《A Prelude to Marriage》END
Advertisement
(*Rea's POV)
Gaya ng mga pinapangarap ng mga kababaihan, dumating na ang araw na pinaghahandaan namin ni Renz, 9 months na ang tyan ko pero nagkasya ang wedding dress ko at hindi nahalata dahil sa galing ng designer na nakuha ni mommy, pinasadya kasi ni tita at mama.
Habang tinatahak ko ang mahabang pasilyo ng simbahan, ay nakatitig lamang ako sa harapan kung nasaan si Renz. Ngayon, kahit di ko gustuhin ay sadyang naalala ko lahat ng napagdaanan namin. Simula ng magkaaway pa kami dahil sa grades, ng magsama kami sa isang role play, manligaw sya, at ng sagutin ko sya. Lalo na ang mga panahong nahihirapan kami sa relasyon namin, pareho kaming baguhan at kapwang mga wala ding gaanong alam sa pag-ibig pagmamahal. Pero heto kami, magkasamang tinatahak ang daan ng walang takot sa hinaharap at patuloy na lalaban sa mga susunod pang pagsubok. Sa ngayon, isang pahina sa buhay namin ni Renz ang matatapos at isa naman ang aming panibagong sisimulan, kasama ang mga magiging anak namin ni Renz.
“ipinagkatiwala ko na noon pa sayo ang anak ko Renz alam mo yan, ang mahihiling ko na lang ay wag mong sirain ulit ang tiwala ko” si papa at marahang ibinigay ang kamay ko kay Renz.
“Hinding hindi po tito.” si Renz
“itong batang to, ikakasal na kayo kaya papa at mama na din ang itawag mo sa amin” si mama.
“Maging mabuting ama't asawa ka sana Renz” nakangiting sabi naman ni mama at hinalikan sa noo si Renz.
“Gagawin ko po lahat ng makakaya ko mama.” nakangiting sabi ni Renz.
Inalalayan na ako ni Renz para magpatuloy sa Altar at iginiya paupo. Bahagya pa syang natawa ng ipasok nya ang kamay nya sa belo ko at pinunasan ang luha ko.
“iyakin ka talaga” nakangiting sabi.
“kala mo sya di umiyak, kita kaya kita kanina nagpupunas ka din ng luha” sagot ko.
“Tss.. Oo na”
“kainis di naman kasi Thursday ngayon pero nagtothrowback ako” sabi ko at pinunasan yung ibang luha ko.
“siraulo” nakangiting sabi ni Renz.
Tikhim ng pari ang nakapagpatigil sa amin.
“ok na? Pwede ng magsimula?” tanong ni Father.
“wait lang father iiyak pa ako” humihikbing sabi ko eh kasi naman ayaw tumigil ng luha ko.
Narinig ko ang mahinang tawanan mula sa mga dumalo sa kasal.
“mamaya ka na umiyak Misis ko gusto ko ng maikasal, sige na father simulan nyo na” si Renz.
Kaya ayun kahit umiiyak ako sinimulan na nga ni father.
****
“I do” nakangiting sabi ko ng tanungin ako ng pari.
“ok you may now kiss the bride” wika ng pari kaya naman dahan dahang itinaas ni Renz ang belo ko at ginawaran ako ng mabilisang halik.
“I love you Rea, salamat di mo ako sinukuan.” nakangiting sabi ni Renz.
Advertisement
“Di ka rin naman kasi sumuko at mahal na mahal din kita.” sabi ko.
“ladies and gentlemen, I now announce you husband and wife!” maasigabong palakpakan ang narinig.
Ng picture picture na tumabi sa akin si Riri sa tabi naman ni Renz si Raico at Trax.
Umaayos palang ang mga brides maid at grooms men ay nakaramdam na ako ng matinding pananakit ng tiyan, kaya napahawak ako sa balikat ni Renz na syang nakakuha sa atensyon nya.
“R-Renz” kinagat ko ang pang-babbang labi ko ng maramdaman ang pamamasa ng hita ko.
“bakit” puno ng pag-aalalang tanong nya.
Napahawak na ako sa tiyan ko, at napasigaw sa sakit kaya ang lahat ay natigilan.
“Sh-t Rea anong nangyayari sayo?!” sigaw ni Renz
“RENZ MANGANGANAK NA AKO!!!” sigaw ko sa sobrang sakit
Ang lahat ay nataranta.
“Ha?! Teka, di ba sa 29 pa sabi ni Doc?! Teka ah putek anong gagawin ko?!” nagpapanik na tanong ni Renz.
“REEEEEEENZ!!!!!!” sigaw ko at napaupo na sa sahig dahil sa sakit.
“Sh*t” sabi nya at dali dali akong binuhat.
“Trax sa kotse ko dali” si Trax.
Ang lahat ay aligaga sa pagsunid kay Renz na pinupunta naman ako sa kotse, kasama ko sa backseat si Renz si Riri sa pasenger seat at si Trax ang driver, sumunod naman si Raico at sumakay din sa backseat.
Hawak ni Renz ang kamay ko ako naman ay sinusubukang kontrolin ang paghinga ko.
“okay Rea, sundan mo ako, breathe in breathe out” si Raico na hawak naman ang kabilang kamay ko at inaaction ang sinasabi nya. Pati si Riri at Trax ay napapasabay sa breathe in and out na yan.
.
Naramdaman kong para na naman akong naihi ay sumakit na naman ang tiyan ko.
“RENZ HINAYUPAK KA TALAGA!!! ANG SAKIT!!!!” Sigaw ko.
“sorry na, sorry na di ko naman alam eh. Taena Trax dalian mo!” si Renz
“Putrapa heto na ang tamang bilis para kay Rea baka madisgrasya pa tayo buti sana kung ikaw lang ang sakay ko kahit trip to hell ka pa.”
“magsitigil kayo!” sita ni Riri
“AAAAAAAAAAAAHHHHHH” Ako
“A-A-A-ARAAAAAAAAAAYYYYYYY!!!!!!!!” daing ni Renz at Raico ng lumipat ang mga kamay ko sa ulo at tenga nila, pingot kay Renz sabunot kay Raico.
****
(*Renz's POV)
Pagkarating sa hospital ay agad na ipinasok sa delivery room si Rea, gustuhin ko mang pumasok ayaw naman ni Rea dahil baka maunahan ko pa daw syang makita ang mga anak namin.
Ilang beses na ba akong paulit ulit na tumayo at umupo dahil hindi ako mapakali. Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga nurse, pasyente at ng iba pang mga taong napapadaan dahil sa mga suot namin pero wala akong pakialam.
Kamusta na kaya si Rea? Lumabas na kaya ang mga anak namin? Oo mga anak, dahil ng magpaultrasound si Rea triplets daw ang ipinagbubuntis ni Rea. Kaya naman todo ang nerbyos ko ngayon.
Advertisement
“Chillax dude, para namang ikaw ang hindi mapaanak na buntis diyan.” si Raico, mokong na to porke di nya alam ang nararamdaman ko ngayon, pero di ko nalang sya pinansin.
“Kakayanin yun ni Rea Renz wag kang mag-alala.” si Trax na kahit di sabihin ay kinakabahan din ang kumag na to.
Tss.. Kala naman nya sya ang ama para kabahan din sya.
Maya maya pa ay dumating na din sila mama at ang mga magulang ni Rea.
“nasaan ang mga apo ko?” tanong agad ni tito na ngayon ay papa ko na rin.
“nasa delivery room pa po” magalang na sabi ko.
Lumipas ang ilan pang oras tanghali na, ako na lang ang naiwan sa harap ng delivery room dahil pumunta na ang iba sa kantina.
Napatayo ako ng lumabas ang doctor.
“doc kamusta po?” agad na tanong ko
“maayos na ang lagay ng asawa nyo at ng triplets, congratulations mister tatlong malulusog na lalaking mga sanggol ang anak nyo. Ilalagay na ang asawa mo sa isang pribadong kwarto isusunod naman ng mga nurses ang mga anak nyo.” nakangiting sabi nito bago umalis.
****
Ng magkamalay si Rea ay agad akong napatayo sa kinauupuan ko nakatabi lang ng kama nya, habang hawak ko ang kamay nya.
“Hey, you did a great job” sabi ko at hinalikan sya sa noo.
Ngumiti din sya pabalik.
“asan na sila?” tanong nya sa akin pero bago pa man ako makasagot ay nagsipasok na sila.
Si Riri na hawak ang isa sa triplets, isa kay Raico at isa kay Trax.
“Sensya na tol hinarang na namin ang tatlong prinsipe nyo nakakaexcite buhatin eh” si Raico
“Rea oh ang cute pinaghalong ikaw at si Renz” si Riri.
“Haha swerte naman ng batang to pagmumukha ko ang unang makikita” sabi ni Trax na kinaalarma ko kaya agad kong kinuha ang anak ko.
“di pwedeng ikaw unang makita ng anak ko, ikaw ba ama?” seryosong sabi ko.
“hindi pero ako ang ninong, GWAPONG ninong” proud na sabi nya tss..
Ibinigay ni Riri ang dala nyang bata sa kabilang banda naman yung kay Raico.
Lumapit ako kay Rea at umupo sa tabi nya, ang bibilog nila na animo ay mga baby buddha bilugan ang mga mata nila mana kay Rea, matangos ang ilong at maninipis ang mga labi na ang liliit. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayong karga karga ko ang isa sa mga anak, hindi ito ang unang pagkakataon na nakabuhat ako ng bata pero ito ang unang pagkakataon na gusto kong maluha sa sobrang saya.
“Ang ku-cute nila Renz oh” nakangiting sabi ni Rea, gamit ang isang libreng kamay ko ay yinakap ko sya.
“ikaw ang naglabas sa mga gwapong sanggol na sa mundong ito Rea, ang galing mo dahil nailabas mo sila ng ligtas.” puri ko, kahit wala ako sa tabi nya kanina alam kong nahirapan sya.
“Rea andito na ang mga nurse, kukunin daw ang pangalan ng mga baby” biglang pasok nila mama.
“asan na ang mga apo ko gusto ko ng mahawakan ang mga apo ko” excited na sabi ni papa at lumapit kay Rea, kinuha ang isa.
“Aba ang gwapo gwapo naman ng mga batang ito, mana sa lolo ano?” sabi ni papa.
“magtigil ka Andrei di ka gwapo” sita ni mama na mama ni Rea, saka kinuha ang isa pa sa triplets na nakay Rea.
“kung di ako gwapo bat nagkandarapa ka sakin?” pilyong sabi ni tito.
“sige mangarap pa” basag ni tita.
“anak, pwede ko bang mahawakan ang anak ko?” si mana
Ngumiti ako at marahang ibinigay sakanya ang bata.
“excuse me po, kukunin na po namin ang mga pangalan ng mga bata?” ani ng nars.
Nagkatinginan kami ni Rea, matagal na kasi namin itong napag-usapan.
“Jurich Charles Sua”
“Junix Carlos Sua”
“and Junrich Carl Sua”
“Ay ang cute!” Riri
“thank you ma'am and sir iwan na po namin kayo babalikan na lang po namin ang mga baby mamaya” sabi nito at nagpaalam na.
Kasal na kami ni Rea, marami kaming napagdaanan na nalampasan naman namin ng magkasama. Ngayon, may tatlong anak na kami at ang mahihiling ko na lang? Makapagtapos at makahanap ng trabaho para may maipangtustos sa pamilya ko, hindi na lang si Rea ang kailangan kong buhayin ngayon. Pati na rin ang tatlo naming anak, mahirap siguro oo pero alam kong hindi ako susuko. Basta kasama ko ang pamilya ko. Wala namang imposible at hindi kakayanin basta alam mong hindi ka mag-isa...
Basta kasama ko si Rea at ang mga anak namin, hindi ko alam kung meron pa ba akong hindi kakayanin pagkasama ko sila. Kaya sa lahat ng mga nagmamahal, hindi ko sinabing maging mapusok kayo kagaya namin ni Rea. Oo inaamin ko hindi iyon tama, pero sa mga sitwasyong ganito. Ang mga lalaki ay dapat na maging responsable sa lahat ng sitwasyon at bagay sa mga taong mahal nila, maging isang totoong lalaki para patunayan ang hinahayag nilang pagmamahal hindi puro salita lang. Wag magmadali sa paghahanap ng totoong pag-ibig dahil kusa lang itong dumadating. Yun lang at maraming salamat sa pagsama sa aming story.
-The End.
******
Baduy de joke. Sorry ito lang ang kinaya. Anywaysss salamat sa lahat nagbasa, nagcomment, nagvote at sumubaybay hanggang huli. Love you all.
-Prean.
Advertisement
- In Serial143 Chapters
The Villainess Wants to Make Her Husband Slim Down
A Count's Daughter who lost in the running to become the Second Prince's fianceé, Camilla. The Prince chose a Baron's daughter as his fianceé, and the world blessed the two's love as fated. On the other hand, Camilla who was tailored and elevated as the love's villain, in the end, as punished she was made to marry a terribly fat and ugly man――called『Toad of the Swamp』from his appearance, a lord of a remote region named Alois.As an ugly toad-man's plaything, the noble villainess girl walks along the road of her wretched last days――as if I'll let that happen! I won't just get married meekly like this. I'll definitely make him diet and polish him into a good man and show them good――!A romance story between a girl who isn't discouraged and an intellectual man who's different from his appearance, a diet and their meals, coaxing the other yet sometimes being played themselves.Book: Not MineAuthor: HaiakaBook Cover Artist: KurodekoTags: Completed!
8 170 - In Serial137 Chapters
Don't Want To See You In The Next Life (Volume1)
[COMPLETE]Summary: In his previous life, Xia Lin gave his heart and soul to Song Yan but never got rid of the fate of being the spare tire. In the next life, Xia Lin decided to cut off their bad relationship and stay away from Song Yan.Chinese Title: 來生不見Author: 天襲 (Tian Xi)Link for raw: https://www.shubaow.net/52_52906/Raw Status: Complete (132 Chapters)This is not my story. I just MTL-ed this for a smooth offline reading experience.
8 253 - In Serial10 Chapters
MISS DARLING. | BWWM (hiatus)
Yvette Darling doesn't remember the first tens years of her life. All twenty-five year old Yvette wants to do is create a future with the people around her to fill the empty and missing void she feels from not knowing her past. It is easier said then done due to Yvette passing out frequently, having headaches and daydreams of things she believes are her repressed memories due she's been through when she was only ten-years old. Yvette on her twenty-fifth birthday witnessed a murder, and it wasn't her first one..Now her life being in the hands of Levi Daalman and his younger half brother Carson. Yvette will finally have the key to those unlocked memories and with that comes danger and betrayal and love right around the corner.
8 147 - In Serial105 Chapters
Apartment 10A || Steve Rogers, Captain America (BWWM)
Daughter of Fury is sent to watch over captain America. Once Captain America finds out who Y/N truly is they tend to bump heads a lot and eventually find common ground and become lovers. Read more to find out.💕Part 1, Part 2 & Part 3 is all in one book💕
8 560 - In Serial104 Chapters
He was chasing the girl, but he caught the boy.♡Everyone loves Ashton Anders and yet here he is, loving the only person who doesn't.Started: 18th aug 2019 Completed: 1st Dec 2019Highest rankings:#1 gayboys#1 gayromance#1 gayfiction#5 lgbtfiction#1 lgbtlove#3 comingout#155 teenfiction#2 shortstory#17 lgbt#22 malexmale#30 homosexual#1 comingoutofthecloset#13 hatetolove#6 bisexualTbe spin off: don't run from the sun
8 168 - In Serial25 Chapters
My Beloved Mate
[MANxMAN/Mpreg]Prequel/Book 0.5 to 'My Mate' Series: Lionel Bellum wasn't the brightest and when his mother left when he was younger, he had a fear of the same thing happening to him. After his father remarried and started to focus on his new family, Lionel felt like an outsider and decided to leave after his high school Graduation and distance himself from his unwanted family. Moving to a new town and finding a job wasn't easy but he did and is happy with the life he has, he even made friends that he was sure would stick by him through thick and thin. Even if Lionel doesn't believe in love, he wants someone to be there for him, someone to hold him, and spend the rest of his life. To his surprise, it's the man he very much disliked. Zechariah Sanderson is the Alpha of the Midnight Howlers. He was strict yet kind and demand but respectful when he needs to be. Zechariah has been waiting for his mate for six years and when he finally finds out who it is, he was very disappointed and scared. Zechariah doesn't want a human mate that could put his whole kind to the world and they would be hunted for the rest of their lives. He doesn't want to take any chances but when his wolf convinced him to try, he's very cautions which causes his mate to dislike him. Soon they started to get closer but there's a new pack that threatens Lionel's safety. What would Zechariah do? What would Lionel do when he finds out the person he started to like wasn't human at all?
8 196

