《A Prelude to Marriage》Chapter 15.
Advertisement
It's been a week, 1 and a half week to be exact. Alam ko hiniling ko sakanya na bigyan ako ng space para makapag-isip pero hinahanap hanap ko naman ngayon ang presensya nya, ni hindi ko na sya nakakausap. Sa school bumalik sya sa dati nyang upuan at halatang ilag sya sakin kasabay nun ang pagkalat ng balitang hiwalay na kami ni Renz kaya naman andaming mga babae ang pumaligid sakanya at lalaking naghahabol sakin, naging busy ang buong school para sa gaganaping school fair at isa ako sa lalaban sa poet battle. At ngayon na ang araw na ipriprisinta ko iyon, huminga ako ng malalim ng tawagin ang pangalan ko sa stage kaya naman taas noo akong naglakad pataas at humarap sa maraming madla ng estudyante at guro. Maging si Renz ay nasa harapan bilang isang hurado, kasama si Trixie at Duke nakaklase ni Trixie. Nahihirapan ako sa paghinga, nasasaktan parin ako lalo pa't naaalala ko parin ang mga nangyari.
“GO Rea!!!!”
“REA SHET ANG GANDA MO!!! AKIN KA NA LANG!”
“REA I LOVE YOU!”
“HOY MGA MALALANTOD NA LALAKI MAGSITIGIL KAYO! MAGSISIMULA NA SYA!” bulyaw ni Riri sa mga lalaking nagsisigawan.
“anyway, GO BEBE LOVES!!! WIN THE FIRST PLACE PARA SA SECTION NATIN!” Sigaw ulit nito.
“GO REA!!!! GO REA UHUH GO REA GO REA UHUH” cheer ni Trax.
Sa loob ng isang linggo at kalahati palagi lang syang nasa likod ko, kahit di nya ako tinatabihan ramdam ko ang suporta nya para sakin.
Kaya napangiti ako at tumango, inayos ko ang tayo ko at sinimulan ang spoken poetry ko.
“Ang tulang ito ay pinamagatang ‘Pag-ibig na mapaglaro’”
“Pag-ibig na mapaglaro
Mapaglaro sa inosenteng puso
Nasubukan mo na ba ang umibig ng totoo?
Umibig ng totoo ngunit hindi sya sayo nagpakatotoo?”
Narinig ko ang reaksyon ng audience pero ang mata ko nakay Renz lang at ganon din sya sakin, pakiramdam ko kaming dalawa lang ang nandito at walang iba.
Advertisement
“Nagseryoso pero linoko
Nagmahal ka lang naman
Pero todo ka kung saktan
Sa sobrang sakit minsan gusto kong sumuko na lang”
Nagsisimula ng manubig ang mga mata ko pero ginawa ko lahat ng kaya ko para pigilan yun, lumunok ako at nag-iwas ng tingin kay Renz. Nagkaroon ng kislap na di maipaliwanag sa mga mata ni Renz na para bang sobrang nasaktan sya at kinabahan sa sinabi ko.
“Rea andito lang ako!”
“Oo nga di kita sasaktan!”
“MAGSITAHIMIK KAYO ANG LALANTOD NYO!” si Riri.
“Sumuko na lang
Dahil wala rin naman itong patutunguhan
Sumuko na lang
Dahil sobra na akong nasasaktan.
Sinabi ko sa sarili ko, bibitaw na ako.
Suko na ako at pagod na ako”
Nakita kong gusto nyang tumayo sa kinauupuan nya pero pigil na pigil nya ang sarili nya, humigpit ang hawak nya sa lapis. Mapait akong ngumiti at tumitig ng diretso sakanya.
“Gustong gusto ko ng sumuko,
Pero parang pinapatay itong aking puso.
Gusto kitang makita, mahalikan at mahagkan,
Pero ang sarili ko ay kailangang pigilan.
Hindi pa panahon,
Hindi pa lumilipas ang sakit ng kahapon.”
Pasimple akong humawak sa tiyan ko.
“Sabihin mo, ano na ba ang dapat gawin ko?
Saan ba ako dapat tumungo?
Isip ko'y gulong gulo
Isipan ko'y di mapagtanto
tila ba ang lahat ay lumalabo
At unti unting naglalaho.”
“Mahal kita at sabi mo mahal mo rin ako
Mahal mo ako, mahal kita, mahal natin ang isa't isa
Pero hindi sapat na mahal lang natin ang isa't isa
Para maging masaya.”
Muling bumadya ang luha ko, ngunit madali kong napigil iyon. Alam ko sa sarili ko na hindi ko nakakayanin pag nagpatuloy pa ako pero kailangan kong tapusin ito.
“Dahil ang pag-ibig na mapaglaro
Ay mahirap maging kalaro
Sumaya ka man,
Madalas panandalian lang
Lumaban ka man
Masasaktan at masasaktan ka lang.
Advertisement
Pero bakit andaming taong nakikipaglaban para dito?
Na para bang hindi mabubuhay ang tao na wala ito...
Ngayon aking napagtanto,
Pag-ibig ang magiging lakas at kahinaan mo
Sa bawat sakit at sayang mararanasan mo
Ay unti unti nitong hinuhubog ang pagkatao mo.
Nasaktan ako, oo
Nasaktan ako ng todo
Pero hindi ko hahayaan na mawala ka sa buhay ko
Sa buhay kong ginulo mo ng todo.
Sa buhay ko na kapag wala ka ay hindi kumpleto,
Ikaw? Hahayaan mo ba akong mawala ng tuluyan sa buhay mo?
Ako at ang binhi ng pagmamahal na meron tayo?” makahulugang tanong ko.
“pag-ibig na mapaglaro,
Hindi ito ang sa aki'y magpapasuko
Umibig, nasaktan, umiyak
Umiyak, nasaktan, umibig
Nasaktan, umibig, umiyak
Ikaw ay aking ipaglalaban kahit sakit sa akin ay sumaksak
Hindi ako susuko dahil lang sa biro
Ng pag-ibig na mapaglaro.”
Dun na tumigil ang tula ko, kasabay ang kumawalang isang luha sa mga mata ko. Agad ko iyong pinunas at nagmamadaling umalis ng stage, rinig ko ang sigawan ng mga tao.
Sa backstage ang diretso ko at dun ko iniiyak lahat.
“Desperada, break na nga sila't lahat ni Renz hinahabol habol parin nya ito, kadiri” sabi ng isang babae kasama ang mga kaibigan nito. Isa din ito sa mga contestant.
Agad kong tinuyo ang mga luha ko at matapang silang tinignan.
“wala kayong alam kaya pwede manahimik ka na lang” matapang na sabi ko
“anong walang alam? Halos lahat alam ng campus na pinagpalit ka na ni Renz kay Trixie, di ba nga naghalikan sila nung nagcelebrate sila Renz dahil panalo sila? Ngayon sabihin mo, wala parin ba kaming alam?” mataray na sabi nito.
Sasagot na sana sya ng may nagsalita mula sa likod ng mga babae.
“Bakit ba ang mga chismosa sa mundo, kung makapagsalita akala nila sila yung mas nakakaalam kesa sa mga taong sangkot sa isang gulo? Grabe, ano to feeling nyo kayo bida sa istorya ng buhay ni Rea? Fans nya ba kayo? Updated nga mali naman ang balitang nalalaman” sabi nito.
“T-Trax” banggit ng mga babae na ngayon ay nasa kay Trax ang atensyon.
“t-totoo naman ang sinasabi namin ah!” depensa ng isa
“anong oras naganap ang sinasabi nyo? Anong eksaktong mga salita ang sinabi ni Renz? anong pwesto ng bawat taong sangkot? Anong kulay ng damit ni Rea? bakit nandun si Rea? Bakit hinalikan ni Renz si Trixie? yung eksaktong dahilan, at nasan kayo ng mga panahong yun? Nasa tabi tabi ba kayo ng maganap yun?” seryosong tanong ni Trax
Nawalan ng imik ang mga babae, pero may isang nangatwiran.
“i-importante ba yun? Ang mahalaga lang naman break na sila at desperada sya para iprisinta ang tulang yun”
“Sayang, hindi pwedeng manakit ng babae dahil kung hindi...hayys mga chismosa talaga, mga salot sa lipunan. Dada ng dada kahit walang kwenta at katotohanan ang tinatalak, bagay kayo sa palengke hindi sa eskwelahan”
Magsasalita pa sana yung isa ng pigilan sya nung isa.
“Tama na, si Trax yan baka malagot tayo kay Trixie tara na lang” sabi nito at hinila na paalis ang mga kasama nya.
Agad namang lumapit sa akin si Trax at yinakap ako, gusto kong itulak sya palayo pero nagsimulang tumulo ang mga luha ko.
“shh...tahan na, andito lang ako. Di ko hahayaang may makapanakit sayo” paniniguro nya.
Sisinghot singhot na yumakap ako pabalik sakanya.
Nagulat ako ng biglang bumagsak sa sahig si Trax, napatingin ako sa lalaking sumuntok sakanya...si Renz.
“ANG KAPAL NG MUKHA MO PARA LUMAPIT KAY REA!” dumadagungdong ang boses nya at yung mga mata nya, yung mga mata nyang kahit kailan di ko pa nakikita...
Nakakatakot, na parang bang ano mang oras ay makakapatay sya.
‘Renz...’
**********
Say what?????
Gotla ka Rea, sino pipiliin mo?
#TeamLoveTrax or #TeamloversquaRenz
Okay waley sabog na!!!
-Prean
Advertisement
- In Serial26 Chapters
orion's belt | ✓
his name was written in the stars.-"this was a story redemption. this was a story of reality. this was a story of what love looks like. and this IS one of the most beautiful things that i have ever read." - @ctfires-highest ranking: #28 in short story. first place in the winner awards. copyright © by emily mae 2017. all rights reserved.
8 121 - In Serial16 Chapters
Empress is now LIVE
A girl in her early 20s stood in front of the camera. She had a healthy bronze tan, an oval face, and a celestial nose. Warm brown eyes, minor makeup made them look cat-like - with the outer corners pointed like a cat’s. Short brown hair, styled in a casual boyish hairstyle. She carefully put on a well-worn but high-quality headset SkyTech - Ghost Seeker Limited Edition. Somewhere on it, there was an inscription, "Stream for us, your fans and friends!", which was beginning to fade in places.
8 88 - In Serial43 Chapters
Faux Real
Kennedy Carmichael never kisses strangers, let alone arrogant foreign exchange students from the UK but when her ex-boyfriend shows up to Hilton Prep Academy on the first day of senior year, hand in hand with her arch nemesis, Kenny does the unthinkable.Oliver Knight is in exile, living with his overbearing Aunt Bessie. After being kicked out of almost every private school in London, his parents ship him off to the US, hoping that Hilton Prep, with their strict schedules and world-renowned faculty, will whip Ollie into shape. After several turbulent encounters, Kenny and Oliver find themselves thrust into a mutually beneficial, yet mildly complicated friendship. They'll pretend to date to show Sawyer what he's missing, while at the same time demonstrating to Ollie's aunt that he can stay out of trouble.What starts off as a harmless charade soon spirals into something deeper, darker, and...real? With endless antics, bitchy mean girls, familial pressures, and spilled secrets, senior year just got a little more interesting. Will Kennedy and Oliver be able to overcome all the obstacles in their way or will their relationship remain a total faux?Warnings: Explicit language, snarky comments, sexual innuendos, and underage drinking/drugs.
8 155 - In Serial63 Chapters
Forget it || Wendy x Suga ||
Both Suga and Wendy went through a very toxic breakup because of a huge misunderstanding back in highschool. But can they patch things up now, when they're adults and famous idols?Will they be able to forget the horrible memories of the past?Can they still be together?Or will everything be messed up again.Started: 6th July 2019Ended : 7th July 2020
8 215 - In Serial12 Chapters
Into My Heart
#38 in chicklit on 1/1/18#40 in chicklit on 22/12/17#46 in Chicklit on 23/12/17#2 in Sanam on 2/3/18Two mates. Two souls . Two hearts . Two people . One emotionLove...Loving someone for a long time is hard..It becomes harder to love them without knowing whether they love u or not whether they even remember u or not whether they remember about your existence or not...But still the love for them can't be betrayedThe place of them in the heart can't be given to anyone else..Story of Ananya Kaushik & her childhood love
8 80 - In Serial34 Chapters
FM 88.2 《KookV》✔
"Is it Kim Taehyung?" "Fuck ....dude! It's fucking 3 am in the morning if you wanna complain -" " I'm a big fan of yours and your show,Rj V " "wait ........dude! did I really get myself a fan!? where Taehyung is a rj of a radio station named FM 88.2 but his show is on the way of being cancelled due to the low rating. Taehyung thought his career as a rj gonna end soon but things change when he gains a mysterious fan. Aired:24th October ,2019Finished:6th January, 2020
8 78

