusion.
“Ha—” Hindi pa man din ako nakakapagsalita ay hinila na ulit ako nito patayo at paalis. 'Di na ako umalma dahil alam kong naiinis na talaga ito. Namumula na ang mata eh.
Tahimik lang kami habang naglalakad palayo sa bahay nila. Mahigpit parin ang hawak ni Connor sa kamay ko, pero nanahimik nalang ako.
Masarap asarin si Connor, pero kapag napuno siya o kaya bad mood, naiiyak nalang ito bigla. Ayaw ko pa namang nakikita siyang umiiyak. Masakit sa puso. Nakakahawa ang iyak niya.
“Bakit ka ba kasi pumunta dito?” Iritadong tanong nito pero nang bumaling sa akin ay nawala ang kunot niyang noo at napalitan ng irap.
“Gusto kong magkaayos kayo ni Sam.” I fidget the hem of my shirt while looking down. Nahiya ako kay Connor bigla.
“Fine, I'll talk to her. Okay na? Sa susunod kung pupunta ka, magsabi ka muna gaga. Hindi na bigla bigla ka nalang susulpot sa tapat ng bahay namin jusko.”
Nanahimik ako. Guilty as charged. After ng confrontation namin ni Sam ay pumunta agad ako dito, kinabukasan. Wala lang, gusto ko lang magkaayos sila tapos ano.
“Tapos ano...” Tumigil na ako nang nasa may sakayan na kami ng jeep. Tumigil din naman si Connor at naka-cross arms na tumingin sa akin.
“Ano?”
Bumuntong hininga ako ng malalim, I bit my lower lip first before steadying my heartbeat para makapagsalita.
“Legit na 'to.” Ngiti ko.
Kumunot ang noo niya. “Anong legit?”
Imbes na magsalita ay tumingkayad ako at yumakap sa leeg ni Connor ng sobrang higpit. Nagulat pa ito at naramdaman ko ang pagpigil niya ng hininga dahil sa biglaang pagyakap ko, pero wala akong pake.
I closed my eyes and snuggled at his neck, nakikiliti pa ng buhok niya yung ilong ko pero dedma lang. Inamoy ko ulit ang pabango nito, ang bango, amoy Connor.
“C-Coco...”
“Last na 'to baks.” Bulong ko, pero alam kong naririnig niya.
“Anong last ka diyan gaga...” Mabagal ang paghinga niya kumpara sa mabilis kong puso. Ngumiti ako at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
“Last na 'tong titibok para sa'yong bakla ka.”
Pagkatapos kong sabihin 'yon ay kumawala ako kaagad at nagtatakbo pasakay sa jeep na tumigil sa harapan namin. Ayoko pa sanang lumingon pero nang lumingon ako ay hindi parin gumagalaw si Connor sa kinatatayuan nito, kumaway nalang ako bilang paalam bago tuluyang umandar ang jeep.
Tama, last na 'yon.
Last na talaga.
Last na.
• • • •
ayo, can i ask u if what kind of gayxgirl stories you want me to write? hehe u can dm me or comment if u like (it's okay if u don't want to no worries)
and what do you prefer? a girl's pov or a gay's pov?
sUrvEy lUnGs pOeaSxcX,,, stay safe thank u for reading
( ฅ'ω'ฅ )
- k4h3L
Advertisement
- In Serial6 Chapters
I am...*sigh* a speck of dust.
Hey, I'm...well, I'm not human anymore so I don't suppose that name matters. Anyway, just call me D. Why? Cause I'm dust. Not like, "Oh, no one notices me, it's like I'm dust in the air", but like..actually just a speck of dust. Nothing exciting going on, no action packed fights or cringey romances. Just...dust. I have a little system menu and everything, like all the 'OP' protagonists, but I mostly use it for the notes feature. Like right now. So, if anyone ever sees this, like, if the System stores it somewhere or whatever, just move along. Nothing special here.
8 167 - In Serial19 Chapters
Meanwhile at the Withershins Inn...
What happens when you mix one drunk fairy godmother with a multitude of blue cocktails, add a stubborn barmaid with a unique taste in adventures, and filter it all through a sarcastic narrator who can't seem to keep themselves out of the story? A delightfully snarky fairytale quest with more than one utterly dreadful pun.
8 136 - In Serial6 Chapters
An Id of Primal Chaos
TAG DISCLAIMER: The tags 'Portal Fantasy / isekai', 'High Fantasy', and 'Non-Human Lead' do not take place until later on in the novel. Probably mid-way through the first volume. The 'villainous lead' tag is a very loose tag. Some of the things the mc does can be considered villainous to those with a staunch moral code, however, I have not made the mc out to be overtly villainous. True Title: Advent of the Silent Storm (I came up with the original title a while ago, before I had even written a single chapter. It still kind of fits but this new title fits a lot better. I would change it but I don't know if it would screw up the recommendation algorithm.) Excerpt: My mind wanders through the soup of unconsciousness, still startlingly awake despite my physical form’s stasis. Electricity completely paralyzes the air around me and lightning flashes in a constant strobe of blinding light. The ground, thousands of feet below my being has been wiped clean of all manmade artifice and natural beauty; leveled, through absolute power. My power. Synopsis: Tetal Faelen, a very successful businessman with lofty goals, is introduced to an omniscient being through less than pleasant means. This being has an irresistible offer for Tetal with next to no downside. Tetal can’t help but wonder, “What’s the catch?” Additional Notes: Second novel I have started within the Web of Interconnected Realities. My other novel is not posted on this site so don't bother looking for it. I might post it here in the future.
8 210 - In Serial18 Chapters
I am Stellar
A future where entertainment is mainstream. Thousands and millions of virtual planet hub are chained together, forming a net — forming what's known as the Quantum Network. Every second, millions of traffic happen within the Global Hub, the forefront front of the Quantum Network, while serving as the entertainment source for the public. Hao Xu, a periodic user of the Global Hub, found himself cast away into the far-reaching corner of the web — or so he believe. Is it truly the truth? Or is it simply his Psychotic mind at work, as he found himself awake, greeted with a white-ring of light. ———— I'm posting this draft here as of now — work in progress. Noticeable changes will appear daily. Status Update: Hiatus
8 152 - In Serial422 Chapters
Life's Allegory
Explore the Barbarian Tundra, the Hito Mountain Villages and unknown lands of wonder and horror across Gaia and the worlds around her. See through the eyes of a few, experience the harsh realities of sword and sorcery and how Sachihiro, a young man who takes a path never before tread by another carves a place from the chaos of the world or dies trying. ______________________________________________________________________________________ Part I: The Followers of the Way Part II: The Fall of the Tribes Interlude Part III: The Lost Part IV: The Lost: Death and Birth of Legends Part V: The Fall of Worlds ______________________________________________________________________________
8 546 - In Serial31 Chapters
Loves Me Not | BxB MPREG
" His touches make my skin crawl. Each kiss on my neck is a sin. I'm forced and bound to this home because I have no where to go. Why can't my life just end. " Mahyden, a strong minded teenager, whose problematic life causes trouble in his personal, and social life. When your own family is the cause of your pain , how do you run from your troubles. His older brother is to blame. His forceful approach to being the "Man" of the house when their dad is away pushes Him into a life of misery and seclusion.-----Didn't intend on adding MPREG into this story. I do not care for it but that is how that cards fell. I hate that I did it but oh well. I'm proud of what I did with this.All Rights Reserved
8 173

