《Reaching the Sky》28
Advertisement
good morninggg! yaz, another morning update because hindi ko kayo matiis talaga HAHAHAHAHAHA grabe ang pagkaguilty ko, perks of having a marupok na author sa rts hay. anw, i know my pagod naman is worth kasi nakikita ko kung paano niyo suportahan 'yong story. 'wag niyo ako awayin, kayo talaga nagpilit sakin na mag update ah HAHAHAHAHAHA hope all of you will have a good sleep and enjoy, readers!
listen to the song above again! i luuuuv that song very much and I think sumasakto siya sa chapter, so ayorn! listen and read well!
"Bubby.. let's go, please."
Patuloy ako sa pagpilit kay Y/N na tumayo para makabalik kami sa resort.
Lalong lumalakas ang ulan at isa lang ang payong na dala ni Keith. Hindi 'yon enough para sa aming tatlo. Si Keith na kanina ay hindi naman nababasa ng ulan, ngayon ay medyo basa na rin ang likod niya.
"Keith, 'yong likod mo basa na," I said, worried about her.
"Okay lang, Ma'am Jill. Sanay naman po ako sa ganito," mas lalo niyang inilapit ang payong sa amin ni Y/N. "Kayo po ni Arki kanina pang babad sa ulan, baka po magkasakit kayo,"
"Bubby," I cupped Y/N's face. "Tara na, hmm?"
"Jill.. si Tricia," Y/N slowly said, ramdam na ramdan ko 'yong sakit sa boses niya.
Seeing Y/N like this, I can't help but to cry.
But I need to stand up for Y/N, I need to be strong.
Ang sakit makita na 'yong taong pinaubaya ko, nasasaktan nang ganito.
I hugged Y/N once again and kissed his/her head. "I know, bubby I know.." napapikit ako. "Pero kailangan mong tumayo, okay? Please, unahin mo ang sarili mo ngayon,"
Wala akong natanggap na sagot sa kaniya at patuloy lang siya sa pagiyak habang hawak 'yong salamin ni Ate Tricia.
"Kahit ngayon lang, bubby hmm? Piliin mo ang sarili mo," I begged.
Hindi ko kayang makita na nagkakaganito siya. Once is enough, Y/N can't afford another heartbreak.
Masyado na siyang sira para masira ulit.
"Keith, natawagan mo ba 'yong driver?" I asked her.
Both of us decided na tumawag ng sasakyan para hindi na kami maglakad pabalik sa resort. Lalo na sa lagay ni Y/N ngayon, imposible na makabalik ron na lakad.
"Opo, parating na raw po,"
I nodded at hindi ko binitawan si Y/N. Hinayaan ko lang siya sa ganong posisyon habang hinahaplos ko ang likod niya. Konting minuto lang ang pinagantay namin dahil dumating din agad 'yong sundo.
"Bubby, you need to stand up, ha?" I said and looked at Y/N.
Hindi niya ako sinasagot at nakayuko lang habang nakatingin doon sa salamin ni Ate Tricia.
"Pagod na ako, Jill.." Y/N whispered.
Hearing Y/N said those words, nasasaktan din ako.
I held his/her hand at dahan dahang kinuha 'yong salamin ni Ate Tricia. Ramdam ko ang panghihina niya dahil nabitawan niya agad 'yon at hindi na ako nahirapang kuhanin.
"I know, bubby. Kaya tara na, okay?" I held Y/N's face and made him/her look at me. "Magpapahinga na tayo,"
Y/N slowly nodded at nginitian ko naman siya, kahit ang sakit din para sa akin na makita siyang ganito. Hindi niya 'to deserve.
Inalalayan namin siya ni Keith paakyat ng sasakyan. Iniabot ko sa kaniya 'yong salamin ni Ate Tricia at tinago naman niya 'yon sa bag ko na nasa likod ng sasakyan, katabi niya.
Ipinataas ko kay Y/N ang paa niya sa car seat at pinasandal sa akin dahil patuloy pa rin 'yon sa pagdugo.
"Keith, can you check 'yong paa niya?" I asked Keith at agad naman siyang sumunod.
Advertisement
Napailing iling siya habang tinitingnan ang paa ni Y/N. "Ma'am Jill, ang dami pong bubog, mukhang galing sa basag na bote," paliwanag niya. "Tsaka po mukhang mas maganda kung sa ospital tayo dumiretso, may isa pong malaki at mukhang malalim,"
Nahawakan niya 'yong paa ni Y/N at agad naman siyang nag panic. "Shet! Sorry po, Arki!" she apologized.
I rubbed Y/N's shoulders. "Masakit?"
Umiling iling siya at patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha niya. Kahit na hindi siya nagsasalita at nagsasabi, alam ko kung gaano siyang nasasaktan ngayon to the point na namamanhid na siya at wala nang maramdaman na kahit na anong klase ng sakit.
This world has always been so cruel to Y/N.
At maging ako, hanggang ngayon dala dala ko pa rin yung guilt sa nagawa ko sa kaniya.
Hanggang ngayon.. naaalala ko 'yong itsura niya nung nagmamakaawa siya para piliin ko siya.
Sana hindi ko na lang siya iniwan nung mga panahon na 'yon.
Alam kong kailangang kailangan niya ako non pero si Ivan pa rin ang pinili ko.
Hindi ko ginusto, kinailangan kong gawin 'yon para rin maprotektahan siya. All I want is to protect Y/N, pero sa maling paraan ko nagawa. I had to chose Ivan over Y/N dahil ayon ang mas makakabuti, lalo na't tutok ang mata sa amin ng balita dahil parehong tumatakbo ang magulang namin ni Ivan sa politika. Mainit ang mga mata ng mga taga suporta ni Ivan kay Y/N dahil gusto nilang kami ni Ivan.
Pero isa 'yon sa mga bagay na pinagsisisihan ko. Dahil hanggang ngayon, nakatatak sa isip ko kung paano nagdusa si Y/N nung iniwan ko siya.
Nandon ako mula nung pinili ko si Ivan hanggang sa bumalik ako.
I was there, I was there all along.
(Flashback)
"Hello? Anak, Jill?" Bungad ni Inay sa akin.
Base sa boses niya, she's crying.
"Nay, hello po. Napatawag po kayo?" I answered, napatakip ako sa bibig ko, trying to pigil my iyak.
"Anak, baka naman puwedeng pumunta ka ri-"
"Sino 'yan, Nay?" I heard Y/N talked. "Si Jill ba? Si Jill ba 'yan?" he/she asked, drunk. "Ibaba mo na 'yan, Nay. Hindi.. hindi ako pupuntahan niyan,"
Doon naiyak ako, I had to mute myself. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang marinig na nagkakaganon siya dahil sa akin. Y/N is not sanay na uminom, pero ngayon ay lasing siya.
"Anak naman, tumayo ka na d'yan, tama na 'yan.." I heard Inay said.
Hindi niya ibinaba ang tawag. Nakinig lang ako sa usapan nilang dalawa. Hindi ko alam kung sinadya 'yon ni Inay o hindi, pero nakinig na lang ako.
"Nay, bakit?" Y/N asked.
"Hindi ko masasagot 'yan, anak.."
Narinig kong binuksan niya 'yong isang bote at uminom. "Bakit ang dali naman para sa kanila na iwan ako?"
"Tama na, nak.. tumayo ka na d'yan, matulog na tayo," pag pilit ni Inay.
Nakatakip pa rin ang kamay ko sa bibig ko at patuloy ang pag iyak. Hindi rin ako puwedeng marinig nila Mama.
Dahil hindi rin nila alam kung ano ang namagitan sa amin ni Y/N at kung ano ang sitwasyon namin ngayon. I had to lie na nagbabakasyon si Y/N para hindi nila hanapin.
"Nung una.. si Mama. Nasaan si Mama ngayon? Wala, wala siya, Nay.. iniwan ako," pagpapatuloy ni Y/N. "Ngayon naman, si Jill.. si Jill, Nay. Si Jill na mahal na mahal ko, si Jill na handa akong iwan at isakripisyo ang lahat para sa kaniya, kahit.. kahit sarili ko isakripisyo ko, handa ako,"
"Y/N.."
"Hindi, Nay makinig ka lang sa akin, kasi ikaw na lang ang meron ako.." mas lalo siyang umiyak pero narinig ko siyang tumawa. "Lahat.. lahat tiniis ko para hindi siya mawala sa akin. At ang nakakainis pa niyan," Y/N stopped talking, I think uminom siya.
Advertisement
"Ang nakakainis niyan, Nay kahit ganito ako kasira ngayon, kahit gaano kasakit.. hindi ko mahiling na sana panaginip na lang lahat 'to, hindi ko pinagsisisihan na nakilala at minahal ko si Jill.. kasi mahal na mahal ko siya, Nay. At alam mong mas matimbang 'yong pagmamahal ko sa kaniya sa kahit na anong sakit na puwede kong maramdaman,"
Patuloy lang si Y/N sa pagsasalita, ang akala niya ay si Inay lang ang nakikinig. Pero nandito ako.
Nandito ako, Y/N.
"Totoo pala 'yon, Nay no? Yung sinasabi nila na.. kapag ikaw yung mas nagmamahal, talo ka. Kasi mas masasaktan ka," he/she ranted. Halatang halata sa boses niya kung gaano siya nasasaktan. "Gusto ko lang naman mag mahal.. bakit ganito kasakit?"
"Anak, halika.." Inay said, mukhang niyakap niya si Y/N.
"Ginawa ko lahat, Nay.. lahat lahat, ano pa bang kulang?"
"Shh," pagpapatahan ni Inay sa kaniya.
I can feel na hindi nagsasalita si Inay dahil ayaw niyang dagdagan ang bigat ng pakiramdam ni Y/N. Hinahayaan niya lang ito na ilabas ang nararamdaman.
Ilang araw, gabi, linggo at buwan na palaging ganon si Y/N. Tulog sa umaga at iinom sa gabi, walang makapagpatigil sa kaniya maging si Inay.
Hindi na rin muna ako magpakita sa kaniya, pero madalas ay nandon lang din ako sa kwarto niya. Pinapapasok ako ni Inay tuwing madaling araw para panoorin at samahan si Y/N matulog.
"Good night, bubby mahal kita."
Matapos kong sabihin 'yon tuwing gabi sa kaniya ay hinahalikan ko siya sa noo bago nag lilinis ng kalat niya at maupo sa gilid ng kama niya.
I'm spending my whole night sa pagbabantay lang sa kaniya dahil natatakot ako sa kung anong puwede niyang gawin.
Sa loob ng mga oras na 'yon, nahirapan din ako kaya wala akong choice kung hindi sabihin kay Ate Aiks lahat. Siya lang 'yong naging kakampi ko sa mga oras na 'yon.
Kapag hindi ako nakakapunta ay nagpapadala ako ng pagkain para sa kanila. Thankfully, matapos ang ilang buwan, nagdesisyon si Y/N na bumalik sa dating siya. Sa tulong na rin ni Inay na hindi siya iniwan kahit gaano kahirap at kahit minsan ay muntik na siyang masugatan ni Y/N dahil sa pagbato nito ng bote, pero hindi 'yon sinasadya.
Nagpalipas ako ng ilang buwan bago bumalik sa kaniya. I waited na maging maayos siya. And there, I realized na hindi naman pala nawala 'yong pagmamahal ko sa kaniya.
Y/N accepted me again dahil na rin sa rason niyang magkaibigan naman daw kami nung una at ayaw daw niyang mawala 'yon dahil sa isang pagkakamali.
Pareho kaming naging casual ni Y/N sa isa't isa. Naging close ulit, pero hindi na tulad ng dati. Nararamdaman kong iwas na siya sa akin at hindi na ganon kaclingy.
Aaminin ko, I tried to get Y/N back kahit alam ko sa sarili ko at nilinaw niya na wala nang babalikan pa na nakaraan.
But then, Ate Tricia came..
"Ma'am Jill, sa ospital po ba tayo didiretso?"
Nagulo ang flashback sa utak ko nung mga nangyari noon nang biglang magsalita 'yong driver.
"Opo," maikling sagot ko.
The driver nodded at nahuli ko naman si Keith na nakatitig sa akin.
"Ano 'yon? May sasabihin ka ba?" Tanong ko.
"Kanina pa po kayo tulala, e. Okay lang po ba kayo?"
I smiled. "Naalala ko lang noon," I checked Y/N dahil baka marinig niya.
"Nakatulog na po," Keith said.
I nodded at nagpatuloy sa pag haplos sa ulo niya.
"Nasaktan ko rin nang ganito si Y/N noon. Masyadong mahaba kung ikkwento ko, pero ang alam ko lang, hindi niya deserve 'yon,"
"Totoo, Ma'am," she agreed. She held Y/N's hand and rubbed it using her thumb. "Kahit na konting panahon ko pa lang nakakasama si Arki, nararamdaman ko pong sobrang genuine niya sa lahat ng bagay.. lalo na kung para kay Doc Tricia,"
"Mahal na mahal niya talaga Ate ko, no?"
Naramdaman kong kumirot ang puso ko nang sabihin ko iyon.
Keith nodded. "Ang problema lang, Ma'am kakabigay niya ng pagmamahal sa iba, ayan nauubos na siya, nawawalan siya ng pagmamahal para sa sarili niya,"
Napailing iling siya bago sumandal at binitawan ang kamay ni Y/N. "Palagi nga po niyang sinasabi na ang nagmamahal, normal masaktan. Pero hindi ba sobra naman po 'to, Ma'am Jill? Ano sa tingin niyo po?"
I looked at Y/N who's peacefully sleeping sa braso ko. I wiped some of his/her tears sa mukha niya.
"Y/N deserves to be happy, yun ang sigurado ako," I said at tumango tango naman si Keith. "Maalin man sa amin ni Ate Tricia ang makakapagbigay non.. basta masaya si Y/N, okay na ako,"
"E, ang kaso hindi naman masaya ngayon po," she sighed. "Kaya yes to self love po talaga ako, Ma'am Jill pero kung 'yong isa mong Ate ang usapan, okay na po pala na hindi na muna mag self love,"
Natawa kami pareho at hinawakan niya ang kamay ko.
"Ganiyan nga, Ma'am Jill kahit gaano kasakit at kahirap ang sitwasyon, 'wag kayong mapagod humanap ng dahilan para sumaya,"
I smiled at her and mouthed thank you.
Pinakuha ko 'yong cellphone ko and I tried texting Ate Tricia.
Pero lahat ng text ko ay delivered lang. I tried calling her, nung una ay nagriring pa ito pero matapos nang ilang tawag ay nawala na.
Keith tried texting her so called Kuya Miguel.
Hindi sa judger ako pero ang pangit na nga ng pangalan, ang pangit pa ng ugali at..
Argh! Basta ang pangit ng buong pagkatao niya, period.
Keith looked at me and shrugged. Mukhang wala rin siyang nakukuhang sagot. I only have one more option.
Ate Aiks.
I had no choice but to text her.
Dahan dahan kong ginising si Y/N at tinulungan naman ako nung nga nurse na ibaba siya sa sasakyan.
Sumunod kami ni Keith sa kanila papasok sa ospital. Nakahinga ako maluwag nang may dumating na doctor para gamutin si Y/N.
"Ma'am Jill," the doctor greeted me. "Kami na po ang bahala rito, mag pahinga na po muna kayo ron," aniya at tinuro 'yong mga upuan sa waiting area.
Naupo kami ron ni Keith at inabutan naman niya ako ng tubig. I gave her a smile.
I wiped the tears na tumulo galing sa mga mata ko. Texting Ate Trish those things made me cry.
I never imagined that I would beg like this.
Ni minsan, hindi ko naisip na magmamakaawa akong balikan niya yung taong mahal ko kahit nandito na ako.
I can see it sa kung paano niya tingnan ang kapatid ko.
Yung tingin na nagsasabing kay Ate Tricia siya sasaya, hindi sa akin.
And for Y/N's happiness, I'm willing to do everything.
"Ma'am Jill," Keith tapped my shoulders.
I hummed as an answer and wiped my tears once again before looking at her.
"May tanong lang po ako,"
"What is it?" I curiously asked.
"Kanina ko pa po kasing iniisip," she said. "Kilala niyo po ba 'yong Lian?"
I gulped.
Pati ba 'yon ay alam na ni Ate Tricia?
"Ma'am Jill?" Keith called me.
"Ah yes, I'm sorry," I apologized. "Yes, I know Lian.. bakit?" pinigilan ko ang sarili ko na magstutter.
"Hindi ko po narinig nang maayos kanina pero parang nabanggit po 'yon kanina ni Kuya," she explained. "Pero sumigaw na po si Doc Tricia para patigilin siya kaya hindi ko po narinig,"
"And?"
Please, no.
"Parang 'yong nanay po nung bata ang pinaguusapan," she continued.
She looked at me with her confused look.
Napalunok ako.
Not now.
"Alam niyo po ba kung sino 'yong nanay, Ma'am Jill?"
Advertisement
- In Serial64 Chapters
Who Cares about an Isekai? Surely not me! (New version)
Ran just wanted to be left alone. She just wanted a nap. She suddenly woke up on her way to an Isekai and told she was now a Hero who would fight the Demon Race alongside 11 others. So what if she could design her skills and body? So what if she was the last hope of humanity? Nobody asked her if she wanted this, so why should she care about their world? ___________________________________________________________________
8 410 - In Serial40 Chapters
Griffon's Fury!
During one usual evening, a boy was born. As if feeling it, ancient griffon opened his eyes from slumber. The skies trembled under the visions of the fire and blood. A beat appeared inside an egg. It was the prince who will restore the Empire. The fate drums have rung. The war and change were coming! Participant of Royal Road writathon What to expect from the novel: -Genius and careful MC -Detailed worldbuilding, serving to introduce the reader to the fantasy world -Some elements from the eastern cultivation genre -A steadfast focus on MC's story and his actions in his attempts to get stronger and unlock his memory.
8 148 - In Serial52 Chapters
The Blight
Ten years ago, the Blight appeared. A beautiful forest, where the leaves and animals glowed brilliantly at night. It became a wonder of the entire world, and people began venturing from across the continent to visit it. No one took it any more seriously than that, not in the beginning. Then the disappearances started. At first, it was just farm animals and pets. Then, hunters and travelers close to dusk. By the time children started disappearing from villages, it was too late to do anything. The Blight was spreading, from tree to tree like a sickness, crawling out in all directions. The animals and beasts inside it changed as well. They grew larger, stronger, and more ferocious than anything seen before. Simple farm animals became horrific monsters, distorted to disgusting proportions and violently spreading chaos out from the forest. When the first reports came in of infected animals dragging people alive off into the forest... then the real panic began. Towns fell to the Blight, then cities. Armies were sent to push it back, and were overrun. Heroes and legends ventured out, to no avail. Soon, it was public knowledge to all: Those who entered the forest, never returned. ...So what happens when a young boy comes out of the forest, carrying nothing but a dagger and remembering nothing but his own name?
8 98 - In Serial13 Chapters
Subversion
Subversion is a game with highly customizable settings that allow you to fine tune your character choices. It was state-of-the-art when it was released, won awards and everything. It's not a game for you to pick "random" and hope for the best. But, that's exactly what Miguel did when he started playing. And, of course, his characters came out a little...different. A pothead bombardier elf who cusses and engineers. A stubborn Chosen One who refuses to do anything but farm. And a world full of NPCs, bosses, and villains who act nothing like they should. Now Miguel is forced to adjust the situation in order to help his characters level up and defeat the Dark Lord. But, will they make it to the end of the game? And if they do somehow survive all the tricks, betrayals, and deception thrown their way, will the game be what anyone thought it was going to be? *** As of [13] Do a Barrel Roll! Ch. II, Subversion will no longer be uploaded on Royal Road. Please go to forestgreenwriting.com for more chapters.***
8 142 - In Serial132 Chapters
Behind the Camera's (Hiddleston/Cumberbatch Fan Fiction) (Wattys 2014 #11)
Sarah is a low budget Actor who gets the chance to work with Tom Hiddleston in the new show 'Behind the Cameras' but will their relationship be more than just a working one?. And if so, what trouble will it bring?, will it last?. and what will happen when Benedict Cumberbatch is introduced?. Behind the Cameras is Full of Fun,Sad,Challenging and Scary things but Most importantly it is full of Love. To Find out more Start reading 'Behind the Cameras' by LanadelHiddleston. This book is of my creation, if you see anyone else with this book on Wattpad or anywhere else please contact me as it is plagiarism
8 226 - In Serial200 Chapters
SovietBritain quotes 2 // countryhumans
[If this is on a website other than Wattpad, then it has been stolen from me. The website you are on is most likely unsafe and I recommend that you get off it immediately.]Not me having to make another sovietbritain quotes book because I filled the last one up-
8 174

