《Every Letters, Every Words (Collection of One-Shots)》Letters and Words #15
Advertisement
| Buwan |
Napahinga ako nang maluwag nang makasakay na ako sa jeep papunta sa amin.
Agad kong sinalpak sa aking tenga ang earphones ko at plin-lay na ang kantang 'Buwan' na sikat na sikat ngayon sa aking phone.
Kasabay ng tunog ng mga sasakyan ay ang pagha-hum ko rin ng kanta na iyon. Ang ganda ng boses nu'ng lalaki at mukha talagang may pinanghuhugutan.
Pansin ko ang mga malilisyosong tingin ng mga kasabayan ko sa jeep kung kaya'y buong lakas akong nagtaas ng kilay sa kanilang harap. Ano bang tinitingin-tingin nila sa akin?
Hinablot bigla ng isang lalaking naka-jacket na itim at nakasuot ng mask ang aking earphones kung kaya'y uminit ang dugo ko. Kokomprontahin ko sana siya sa ginawa niya nang malaman ko ang dahilan kung bakit sila nakatangin sa akin kanina.
Halos mawalan ng dugo ang aking mukha at gusto ko na lamang na lamunin ako ng lupa dahil sa sobrang kahihiyan.
Napansin ko lang naman na hindi pala nakasaksak ang earphones ko sa aking phone kung kaya't dinig na dinig ang kantang pinapakinggan ko.
"Manong, para!" nahihiyang sigaw ko at ng sandaling tumigil na ang sinasakyan kong jeep ay agad kong kinuha pabalik ang aking earphones mula sa lalaki na iyon at agad bumaba ng jeep. Maghahanap na lang siguro ako ng pwede kong sakyang iba. Ayoko namang mapahiya ng matagal sa harap nu'ng mga kasabayan ko kaya mas mabuti ng bumaba ako.
Maglalakad na sana ako papunta sa isang waiting shed ng mayroong biglang kumanta mula sa aking likuran.
"Sa aking nakaraan, ikaw
Ikaw at ako sana'y 'di bumitaw."
Katono nito ang kantang pinapakinggan ko kanina kung kaya't hindi ko napigilan ang sarili kong lingunin ang kung sinong tao iyon.
Napatigil ako. Ibig sabihin, siya yu'ng lalaking naka-jacket kanina ng itim at siya rin yu'ng taong patuloy kong minamahal magpa-hanggang ngayon kahit na tapos na ang 'kami'.
Advertisement
"Gavin..." mahina kong sambit. Naglakad siya palapit sa akin at tsaka niya inalis ang kanyang mask. Gaya pa rin ng dati pero mas lalo siyang gum-wapo.
"Mara," tumigil siya matapos niyang sambitin ang pangalan ko at tsaka niya hinaplos ang aking pisngi. Napapikit ako sa gaan ng kanyang haplos na para bang gaya ng dati.
"Hindi ko kaya, Mara. Mahal pa rin kita. Mahal na mahal." sabi niya at kita ko ang unti-unting pagdausdos ng kanyang luha mula sa kanyang mga mata. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko kung kaya'y yinakap ko siya at isinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. Nagsimula na rin ang pagluha ng aking mga mata.
"Ako rin, Gavin. Mahal pa rin kita hanggang ngayon. Walang nagbago." sabi ko ngunit agad akong nagtaka ng mabilis siyang kumalas mula sa pagkakayakap namin.
"Gavin?" nagtatakang tanong ko sa kanya ngunit nagulat ako nang iikot niya ako na para ba akong sumasayaw kung kaya't umikot ako ng tatlong beses. Namayani ang ngiti sa aking mga labi ngunit sa pagmulat ng aking mga mata ay unti-unti itong napawi.
Paano nangyari iyon? Bakit hindi si Gavin ang nasa harap ko kundi ay ibang lalaki ngunit ang suot ay jacket din na itim at naka-mask din siya na parang suot ni Gavin?
"Miss? Miss, okay ka lang ba?" tanong ng lalaki at agad naman akong lumayo sa kanya. Napamaang ako at hindi agad nakapagsalita.
"K-Kuya, anong nangyari?" tanong ko sa kanya at kumunot ang kanyang noo at saka nagsalita.
"Hindi mo ba naaalala, miss? Bumaba ka kasi kanina sa jeep matapos kong hablutin ang earphones mo para ipakita sa iyo na hindi iyon nakasaksak sa phone mo. Sinundan kita pababa at namalayan ko na lang na umiiyak ka at mabilis kang lumapit sa akin tsaka mo ako niyakap. Tapos ay bigla kang lumayo at umikot ka sa harapan ko na para kang sumasayaw." mahaba niyang pagkukwento sa akin at hindi ko agad namalayan ang walang tigil na pagbuhos ng aking mga luha.
Advertisement
Kung gayon ay imahinasyon nga lang ang lahat at ang sabihan namin ng 'Mahal kita' sa isa't-isa. Naalala ko nga palang may iba na siyang mahal at rinig ko pa sa mga kaibigan niya na malapit na siyang ikasal doon sa babae.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngunit namalayan ko na lamang ang sarili kong naglalakad papunta sa gitna ng kalsada at inalala ang kantang nasa imahinasyon ko kanina at dahan-dahan akong umikot na para bang sumasayaw sa alapaap na kasama siya. Kahit sa imahinasyon na lang.
"Sa aking nakaraan, ikaw
Ikaw at ako sana'y 'di bumitaw."
At sa pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko ang kanyang kotseng dudumbo na sa akin. Naroon siya sa loob at siya mismo ang nagmamaneho habang kasama niya ang babaeng papakasalan na niya.
Nang makita niya ako sa gitna ng kalsada ay agad siyang nagpreno habang gulat na gulat ang kanyang mga mata.
Sa huling sandaling masisilayan ko siya ay unti-unti akong ngumiti sa kabila ng mabubunggo na ako ng sasakyan niya. Hindi sapat ang pagpepreno niya para maitigil ang sasakyan ngunit sana ay sapat na ang ngiti ko para ipakita sa kanya na kahit sa huling hininga ko sa mundong ito ay wala pa ring nagbago sa nararamdaman ko sa kanya.
Mahal ko pa rin talaga siya, gaya ng walang kupas naming pagmamahalan noon at ang mga matatamis naming pangako sa isa't-isa sa ilalim ng puting ilaw. Sa dilaw na buwan.
---This is a late post. Hope ya' like it!
, asti
Advertisement
- In Serial279 Chapters
Primordial Dimensions
„Finally, “ he thought, stepping through the spatial membrane, into the vast and dangerous `Primordial Dimension` where life and death are infinitely close to each other.
8 1566 - In Serial22 Chapters
Game Cheater Reincarnated
MC thinks he is a humble gentlemen that haven't harmed a single person in his life and helps anyone who he can help without making it a «L’ours et l’amateur des jardins» type of favor as much as he canfiction of a Skyrim fan
8 136 - In Serial16 Chapters
Once in a Blood Moon
In the mountains of Eastern Europe, a lone werewolf is captured and gifted to the daughter of a vampire lord, but she isn't the only one trapped.
8 218 - In Serial9 Chapters
Radioactive Evolution
The world as humanity knew it was gone. In its place was a radioactive wasteland, scorched by nuclear furnaces. The third millenium passed unmarked and uncelebrated by those in the safezones. The rich took to the oceans, and to the skies, leaving everyone else behind. Stranded in the isolated "safe zones", with no knowledge of the worlds above their heads.Igor Jonovich changed everything.Nanotechnology, long thought to be impossible, flourished under his genius. Even as the walls of their radioactive cage closed in, humanity pushed back, harnessing Jonovich's creations to explore the radioactive wastelands. To challenge the twisted creatures that lurked in the ashes of their former glory. Humanity thought they, at least, knew this scarred earth.It turns out even that was a lie.Yesterday Jared found a message hidden within Professor Jonovich's greatest work that changed everything.
8 155 - In Serial6 Chapters
RED PANTHER
The king was murdered and the people suffered to appoint the next king. But the next heir was from a different tribe and country... But who could have kill a king or is this just a lie or cover up. And how can a different person with different tribe and ethics rule a different tribe and ethics. Well read to the last chapter to know why. The cover photo was formed and created by me. This story was written by me Joseph Nicholas Akuma A. K. A Goodboy Jchrist. Although it's almost like black panther from marvel studio but it is completely different. Any claim and declaration on this story is not real but just a fiction. I'm sorry if its not ideal to post it but it's my story and I deserve to publish it. RED PANTHER (Black Panther Alternative) Is written and published by me. Contact me via Facebook:- AuthorJchrist Twitter:- GoodboyJchrist Instagram:- GoodboyJchrist RoyalRoad:- GoodboyJchrist Email:- [email protected] +2349021940399 Thanks as you read
8 145 - In Serial229 Chapters
DASH
What does it mean to have a dream? What strength one needs to overcome a tragedy and take a step forward? What does it mean to get a second chance or is it the second or only continuation of the first one? Life is an adventure and should be lived as such!
8 143

