《The Bad Boy's Love》Chapter 11: Villareal Family
Advertisement
Nagising ako at napaupo pero nakita kong tulog pa siya. Nakatagilid siya at sa akin nakaharap.
Ang pogi niya talaga kahit kailan, kahit ayaw ko man siyang purihin, ang pogi talaga niya.
Hinawakan ko ang pisngi niya at kumunot ang noo niya saka niya kinamot yung pisngi niya kaya natawa ako ng mahina.
Anong akala niya? May dumadapo sa mukha niya?
"Gising na" bulong ko sa tenga niya.
"Mamaya, inaantok pa yung tao eh" sabi niya at tinakpan niya yung mukha niya gamit yung kumot.
"Alas una na" sabi ko.
"Ba't naman ako maniniwala?" tanong niya.
"Tignan mo pa kasi ah" sabi ko at minulat niya yung mata niya.
"Tangina! Alas una?! Hahahaha!" sabi niya sabay tawa. Ano bang sinabi ko?
"Alas una na"
"Hayst! Para nga gumising ka" sabi ko.
"Hahaha! Tangina!" tawa pa rin niya kaya babangon na sana ako pero hinila niya ako.
"Ano? Nagtatampo ka?" tanong niya.
"Hindi!" sigaw ko sa mukha niya.
"Hayst! Ang arte mo" sabi niya at bumangon na rin siya. Lumabas siya ng kuwarto kaya naligo na ako.
Pagkatapos kong magpalit ay may naamoy akong kakaiba sa kusina kaya pumunta ako dun.
Nakita ko siya dun na nagluluto ay mukhang may katawag.
"Oo nga, ang kulit mo... Oo, wala, ang OA mo... Mamaya ah... Hindi, tae mo ah... Oo, pustahan pa tayo?... Sige na... Nagluluto ako... Pagkain, malamang... Sa amin, breakfast... Hmm?... Oo, tangina mo, wala ka bang tiwala sa akin... Sige, pag-uwi ko... I love you din, sige na" sabi niya sabay ngiti at nilapag niya yung cellphone niya sa table at napatingin siya sa direksiyon ko.
May girlfriend ba siya?
"Ahh! Sorry, may lakad ata kayo ng girlfriend mo eh, nakakaabala ata ako eh" sabi ko at tumakbo siya palapit sa akin at hinawakan niya ang braso ko.
"Anong girlfriend?" tanong niya.
"Diba? Yung girlfriend mo yung kausap mo?" tanong ko at kumunot ang noo niya.
"Sino?" tanong niya.
"Kausap mo sa cellphone mo kanina, duh!" sabi ko sabay irap at tumawa lang siya.
Advertisement
"Anong nakakatawa dun?" tanong ko.
"Selos ka?" tanong niya at pinasikmuraan ko siya.
"Tae mo!" sigaw ko sa mukha niya at tumalikod na ako.
"Wait lang, si Daphne yun, yung nakababatang kapatid ko" sabi niya kaya bigla akong napaharap sa kanya.
"Sorry" sabi ko at inalalayan ko siyang umupo sa upuan sa kusina ko.
"Yung niluluto ko" sabi niya at tatayo sana siya pero inunahan ko na siya at tinuloy ko yung niluluto niya.
"Ako na bahala dito, maligo ka na" sabi ko at kita ko ang ngisi niya sa peripheral vision ko. Pumunta na siya sa kuwarto ko at sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako.
Hinahanda ko pa lang yung pagkainan namin ay lumabas na siya sa kuwarto ko dala ang mga gamit niya at nakaligo at nakapalit na rin siya.
Nilapag niya sa sofa yung mga gamit niya at naupo siya sa upuan sa kusina.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa school. Nagulat pa ako nung may kotse pala siya kaya dun kami sumakay.
Habang naglalakad kami papunta sa classroom namin ay napatingin ako sa kanya at naalala ko yung nangyari kanina.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at lumapit ako sa kanya.
"Masakit pa ba?" tanong ko.
"Konti" sabi niya.
"Sorry talaga" sabi ko.
"Okay lang, naiintindihan ko naman yang nararamdaman mo" sabi niya sabay ngisi kaya binatukan ko siya.
"Dinadagdagan mo lang yung sakit eh" sabi niya.
"Hmph!" sabi ko at inunahan ko na siya papunta sa aming silid-aralan.
"Good morning!" sigaw ni Aish at lumapit siya sa akin.
"Good morning din" sabi ko.
"Saan siya?" tanong ni Aish.
"Looking for me, huh" biglang salpot ni Justin at umakbay siya sa akin.
"Kamay mo, demonyo" sabi ko at tumingin ako sa kanya. Nagulat na lang ako nang ilagay niya sa mukha ko yung palad niya.
"Ano ba?!" sigaw ko at tinulak ko yung kamay niya.
"Anong bang problema mo?" tanong ko.
"Sabi mo kasi yung kamay ko eh" sabi niya sabay kibit balikat at pumunta na siya sa kanyang kina-uupuan.
Advertisement
"Argh!" sigaw ko at hinawakan ni Aish yung braso ko sabay tawa.
"Kalma, sasaktan ka niyan" sabi ni Aish at binitawan na niya yung braso at pumunta na rin siya sa kanyang kina-uupuan. Pumunta na rin ako sa kina-uupuan ko, which is sa tabi nung demonyo.
"Justin! Tawag ka ni Ma'am Hana!" sigaw ng isa sa mga kaklase namin.
"I don't care!" sigaw nitong demonyo.
"Wala ka na bang respeto?" tanong ko.
"Ano lang naman ang sasabihin nun? Mahal kita, mahalin mo din ako, bayaran mo utang mo, suklian mo pagmamahal na binigay ko, magkabalikan na tayo. Yan lang naman ang mga sasabihin nun eh" sabi niya sabay irap.
"Ang sungit mo, tara dun, samahan kita" sabi ko.
"Huwag na, kaya mo na yan, ikaw na mag-isa mo" sabi niya.
"Tara na" sabi ko at hinila ko siya papunta sa office ng teacher namin na sinub ni Ma'am Hana.
"Siya ba yun?" tanong ng isang lalaki sa tabi ni Ma'am Hana noong pumasok kami sa kanyang opisina. Tumaas ang kilay ni Justin sa lalaking nagturo sa kanya.
"Don't you dare point at me, man" sabi ni Justin sabay irap at nagulat na lang ako noong hinawakan nung lalaki yung kuwelyo ni Justin.
"What?" cold na tanong ni Justin at nasa bulsa niya pa rin yung kamay niya.
"Don't you dare hurt my sister again!" mariin na sabi nung lalaki at sinuntok niya ang pisngi ni Justin.
"Huwag!" sigaw ko at napatingin sa akin yung lalaki.
"Sino ka?" tanong nung lalaki sabay lapit sa akin kaya napaatras ako.
"If you dare touch her, I will call my father now!" sigaw ni Jutsin at lumapit sa kanya yung lalaki.
"Who's your father, baby boy?" tanong nung lalaki at hinawakan niya yung baba ni Justin.
"Mark Villareal" sabi ni Justin at tumawa lang yung lalaki.
"Marami na akong nakalaban na nanloko sa akin na anak daw sila ni Mark Villareal, don't fool me, boy. Bigyan mo ako ng patunay para maniwala ako" sabi nung lalaki.
"Well..." sabi ni Justin at umayos siya ng tayo, "I'm Justin Tyler Ochoco Villareal, son of Maria Marciana Ochoco Villareal and Mark Villareal. Twin brother of Aisha Cass Ochoco Villareal and older brother of Daphne Resse Ochoco Villareal" mariin na sabi ni Justin pero hindi pa rin nakuntento yung lalaki at napatawa lang yung lalaki.
"Minemorize mo talaga? Baka naman nagsisisnungaling ka lang! Hahaha" sabi nung lalaki.
"You want more?" tanong ni Justin at nilabas niya ang kanyang mamahalin na cellphone at nagdial.
Ni-loud speaker niya ito at pinakita sa amin.
"Dad", yan yung nakalagay sa dinial niya.
"I'm busy right now, what do you want, Justin?!" sigaw agad ng isang Mark Villareal sa kabilang linya.
"Dad, where are you?" tanong ni Justin.
"In my office" sabi nung katawag niya.
"Office in..." sabi ni Justin.
"Villareal Corporation! Are you crazy? Hindi mo ba alam ang company natin?!" sigaw nung katawag niya at napataas siya ng kilay sa lalaki at halatang gulat naman yung lalaki.
"Mr.Villareal, may urgent meeting po" sabi ng isang babae sa kabilang linya.
"Good bye, now, tawagan mo ang maid natin kung may kailangan ka. Tinatawag na ako ng sekretarya ko, may gagawin pa ako, istorbo ka" sabi nung lalaki sa kabilang linya and the line went off.
Binulsa ni Justin yung cellphone niya at napatingin siya at napataas ang kanyang kilay sa lalaking tulala.
"What?" tanong ni Justin na umiigting ang panga.
"T-totoo...n-nga..." sabi nung lalaki at napaharap siya kay Ma'am Hana na naka yuko.
"B-ba't...d-di...m-mo...s-sinabi...s-sa...a-akin...n-na...a-anak...p-pala...s-siya...n-ni...M-Mr.Villareal...?" tanong nung lalaki sabay turo kay Justin at nanginginig nung lalaki. Gulat na gulat ako sa nangyayari.
"Sinubukan kitang pigilan pero nagmatigas ka eh" sabi ni Ma'am Hana na nakayuko.
"P-Pasensiya...n-na...p-po..." sabi nung lalaki at konti na lang ay lumuhod na siya sa harapan ni Justin.
Advertisement
- In Serial6 Chapters
Steps to raise a Wife - SRW
When two different generations of individuals come together in an arranged marriage because of their families interest. One is a workaholic CEO of a city's biggest financial company while the other is a happy-go-lucky college student. This is a story of a man who is subconsciously raising his wife while the wife is trying to act like a mature and responsible wife. Let's witness their remarkable journey to have a happy ever-after story.
8 200 - In Serial42 Chapters
Daphne Greengrass and the Importance of Intent
This is the story of how Voldemort and the tools he created to defy death were destroyed by Harry Potter and me while sitting in an empty Hogwarts classroom using Harry's idea, my design, and most importantly, our intent. Set during 6th Year.
8 93 - In Serial40 Chapters
Unexpected Hope (Book 2 in the Red Valley series)
This is the second book but it can be read independently. Disowned by his family and trapped into a loveless marriage Levi Matthews thought his life is over. The one bright spot is his beautiful daughter. Then his wife dies suddenly freeing him, or so he thought. Now he's a single father fighting to keep his daughter and the only way is to remarry. Deciding that he wants a marriage in name only he places an ad for a mail order bride. Hope Saunders is from a well to do family in Savannah Georgia that has fallen on hard times due to her father's gambling. She learns that she is to be married off to pay for her father's debts. Her fiance is a cold heartless man that has already buried two healthy wives and she has no intentions of being the third. Hope decides to take control of her own fate and answers an ad for a mail order bride. But is she making the right decision? She knows nothing of the man placing the ad except that he is a widower with a little girl and he lives out west. At least she was making her own decisions and being a romantic at heart she could only hope that she would find love with this stranger.
8 126 - In Serial57 Chapters
Stress Relief | ✔
《Completed 》 "This is the fifth number I've tried to text, please answer" "Who is this?" "I need help" "What do you want?" "Can you be my stress relief?" --- In which two strangers relief stress over texts. A Korean Romance
8 376 - In Serial33 Chapters
just dive in [reed bishop spin-off] ✔️
once upon a time, oliver sterling and reed bishop were best friends. with a shared love for swimming, they were inseparable. but one night changed everything between them and when oliver moved to london, their friendship fell apart. five years later, oliver is back in manchester and the past he has been avoiding for so long catches up with him. old friends, current and ex-girlfriends, feelings he thought he had buried long ago; they all rise to the surface in a hard to ignore mix. most impossible to ignore is reed, with his scowls and icy blue eyes. it's clear he wants nothing to do with oliver, but why does he find it so hard to stomach reed's hatred? because there was a time when it came close to something else entirely and oliver would be willing to do anything to get that back.
8 177 - In Serial8 Chapters
Eremika Goals
Eren likes Mikasa, Mikasa likes Eren.... But they don't know that!
8 152

