《Song Lyrics》Janella Salvador - Wow Na Feelings

Advertisement

Sana muli, sana muling ika'y

Makasa-makasa-makasama ngayon

Walang balita sa iyo buhat noon

Magkaklase pa tayo non at nangyari

Reunion ng dating barkada, naging buhay

Nang ika'y dumating, grupo ay ang-ingay

Ikaw na lang ang hinihintay

At ngayon, nandyan ka na

'Di makatingin sa iyong mata

Mayrong gumugulo sa 'king nadarama

Pagkat may nalilihim ako at lumipas na ang ilang taon

Hindi pa ba ito ang tamang pagkakataon?

Hindi ko pa alam kung ipapadama o

Hidden na lang 'tong wow na feelings na para sa'yo

Baka naman na mapahiya lang ako

Sa iyo'y mabigo, pighati'y mabuo

Papano ba 'to?

Bakit muli, Bakit muling

'di na ma-'di na ma-'di na mapakali

Katabi kita't, lalo ka pang lumalapit

Tensyon ay tumitindi at nangyari

Tuksuhan ng ating barkadang pasaway

Walang pakialam at sila ay nag-ingay

Pwede daw magdikit-kamay

At nang narinig kita, tanong mo ay, "Ok ka ba?"

Hindi pa din masabi aking nadarama

Kasi nga ang lihim na ito'y

Tinatago ko hanggang ngayon

HIndi pa ba ito ang tamang pagkakataon?

Hindi ko pa alam kung ipapadama o

Hidden na lang 'tong wow na feelings na para sa'yo

Baka naman na mapahiya lang ako

Sa iyo'y mabigo, pighati'y mabuo

Papano ba 'to?

Papano ba 'to?

HIndi ko pa alam kung nas'an na ba ang lakas ng loob

Sana lang sana ay ibigay mo na 'to!

Ohh, Diyos ko naman o kaya'y bahala na

Ayoko lang masayang 'tong wow na feelings

Baka mali, baka mali sa

Inaaka-inaaka-akalang ito

Ating samahan siguro'y 'di magbabago

Heto't aaminin ko na nga sa iyo

Nang bigla mong inabot

Karton na may dalawang tiklop

Sa aking pagbuklat, ang nais ko ay naudlot

Nagulat sa natuklasan, lugar at petsa't

Pangalan ng dalawang pusong...

Tama na! ikakasal ka na pala

Ooohhhh... oooohhhh...

Wow naman, oh Diyos ko naman

'DI ko inaasahan, ang sakit naman

Ang sakit sakit naman

Hindi ko na pala ipapaalam at hidden na lang

'Tong wow na feelings na

Para sa'yo, na para sa'yo

Heto na nga't ako'y nabigo, nawalan ng lakas ng loob

Pighati'y nabuo, paano na 'to? ooh, paano na 'to?

Siguro nararapat lamang ito

Dahil sa nagawa noon sa iyo

Sana'y 'di nagkaganito

Oohh, pasensya na sa 'ting nakaraan

Sinayang ko lang ang wow na feelings mo

Woohhh, woohhh, woohhh

    people are reading<Song Lyrics>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click