《The Bad Boy's Love》Chapter 8: Center Of Attraction
Advertisement
Pagdating namin sa English Area ay nag-aactivity na sila.
"You're very late, Mr.Villareal and Ms.Ordoñez. You need to write the definition of Idiomatic Expression in your notebook and give ten examples with meanings, go!" sigaw nung teacher namin at pumunta kami sa isang sulok, magkasama kami.
Pagkatapos kong magsulat ng meaning ay nakasulat na rin ako ng limang Idioms pero kulang pa.
"Tapos na ako, kopyahin mo na" sabi niya sabay hagis sa akin nung notebook niya kaya agad ko namang kinopya.
Sabay kaming nagpasa kay Ma'am pero wala na kaming kagroup sa activity kaya kami na naman ang magkasama.
Pagkatapos naming gawin yung activity ay nagpasa na kami kay Ma'am at bumalik na kami sa classroom namin.
Habang hinihintay namin yung susunod naming teacher ay biglang dumating yung teacher naming dalaga na kaaway niya kanina.
Lumapit yung dalagang teacher kay Justin at may inabot na parang sobre.
"What? Anong ginagawa mo dito? Hindi ikaw ang subject namin" cold na sabi ni Justin at nilapag nalang nung dalagang teacher yung hawak niyang sobre sa mesa ni Justin saka umupo sa likod.
"Read it" sabi niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
"Read it" sabi niya.
"May makakarinig" sabi ko.
"Layas!" sigaw niya sa mga tanong nakapalibot sa amin kaya pumunta sila sa isang gilid na malayo sa amin.
Naiwan kaming dalawa dito sa gitna ng classroom namin na nakaupo habang yung mga kaklase namin ay nakatayo sa bawat sulok ng room. Lahat sila ay nakatingin sa amin.
"Walang titingin, kung tumingin ka, mawawala ka" sabi ni Justin at lahat sila ay tumalikod.
"Justin!" sigaw ni Aish.
"Don't interrupt, just do as I say!" sigaw ni Justin at pati si Aish ay tumalikod.
"Go" sabi niya at kinuha ko yung sobre sa harapan niya.
"Dear---" napatigil ako dahil sumigaw siya.
Advertisement
"Labas kayong lahat at walang papasok hanggang hindi ko sinasabi!" sigaw niya at isa-isa silang nagsilabasan ng classroom.
"Continue" sabi niya at nagsimula nang manginig ang kamay ko.
"Dear Justin, I understand kung bakit ayaw mo akong balikan pero sana naman umamin ka na minahal mo rin ako. Please lang kahit konti paghanga lang. Mahal na mahal kita, Justin, at kahit alam kong masasaktan na ako ay pinipilit ko pa rin ang sarili ko sayo. Ano bang gusto mong gawin ko para mahalin mo rin ako? Anong kailangan kong gawin para balikan mo ako? Alam kong mas matanda ako sayo pero sana naman oh, mahalin mo rin ako. Bayaran mo ang mga pagmamahal na binigay ko sayo. Nagmamahal, Hana"
Pagkatapos ko itong basahin ay hinablot niya sa akin yung letter saka niya pinunit at crinumple. Pumunta siya sa likod saka niya nilagay sa harapan ni Ma'am Hana yung papel.
"I didn't love you, never" sabi niya at nagsipasok naman ang mga kaklase namin saka lumapit si Aish sa kanya.
"What has gone into you? Are you fucking crazy? Why did you that?" tanong ni Aish.
"It's...none of your business" sabi ni Justin.
"Justin?!" sigaw ni Aish.
"Sa bahay na tayo mag-usap, pwede ba?! Sasabihin ko naman sayo ah, maghintay ka!" sigaw ni Justin at bigla nalang dumating yung sumunod naming teacher.
After naming maglesson ay nagbreak na kami, recess na break ah, hindi break sa karelasyon kasi wala naman akong jowa.
Kasama ko si Aish na pumunta sa canteen para bumili. Bumili siya ng ice cream at chocolate cake saka brownies. Ang binili ko naman ay cookies.
Sa classroom na kami pumunta kasi puno na yung canteen. Pagpasok namin sa classroom ay lumapit si Aish kay Justin.
"You're favorite" sabi ni Aish and she reveal her sweet smile.
Advertisement
"You always know me" sabi ni Justin at ngumiti rin siya. Mabait ba talaga ito? O nagbabaitan lang kasi nakuha niya ang kailangan niya?
"So, your welcome?" tanong ni Aish.
"Thanks" sabi ni Justin at napatawa silang dalawa. Bumalik na si Aish sa upuan niya.
"Ba't mo favorite ang ice cream?" tanong ko.
"Hindi ko alam basta kung kumakain ako ng ice cream parang nawawala ang mga problema ko" sabi niya at dinilaan niya yung ice cream niya. Nakatitig lang ako sa kanyang habang kumakain ako ng cookies.
His eyebrows were perfectly trimmed, his eyelashes was so beautiful even his eyes. His nose was so wonderful, and his lip is red and is kissable, and even thin and perfectly fit on his face. The shape of his face was so perfectly fine.
Napatingin siya sa akin at napataas ang kanyang kilay.
"You want some?" tanong niya.
"What? No" sabi ko kaya natawa na lang siya saka ako tumingin sa ibang direksiyon. Napansin ko yung dumi sa tabi ng labi niya.
"You...have a dirt beside you lips" sabi ko.
"Where?" tanong niya at hinawakhawakan niya yung pisngi niya pero hindi niya parin nahawakan yung dumi sa tabi ng labi niya.
"Here" sabi ko at kinuha ko yung panyo niya saka ko pinunas sa tabi ng labi niya kung saan may dumi.
Nagkatitigan kami at unti-unti naming nailalapit ang mga mukha namin sa isa't isa pero may pumagitna.
"Good morning, Ma'am" sabi nila kaya napabitaw ako sa pisngi niya at kinagat niya ang pang ibabang labi niya. Malapitan na yun.
Hapon na at uwian na namin pero hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina.
Umuulan ngayon at wala akong payong kaya umupo muna ako dun sa bus stop at naghintay ng masasakyan. Kaya ko namang lakarin pero wala kasi akong payong.
Bigla nalang may tumigil na sasakyan sa harapan ko at lumabas si Justin na may dalang dalawang payong.
"Oh, gamitin mo" sabi niya kaya kinuha ko naman saka na siya umalis. Ang bait niya ngayon ah.
May tumigil naman na bus sa harapan ko pero sabi ko huwag na kasi sayang yung pamasahe eh may payong naman na ako.
Nang makaalis na yung bus ay bubuksan ko na sana yung payong pero ayaw mabuksan.
May tumigil na naman na bus pero sabi ko huwag na lang. Huli na nung napagtanto kong sira pala yung payong.
Gago yun ah, sumakay nalang sana ako bus. Wala na akong nagawa kundi tumakbo pauwi sa amin na walang payong pero ibinalot ko yung palda ko sa bag ko kasi may short naman ako.
Pagdating ko sa bahay namin ay basang basa na ako, it was all his fault. That damn demon.
Advertisement
- In Serial111 Chapters
Favored By The Villain
Levisia, the 15th daughter of Kraiden, saw memories of her previous life for the two weeks she was unconscious.
8 1345 - In Serial23 Chapters
Magicae Machina
A Goddess's desire; how deep might it pervade this world?Terror slumbers under every stone, no matter how bright the woods might seem. This is a fantasy story about making sense of a world wherein numerous threads of mystery intertwine.
8 123 - In Serial31 Chapters
My Mystery Pen Pal - 《COMPLETE》
☆Needs major editing☆After getting a call from an unknown number one night, Natasha and the mystery man start texting only to discover that they instantly connect. What will come of the mystery man when they start becoming pen pals?******Started 8th October 2017Finished 6th November 2017
8 101 - In Serial15 Chapters
My Superstar | Glamrock Freddy X Reader
A one day trip as a child to the Pizza Plex completely changes your life. The minute you step in, you fall in love with Glamrock Freddy's design and personality. You move out to college and things take a turn as you revisit your childhood memories and meet him like he's an old friend.
8 226 - In Serial44 Chapters
The Bad Boy's Love
It's easy to fall, sabi nga nila. Yung ibang tao, nahuhulog sa panlabas na anyo o kaya yung ugali ng isang tao. Yung iba, sinasabi nilang mahal nila ang isang tao pero ang tanong ko, alam ba nila ang tunay na pag-ibig? Para sa akin, mahirap mahulog lalo na sa taong matigas ang puso. Ano kayang pakiramdam na nahulog sa iyo ang isang taong hindi mo type? Pogi siya pero hindi ka tumitingin sa panlabas na anyo dahil tumitingin ka sa panloob na anyo, masama naman ang ugali niya, paano ka mahuhulog sa taong ito?
8 79 - In Serial81 Chapters
The Match ✓
When obsession has gotten too farLila is a sweet ballet dancer and the best anyone has seen for years and clearly going places. Her ballet career grows as well as her admires and one of which who will go one step too far.Steel is a ruthless boxer, known for his temper and the rage that he holds. He's not only handsome but masculine and while he's sought out by both gender, he has his eyes on only one woman who he would kill for.
8 120

