《The Secret of the Secret Boss》Chapter 12
Advertisement
Val's POV
Pagkabasa ko sa mga mensahe ay agad akong pumunta sa opisina, nadatnan ko si Marco sa harap ng kanyang lamesa.
"Marco" wika ko na dahilan ng pagkakagulat niya.
"what Val?, anong sadya mo?" gulat na tanong niya.
"sinusundan niya ako" takot at galit ang namumuo sa akin ngayon.
"don't be paranoid Val" wika ni Marco, pero ramdam ko ding maski siya ay natatakot.
"should I hire a bodyguard to watch over you?" tanong nito.
"I don't know. Hindi niya alam na ako si Venice hindi ba?" mahinang tanong ko kay Marco.
"exactly, now, he's guessing. Pero paano kung malaman niyang ikaw nga yun?"
"I don't know". dahil hindi ko naman talaga alam.
Wala naman talaga akong plano. Ang gusto ko lang ay mamuhay ng payapa sa bansang mahal na mahal ko kahit iniwanan ako nito ng napakasamang ala-ala. Bumalik ako dito para I overcome ang anxiety kong dala ng mapait kong nakaraan.
"uuwi na muna ako" pamamaalam ko kay Marco.
"hindi Val, hintayin mo na ako". wika niya. Ayoko din naman talagang umuwi mag-isa ngayon.
Pagdating namin sa condo ay naabutan namin si Reigan na nakatayo at nakasandal sa pader malapit sa pinto ng condo ko.
Naramdaman niya sigurong paparating kami kaya't nag angat siya ng tingin at tumingin ng deretso sa akin. Mamula mula ang mata niya at parang pagod na pagod siya.
Hahawakan ko na sana ang mukha niya pero hinawi niya ang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya, maski si Marco ay nagulat.
"pumasok muna tayo sa loob", pag- aaya ni Marco.
Sumunod nalang kaming dalawa ni Reigan,
Pero bago pa kami makarating sa sala ay hinigit na niya ang palapulsuhan ko.
"Reigan, nasasaktan ako, ano ba?" pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya dahil sobrang higpit nito.
"totoo ba? hah", nanginginig ang boses niyang tanong sa akin.
Tumingin ako sa kanya..
"ang alin?" tanong ko habang pinipilit padin tanggalin ang higit niya sa akin.
"Reigan, mag-usap tayo ng maayos, sa sala tayo. Bitiwan mo si Val" kalmadong wika ni Marco.
Sumunod naman siya sa sinabi ni Marco pero hinihigit niya padin ako. Nasasaktan na ako. Tinanggal niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin, nakita ko ang marka ng mga daliri niya sa kamay ko, pulang pula ito.
Advertisement
"totoo ba ito?" galit niyang tanong habang hawak hawak ang isang brown envelope.
Nakamasid lang si Marco sa aming dalawa. Tila nanonood siya ng isang teleserye.
"ano bang laman niyan?" ako
Ni hindi na kami umupo. Si Marco ay prenteng naka upo sa sofa.
"ikaw!, ikaw ang babae ni kuya?!" sigaw niya. Galit at poot ang nakita ko sa mga mata niya. Ni hindi ko makita ang lalaking kasama ko kahapon. Ibang iba ang taong nasa harap ko ngayon.
"are you using me too?" tumingin siya sa akin kaya't napatingin din ako sakanya.
Hindi padin ako nagsasalita. Hindi napoproseso ng utak ko ang nangyayari.
"are you using me too?!" galit niyang tanong, nahuli niya ang magkabila kong braso at hinawakan ito ng napaka higpit.
Napatayo si Marco sa ginawa ni Reigan pero pinigilan ko siyang gumawa ng kahit na ano. Sinenyasan ko siyang maupo lang at sinunod niya naman.
"what are you talking about?" kabadong tanong ko.
"you!, ikaw ang rason kung bakit nakulong si kuya!'' galit niya pading wika.
Ano bang nangyayari sayo Reigan?.
"and this?!" binitawan niya ako at pabagsak niyang inilapag ang isang envelope sa mesa na nasa harap ni Marco.
"ano ba?" pinananatili ko padin ang pagiging kalmado.
"you!, sinadya niyong mag invest sa kumpanya ko. Binili niyo ang ibang shares ng mga stockholder! You're a monster!" sigaw niya sa akin.
"anong pinagsasasabi mo, Reigan?!" nawawala na ako sa huwistro. Gusto ko na siyang ibalibag ngayon pero pinipigilan ko ang sarili ko.
"ang ELITE, nakapangalan sa inyo ang apat na malalaking kumpanya dito sa Pilipinas, at ang paraan kung paano ninyo nakuha iyon!. yun yung ginagawa mo sa kumpanya ko ngayon!" galit na galit niyang sabi. Naupo siya sa sofa at yumuko, halatang nagpipigil ng galit.
"mahal na mahal kita. Pero, paano mo nagawa sa akin ito?" medyo kalmado na niyang wika.
Mahal na mahal din naman kita eh. Hindi ko naman intensiyon na agawin o kunin sayo ang kumpanya mo. Those companies, kumapit sila sa patalim. I've been too good. Kung sino ang may ari noon ay sila padin naman ang namamahala ngayon, ang kaibahan lang ay ako na ang major stockholder nila at nailipat na sa akin ang ownership ng kumpanya. Pero si Marco iyon, hindi ako.
Advertisement
"I'm sorry". sa dinami dami ng gusto kong sabihin at ipaliwanag, yan lang ang lumabas sa bibig ko.
Naupo ako sa harapan niya pero iniwas niya ang tingin sa akin "i'm sor.. ."
"don't" pagpuputol niya sa sasabihin ko,. . ." give me time. " malamig niyang sabi. Mabilis niyang nilisan ang condo ko.
Naiwan kami ni Marco doong nakatunganga.
"what are you planning to do now?" wika ni Marco.
Naupo ako sa tabi niya at inilagay ang mga palad sa mukha ko.
"I don't know" wika ko. Wala pang limang minuto pagkatapos umalis ni Reigan ay tumunog ang cellphone ko.
+6397572*****
Natauhan naba ang kapatid ko?.
+6397572*****
I told you, akin ka padin. Sa akin ang bagsak mo.
Napatulala ako sa nabasa ko. Agad namang kinuha ni Marco ang cellphone ko at binasa ito.
"f*cking sh*t. He's desperate. Kailangan natin itong ipa blotter" suhestiyon ni Marco habang matalim na tinitignan ang text sa cellphone ko.
"Marco, kailangan kong mag explain kay Reigan" baling ko sakanya
"para ano? Sarado ang utak nun ngayon, magpalamig na muna kayo"
Tumayo si Marco at dumeretso sa kusina, alas syete na pala.
"he needs to know the truth." wika ko habang pinanonood siyang nagluluto.
"anong truth Val?. may sarili siyang truth, what you need is evidence that what you are going to say is the real truth." matamang sabi ni Marco.
He's right. Paano kung ang totoong nakarating kay Reigan ay ang bersiyon ng kuya niya. Anong gagawin ko para paniwalaan niya ako.
That night, I kept on thinking kung kumusta na kaya siya. He's mad, he's furious. Iniisip niya sigurong balak kong kunin ang kumpanya niya. But no, ang balak kong gawin ay ang pabagsakin ang kumpanya ng taong bumaboy sa akin, hindi ang kumpanya niya. Pero si Venice yon at hindi si Valerie. Venice' dream is to put the Marquez' realties down. She is gettin' there. Lahat ng kumpanya na nag invest sa marquez realties ay pagmamay ari na ng Elite. Gusto niyang maranasan nila ang gumapang gaya ng ginawa ni Francis sakanya. Gusto niyang maranasan nila ang walang wala dahil sila ay mga walang hiya. Pinagtulungan nila siyang mag-ama, hindi pa sila nakuntento at nagbayad pa sila ng mga tao para patayin si Venice.
That night sa Canada, I was hit by a car. Hindi ako tinigilan ng nakabunggo sa akin, akala ko ay aksidente lang pero hindi. Sinadya ang nangyari. Nasakote ang gumawa sa akin noon at inilaglag niya ang mag-amang Marquez. Bumalik si Valerie para magbagong buhay, pero bumalik si Venice para mag higanti.
And the game begins. So much for pretending. So much for being the nice person. So much for hiding.
Kinaumagahan, pumasok na ako. Hindi ko na matagalan ang pagmumukmok sa condo. Marco hired a body guard pero hanggang sa labas lang sila ng company, ano nalang ang iisipin ng mga tao kung may nakabuntot sa aking dalawang taong seryosong seryoso.
Napatigil ako sa paglalakad ng salubungin ako ng katrabaho kong si Miranda.
"hindi kapa nakuntento kay sir Marco?" masungit niyang turan sa akin.
Hindi ko siya pinansin at dinaanan lang pero bago pa man ako makalagpas sa kanya ay hinigit niya ang braso ko, agad ko namang tinabig iyon.
"wala akong panahon sayo Miranda" seryoso kong sabi na dahilan ng pagkakagulat niya.
"whoa!, what happened? Nasan na ang pasweet at pademure na Valerie?." maarte niyang tanong.
"kung gusto mo pang manatili dito sa kumpanya, better shut your mouth" wika ko sabay alis sa harapan niya. Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya, halatang nagulat sa inasta ko. Well, this is the real me.
*********
she's gettin' there. Venice' gettin' there:)
Advertisement
- In Serial73 Chapters
The Lone Macaw [GameLit Drama/Kingdom Building]
The moment the dying Aki opens his eyes, he is shocked. Not his hospice room but green meadows, blue sky and the villages of his favorite MMO await him. A fever dream? Or a new lease of life?To Aki it’s a chance to correct the story line he once hated and save his beloved sword maiden. But his brazen steps soon halt when the impending war covers the land in flames.Thrown into unknown conflicts, he has to use his game knowledge to protect his new home from a sheer unending horde of enemies. ———————————————————————————Feedback comments are much appreciated.Reviews will (hopefully) make my day.Cover by @gbsartworks
8 119 - In Serial31 Chapters
North Forest
Its impossible for a lone person to survive the north forest. Its impossible for a person to befriend the beasts. its impossible to coexist. It's impossible to thrive. We'll see about that. (This is a hobby work with little effort directed towards editing and proofreading. For a more satisfactory experience check out my other works.)
8 170 - In Serial10 Chapters
A mean Demon Queen Kidnapped me!
“Should I buy it?” a question that every single one of us made at some point in our lives. Flint stumbled upon this dilemma as he watched the trailer for The Light Hero: A single player RPG experience. “Tsk, screw it!” He went ahead and bought it! But it was to be expected, RPGs were one of his many passions after all. There was no room for any regrets, game reviews spoke positively of the game. Besides... The price tag wasn't that high, this was definitively a good buy! I mean... What could go wrong... Even if the game turns out to be bad, it's not like a monster will come out of the screen and kidnap him, right?
8 263 - In Serial7 Chapters
Wish of the End
Somewhat unemotional, and cynical main character who is bored of monotony of normal days. Walking to a two graves, he slowly looked at them and said-"""How long has it been?"With silence as answer he slowly turns back and walks away."""I will visit soon again mom, dad..."""" said person with dead fish eyes, walking as sun was setting, giving red and depressing feel to the scene as he was descending the graveyard. Yeahh....dunno what to write more, don't want to spoil. Follow our main character as he will be in world not as boring as ours and live dream, all of us want.-Disclaimer: I will definitely make MC be OP. As i not just like op main characters--- I LOVE THEM!!!. I hate harems, not just hate but I DESPISE THEM!!!!... so no harem. English is not my first language so pardon my errors in story.
8 184 - In Serial42 Chapters
Debut or Die
DescriptionA 4th year student who was preparing for the Civil Service examination, suddenly he found himself in an unfamiliar body 3 years ago.As well as a status window displaying a threat in front of his eyes!(PS: I do not own this work, I just translated this on papago. Credits to the author)
8 228 - In Serial54 Chapters
Pretty Footballer
Maia Steel moved To Liverpool when she was three and all she's ever known is Liverpool football Club. So what happens when she gets offered an internship at Liverpool Football Club.
8 217

