《My Enchanted Tale》1 ❀ Charm World
Advertisement
grounds, is the spring that feeds the creek. Invisible as the wind, that you feel upon your cheek." Tahimik akong nag-gigitara dito sa rooftop ng school. Ramdam na ramdam ko ng ihip ng hangin na pumapalad sa buhok ko. Dinadama ko ang hangin na dumadampi sa aking balat.
"And every breeze that whispers, reminds us constantly, sometimes what's real is something you can't see." Nakakagaan ng pakiramdam mag-gitara dito, solo ka, walang ibang tao at magaan sa pakiramdam.
"Believe in all that can be, a miracle starts-"
Agad akong napatigil sa pag-kanta noong biglang may humamblot sa akin ng gitara. Agad akong napatingin sa kung sino iyon.
"Hoy, magaling kong alalay! Andito ka lang pala." Mataray na sabi niya habang naka-pamewang sa harapan ko. Tatlo silang magkakasama.
Napasimangot agad ako dahil doon. Andito nanaman kasi ang mga bully na powderpuff girls. Tss. Akala mo kung sinong maganda, ay mas maganda naman ako sa kanila. Haha. Joke lang.
Kainis, dito na nga ako pumunta sa rooftop ng isang building para hindi nila ako mahanap at utus-utusan, nakita naman ako. Aish. May radar ata itong mga babaeng ito. Kahit saan ako magpunta nasusundan pa din ako. Tss.
"Ano pang tinatanga tanga mo dyan dukha? Umalis ka dito!" Maarteng sabi nung isa pa niyang kasama.
"Kung maka-pagsalita itong mga ito, akala mo naman may pangalan nila. Tsk." Mahinang bulong ko.
Syempre hindi ko pwede sabihin ng malakasan dahil baka masabunutan lamang ako ng powderpuff girls na ito. Hays, buhay nga naman. Tiis tiis, pero gusto ko na talaga sila keltokan. Asar.
"Umalis ka na dito, at ibili mo na kami ng pag-kain." Utos naman nung isa.
Napa-kamot na lang ako sa batok dahil doon. Aish! Pwede bang sabunutan ang mga ito, kahit isang beses lang? Nakakainis eh! Grr! Kung makapag-utos akala mo alalay nila ako! Nakakainis na talaga!
"Pano kung ayaw ko?" Mahinang sabi ko ulit sabay, tingin sa kaliwa, para hindi halata na sumasagot ako sa kanila.
Tumindig na lamang ako at nagsimulang impisin ang gamit ko, ganito naman lagi minsan pababayaan ko sila, pero sa utak ko sampung beses na silang namatay. Mouhahaha. Kinuha ko din iyong gitara ko sa kanila. Pababa na sana ako noong biglang may humablot sa akin.
"At saan ka pupunta?!" Galit na sigaw niya sa akin.
Agad napataas ang isa kong kilay dahil doon. Hindi ba ang sabi niya ay umalis ako, edi aalis na sana ako. Tapos bigla akong hihilahin at tatanungin kung saan ako pupunta? Naka-drugs ata ang mga ito. 'Yung totoo? Anong nahithit ng mga ito?
"Malamang aalis, sabi mo umalis kanina hindi ba?" Istratikong sagot ko.
Napatakip agad ako ng bibig. Saka ko lang kasi na realize na napalakas ang pagkakasabi ko noon at narinig nila. Patay! Mahina lang dapat iyon eh!
"Aba't sumasagot ka na?!" Inis at asar na bulyaw niya sa akin.
"Malamang may bibig nga hindi ba?" Mabilis na sagot nanaman ng bibig ko. Patay talaga, hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hindi sumagot. Paano sobrang nakakairita na sila. Hay nako naman!
"Argh! Hampas lupa!" She angrily screamed at me, saka niya ako tinulak kaya't napa-upo ako sa sahig.
Tiningnan ko sila ng masama dahil doon. Ang mga babaeng ito, ilang taon ko na tinitiis ang emotional at physical na pambubully nila sa akin. Minsan sobrang nakakapuno na sila. Naiyukom ko na lang ang kamao ko, ang sakit nun ah. Aish. Sumosobra na sila, ang tagal ko ng nagtitimpi. Kaya't hindi ko din maiiwasan kung mapuno ako.
Advertisement
"Ikaw, tandaan mo, isa ka lang walang kwenta! Utos-utosan! Uto-uto! At walang halaga! Intindi mo? Ang panget panget mo naman!" Sigaw niya at pag-duduro duro niya sa akin.
Argh. Agad ko siyang sinakal at itinapon pababa sa hagdan. Syempre sa isip ko lamang iyon. Baka mamaya lalo akong mapasama kapag ginawa ko talaga 'yon. Nakakainis talaga ang mga ito! Aish!
Tumayo ako nagsimulang maglakad at tinabig siya sa balikat, na lalong kinagalit niya. Kasalanan niya, araw-araw na lamang lagi nila akong inaapi, araw-araw na lang akong ginaganito. Hindi ko nga alam kung paano ako tumagal sa kanila.
Hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso at saka itinulak ng malakas papunta sa railings dito sa rooftop. Dahil medyo na out of balance din ako gawa ng malakas na pagkakatulak niya, kaya napatama ang likod ko sa railings. Argh! Ang sakit ng buto ko doon!
"Isa pang sagot mo malilintikan ka na!" Banta niya sa akin.
Pakiramdam ko uminit ng husto ang muka ko dahil sa matinding galit at inis. Gustong gusto ko na siya sugudin ngayon pa lamang dahil sa ginagawa niya! Sumosobra na talaga siya!
Lumapit sila ng dalawa niyang mga kasama sa akin. May mapaglarong ngiti din sa mga labi niya. Tiningnan ko siya ng masinsinan dahil doon. Bigla niyang tinulak ng bahagya ang braso ko. Napa-kapit ako noon ng mahigpit sa bakal na railings.
Hindi kasi ito kataasan, at pag napa-sobra ang tulak niya maari akong malaglag. Sa isang maling galaw ko, ay maaari akong malaglag dito.
"Ano lalaban ka pa?" Tanong nito.
Hindi ko siya pinansin at sandali akong tumingin sa likudan ko. Nalula agad ako sa taas nito. Nasa ika-anim na palapag kami o ang rooftop floor. Sinikap ko na patatagin ang loob ko kahit ang totoo'y natatakot na ko.
Tumingin ako sa kanila at agad na umiling iling. Natawa sila dahil sa naging sagot ko, parang ipinararating nila na nasa kanila ang huling halakhak. Muli niya ulit akong tinulak ng bahagya sa braso. "Ano? Lalaban ka pa?" She teased, I shook my head.
Nagtawanan sila, kaya't humanap ako ng paraan para maka-alis. Itutulak ko na sana sila, ngunit naunahan nila akong itulak ng malakas. Agad nanlaki ang mata ko dahil doon, dahil sa lakas nilang tatlo ay tuluyan na akong napabalikwas lampas sa railings.
"Ayisha!" Malakas na sigaw nila sa'kin dahil sa matinding gulat ngunit huli na ang lahat dahil unti-unti na akong nalalaglag mula sa rooftop.
Ano bang ginawa ko at bakit nila ako ginaganito? I asked myself habang ramdam na ramdam ko ang matinding paghampas ng hangin sa likuran ko. Unti-unti, ipinikit ko ang mga mata ko. Kamatayan ko na talaga siguro. Napangiti na lamang ako ng mapait.
Parang kanina lamang takot na takot ako, pero ngayong andito na ako sa pangyayari na ito, nawala ang takot na nararamdaman ko, siguro ay oras ko na nga para lumisan sa mundong ito.
Mamatay na kung mamatay, wala namang kwenta ang buhay ko. Wala namang nagaalala sa akin, at mas lalong walang nagmamahal sa akin. Mas gugustuhin ko pa na mamatay kaysa patuloy na mabuhay sa mundong ito.
"Aahhh!" Rinig kong malakas na sigaw ng mga estudyante, marahil ay nakita siguro nila ako. Hinayaan ko na lamang sila.
Pagod na rin naman akong mabuhay, mabuti na lang siguro iyong mawala na ako. Parang slow mo ang lahat, pero sa katunayan, ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagbagsak ng katawan ko, pababa sa lupa.
Advertisement
Handang handa na akong masaktan at bawian ng buhay ngunit biglang...
Nanlaki na ang mga mata ko, dahil sa biglang malakas na impact na naramdaman ko.
Parang may malakas na shield na tila hangin ang biglang tumama sa likod ko, ngunit hindi ako nakaramdam ng kung ano mang sakit. Parang tumigil ang oras noong mga panahon na iyon.
Nanatili akong nakatulala sa maliwanag na langit na natatanaw ko. Ngunit unti-unti din akong nagtaka. T-Teka? Hindi ba't? Hindi ba't nalalaglag ako kanina? Dapat sa pagkakataong ito, duguaan at walang malay na ako ah? Pe-Pero? Bakit? Wala akong nararamdamang sakit o kung ano man at para lamang akong nakahiga sa lupa. A-ano ba talagang nangyayari?
"Paanong?"
"Buhay pa siya?"
"Anong nangyari?"
Dahan-dahan akong napatingin ako sa mga tao sa paligid ko.
Punong puno ng pangungutya at takot ang mga mata nila. Para bang pinapahiwatig ng mga mata nila na ako'y isang halimaw. Napaatras din sila noong tumayo ako, mula sa pagkakahiga.
Agad kong tiningnan ang sarili ko. Wala akong kahit anong galos. Wala akong namataan kahit maliit na sugat sa katawan ko.
Tumingin ako sa itaas ng gusali ng paaralan. Ang taas noon. Ika-anim na palapag iyon. Ngunit paanong?
May ginawa ba ako para mangyari ang bagay na iyon? Hindi ko talaga maintindihan gulong-gulo ako.
Teka... Ang nangyari kanina ay nalaglag ako mula sa mataas na gusali ng paaralan namin, pero ngayon, eto ako nakatindig buhay na buhay, walang galos at walang nararamdamang sakit? Sa totoo lang? Nananaginip lang ba ako ngayon?
Napatingin ako sa sementong tinutungtungan ko. Napakarami nitong crack. Napaatras ako ng kaunti dahil sa nakikita ko sa tinutungtungan ko. Ano ito? Ako ba may gawa nito?
Hindi ko alam, pero maging ako ay kinabahan sa nakikita ko. Hindi ako maka-paniwala. Lahat kami - hindi makapaniwala.
Mas paniniwalaan ko pa sana kung tigok na talaga ako eh, kaso bakit ganito? Nalilito ako! Anong nangyayari?
Lalapit sana ako sa isa sa mga estudyante ngunit bigla silang naglayuan at sumigaw, "Layuan nyo iyan! Halimaw iyan! Tara na!" Sigaw ng karamihan sa kanila.
Bigla akong nakaramdam ng matinding lungkot at takot sa sarili ko. Napatitig ako sa sementong warak-warak. Para bang may bulalakaw na bumagsak doon dahil sa malalaking crack sa semento. Kinilabutan ako dahil doon.
Agad na lang akong tumakbo papaalis sa eskwelahan. Hinayaan ko ang mga paa ko, kung saan ako dadalhin nito. Takbo lamang ako ng takbo. Hanggang sa napagod at napa-upo na lamang ako sa isang bato. Saka ko lamang napansin nasa isang parang gubat ako.
Ngayon ko lamang ito nakita. "Nasaan ako?" Mahinang tanong ko sa sarili ko.
Feeling ko nababaliw na ako, dahil kanina lamang ay nakaligtas ako sa kamatayan, pagkatapos ay napadpad naman ako ngayon sa ganitong lugar, hindi kaya na-engkanto ako?
Habang nakayakap sa sarili, dahan-dahan akong naglakad, ang daming tuyong damo sa tinutungtungan ko.
Pagkatapos ay agad akong napalingon sa isang banda noong may makita akong isang waterfalls, agad nanlaki ang mga mata ko doon. Kailan pa nagkaroon ng ganito dito? Wala namang ganitong lugar dito dati ah? Ano ba talagang nangyayari sa akin?
Lumapit ako papalapit doon sa waterfalls, kaya't medyo nabasa ako. May isang malaking bato malapit lamang doon.
Pinagmasdan ko ito, tila kumikinang ang magandang batong iyon, kaya lumapit ako.
"Aperi vero corde, cum venustum tuum felt." Basa ko sa mga nakalagay doon.
Hindi pa man ako nakakapag-react, ay nagitla ako noong bigla akong higupin noong lupa! Para akong nabuslot sa isang hole dahil doon.
"Wooo-Aaah!" Malakas na sigaw ko dahil biglang umikot ikot ang paligid. Juice ko! Ano ito?! Mamatay na ba talaga ako? O na-eengkanto ako?! "Ahhh!" Patuloy na malakas na sigaw ko dahil sa nangyari. Nahihilo na din ako dahil sa nangyayari sa akin ngayon.
"Ahhh!" Hindi ko alam kung gaano ako katagal sigaw ng sigaw sa loob noon dahil sa sobrang takot at liyo. Pakiramdam ko talaga may higanteng humila sa'kin dito sa lupa eh. Huhuhu. Iligtas niyo po ako.
"Woooah!" Nagitla na lang ako noong bigla akong parang nalaglag mula sa isang puno.
"Ahh! Aray!" Agad akong napatayo mula sa pagkaka-upo dahil nga nalaglag ako sa puno.
Napahimas ako sa ulo ko dahil doon. Napahawak din ako sa likod ng bewang ko dahil sa sakit na nararamdamn ko. Argh!
Ngunit bigla akong natigil sa pagka-inis at pag-iisip ng kung ano anong bagay noong makita ko ang lugar kung nasaan ako. Napa-nganga na lamang ako bigla.
"W-Wow." Nauutal na banggit ko. Ang ganda. Para akong nasa isang mala-fairytale na lugar.
Mayroon akong natatanaw na malaki at tila kumikintab na kastilyo, malawak kulay berdeng na field na mayroong iba't ibang matitingkad at makukulay na bulaklak, maraming matataas at magagandang bundok, malinaw at malinis na tubig na parang dagat, at madami pang nakakamanghang bagay.
Ang lugar na ito, kitang kita mo ang magandang nature dito. Maaliwalas din ang paligid at maganda ang sikat ng araw, ramdam na ramdam ko din ang presko at malamig na hanging humahaplos sa balat ko.
Patuloy kong pinag-masdan ang lugar kung nasaan ako. Parang panaginip. Hindi ako makapaniwala. Talagang hindi kapani-paniwala ang lugar na ito.
Nangyayari ba talaga ito? Kung panaginip man ito, huwag na sana akong magising pa. Mas gugustuhin ko pang dito na lang ako.
"Ahhh!" Agad akong napalingon lingon sa paligid noong bigla akong makarinig ng isang matinis na sigaw. "Ahhh!" Sigaw muli ng tinig na iyon, ngunit wala naman akong makita hanggang sa-
"A-aray!" Sabay na sigaw namin ng isang boses, agad akong napa-tingin sa babaeng biglang nang-galing din sa itaas ng puno at nadagaan sa akin.
Mukang galing din siya sa pinang-galingan ko kaya't bumagsak din siya doon. Nauna akong tumayo kaysa sa kaniya, kaya't inabutan ko siya ng kamay. "S-Sala-"
Magpapasalamat na sana siya, ngunit bigla siyang natigilan. Hindi lang siya ang natigilan, ganun din ako. Napakurap kurap pa ako ng mata dahil doon.
Napatitig ako sa muka ng babaeng dumagaan sa akin. "Bella?" Takang tanong ko. Bakas pa din sa muka niya ang pag-kagulat saka siya marahang tumayo at pinagmasdan maigi ang muka ko.
"Ayisha?" Hindi makapaniwalang na tanong nito sa akin. Agad akong tumango.
"Omygad! Paanong naka-punta ka dito?" Magiliw na tanong niya.
Siya si Bella, kilala ko siya dahil dati ko na siyang natulungan. Naging magkaibigan din kami, at siya lamang ang naging kasangga ko sa lahat ng bagay, kaso minsan lagi siyang nawawala at hindi mahagilap.
"Eh?" Tanging reaction ko.
"Omygosh, andito ka Ayisha! Andito ka! Welcome to Charm World!" She excitedly told me, ngunit parang biglang nag-karoon ng madaming question mark ang ulo ko.
Ano daw? Anong pinag-sasabi niya? Bakit parang wala akong maintindihan? Charm World? Whut? Ano ba iyon?
***
Advertisement
- In Serial533 Chapters
The Last Primal
Darkness. The ultimate ruler, the true One-Above-All. Everything starts from it, and everything returns to it eventually. People say that in your final moments, darkness seeps in your very existence, engulfs your whole being. They say it’s an incredibly relaxing feeling that takes you on your journey to your afterlife. They say that in the very darkness, the ‘nothingness’ your weary soul will finally be able to rest and relax. This brings up some very philosophical and existential questions. Do you even exist?
8 392 - In Serial22 Chapters
Never Attribute to Malice
Jane Wainwright has been in higher education for decades, never managing to decide what to do with her life. Just when she has finally decided what she wants to do with her life she is brutally ripped from her life and thrown into a world of swords and sorcery. And also really big hammers. But the forces of apathy, stupidity and bureaucracy will rise against her. And hitting them with a hammer probably won't work. At least there are always [Dungeon]s to delve and monsters to slay, that should keep her occupied. Cover Art by Georgia Nixon
8 594 - In Serial44 Chapters
City of Ohst
Books say the Chosen One must be a young orphan. He was over twenty and had a quite normal family who ran a deli shop. Books say a spy has a very short reference number, wear tuxedos, and mingle with rich people. His reference number was well in the hundreds, he wore tuxedos only while serving at tables, posing as a waiter, and had been patted once on his head by the King when he was a child. But when the King is assassinated, the Town of Ohst conquered by evil magicians, and the life of the twin princesses is at risk, he’s the only one to take up the challenge. His name is Quevedo. Istaìnn Quevedo.
8 133 - In Serial53 Chapters
Wait! I Wrote That? (A Collection of Old, Horrific Stories) ✓
|5X WATTPAD FEATURED AND SPOLIGHT STORY| Saddened by her lonely life, a little girl named Victoria Christie uses her inventive imagination to write stories. Now that she's an older individual, she must find a way to share her tale with the world. ***Victoria Christie never expected to be a writer, but everything changed in 4th grade when she annoyed her mother at a barber shop. She told Victoria to write in her school notebook, which sparked her daughter's life-long passion for writing.Now, many years later, Victoria is eager to share her story-through an interactive novel that showcases how her writing has changed overtime and what hardships she faced in order to keep her island of personality-especially after her brother's unfortunate death in 2021. With the power of writing and her brother's legacy about her becoming a successful author, will Victoria's old stories spark the interest of an audience? Will they interact with her and tell her how her incomplete pieces should end, or will Victoria forever remain an undiscovered author? This is an anthology of my old stories. Most are incomplete, so it's up to my audience to decide how they should end. This is the story of how I became Viktoria Fyodorova. Let the cringe begin! *** What You'll Find in This Book: 1.) 35 fun-filled chapters of my oldest stories.2.) 11 short memoir stories--no more than 1,000 words each--that share the most important times of my writing career.3.) A whole overview of my history as a writer! 4.) There's also a bonus chapter about how this memoir came to be! Genre (s): Creative Nonfiction/Coming-of-Age, with a touch of Magical Realism. *Awesome Cover by @Shreya_VA on Wattpad!* Word Count: 200,000-250,000
8 208 - In Serial23 Chapters
19-00252 Don't let your guard down
My name is Rex, I have spent the last 12 years working as a security guard at a major hub. These are my stories.
8 143 - In Serial103 Chapters
101 voicemails
"hey, it's me again..."//now available for physical copies! https://www.amazon.com/101-voicemails-marley-bookout/dp/1387378368
8 86

