《Questionable Love》4
Advertisement
"Sa wakas makakapagpahinga na din"Sigaw ni Sam ng maka-pasok na kami sa loob ng condo.
Agad kaming humiga sa couch sa sobrang pagod.Sobrang nakaka-pagod ang mga nakaraang linggo.
"Sa'n kayo?Wala tayong klase sa dalawang araw"Sabi ni Rye habang kinakalikot ang cellphone.
Ngumiti ng malapad si Sam at umupo ng maayos bago mag-salita"Pahinga na muna ako ngayon hanggang bukas sa susunod na araw naman may date kami ni Luis"
"Ikaw Sara?For sure matutulog ka lang sa dalawang araw"Tawang tawa pa si Rye sa sinabi niya.
Inirapan ko lang siya at tinaasan ng isang kilay"Eh,ikaw? May gagawin ka?"
"May date kami ni Dave bukas tapos may pupuntahan daw kaming lugar"Mayabang na sagot niya habang nakapa-maywang
"Aba sino Si Dave?"
"Yong kalandian ko sa club,nilalandi niya pa din ako"
Wala na talaga akong mga kaibigan,inu-una na nila ang mga lalaki nila!Wala na akong ibang choice kun'di matulog na lang sa dalawang araw na 'yon.
Nag-usap pa kaming tatlo sa ibang mga bagay bago mag-desisyon na kumain sa labas.Madami pa naman kaming stocks pero walang gustong mag-luto.
"Do'n na kang sa bagong bukas na restaurant sa may malapit lang"Suggest ko sa kanilang dalawa.Agad na man silang tumango at nag-ayos.
Simple lang mga sout namin at naka-sapatos lang.Balak kase naming lakarin na lang.
Nagtatawanan at nagtutulukan lang kami habang naglalakad.Para kaming mga bata sa mga kalokohan namin.Pinagtitinginan na din kami ng iba.
"Tumigil ka na Rye!"Sigaw ni Sam dahil sumampa si Rye sa likod niya."Isa!......Dalawa!..Makakatikim ka talaga sa 'kin!"
"Pa'no mo ko masasapak?or masasampal ha"Panghahamon ni Rye.
"Baba na nga Rye,ano ba!"
Bumaba na siya ng mapansing galit galit na si Samantha.Agad siyang kumaripas ng takbo papalayo sa 'min ni Sam.Para na talaga silang mga bata.
Naghabulan pa sila ng naghabulan ng may presensya ako naramdaman na naka-sunod sa 'kin.Pag-lingon ko sa likod ko kitang kita ko pa kung pa'no siya nahiya.
Tinaasan ko siya ng kilay na para bang nagtatanong.Agad siyang umiwas ng tingin at nag-isip ng alibi.
"May pupuntahan ako do'n banda"Sabi niya habang naka-nguso ang mga labi para ipakita ang direksyon."Sakto namang nakita kita kaya sumunod na lang ako,iniwan ka din kase ng dalawa"Mahabang paliwanag niya.
Tinanguan ko lang siya sa sinabi niya at patuloy na nag-lakad.
"May pasok ka bukas?"Tanong niya bigla.
"Wala,kayo?"
"Wala din"
Advertisement
Hingal na hingal silang tumigil kaka-takbo.Pag-lingon nila sa direksyon ko,namin pala kase tumigil din siya.
"Ui,Bong?"Patanong na tawag ni Sam.
"Uh,hello"Hiyang hiya pa si Bong
Bumulong si Rye kay Sam at sabay silang nagtawanan.Na pilit nilang pinipigilan.
"Dinner?, do'n oh,sa may bagong bukas na restaurant?"Patanong na pag-aya ni Bong.
"S-sure do'n din kami papunta"Sagot naman ni Sam habang malaki ang ngisi sa 'kin.
"Akala ko ba may pupuntahan ka pa?"Nagtatakang tanong ko.
"Ah,pwede namang mamaya na 'yon.Inuman kasama ang kaibigan lang naman.Tsaka 'di pa kase ako nakakakain"Paliwanag niya.
"Tara na.Gutom na ako"Sabi ni Sam
Nauna ang dalawa kong kaibigan sa paglalakad kaso nga lang panay ang lingon nila sa amin ni Bong gamit ang mga nanunuksong mata.
Umuna ng ilang hakbang ang lalaki sa 'kin para pag-buksan ako ng pinto.
"Thank you"I said and gave him a genuine smile.
Pagka-upo naming dalawa agad niyang tinanong kung naka-order na ba daw sila.Iling lang ang binigay nilang sagot kay Bong.Kaya tinawag na ni Bong ang waiter at nag-order.
"What do you want?"Tanong niya sa 'kin.
"Depende"Wala sa wisyo kong sagot.
"Kayo? Anong gusto niyo?"Tanong niya din sa dalawa.
"Ikaw na bahala"Sagot ni Rye na sinang-ayunan din ni Sam.
"Steak na lang,best seller nila 'yon"
"Sure"Sabay naming sabi.
Ang dalawa kong kaibigan busy sa cellphone may nalalaman pang pag-tawa ng mahina na ani moy kinikilig.Si Bong naman inililibot ang mga mata sa loob ng restaurant.
"May gagawain kayo bukas?"Tanong niya bigla sa kanila.O mas maganda sigurong sabihin na sa 'min kase tinignan niya din ako.
"Meron kami ni Sam eh,Diba Sam!"Sagot ni Rye habang pinandilatan ng mata si Sam.
"May ano....may project akong gagawin bukas eh,bakit pala?"Tanong ni Sam
"Ah,baka...baka gusto niyong lumabas,oo."Nahihiyang sabi ni Bong
"Ayain mo na lang diretso si Sara,dinadamay pa kami eh"Naka-ngitig sabi ni Rye"Tsaka matutulog lang 'yan.Wala 'yang plano bukas"
Tinignan ko ng masama si Rye pero nginisian niya lang ako.Sakto din namang dumating na ang order namin
Amoy pa lang parang ang sarap na kaya hiniwa ko ng maliit at sinubo.Paglapat ng karne sa dila ko para na akong nasa ulap,ang sarap sarap talaga.
"Best seller nga"Tuwang tuwang sabi ko kay Bong.
Nagpakawala siya ng malaking hangin at ngumiti bago mag-salita"Salamat naman at nagustuhan mo"
"Ay wow,ang feedback lang pala ni Sara ang kailangan eh"Mahinang sabi ni Sam habang umiling-iling.
Advertisement
"Huh?Hindi ah.Kita naman kase sa mukha niyo na nagustuhan niyo"Pagpapaliwanag ni Bong
"Sabi mo eh"Kabit-balikat na sagot ni Sam bago sumubo ulit.
Nag-usap lang kami about sa mga subjects kung sa'n kami nahihirapan,sinong ayaw namin na prof at iba pa about sa school.
Pagkatapos naming kumain nagpahinga lang kami ng mga ilang minuto.Itinuloy lang din namin ang pagkwe-kwentuhan.
"Tara na,gusto ko ng matulog"Aya ni Sam.
Bago ako tumayo kumuha muna ako ng pera sa wallet para ibayad.Kaso agad akong pinigilan ni Bong.
"Bayad na"
"Teka lang,hati na lang tayo.Ang mahal no'n noh"Pagpupumilit ko.
"Bayad na eh,ang pangit namn pag gano'n"
"Nakakahiya naman"
"Wala 'yon"Sabi niya sa akin at binigyan ako ng malapad na ngiti.
Pagka-labas namin pinilit ko pa ding bayaran siya kahit sabi niyang ayaw.
"Gan'to na lang,labas tayo bukas"Nahihiyang sabi niya habang nagpipigil ng ngiti.
Ang hilig niya talaga sa gan'to ah,tutulong o di kaya manlilibre tapos di tatanggap ng Thank You o mag-hati ng bayad.
Wala akong planong umo-oo,pero nakakahiya naman.Ayaw niya kase talagang maghati pa kami sa bayarin sa pagkain.Pambawi na lang din ulit 'to.
"Sge, basta ako ang bahala sa gastos bukas"
Naghampasan pa ang dalawa kong kaibigan sa narinig nila.Tuwang-tuwa ang mga kupal.Eh,lalabas lang naman kami.Walang malisya!
"Sge, Pupuntahan na lang kita sa condo niyo"Napansin ko pang medyo namumula ang pisngi niya."Ihahatid ko na kayo sa condo niyo"
"Wag na baka hinahanap ka na ng kaibigan mo"
"Sus,Sige na Bong ihatid ko na si Sara ay kami pala.Baka ma kidnap pa tayo"Taas babang kilay na pag-singit ni Rye sa usapan.
Wala akong ibang magawa kun'di maglakad at hayaan na siya sa gusto niya.Tahimik lang kaming dalawa sa paglalakad habang ang dalawa kong kaibigan ay ang bilis ng mga hakbang.
"Gusto mo pumasok sa loob?"Aya ko sa kan'ya ng maka-rating na kami sa condo.
"Wag na, kailangan ko na ding puntahan ang mga 'yon"Pagtanggi niya sa 'kin"Bukas na lang? I'll pick you up at 9:00"Naka-ngiting sabi niya.
Tinanguan ko lang at siya at nagpasalamat.Pagkapasok ko inakbayan ka agad ako nina Rye at Sam.
"'Yan tama yan,Inday.'di na tayo bumabata"Sabi ni Sam habang tinutusok ang tagiliran ko.
"Hard Pass pala kay Bong ha"Tawang tawang wika ni Rye
"Pinagsasabi niyo?"Tanong ko habang kumakalas sa akbay ng dalawa.
"May date ka na eh,Si Bong pa,Ipagpatuloy mo lang 'yan bata"
"Babawi lang ako, mga kupal"Sabi ko bago pumasok sa kwarto para 'di na marinig ang mga sasabihin nila.
Pero hanggang sa kwarto ko dinig na dinig ko pa din kung pa'no nila ako tuksuhin.Na kesyo daw may date na ako,'di na daw ako matutulog o iinom pag may libreng araw,'di na daw malamig ang pasko at bagong taon ko.May magbibigay na daw sa akin ng bulaklak at kung ano-ano pang sinasabi nila.
Ano bang klaseng utak ang meron ng mga 'to?Lalabas lang naman kami!Wala siyang sinabing date 'yon!
Pag-open ko ng wifi,may dalawang message ang bumungad sa 'kin.
Matt_Valencia09: Let's play arcade, Tommorow?
Nakwento ko nga pala sa kaniya na mahilig ako sa arcade,alam niya din siguro na free kami bukas dahil sa kaibigan niya.
Inday_Sara:Sorry,I already have a plan for tommorow.
Pagtanggi ko sa kaniya binuksan ko na din ang isang message na kaka-sent lang 2mins. ago.
Ferdinand_Jr.: Goodnight pala and thank you for allowing me to have dinner with you.
Inday_Sara:Kami nga dapat mag thank you kase ikaw nanlibre eh.
Ini-open ko din ang reply ni Matt.
Matt_Valencia09:Oh,I see.Enjoy:))
Nag react like lang ako sa message niya at nag-reply din kay Bong.
Ferdinand_Jr.: HAHAHA your smile is already enough.
Nawala ang antok ko ng mabasa ang reply niya,gan'to ba siya manlandi?Nilalandi niya ba ako?May ka fling pa to ah.Di ko na lang siya ni replyan at papatayin na sana ang cellphone ko kaso nag-message siya ulit
Ferdinand_Jr.:I mean,ililibre mo naman ako bukas eh,quits lang tayo;))
Aba syempre jan ka magaling eh,you don't take thank you's.Libre din ang hanap mo,lol.
Ferdinand_Jr.: Goodnight ulit:))
Inday_Sara:Inom well.
Ferdinand_Jr.:Kunti lang naman iinumin ko.
Aba puta ba't gan'on ang ni reply ko.Baka akalain pa nun na nag-alala o galit ako kase iinom siya.Nakakahiya ka Inday!!!
Inday_Sara:Wala naman akong pake kung uubusin mo lahat ng alak sa buong mundo.
Ferdinand_Jr.:Wala din naman akong sinabi na may pake ka ah,ang sinabi ko k'unti lang ang iinumin ko.Ipinapa-alam ko lang.
Mas lalo mo lang pinapahiya sarili mo Sara!Bwesit to.Di na ako na reply at hihiga na sana kaso tumunog ulit,di ko pa pala o-off ang wifi ko.
Ferdinand_Jr.:You should take rest already,I know this past weeks is stressing you so much.Goodnight:)
Advertisement
- In Serial395 Chapters
80 Years Of Signing-In At The Cold Palace, I Am Unrivalled
Lin Jiufeng transmigrates to become the Yuhua God Dynasty’s Crown Prince but is dethroned, banished to the Cold Palace, and imprisoned there because he had released the holy maiden of their rival country.Lin Jiufeng isn’t dejected. He has brought a sign-in system with him when he transmigrated and he would receive rewards when he signs in at different places.Before the Cold Palace’s gates, he signs in and receives the Ultimate Heaven Slashing Sword Skill!In the Great Council Hall, he signs in and receives the Heaven Patching Technique!In the Empress Dowager’s palace, he signs in and receives the God of War Totem!…Liu Jiufeng imagines that he can quietly sign in like this until he becomes invincible. Yet who would have imagined that the Heavenly Concubine whom he secretly released would rise in rebellion and seize power after she returns to her country?After she succeeds, her first priority is to attack the Yuhua God Dynasty to rescue Lin Jiufeng.When Liu Jiufeng hears of this news, he’s puzzled. «Do I need you to rescue me?»
8 2567 - In Serial30 Chapters
Immense Space
The Technocracy was the most extraordinary empire to ever exist in the multiverse. Despite this, its famed legacy stems from just a single man.An untold number of players, each with their own desires, participated in the game. Some joined in the name of progress and others in search of fame. The rest joined because The Machine asked them to.This is the tale of the universe, how it was shaped by the advent of an empire from Earth and the stories of the players who built it.
8 251 - In Serial39 Chapters
The Connections
In the beginning Humanity and energy lived as one. Humanity harvested pure matter from the environment to feed this energy and in return this energy gave the host an unique ability to help it survive, this symbiosis was called "The Connections". As humanity grew more prosperous and advanced in culture, so did the Connection's bond which could only be established through a moment of original creativity. Life on Toreoth was ideal, until the social hierarchy collapsed. This collapse was caused by humanity, which had expended nearly all of its original creativity. With this loss humanity lost the Connection as well. As the years pass, the connection get's established in fewer and fewer people, until one fateful day when the connection was severed entirely, but before that happened the connection was connection was established in one person named Zach Carter. Given orders by the very connection itself, Zach and his friends must find and replenish the three source crystals that give the connection it's power and save humanity before a deadly sickness wipes humanity from existence.
8 154 - In Serial10 Chapters
Our Dear Introverted Hero
When smile-chan is hit by a bus, it propels her life in many new and unwanted directions. She is thrust into a new world, and due to an unspecific dying wish she made, she is expected to be the next world’s savior. Through a series of adventures, smile-chan is able to discover more about the power hidden within herself, and the secrets of her new world.
8 86 - In Serial7 Chapters
A Battle of Eyes Against the Gods
What happens when an Entity of unknown power, who happens to get bored and entertained easily, decides to make his own entertainment? Our unlucky (Lucky?) protagonist doesn't even get to find out as he finds himself in a world of cultivators with a "Golden Ring" of a system inside his head. Under normal circumstances, finding yourself in another world would be the fantasy of an otaku but when it's the world of Against the Gods, Jin can't help but remember the lead character and frown. "Against the Gods? That means Yun Che should be here... If I run into that psycho who knows what might happen. On the other hand, he is a prick so it would be a fun idea to mess with him and keep those girls safe. Might even see if Qingyue is all the book made her out to be~ Not like he deserves her." Follow Jin as he tears up the plot, trolls the would be MC, and grows in power with the help of his snarky system. (I don't own the art, found it online)
8 98 - In Serial34 Chapters
As Above So Below
Roman’s mind would always drift back to the secrets he had buried deep inside him. Practically haunted by his own mistakes. The night at the dock was one that nothing could quite wash away. The horrified looks on his friends' faces caused a desperate need to push those secrets deeper and deeper until not a soul would speak of it. Years would pass, the friendships dissolved, leaving Roman alone with his self destructive tendencies. That was until a group project and development initiative threatened to bring those dark secrets to light.
8 99

