《My Enchanted Tale》8 ❀ Bipolar
Advertisement
Be sure to beat the game.
***
Nakatulala ako at hindi ko alam ang nangyayari sa paligid ko, dahil pre-occupied ang utak ko. Argh. Paano ba ako napa-oo sa Louie na iyon? Aish. Nakakainis.
"Ayisha! Tara na, baka maiwanan pa tayo ng bus!" Natauhan ako sa biglang sigaw ni Bella, at saka niya ako hinigit. Andito nga pala kami nag-iintay ng bus papuntang academy.
Nalipad ang utak ko ngayon lalo pag-naaalala ko yung nangyari kahapon. Grabe talaga! Ang yabang talaga nung ex-crush ko na 'yun!
Grabe unang araw ko yun sa academy andami na nangyari. Simulan mo na dun sa bus, iyong mga kapangyarihan, iyong mind reader, iyong Louie na iyon, pagkatapos iyong napahiya ako dun, at yung kamuntik na ko mahulog at malapnos!
Dami nangyari kahapon, sobra! Tapos mamaya mag-sisimula na yung training ko! Agh! Grabe! Sa unang araw ko sa academy nakaramdam agad ako ng mga kakaibang pakiramdam. May kilig, takot, hiya, tuwa, lungkot, tapang at iba pa. Ano kaya mangyayari mamaya?
Naalala ko tuloy kahapon yung grabe ng kilig nung hawakan niya ang kamay ko, pagkatapos biglang nag-apoy iyong kamay niya, syempre damay ako! Sobrang takot ko doon. Grabe siya. Grabe talaga. Ang sama ng ugali.
"Yisha! Yisha! Yisha!"
"Ay bakla!" Nagitla ako sa sigaw ni Emerald malapit sa tenga ko, kaya't napa-imik ako ng ganoon.
"Yisha! Hindi kaya ako bakla! Fairy ako! Fairy! Fairy! Cute na fairy!" Natawa naman ako kay Emerald andaming alam. Haha! Cute daw sya? Oo na. Cute na. Haha!
Umupo na ako at nag-seatbelt sa bus. Naalala ko nanaman iyong nangyari kahapon.
Hindi niya tinanggal ang pagkakahawak sa kamay ko habang nakatalikod siya saakin dahil nauuna siyang maglakad kanina at saka siya dahandahang humarap saakin. Napapalad ng hangin ang buhok ko na medyo tumataklob sa muka ko. Noong humarap siya, agad akong natigilan ng sobra ang titig niya nakakatunaw...
...lalong lalo na noong hawakan niya ulit ang isa pang kamay ko.
Kikiligin na sana ako ng dahil doon, ngunit biglang nag-apoy ng sabay ang dalawang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. What the fuck? Susunugin ba niya ako?!
"Omygosh! Omygosh! Omygosh!" I yelled. Pilit kong tinanggal ang kamay niya ngunit mas hinigpitan lamang niya ang hawak niya doon. Nanlaki lalo ang mata ko doon dahil sa inis.
"Ano ba! Bitiwan mo ako. Masusunog iyong kamay ko! Ano ba! Isusumbong kita sa head! Ipapatapon kita sa bermuda triangle. Isusumpa kita! Aaah! Saklolo parang awa niyo tulong!" Natatarantang sigaw ko habang nakatingin doon sa kamay kong may apoy na hawak niya.
"Ang OA mo." Naka-poker face niyang sabi dahil doon.
"Eh?" Tanging banggit ko habang nakatingin sa kaniya, bigla niyang binitawan ang kamay ko at saka niya ako pinitik sa noo.
"Aray! Papakasuhan talaga kita ng child abuse. Walangya ka. Ang kamay ko ang kamay ko!" Halos ma-ngiyak ngiyak na sabi ko habang nakatitig sa kamay ko na hindi na niya hawak at hindi na nag-aapoy.
"Nasaktan ka ba ha?" Nakapamulsang tanong niya. Agad kumunot ang noo ko dahil doon. Huh? Napatingin akong muli sa kamay ko at hindi naman ito nalapnos, okay na okay din ito, at walang sakit na nararamdaman.
"H-Hindi?" Hindi siguradong tanong ko. Aba mamaya, may lason pala iyong apoy niya at kahit hindi sumakit iyong kamay ko ay pumasok sa loob ng katawan ko iyong poison.
"Tss. OA kasi."
"Hoy lalaki ka! Saan mo ba ako dinala ha? Saklolo tulong tulong! May kumidnap po saakin! Tulong!" I screamed.
"Tumahimik ka." Mapag-bantang sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin doon at hindi tumigil. "Tulong! Sasaktan po ako ng lalaking ito! Child abuse! Child abuse--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko noong mag-salita siya.
Advertisement
"Wow naman, child abuse? Bata ka pa ba?" He mocked.
"Hoy lalaki ka! Ang sama sama ng ugali mo!" Asar na sagot ko sa kaniya, ngunit ngumisi lamang siya.
"Pwede ba wag kang maingay?" He seriously stated. Agad akong napa-atras ng kauntian dahil doon. Parang kinabahan ako bigla.
"Bakit mo ba kasi ginawa yun ha? Nakakatakot kaya, paano kung nasunog ako ha?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Pag-salitain mo muna kasi ako ha?" Seryosong banggit niya, pagkatapos ay lumapit siya saakin, kaya't napaatras ulit ako. Jusko, iti nga ata iyong sinasabi ni Bella, na ang sama ng ugali ng lalaking ito.
"O-oh s-sige! G-go na salita na." Medyo na uutal nasabi ko, para siyang dragon na ready na mangain dahil sa sama ng titig. Ang seryoso pa ng sobra ng mukha. Wala na ata itong ibang facial expression.
"Don't you dare say a single word." Banta niya pa ulit. Hala nagalit na talaga ata, dahil sa ginawa ko.
"Hindi na nga, kaya mag--" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil na-realize ko na nagsalita ulit ako at parang pinapatay na niya ako sa titig niya. Jusko, maka-alis pa kaya ako ng buhay dito?
"Aish!" Pag-pipigil niya ng asar, pagkatapos ay napahawak pa siya sa sintido niya at napa-pikit. Oemgie. Bakit ang gwapo noong simpleng ginawa niya? Omg talaga.
"Eh. Hehe. Sorry na, hehehe." Paawa effect na sabi ko. Nakakatakot kasi, mukang inis na inis na. Pero parang ang saya din inisin ang gwapo tingnan eh. Hahaha.
"Now, will you let me speak?" He asked.
"Nag-sasalita ka naman ah." Inosenteng sagot ko, halos umusok nanaman ang ilong niya sa sobrang inis sa sinagot ko. Patay! Oo nga pala sabi niya, huwag ako mag-sasalita muna.
"Hehehe. Peace." Pinilit kong ngumiti at saka ako nag-peace sign.
"Ang daldal mo din talaga ano, Ryleen?" Pinag-diinan pa niya ang pagkakasabi noong Ryleen doon at saka ako pinanlisikan ng mata.
"Ang bipolar mo din talaga ano, Louie?" Ganti ko sa kanya. Paano kanina wala naman siyang paki-alam, tapos magagalit, tapos sisigaw. Ano ba. Ang gulo din nito, parang ako. Hehe.
Hindi siya nag-salita ngunit binigyan niya ako ng death glare, kaya't napangiti ako ng pilit. Ano ba dapat gagawin sa ganitong sitwasyon? Jusko, bakit ba naman kasi ganito ang ugali nito?
"Ngayon, huwag na huwag kang mag-sasalita." He demanded. Dali dali akong tumango dahil doon.
"Hindi mo alam kapangyarihan mo di ba?" He queried, dali dali akong tumango dahil doon.
"Now, the headmister, asked me if I could teach you or help you, discover your charm, because I'm the most powerful student here." Ang yabang. Hmp. Alam ko naman, ang hangin niya lang.
I just nodded my head.
"Pero dahil ayaw ko sayo--"
"Ano, ano? Excuse me, para namang gusto kita." Inis na sabi ko, saka ako umirap. Noong umirap ako, saka ko lang na-realize iyong nasabi ko. Nakakaloka ang bibig ko. Mukang hobby ko talaga ang pag-sasalita agad agad nang hindi nag-iisip ng matino. Damn, ikakapahamak ko ito.
Narinig kong umismik siya doon, kaya't napa-pikit ako ng madiin. "Ano? Paki-ulit? Nagpapatawa ka ba? Nakalimutan mo na iyong mga naiisip mo kanina? Iyong nangyari sa EC Audi?" Pang-aasar pa niya. Pakiramdam ko sobrang pula ng mukha ko ng dahil sa sinabi niya.
"Ano? Bakit hindi ka makasagot?" Paano ako sasagot? Wala na iyong kahihiyan ko. Nakakawalangya ka Louie Blake Stanford, nakapikit pa din ako habang sinasabi ko iyon sa utak ko.
Narinig ko ang marahang pagtawa ulit niya dahil doon at saka ko naramdaman na hinawakan niya ako sa balikat. Nag-aalangan kong iminulat ang isa kong mata dahil doon.
Advertisement
Pagkatapos ay nagulat ako noong makita ko siyang nakangiti. Hindi iyong ngiti na mapang-asar, kung hindi iyong ngiti na nakaka-akit, iyon bang ngiti na parang natatawa siya. Omg. Ngiti niya ba talaga iyon?
"Now, can you let me talk first, and don't you dare interrupt." Agad akong napatango doon ng dali dali at saka ako nag-mulat ng tuluyan. Napatitig nanaman ako sa muka niyang walang kapekas pekas at sobrang gwapo.
Binitawan niya ang balikat ko. "Kahit ayaw ko sayo, wala akong magawa. Tsk. Bakit ba naman kasi ako? Tsk." Iiling-iling na sabi niya. Napaka-bipolar. Sobra. Kanina parang okay na kami noong hawakan niya ako sa balikat, pagkatapos parang naasar namna siya ngayon. Ano ba talaga?
"Bakit ba kasi ayaw mo saakin ha?" Para namang may virus ako. Masyado namang maselan ang isang ito.
"Ang daldal mo kasi." He replied, agad ko siyang pinansingkitan ng mata doon.
"Hindi kaya!" Mabilis na pag-depensa ko sa sarili ko.
"Isa!'' Bilang niya, na tila naasar nanaman.
"Dalwa!" Natatawang sabi ko. Ang gwapo talaga niya kapag nagagalit. Haha.
"Ayisha Ryleen Heartlock." He said in a warning tone. I giggled.
"Yes! Sir!" Masayang sagot ko sabay salute. Napa-hawak nanaman siya sa sintido niya. Eto nanaman ang gwapong act na ito. Oemgie.
"Isa pang sabat mo susunugin kita." Nag-titimping sabi niya, kahit natutuwa pa akong pag-masdan ang napipikon na siya, ay umayos na ako ng tayo at saka nag-behave, baka totohanin niya.
"In 20 days kailangan mo malaman powers mo hindi ba?" Seryosong pagsasabi niya, tumango naman ako ng marahan doon. Oo nga pala, iyon ang sabi noong headmister kanina.
"I'm in-charge in discovering your charm, and in return I want you to be my thrall." Nanlaki naman ang mata ko doon. Ano daw? Thrall? Ano iyon? Hehehe. Hindi ko alam, ang dami naman kasing alam ng lalaking ito.
"Eh?"
"Bakit ang hilig mo sa expression na iyan?" Asar na tanong niya, binigyan ko siya ng pagkatamis tamis na ngiti ko. Sinamaan lamang niya ako ng tingin. Gwapo talaga. Haha.
"Eh, ano ba kasi iyong thrall?" I asked.
"Hindi mo alam iyon?" Tanong niya.
"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Nakapoker face na tanong ko.
"Aish!" Omg. Omg. Akala ko mapapahilot nanaman siya sa sintido niya, pero hindi pala. Sayang!
"Katulong. Slave. Inferior. Alalay. Alipin." Paliwanag niya.
"Ah, iyon lang naman pala sige--" Natigilan ako sa sinasabi ko noong marealize ko kung ano ito. Omygad. Nagiging hobby ko na talaga ito. Nagsasalita nanaman ako nag iisip ng maayos.
"Pano ba iyan umo-oo kana, sabi mo 'iyon lang naman pala sige,' Walang bawian." Ano daw? Hala? Bawal na ba mag-joke ngayon? Joke lang naman yun eh!
"Bawal ang wow mali?" I asked, he arced his eyebrow in confusion.
"I mean, bawal mag-joke?" Pag-uulit ko. Baka sakaling tanggapin niya, pero nginisian niya ako. Halos maiyak ako sa utak ko, dahil sa ngising iyon. Wala na. Tapos na. Patay na.
"Walang. ba.wi.an." He stated.
"A.yo.ko." Ganti ko naman, pero parang natuwa pa din siya sa sagot ko. Ano ba? May bipolar disorder ata talaga ito. Ipadala ko ito sa mental eh.
"Okay lang, edi walang abala sa'kin, saka hindi naman ako ang natatanggal sa academy, bawal pa naman mag-turo ang hindi naatasan ng head." Bale-walang sabi niya, at saka siya nag-simulang maglakad agad akong kinabahan doon kaya't hinabol ko siya.
"Hoy bipolar este Louie. Ah eh." Alanganing pag-approach ko sa kaniya, tumigil naman siya, at noong humarap siya saakin ngumisi siya.
"May kailangan ka?" Pang-aasar niya. Argh! Bipolar!
"Ahm ah eh." I started to say, samantalang nag-iintay na siya ng kasunod na sasabihin ko. "Aish! Oo na!" Sukong sabi ko.
"Oo na? Ano? Para saan?" Mygad! Ang lakas talaga mang-asar.
"Alam mo na iyon." Sagot ko naman.
"Anong alam ko na?" Pwede ko bang kaltukan itong lalaking ito? Asar. Pati ako naguguluhan na sa sarili ko, feeling ko nahahawa ako sa pagiging bipolar nito.
"Ang sabi ko, oo na. Thrall mo na ako!" Asar at surrender na wika ko.
"Ano paki-ulit? Hindi ko narinig?" Agad akong napa-poker face doon. Wala na, wala na bipolar na din ata ako. Nakakahawa pala itong lalaking ito.
"Bingi lang?"
"Pardon?" Ay jusko talaga, ang lakas mag-maang-maangan. "Ang sabi ko po, bipolar ka po. At syempre bago ka po magalit ay joke lang po iyon." Ganti ko sa pang-aasar niya. "Hep! Hep! Huwag ka muna mag-salita. Ako muna po."
"Ito na po talaga bipolar na Louie po. Kanina po ang sabi ko po. Payag na po akong maging slave mo po." Sinamaan niya nanaman ako ng tingin dahil sa pang-aasar ko sa kaniya.
"Bukas, at exactly nine am, meet me in the EC Auditorium." He stated. Whatever, whatever. Gusto ko sana sabihin kaso nag-isip na muna ako ng maayos. "Oo na po." Pinanlisikan niya ako ng mata dahil doon.
"One more po, susunugin na kita." He warned.
"Hindi na poooo--Joke lang talaga. Mapatawad nyo na p-- Osige na sige na nine am andun na ako." Biglang sabi ko noong pag-apuyin niya iyong kamay niya. Bipolar much.
"Ayisha!"
"Ay tipaklong!"
"Haha! Ang lutang mo ngayon ah? Ano bang nangyari? Hindi ka man lang sumigaw." Biglang pagsasalita ni Bella, kaya medyo natauhan ako.
"Ano? Sumigaw?" Takang tanong ko. Bakit ko namang kelangan sumigaw?
"Lutang ka nga! Hindi ka man lang sumigaw kanina dito sa bus samantalang yung iba nakakarinding sumigaw, saka andito na tayo oh." Sabi ni Bella. Andito na kami?
Tumingin ako sa paligid, andito na nga kami. Grabe, ganun ba talaga ako kalutang ngayon, para hindi mapansing andito na pala kami sa academy? Hays. Ibang klase talaga iyong Louie na iyon.
Bumababa na kami ni Bella ng bus. Eto na nga ang first day ng training ko pagiging slave at para malaman charm ko!
"Ayisha, sabi nga pala nung head kahapon saakin si Louie daw mag-train sayo. Pasensya na hindi kita matutulungan hindi kasi ako ang na-utusan eh." Explain saakin ni Bella. Napatango na lamang ako, nabanggit naman iyon ni Louie kahapon.
"Anong oras na Bella?" Tanong ko.
"Mag-nine am na. Bakit?"
Nanlaki agad ang mga mata ko doon. "Omygash! Bye na Bella, baka inaabangan na ako ni Louie!" Sigaw ko sakaniya, dahil tumakbo na agad ako.
Dali dali akong tumungo papuntang EC Auditorium, dahil iyon ang sinabi niyang kitaan. Natanaw ko na agad siya sa malayo, kaya't kumaway kaway ako, ngunit hindi ata niya ako napansin, kaya't dali dali na lamang akong pumunta doon.
Noong makarating ako doon. "You're 1 minute and 39 seconds late!" Gandang bungad naman nitong bipolar na ito. Alam na alam.
"Eh? Kalkuladong kalkulado? Ano ngayon? Ikamamatay mo an 1 minute?" Mataray na sabi ko. Haha! Pikon nanaman iyan!
"Ryleen, iyang kadaldalan mo ha." He stated.
"Bipolar, iyang ka pagiging moody mo ha." I mocked.
"Tss." Maiking sabi niya, saka niya ibinato sa akin iyong papel na hawak niya kani-kani lang.
"Oh? Ano 'to?" Tanong ko.
"Papel, malamang. Ano akala mo dyan bato?" Poker face na sagot niya. Oo nga naman. Nabara ako doon ah.
"Masama magtanong masama magtanong? Ano ba gagawin ko dito ha?" Naka-simangot na tanong ko sa kaniya.
"Andyan ang lista ng klase ko ngayon. hindi ako nakapag-paalam sa bawat klase ngayon, kaya ikaw pumunta sa lahat ng yan at i-excuse mo ako."Monotone na sagot niya.
"Ano?!" Gulat na tanong ko. Ang abusado talaga ng lalaking ito, ang tamad din. Bakit hindi siya nag-paalam ng kaniya? Klase niya 'yun ah. Tsk.
"Bingi lang?" Poker face na tanong niya. Grr. Kung alam ko lang ang charm ko, sa kaniya ko talaag una gagamitin iyon! Asar. Saya ang muka gawa ng ugali. Nako talaga.
"Klase mo yan ah? Bakit hindi ikaw mag-paalam ha?" Asar na sabi ko sa kaniya, sabay cross arms.
"Look who's talking. Who's the thrall in here?" Bale-walang tanong niya.
"Ako!" Mabilis na sagot ko.
"Who's your master?" He asked again.
"Ikaw." Barinong sagot ko.
Ngumiti naman siya ng mapag-laro doon. "Then, it's your duty to obey my orders. Kaya ngayon umalis ka na at simulan mo na iyan, kung hindi, bahala ka. Hindi naman ako ang mawawalan." Kibit balikat na saad niya. Napakagat labi ko sa inis, gusto ko sumagot pero pinalampas ko.
Nag-simula na akong mag-lakad habang mahigpit ang hawak ko sa papel, narinig ko pa ang mahinang tawa niya. Ang lakas talaga mang-asar. Sabi ko na nga ba, ginagawa niya ito para asarin at pahirapan ako. Ang bully niya.
"Bipolar!" Asar na sigaw ko noong makalayo ako sa kaniya. Napa-iling iling na lamang ako at saka dumiretso sa room ng isa sa klase niya.
Bwiset pala talaga iyong Louie na iyon.
***
Mabilis akong tumakbo, dahil isang classroom na lamang ang kailangan kong puntahan.
Habang mabilis akong kumikilos patungo doon, bigla na lang akong nadapa. "Aray!" Sigaw ko. Napahawak ako sa tuhod ko noong iyon ang mapuruan. Napaka naman noon! Pahara hara ang paa.
Tiningnan ko iyong istudyante sa hallway na bigla na lamang nang-hara ng paa. Nakangisi itong nakatingin sa'kin.
"Look who's here, the girl with no charm." Mapang-asar na sabi ng isang pamilyar na babae. Ito iyong babae na kayang paramihin ang sarili niya. Sa pagkakatanda ko sa sinabi ni Bella, Khyra ang pangalan niya.
Tumayo ako, at saka siya nilampasan. Hindi ko kailangan makipag-talo o bangayan sa kaniya. Kailangan ko pa ma-discover ang charm ko at baka magalit lamang si Louie dahil ma-la-late lamang ako kapag nakipag-sagutan ako sa babaeng ito.
Akala ko noong lampasan ko siya ay makaka-alis na ako ngtahimik, ngunit nagulat ako noong bigla niyang higitin ang buhok ko. "D-darn." Bangit ko dahil nadala ang anit ko.
"Anong bang kailangan mo?" Mahinahong tanong ko sa kaniya.
"Ang umalis ka sa school na ito." She seriously stated. Hinawakan ko ang kamay niyang nakasabunot sa'kin at saka siya tiningnan ng masama.
"Ano bang mapapala mo sa'kin ha? Inaano ba kita?" Tanong ko sa kaniya, parang nakikita ko tuloy sa katauhan niya iyong powderpuff girls sa mortal world.
"Hindi ka karapatdapat dito! And how dare you? Bakit mo kasama ang charm five? Bakit dikit ka ng dikit kay Louie? Loser ka, hindi ka bagay sa kanila!" She furiously declared.
Napataas naman ang kanang kilay ko doon. "So, bagay ka palang kasama nila?" I asked. Natigilan siya doon at hindi agad nakasagot. "Huwag mo akong sabihin na hindi ako bagay sa kanila, dahil in the first place, hindi ka rin bagay na kasama sila." Matapang na sagot ko sa kaniya. Nanlilisik naman ang mga mata niya habang nakatitig sa kaniya.
"How dare you?!" Galit na sigaw niya sa'kin at pagkatapos ay... mabilis ang kasunod na nangyari sasampalin na sana niya ako, ngunit na gulat at nanlaki ang mga maga ko noong may biglang sumalag doon.
Dahan-dahan akong lumigon para tingnan kung sino iyong sumalag sa sampal ni Khyra. "I'm warning you, Ms. Victrym, don't you dare touch her." He warned.
"P-prince." Nauutal na sabi ni Khyra, sa lalaking sumalag ng kamay niya. Walang iba kundi si Prince Kyle Clifford. May mapag-larong ngiti sa labi si Kyle, ang bad boy din ng dating niya dahil sa messy curly hair na medyo tumataklob sa mata niya ngayon.
Dali-daling umalis sina Khyra dahil doon. "Okay ka lang?" Natauhan ako bigla noong umimik si Kyle, at saka ako hinawakan sa balikat.
"Eh?"
Napatawa naman siya ng marahan doon, kaya lumabas ang cute na cute na dimples niya. Omygosh! Ang gwapo na ang cute na ang bad boy ng dating niya ngayon, hindi tulad kahapon na parang goody-goody.
Advertisement
- In Serial131 Chapters
Sacred Brother
[Participant in the Royal Road Writathon challenge] I couldn't atone for my sins and died without being able to do anything. However, this is not the end of my story. I was given another chance. A chance to live a better life in a world of magic with a loving family. But, no matter the world nothing is free. I will have to fight for this second life sooner than I thought. This is the story of my second life. [Will contain some mature content.] (Reincarnation story)
8 243 - In Serial6 Chapters
Birth of the Dragons
Dragons are majestic creatures, free from any conflict and intelligence outweigh even the elves. You must be either a powerful mage or a talented fighter to kill them.Dragons have countless riches and secrets, and stick together often form a family. These families form then larger groups and so has just created one of the most powerful clans.Come and read about story with dragons(story will have 5 more races so don't worry :) ) , magic, hate,love and family bonds.The War will coming to Arcania and only the strongest will survive. Dear readers I wanted to share with you the epilogue of the book I myself write slowly. I've always dreamed to write something and see if I have any talent. Please write your opinion, thoughts or comments, will be very helpful to me :). I will work on my story now and try create something wonderful!!
8 89 - In Serial18 Chapters
A Long Refrain
September, in the Continuate: For most students living in the Third Division, the month's arrival usually means the start of a new school year. But not so for one particular freshman, whose first month at college seems to never end—literally. Set during the 20th year of the nation's Rectification Era, A Long Refrain follows Melody Quick’s attempts to escape from the month-long time loop she's found herself trapped in. Her journey, which starts in the capital city of Somnhaven, will take her across the vast expanse of land once known as Circadia, whose forgotten histories, ancient secrets and eccentric inhabitants could hold the key to discovering the true nature of the loop and the role she herself plays within it. However, the more she learns, the more cruel truths she must face: Will she really be able to handle the awful reality behind the loop, and all that it entails? And will those very same answers she's found be enough to not only break her free from the loop, but to also protect the people she holds dear? (A-and from what, exactly ...?)
8 88 - In Serial32 Chapters
They never called, yet he is here (censored edition)
Introduction:Not every world needs a Summoned Hero, even if it is possible to summon one. No, really! Everywhere, no matter the time, there are always good people who can use glory, power and personal harem themselves.And the one who was summoned?He is just a resource, nothing more… Translation of the original novel by Avada KadavraThe uncensored version is available here.Authors notes:This is just my take on the whole Hero Summoning thing, where a hero happened to survive.Fatal mistake, an error in a well-oiled mechanism that lasted for generations, gave a Hero a tiny chance to decide his own fate.After all, bad guys never expect a Hero to come, yet, the fucker still does.Partially inspired by the series “You summoned the wrong one” by Aitbaev T.A. who was in turn inspired by “Rise of the Shield Hero”.I have to warn you, Aibaev’s work of fiction is pretty out of ordinary, it makes one breath fire, cry until tears turn to blood and laugh to unconsciousness in equal measure.
8 213 - In Serial37 Chapters
The Second Hero
Jerry was a mercenary. Before he was transported to another world, he joins another mercenary company. He has been given an application that would help him stay in contact with the company. After being transported to another world, the phone still had a connection. What has he gotten himself tangled up in? What is the company and why does he still have a connection to the server? Eventually, Jerry would leave the Empire behind, and strikes it on his own, leaving his former life behind and adopts a new life. He can then deal with the problems he has slowly, including questions about the phone. What will he do in this new world, alone? What will happen to the Hero when he is needed and has no combat experience? Made with freetime, and a child as a proof reader. First novel written, so please critique me.
8 259 - In Serial46 Chapters
Moonlit Throne | Yoongi x Reader
"do you... trust me?" it's a low whisper, the king's soft lips pressed against the stuttering pulse in your throat. but you think, or maybe you hope, the implications are trying to delve much deeper into your heart. regardless, your answer has never wavered. "yes."Pairing: Joseon King Yoongi x readerGenre: Smut, Angst, Fluff, Historical AU, Joseon AU, Daechwita AU, Royal AU, Drabble SeriesContent warnings: explicit sexual content, descriptions of violence and blood, minor character death. further warnings will be specified in specific chapters.A note: Please pay attention to the dates, but read in the order that the drabbles are listed, not in chronological!
8 102

