《Her Last Smile》Chapter Ten
Advertisement
Eight POV
Narito ako sa aking kwarto, gabi na nga pala. Hindi pa rin ako kumakain dahil ayun ang parusa ko sa pakikipag away sa mga pangit na clown na iyon.
Tinangka ko pa ngang mag paliwanag pero nasampal lang ako ni mommy, si daddy naman ay tiningnan lang ako na para bang ako ang pinakawalang kwentang taong nakilala nya, ang mga kuya ko nga ay malamig lamang na nakatingin sa akin at tila natuwa pa sila sa kanilang nasaksihan.
Hindi naman ako pwedeng dalahan ni Nana nang pag kain dahil anarito silang lahat at si Nana ay parang kanilang binabantayan.
Kanina pa rin kumukulo ang tyan ko, manhid na rin ngayon ang aking mag kabilang pisnge at nag kukulay itim na nga, masyado atang sensitive ang balat ko. Mas mabuti na ring naging manhid ang aking pisnge dahil kahit igalaw ko ito ay wala akong nararamdaman maliban na lang na para bang bumigat ito o kumapal.
Nahihirapan din akong humiga dahil sanay ako naka harap sa gilid pero ngayon ay patuwid ako humiga na para bang patay na naka lagay sa kabaong, Joke!
Nahihilo ako sa higa kong ito, oo nga at pag natingin ako sa kisame ay ganito ang pwesto ko pero hindi naman palaging ganito! madalas ay patagilid talaga ang higa ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa ganoong pwesto, bagong araw na naman, umaga na ngayon at medyo tinanghali ako nang gising dahil napuyat ako kagabi, 6:30 na ngayon at alas sais ako nagising, nakapag bihis na rin ako.
Gutom na gutom na ako, siguro ay sa cafeteria na lang ako kakain. Lumabas na ako nang kwarto, nakita ko si Nana Mely halata sa mata nya ang lungkot pero para saan? Tinakpan ko na rin ang mga pasa sa pisnge ko nang concealer, dahil nangitim na nga ito pero hindi katulad nang itim kagabi, medyo nabawasan na ang pag kaitim though itm pa rin sya.
Advertisement
Nginitian ko si Nana Mely, ganun din naman ang ginawa nya pero malungkot na ngiti yung sinukli nya sa akin, hayst naawa na naman si Nana sa akin for sure.
Napadaan ako sa sala at nakita ko sina mommy, ngumite na lang ako sa kanila kahit na sobrang sasama nang tingin nila sa akin, inirapan pa nga ako ni mommy pero hindi ko na lang yung pinansin.
Lumabas na ako nang bahay at nag simula nang mag lakad papuntang school, binilisan ko ang lakad ko dahil baka malate ako. Mabilis naman akong nakarating sa school, at madami na ang naroon dahil nga malapit na ang klase, pag pasok ko sa room namin ay nakita ko ang mga kaibigan ko na sobrang sama nang tingen kina clown, parang papatayin nila ang mga ito, sina clown naman ay ganun din kung tumingin kina Hara, diba nasa unahan namin naka upo sina clown kaya naka lingon sila kina Hara.
Pumunta na lang ako sa aking upuan, napatingin naman sa akin sina Hara at ngumite sila nang pag katamis tamis kaya ngumiti din ako pabalik, sina clown naman ay inirapan ako pero hindi ko na lang yun pinansin.
Dumating na ang prof namin at nag turo na sya, mabilis naman na lumipas ang oras breaktime na ngayo at narito kami sa garden kasi simula kahapon ay ito na ang tambayan namin, sina Hara at Ylena ay kanina pa tawa nang tawa dahil sa nang yare kanina,
********FLASHBACK********
Habang nag kaklase kami ay bigla na lang bumulong sa amin sina clown
"Hi bitches, masaya ba sa clinic?" Natatawang tanong ni Maggie sa amin, pero hindi namin sya pinansin kaya naman nainis sya, sina Hara naman ay tila natutuwa sa nakikita kahit ako heheh
"Aghh, hindi nyo ba kami papansinin!?" Pasigaw na tanong ni Sasha kaya naman napatingin sa amin ang iba naming mga kaklase at prof namin sa physics
Advertisement
"Ms. Alejano! Why are you shouting?" Tanong ni Prof. si Sasha naman ay inirapan laman ang prof namin, kaya naman tinanong sya ni prof. na kung tungkol saan ang kanyang diniscuss tapos si Sasha naman ay walang maisagot kaya ang sabi ni Prof ay hindi sya uupo hanggang sa matapos ang klase namin eh halos isang oras pa ata ang itatagal ni prof dito dahil kararating lang nya kani kanina
**********END OF FLASHBACK*********
Someone POV
"Boss, nabalitaan namin na may umaway kay Lady Aliera, dinala daw sa clinic dahil nahimatay. Nakita ko rin boss kahapon na nangingitim ang sampal nang kaaway nya, pinagtulungan sya boss" Sabi nang tauhan ko na pinabantay ko kay Aliera, napakuyom naman ang kamao ko sa sinabi nya
"Wala bang tumulong sa kanya?, Lumaban ba sya?" Nagtitimpi kong tanong
"Boss yung mga kaibigan nya ay gusto sana syang tulungan kaya lang boss may kaaway din eh tapos si Lady Aliera naman ay hindi lumaban baka po dahil sa gusto nang mga kuya nya na huwag syang makipag away" Mas nagalit naman ako sa sinabi nya, bakit ba kasi ang bait mo mahal ko? bakit ba kasi sa ganyang pamilya ka napunta? sa pamilyang hindi ka tinuring na kadugo?
Napabuntong hininga na lang ako,
"Umalis ka na muna" Utos ko sa tauhan ko
Naiinis ako dahil hindi lumaban ang mahal ko, na may bago na namn syang sugat sa katawan, pero natutuwa din ako dahil may mga kaibigan na sya ngayon, na kahit papaano ay may mag tatanggol sa kanya.
Kung pwede lang ako mag transfer sa pinapasukan nya ay ginawa ko na, pero hindi pwede dahil nasa Franklin University ang kapatid kong babae, kailangan ko syang bantayan.
Gusto kong makausap si Aliera pero hindi ko magawa dahil masyado syang mailap sa tao at baka mapahamak sya pag lumapit ako sa kanya, saka na kapag sa FU na sya pumasok.
Wag kang mag alala mahal ko, matatapos din ito.
**********************************************
So ayan na! May secret lover ang ating otso de walo hihihi, may clue na rin kung saan yun nag aaral!
Advertisement
- In Serial47 Chapters
Uralter
He fought his way to the top. His birth was lowly. His life had been insignificant. But his will to survive was unwavering. One day, his soul merged with an unknown existence. From that point forward, he was destined for greatness. Each step of his path was marked with danger, but he did not stop. From nothing, he rises with an era of legends.
8 228 - In Serial35 Chapters
Epiphany of the Weak
[MATURE 17+] This story contains intense violence, blood and gore, emotional breakdown, descriptive murder, and horror. The strong rules over the weak. It has been a golden rule since ancient times. And so, weak people were discriminated, treated with injustice. In this story, we follow Ava, a 10-year-old girl who got caught in the attack of her own settlement by a military force. Through an incident, Ava realized the power within her gene, Aegis. With her newfound power capable of overwhelming any weapon and armor the army possessed, she paved her own way of finding her parents. What follows her afterwards were nothing that could be considered as happy. At least, not from the point of view, of a 10 year old girl. Chapter Schedule: 1 chapter per week.
8 200 - In Serial6 Chapters
Jojo's Bizarre Adventure: Kars' comeback
Taking place between the events of Part 5 and 6, this fanfiction looks into what would happen if Kars, The ultimate lifeform, were to somehow land himself back in Italy. So get ready for the golden winds of fate to take Giorno's sales once more on an adventure alongside the unbreakable spirits of Morioh as they get ready for the ultimate rematch.
8 172 - In Serial13 Chapters
Star Wars: Rebirth of the Sith
A story of a Jedi who discovers a shocking truth that leads him down a road of revenge.
8 136 - In Serial19 Chapters
Lean On Me • {Jared Padalecki}
finished - october 18, 2017{PARTIALLY SOCIAL MEDIA//MOSTLY REAL LIFE}In which they help each other try to figure it out.
8 183 - In Serial10 Chapters
Start A Fire In My Heart (Grillby x Reader)
You have a normal-ish life. Ya know the usual. Small little apartment, a job that keeps you on your toes. Oh. And a crush on a walking candle stick. Well what else could you expect from living in a town where few humans dare to go! Shall we begin your adventures (y/n)?
8 136

