《The Secret of the Secret Boss》Chapter 8
Advertisement
"Good evening everyone", bati niya sa aming lahat. Nakangiti siyang bumati ngunit umasim ang mukha niya nang napatingin siya sa akin.
"who's this stunning lady?", tumingin ang lahat sa akin bago nagsalita si Reigan.
"kuya, she is Valerie" pagpapakilala ni Reigan sa akin. Nanlalamig ang mga kamay ko, ipinagdarasal ko na sana ay hindi siya makipag kamay sa akin dahil baka mapagtanto nilang nanginginig na ako sa takot ngayon, ngunit hindi yun mahahalata sa itsura, best actress ata ito.
"Val, this man is my brother", pagpapakilala ni Reigan ng lalaki sa akin.
"hi, Valerie, I'm Francis, Francis Marquez", lumapit siya bigla at nakipag beso sa akin, dahilan ng pagkagulat ko.
"tama na yan, tara na sa dining table, lumalamig ang pagkain", pag-aaya ng tatay ni RM.
Pumanhik kaming lahat sa dining area at naupo sa harap ng long table.
Hindi naalis ang tingin ng kuya ni RM sa akin sa buong dinner na iyon. Nagpapasalamat nalang ako at natapos iyon ng matiwasay. Sinabi ko din na uuwi na ako dahil masama ang pakiramdam ko which is partly true.
Hinatid na ako ni RM, nagpaalam din siya kaagad dahil may pag-uusapan daw sila ng kuya niya.
*******
"i would love to spend the night with you pero kailangan namin ni kuya mag catch up"
Yan ang sabi niya kanina sa akin. Kaya pumayag na ako.
*******
Reigan's POV
Pagdating namin sa condo ni Val, tumawag si kuya, ang sabi may pag-uusapan daw kami, namiss ko din naman si kuya kaya dina ako tumanggi pa.
Pagdating ko sa bahay, nakita ko si kuya sa balkonahe kaya pumanhik ako agad doon. Inabutan niya ako ng baso na may wine.
"you know what, she's beautiful", wika ni kuya
"i know, she really is", sabi ko naman.
"she has changed a lot" sabi ni kuya na dahilan ng pagtingin ko sakanya
"what did you say?" pag-uulit ko
"she changed her name and her appearance but I know it's her" kumunot ang noo ko sa sinabi ni kuya.
"what do you mean, who's her?"
"her, ang babaeng dahilan ng pagkakakulong ko ng sampung taon, the girl that tricked me para makuha ang gusto niya, I gave her everything and yet she made me the bad guy" deretsong sabi ni kuya. Alam kong si Val ang tinutukoy niya. Naguguluhan ako.
"nagkakamali ka kuya, Val is a nice person. She can't do that", pagtatanggol ko sa babaeng mahal ko
Advertisement
"and yet, she did that to me, nagmahal lang ako, nakulong pa ako. You never visited me, not even once", wika ni kuya.
Hindi ko siya binisita, ni hindi ko nga alam na nakulong pala siya, ang sabi ni mama at papa, kasama siya ng totoo niyang tatay kaya kahit noong binata pa ako ay hindi ko na siya hinanap. kinukumusta ko siya kay mama pero ang lagi lang nilang sinasabi ay "huwag mo na siyang hanapin".
"kuya, I'm sorry. I didn't know"
"okay lang, nasira na ang buhay ko. The 10 years of my life is over. Lumipas ng ganun ganun nalang, ayoko sanang sabihin sayo yun pero ayokong matulad ka sa akin bro", wika ni kuya. Sabay tapik sa likod ko. Walang dahilan para hindi ko paniwalaan si kuya pero hindi ko matanggap. Hindi maproseso ng utak ko ang mga sinabi niya sa akin.
Ilang araw akong hindi lumabas ng bahay, hindi ko alam kung pano ko pakikisamahan si Val, tawag din siya ng tawag, text ng text pero hindi ko sinasagot dahil hindi ako matahimik sa mga sinabi ni kuya.
Ngayon, napag pasyahan kong puntahan siya sa condo niya dahil alam kong day-off niya.
Nasa harap na ako ng pinto ng condo niya, pinindot ko ang doorbell, bumungad si Val. Niyakap niya ako agad, kumalas siya sa pagkakayakap dahil naramdaman niyang hindi ako yumakap pabalik, inaya niya akong pumasok sa loob.
Pumanhik kami sa sala, hinablot ko ang kamay niya at hinalikan siya sa labi ng walang pag aalinlangan. Mahal na mahal ko ang babaeng nasa harapan ko ngayon. She did not insist, so I guess, it's okay to make this deeper.
Hinapit ko siya sa bewang para mas lalong magdikit ang katawan naming dalawa. Nakakamangha lang at hindi siya umaangal.
Gusto kong ituloy pero nirerespeto ko siya at alam kong wala sa lugar ang nararamdaman kong ito ngayon. I wan't to know the truth. Does she have any hidden agenda about anything related to me? To my brother?. I'm doubting my own thoughts, really. She looks so innocent, hindi makabasag pinggan.
Val's POV
Ilang minuto lang pagka alis ni Reigan ay ang pagdating ni Marco.
"hey, how was it?" tanong ni Marco, ibinaba niya ang bag niya sa sofa na nasa tabi ko sabay deretso sa kusina. Bumalik siyang may hawak na baso. Akala ko ibibigay niya sa akin iyon pero ininom niya lang naman!
Hindi padin ako makapag salita, how can I be so dumb? Bakit hindi manlang ako nag dig deeper sa background ng mga Montenegro. Hindi ko manlang nalaman na may kapatid pa pala si Reigan, all I thought, only child lang siya. Yun ang lumabas sa background niya. What happened? Paano niya naging kapatid ang walang hiyang 'yun?.
Advertisement
"hey!" sipat sa akin ni Marco.
Nakakatanga ang ganito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko?, will I continue to lie. Hindi pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko sakanya eh. What if?, patibong lang nilang magkapatid ito?. pag nalaman niyang ako ang babeng 'yun. Baka layuan niya ako?. the hell I care. I can live without him.
"Marco, he's back. My nightmare is back", deretso ang tingin ko kay Marco. Gulat na gulat ang reaksiyon niya, bigla siyang tumabi sa akin at niyakap ako. Doon lang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. I may look strong outside pero damn, nanginginig ang buong sistema ko parang kahit anong oras, mas gugustuhin ko nalang tumalon sa building na ito at maglaho na sa mundo.
"anong gagawin mo?" nag-aalalang tanong ni Marco sa akin, habang alu niya padin ako
"live with it, Marco. Ang tanga tanga ko. Nagtago ako ng napakahabang panahon tapos isang iglap lang, nawalan ng saysay ang paghihirap ko. I'm not going to run away this time. I'm going to face it. He can't hurt me. Not this fucking time Marco". taas noo kong sabi sa kanya.
Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin at dumeretso na sa kwarto, nagbihis na ako at hinarap ang laptop. Madami pa akong trabaho, hindi dapat ako magpa apekto. Hindi na ako ang babaeng iyon. Ako si Valerie. May kumpanya ako at mas importante ito kaysa sa walang kwentang nakaraan ko.
Aayusin ko ang presentation para sa opening ng EM shopping center. Ipepresent ito ni Marco bukas. Kailangan ko itong tapusin.
Maaga akong nagising, hindi ako pumasok. Nakita ko ang note ni marco, kinuha din niya ang laptop at mga papel.
Ako na ang bahala. Magpahinga kana muna. May breakfast sa kusina. Kumain kana. Huwag kang magpapakamatay.
- Marco
Natawa nalang ako sa huling sulat ni Marco. I will definitely not do that Marco. Hahaha.
Mag iisang linggo na akong hindi pumapasok, hands on padin naman ako at alam ko namang kayang kaya ni Marco iyon, wala namang malalaking deal kaya tiwala ako. Tinatawagan ko si Reigan pero walang sumasagot, maybe, he's fucking brother calibrated the things and told him all the lies he could say. That fucker.
Nagitla ako sa pagkakahiga nang biglang may nag door bell, wala akong inaasahang bisita kaya kinabahan ako bigla. Dahan dahan akong pumunta sa pinto, binuksan ko ito at bumungad ang lalaking hindi ko nakita ng buong linggo. Niyakap ko siya, hindi ako nag-iisip, lumipad ata ang utak ko. Iginaya ko siya sa loob, ni hindi manlang siya nagsalita. Nakasunod lang siya sa akin, iniharap niya ako sa kanya at hinalikan, nagulat ako, oo!. gulat na gulat ako. Pero ginugusto ng katawan ko ang nangyayari. Itinigiil niya rin iyon. Nadismaya ako!. oo, pero hindi ko iyon ipinahalata.
Dina ako nagtanong, pumunta ako sa kusina at ipinagtimpla siya ng kape.
Inabot ko sa kanya ito at tinanggap niya naman agad sabay salita
"wanna go on a vacation? Kahit sa Aurora lang. I know a place, maganda doon. May beach house ako, I wanna hang out with you. please, please say yes" punong puno ng pagsusumamo ang kanyang mga mata.
"okay" sagot ko. Tumayo siya sa pagkakaupo at niyakap ako ng napakahigpit. Ni hindi ako sigurado kung ano ang mangyayari sa akin doon, what if my nightmares come back?.
Akala ko bukas pa kami pupunta pero ngayon na pala, as in. Kaya heto ako ngayon at inaayos ang mga gamit. Ang sabi niya okay lang kahit konting gamit lang. We'll stay there for a week. Paano ang trabaho niya?. one week is too long.
Sumakay kami sa Ranger niya, heto daw ang gagamitin namin dahil malaki ang space. I don't get him. Pupwede naman kami sa kotse niya.
Tumitipa ako sa cellphone ko nang bigla siyang nagsalita.
"sinong tinetext mo?" tanong niya habang plingon lingon sa akin.
"si Marco, magpapaalam lang ako".
Naniwala naman siya at agad itinuon ang buong atensiyon sa pagmamaneho.
Nakatulog ako sa tagal ng biyahe, nagising ako sa tapik niya sa braso ko. Papalubog na ang araw, nag aagaw na ang dilim at liwanag ngunit ang umagaw ng atensiyon ko ay ang napakagandang hardin na punong puno ng mga ilaw, maski sa dadaaanan ay may mga ilaw. Sinundan ko ng tingin ang ilaw na iyon at tumambad sa akin ang isang simpleng bahay na napakaganda ng desenyo.
"welcome to my secret place" aniya, sabay hatak sa akin palabas ng sasakyan.
******
ano kaya ang mangyayari sa trip nilang ito?
mabubunyag naba ang sikreto ni Val?
Advertisement
- In Serial65 Chapters
New Path
The world is starting to evolve and so are humans and other species on earth too. And chris is one of the people who start their new path. What wait for him it depends on his actions. [participant in the Royal Road Writathon challenge]
8 615 - In Serial20 Chapters
Overgrowth
I never thought I'd be killed by butterflies. But here I am... Edmon Valli was a smuggler, before a freak storm threw him off course and stranded him on a desert island smack in the middle of an uncharted monster zone. Trying his best to survive, or possibly even escape, he stumbles across the find of a lifetime: an unclaimed dungeon crystal. This is a dungeon-ish story, but without reincarnation or transmigration. I started it as a whim for NaNoWriMo so I may drop it any time after that... or I might not. My current plan is to write until I can reach some sort of conclusion and call it 'volume one'. I hope someone enjoys reading it for now! All comments, corrections, and criticism welcome.
8 193 - In Serial25 Chapters
Sword of Ending
Ollowyn’s Life began unlike any other. Born with snow-white hair, he was brought into the woods to die according to age old traditions. Left to the will of the gods, the helpless child waited for his death. However, the gods showed mercy. A young wolf cub, lost and cut off from its mother, stumbled over the young Ollowyn. Half frozen to death and dead tired, it snuggled to the warm body. When it was found by the mother just hours later, Ollowyn already smelled like one of her own. Adopted and cared for he grew up among wolves. He learned to live after the rules of the pack, continuously fighting to survive. As the years went by, he grew stronger than his brothers and sisters, hunted with different means. But even though he loved and adored his family, he noticed more and more that he was different. No fur, no claws and as much as he tried, his teeth would never find prey by themselves. What made him different? The urge to find answers grew with every day, until he set out aged seven to find them. But after days of searching hunger and exhaustion brought him to his knees as he collapsed on a dusty road. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- German Version can be found on RR as well. https://www.royalroad.com/fiction/19996/sword-of-ending-german. But it isn't written as well and only serves as my own template for chapters. For those of you that would like to join my Discord: Discord: Florean Fortescue Feel free to join, to ask questions, favours or interact with other readers. Enjoy reading. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
8 185 - In Serial316 Chapters
Symphonic Odyssey Volume One - Servant of a Hopeless Household
Deep in the mountains of Dellorim, a country renown for its mighty sorcerers, known as Conductors, a young servant boy finds himself struggling against the powerful Nobles of the house he serves. Treated like garbage he seeks to find a way to escape his torment and forge a path all his own. Along his journey, he'll face off against spiteful Nobles, Magickal creatures known as Zightbeasts, and fate itself. With so many obstacles standing between him and his goal, will be be able to find a path forward? Or will be be doomed to a life of servitude? Join Cypher at the origins of his great Odyssey and uncover the mysteries of this strange and Magickal world he finds himself in.
8 120 - In Serial32 Chapters
Bloodthirsty (END)
Felyx. Seorang mahasiswi jurusan kedokteran Universitas Seine dan bekerja magang di sebuah Rumah Sakit Seaince. Hanya karena percobaan ilegal yang telah dilakukan, menyebabkan dunia ini dalam masalah besar. Kehidupannya mulai berubah drastis 180˚. Entah mengapa harus dia yang mengetahui segala yang terjadi. Apakah ia dapat mengembalikan kehidupan yang hancur ini kembali seperti semula? "Lakukan sesuatu!! Bukankah mereka teman kita??!!" "Mereka bukan TEMAN!. Mereka adalah MONSTER !!!"End : 2018
8 430 - In Serial16 Chapters
Safe with You - Jurassic World Fan-Fiction
Book 1Carly Grant is the daughter of Alan Grant. When she is offered an internship at Jurassic World, she takes the job. She meets Owen Grady, the famous raptor trainer. Owen looks out for Carly, taking care of her. When the Indominus Rex breaks out of captivity, things become dangerous around the park. Owen protects Carly, keeping her and him safe. What will happen between Owen and Carly?(Link for the pic in the cover: http://images6.fanpop.com/image/photos/39900000/Owen-Grady-New-Still-Jurassic-World-2-jurassic-world-39996427-444-500.jpg)
8 130

