《Song Lyrics》Kyline Alcantara - Paalam Na

Advertisement

kamusta ka na?

masaya ka ba?

kamusta s'ya?

napapasaya ka ba n'ya?

nasaktan ka rin ba

nung tayo'y nawala?

nahirapan ka ba

kalimutan ang lahat?

kaya't maraming katanungan sa isipan

kailangan kong malaman

nasa'n ka?

bakit ako'y iniwan mo?

ang sabi mo mahal mo ako

pero bigla kang nagbago

nasa'n ka?

nawala ka bigla-bigla

'di nagsabi o nagsalita

ano bang nagawa at iniwang

naghintay sa wala?

hindi ko maiwasang

mag-isip ng malalim

hindi ko mapigilang

masaktan paulit-ulit

hindi makalimutan

ang lahat na nangyari

hindi ko maintindihan

kung bakit 'di nagsabi

kaya't maraming katanungan sa isipan

kailangan kong malaman

nasa'n ka?

bakit ako'y iniwan mo?

ang sabi mo mahal mo ako

pero bigla kang nagbago

nasa'n ka?

nawala ka bigla-bigla

'di nagsabi o nagsalita

ano bang nagawa at iniwang

naghintay sa wala?

ang sabi'y maghihintay sa'yo

pero bakit bigla kang naglaho?

'asa'n ka nung kailangan kita?

ayun pala bumalik ka sa kanya

ha...

tama na

'di na ako aasa pa

puso'y pagod na,

pagod na masaktan

tama na

lahat ay bibitawan na

mga pangarap ko sa'ting dalawa

dahil masaya ka na

paalam na

paalam na...

    people are reading<Song Lyrics>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click