《Singsing - G. del Pilar》Ⅳ. 𝐓𝐈𝐍𝐓𝐈𝐍.
Advertisement
•'¯'•
KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯
˜"*° TINTIN.
•'¯'•
Tinutulungan ko si inay sa paghahanda ng mga plato nang may biglang nagsalita.
"Mga anak, hindi ko sigurado kung ngayon dadating ang Heneral. Kaya mag-ayos na kayo ng iyong mga sarili." sabi ni Itay sa amin.
"Sige po Itay." Sagot naman namin.
Bumalik na ako sa aking silid at binuksan ko na ang aparador, simple lamang ang aking susuotin baro't saya na kulay berde at puti. Pagkatapos ko itong suotin ay nagsuklay na rin ako at naglagay ng kunting palamuti sa aking mukha para maging kaayaaya.
Pagbukas ko ng aking pinto ay bumungad sa akin si Tintin, ipinapasok ko ito sa loob at dumaretso na sa sala.
Nakaupo na doon si ate. Kulay bughaw at puti ang kaniyang suot, agad akong tumabi sa kaniya dahil nakatunganga lang siya.
"Ate, bakit ang tahimik mo?" Tanong ko.
"Gutom na ako. Ang tagal naman 'nun, 'tas hindi pa sigurado na pupunta 'yun dito." irita niyang sagot. Hindi kasi siya kumain kanina kaya syan tuloy. Lumabas pa kasi ng bahay.
"Kalma, ate, kalma." tawa kong wika hababg tinatapik ang kaniyang likod.
Nang may narinig akong katok mula sa aming pinto ay agad na naglakad patungo si itay sa pinto at pinapasok ito. Ayan nanaman siya nakatitig ulit sa akin kasama niya kaniyang kuya na nakatitig din kay ate. Ano to? Magkapatid nga.
"Pasok kayo." Nakangiting pagpapasok ni itay.
"Magandang gabi po, Don Nimuel at mga binibini."
"Tara na sa Hapag Kainan." Tumayo na kami ni ate at sumunod sa kanila.
Nang nakaupo na kaming lahat ay ipanakilala na kami ni Itay.
"Mga anak ko, Mutya at si Floribeth. Ang aking asawa si Lucia" Pagpakilala sa amin, napayuko na lang ako.
"Pasensya na po sa biglang naming pagdalo." Wika ng Heneral.
"Ay, palagi na mang bukas ang aming tahanan para sa paboritong Heneral ng ating Presidente." Maligayang saad ni Itay.
"hm, kain na kain."
Nagsimula na kaming kumain at naninibago ako kay ate hindi siya madaldal ngayong gabi ng naalala ko na gutom pala siya o baka ewan.
"Kamusta na ang mga kapatid ni Antonio Luna at si Manuel Bernal?" Tanong ni Itay.
Dito ako napatingin sa kanila. Ang tagal ko na kasi hindi nakikita si kuya Manuel.
"Malaya na po ang mga kapatid ni Luna." Sagot ni Heneral.
"At si Manuel?"
Advertisement
"Malayang-Malaya na." Sabi ng kapatid niya. Nagtaka naman ako, kung malaya na talaga si kuya Manuel ay dapat kinuha niya na ang mga naiwan niyang gamit dito.
"Oh Heneral. Humingi ka na ng dispensya sa mga dalaga ko dito. Nasindak mo kamo sila sa kaguluhan nangyari kaninang umaga." Ang daldal talaga ni Itay kaya naisip kong magsalita.
"Tay, baka isipin ng Heneral na madaling masindak ang mga babae sa tahanang ito." Pagkatapos kong sabihin ay siniko ako ni ate. Yung isa naman natawa pa.
"Hanga ako sa matatapang na mga babae." Saad ng Heneral, randam ko abg mga titig niya.
"Edi, hindi niyo na kailangan humingi ng despensa, Heneral." Sabi ko habang nakayuko. Napansin ko naman ba tawang-tawa si ate kaya tinignan ko nalang siya nang masama.
"Ang lakas ng tama mo ngayon, Flor ah." Bulong niya sa akin.
Nakita ko naman tong kapatid ni Heneral tinataas-taasan ng kilay si ate na parang kindat na ewan, tinignan ko naman itong kapatid ko at iniwasan niya ito. Ayos ah.
Nang nagsalita ulit ang Heneral. "Humihingi pa rin ako sa nangyari kanina." Hindi nalang ako nagsalita at nakayuko parin. Ilang Segundo, nagtaka ako bakit hindi na siya nagsalita kaya tumungin ako sa kaniya.
"Ayun. Nasilayan ko na rin ang mga mata ng anak ninyo." Binigyan niya ako ng kaniyang matamis na ngiti siguro nagawa na niya ito sa ibang mga babae. Hindi naman ako marupok.
"Bakit? Ano bang hinahanap mo sa mga mata niya?" Tay, 'bat tinanong mo pa.
"Muta." Bulong sa akin ni ate.
"Loko ka talaga. 'Yang pangalan mo nga eh, pag tinanggalan ng letrang y muta na." Bulong ko pabalik.
"Nagbibiro lang ako Heneral." Napansin ni itay na hindi makasagot itong si itay kaya nagsalita na siya at tunawa na rin.
Nang nagsalita ang isang mokong "Dapat ang sinabi mo. Wala ka nang hahanapin pa sa mga mata niya." Da sinabi niya hindi ko mapigilang ngumiti.
Tapos na kaming kumain at nagpaalam na sila Heneral at ang kapatid niya. Pero naglalakad siya papunta sa akin at sinabing. "Hanggang sa muli, Binibini." Naglakad na sila deretso sa pintuan.
Nakita ko naman nagtaas-taasan ang mga kilay ni ate. "Ikaw ah."
"Ikaw din ah. Akala mo hindi ko nakita 'yun kanina!"
"Matulog ka na dami mong satsat. 'Nay, 'tay tulog na po ako." Tumango naman silang dalawa.
Advertisement
"Ako din po." Habol kong sabi. Naglakad na ako pabalik sa aking silid at nagpalit muna ng pangtulog, pagkatapos kong magpalit ay hinanap ko agad si Tintin para dalhin ito sa aking kama pero wala siya doon, agad kong nilibot ang aking kwarto pero wala talaga siya. Nang nakita kong nakabukas ang binta agad akong sumilip doon, grabeng kutang na 'yun oh kababaeng pusa naglilibot pa sa ganitong oras.
Kinuha ko agad ang aking balabal at sinuot ito. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto kasi ayaw kong malaman nila na nawawala si Tintin baka hindi na ako paalagain ng pusa sa susunod. Mabuti naman walang tao, ang bilis naman nilang kumilos. Agad akong lumabas at nagsimulang hanapin sa tabi ng bahay si Tintin. "TinTin, asan kana? Pasensya ka na ah, nakalimutan kong isara yung bintana 'yan tuloy 'di kita mahanap."
Nang hinahanap ko ito may bigalang nagsalita sa aking likod. "Floribeth, Anong ginagawa mo dito at gabi na baka mapahamak ka pa." Pagtalikod ko si Heneral pala.
"Ah... ano kasi. Nawawala kasi yung pusa ko na binigay sa akin ni ate, Hinanap ko na sa tabi ng aming bahay kaso wala talaga eh."
"Kung tulungan nalang kaya kita para mas mapabilis. Ano pala ang kulay ng pusa mo 'tas may pananda ka ba sa kaniya." Tanong niya.
"Kulay puti siya tas may inilagay akong tali sa kanya na kulay berde."
Agad naman tinawag ni Heneral ang mga kasama niyang sundalo at ang kaniyang kuya.
"Huy!" Tawag niya. Agad naman lumapit ang mga ito. "Maghanap nga kayo ng pusa na kulay puti na may berdeng tali na nakalagay sa leeg."
"Goyo, Seryoso kaba?" Gulat na tanong ng isang sundalo.
"Goyong, 'di naming trabaho maghanap ng pusa ah. Baka nakakalimutan mo isa akong magiting na sundalo na gwapo." Biro ng isa. Tinignan naman nang masama ni Heneral ang nagsabi 'nun.
"Si Heneral naman oh, 'di mabiro. Oh, tara na mga kupal maghanap na tayo ng pusa!"
Natawa nalang din ako, bigla naman akong gininaw sa simoy ng hangin at napansin naman ni Heneral na giniginaw ako kaya tinanggal niya ang kaniyang takip ng uniporme at ipinatong sa akin.
"Yan. Para hindi ka ginawin, 'wag kang mag-alala pwede mo naman ibalik sa akin iyan bukas may uniporme pa naman ako sa aking tinutuluyan." Sabi niya sa akin.
"Pero giginawin ka." Pag-aalala ko.
"Hindi yan basta kasama kita, hindi ako giginawin at tsaka may suot naman akong damit."
"Edi, pag umalis na ako giginawin kana?" Biro ko.
"Ganun na nga, pero wag ka nang mag-alala, ayos lang ako. Pwede mo akong tawagin na Goyo o Goyong."
"Pwede mo din naman akong tawagin na Floribeth." Sabi ko habang nakangiti.
"Tatawagin na lang kitang Flori. May tumawag na ba sa iyo 'nun?" Tanong niya at umiling naman ako.
Sa gitna ng aming usapan ay dumating na ang mga sundalo na may bitbit na isang pusa.
"Ito po bang pusa ang hinahanap niyo?" Tanong ng isang sundalo.
Si Tintin nga, kinuha ko siya sa sundalo at nagpasalamat. "Maraming Salamat po sa mga tumulong para hanapin itong si Tintin at pasensya na kung naabala ko kayo." Ningitian at tumango naman sila sa akin.
Nagsibalikan na sila sa kanilang pwesto at dalawa ang naiwan, nagsalita si Goyo. "Ikaw na kuting ka ah, wag ka nang pagala-gala pa. 'Yan tuloy yung amo mo nag-alala sa iyo."
"Goyong, salamat talaga ah."
"Walang anuman. Tsaka nga pala ito si kuya Julian at ang matalik kong kaibigan na si Vicente." Ningitian ko sila.
"Aba aba, pumapag-ibig ata tong si Goyong ah." Narinig kong sabi ni kuya Julian.
"Oy, ikaw!"
"Ako?" gulat niyang tanong habang tinuturo ang kaniyang sarili.
"Oo, ikaw. Nakita kitang tumitingin sa aking nakakatandang kapatid, akala mo 'di ko nakita yun. Pataas-taas ka pa ng kilay mo ah." Tumawa silang tatlo sa sinabi ko.
"Ang tapang pala nito." Sabi ni Julian.
"Hatid na kita sa iyong bahay, binibini. Baka mapano ka pa." Binigyan nanaman ako ng mahiwagang ngiti niya.
"Paalam, kuya Julian at Vicente." Pagpapaalam ko at nagsimula na kaming maglakad ni Goyong. Nang nasa gitna kami ng paglalakad ay nagsalita siya.
"Alam mo, kung hindi nawala 'yang si Tintin, hindi tayo magkikita ngayong gabi." Ngumiti nalang ako kasi hindi ko alam ang sasabihin ko. Nasa tapat na kami ng aming bahay.
Bigla ko nalang sinabi ito sa kanya baka akala niya madali akong utuin katulad ng mga na loko niya dati. "Goyong, hindi ako katulad ng mga nabola mo. Kaya 'wag ako, kung meron kang gusto sa akin, ipakita mo. Magandang Gabi."
"Wag kang mag-alala binibini! Ipapakita ko sa iyo. Magandang Gabi din."
━━━━━━━━━━━━━━━
━━━━━━━━━━━━━━━
Advertisement
- In Serial34 Chapters
In Sign Language, I Hear You
It was only when the bloodshed through her face, and the sirene sound went wild. At that moment, she then know the happiness she was searching for... only At that moment, the regrets come to her. Then, in her last breath if she has a chance to ask God to give her a second life, will she do that? ' No. I am too sinful.' It was terrifying to approach the sin. her sin. It will be better to just leave everything behind, isn't it? Then maybe, this is how God punishes her. To be a deaf and muted girl in the unknown fantasy world that she does not know. To be some disabilities in the world that adores patriarchy and hierarchy... it is surely better to kill herself as she already died once. but, her baby sister was too cute. too lovely. too pure to feel the death that was full of disgusting and disturbing blood aroma. It will be great if she could see the beauty of the world that she never once had. so that's why...with sign language she said. [ My name is Irisha, Irisha Spes. I am deaf and muted, how can I help you?] Average words per part : 1700-3000 words
8 256 - In Serial10 Chapters
Forever - Wang Yibo x Xiao Zhan fanfic
Summary: They had always been in an ambiguous relationship. When the rumors reached its peak, Xiao Zhan was confronted by Wang Yibo about their relationship to fight for it. What he expected to be a happy end for them turned to a bad end when Xiao Zhan told him his announced leave in the entertainment is actually his escape in this glamorous but vain life. (A/N: my first ever YiZhan fanfic! Kiyaaaa! This is also my first time to ship in real life people!
8 109 - In Serial15 Chapters
Musings
This is being used as a place to post, some thoughts of mine, mostly old stuff from my past, my feelings or observations or just fiction (most likely fiction). It most likely will not take normal story format and I am sure this site will let me know if that outside the lines.
8 161 - In Serial26 Chapters
chaotic (Persian translation)
When our dance floor is the earth then i will never leave this devil music.🖤❤️تا وقتي كه زمين رقصمون, جهان باشه من هيچ وقت اين آهنگ شيطاني رو ترك نميكنم.
8 94 - In Serial50 Chapters
Maybe tomorrow
Life isn't always easy and sometimes you have to find it out the hard way.Allison has it hard enough as a single mother trying to pay for the hospital bills of her son. When the money just isn't enough anymore she is forced to contact Charlie's father, Damien Black, who she hasn't seen in almost 5 years and who has no idea he has been a father for the past years.Problems keep raining down on her when her psychopathic ex boyfriend reappears and she finds herself on a plane to New York.Damien though seems to do everything to keep Ally away from him and his family, and more and more it seems like there is more behind it than his resentment, and Allison's growing attraction towards him doesn't help much.Especially when she starts to realize that both of them have changed a lot once there last encounter.Without even knowing it she slides deeper and deeper into a world full of secrets, dangers and lies.This isn't the first book I wrote but it's currently the only one that is published and also the only one in English. English isn't my first language but it's pretty good, I swear. Likes and Comments are much appreciated^^Hope you like it:)
8 106 - In Serial38 Chapters
I Amuse Him ✔️
Started in 2018Hardcopy available on NotionPress and Amazon*Rank* 1 * in #boynextdoor *Rank* 1 * in #badboylovestoryWhen shy yet sarcastic Daniella Jones met cocky playboy Hunter Donnavan. She is nothing but, horrified when she learnt that the guy she dreaded the most is now her next door neighbor. Hunter on the other hand thinks completely different and is amused by every movement our little Danny made. The moment their eyes met, sparks flew all over the place but soon they both realized what they truly desired. One side was a nerdy girl who just wants to be left alone and on the other is an outgoing green-eyed hunk that somehow become Daniella's ride or die.He changed her for the better and she brought back the old Hunter who was locked away somewhere trying to fight his demons. Drama, love, friendship and lots of sarcasm. Warning~ Extremely cheeky, Romantic and Sarcastic. Strong words are used on a minimal in between chapters. Cute kisses and makeout sessions will come at some point too.**********************And now a part of the story-I mean this guy is fudging hot. Perfectly tanned. Raven black hair. Beautiful twinkling green eyes. I have already said so much about his abs and I really hate to say this but that smirk really suits his lips.And he has slept with every girl in the school.Yup. Whushsh. Everything I just said flew right out the window.***********************And another small part if you are still not convinced to read-I am going to shit my pan-Hunter slowly grabbed my face with both of his hands and kissed my lips softly. And then kissed me again, just seconds longer then before.And then again and sucked my bottom lip really slowly and softly.
8 104

