《My Enchanted Tale》Charm 28 ❀ Strange Feelings
Advertisement
When jealousy strikes, reality shows, and emotion flows.
***
Pinunasan ko iyong luha na nanggagaling sa mata niya. Saka huminga ng malalim. Tumingin din ako sa kalangitan na kasalukuyang kulay bughaw at mayroong mga puting ulap na tila naglalakbay.
Kung iyong binanggit man ni Louie na pangalan ay pangalan ng babaeng mahal niya, wala namang masama doon hindi ba? Bakit ba ako mangingialam kung may mahal siyang iba? Kaibigan lang naman niya ako, at wala akong karapatan mainis.
Subalit, bakit ganito? Iyong puso ko parang may sariling isip na kumikirot, pagkatapos parang nag-o-over think pa ako ngayon. Ano ba ito, hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam.
Napa-iling iling na lang ako dahil doon. Hindi, wala lang itong nararamdaman ko ngayon, baka nabigla lamang ako dahil sa biglang binanggit niya. "Wala lang iyan, Ayisha. Pabayaan mo na." Mahinang banggit ko sa sarili ko.
Sobrang tahimik ng paligid at ang presko pa ng hangin, kaya't unti-unti akong nakaramdam ng antok. Saka ko ipinikit ang mga mata ko.
***
Nakaramdam ako ng mga matang nakatitig sa akin habang nakapikit ako, kaya't medyo naalimpungatan na ako ng tuluyan mula sa pagtulog.
"Ryleen." Parang nanigas ang buong katawan ko noong bigla na lamang may mag-salita malapit sa tainga ko. Napamulat din agad ako at umayos ng upo.
"Ah?" Naiilang na sagot ko. Nakatulog din pala ako, tapos nakadntay na pala ako ngayon sa balikat ni Louie. "Kanina ka pa gising?" Tanong ko. Nakakahiya naman kasi kung matagal na pala akong nakatulog sa balikat niya.
"Kagigising ko lang din." Maikling sagot niya, kaya't napatango tango na lang ako. Tiningnan ko si Louie at nakita ko na seryoso pala siyang nakatingin sa akin. Nakapagdulot naman sa akin ng pag-kailang ang titig niya.
"B-bakit ka ganiyan makatingin?" I asked him as I tried to avoid his gaze.
Nanatili siyang tahimik at nanatiling nakatingin sa akin. Pagkatapos ng ilang minuto bigla siyang nagsalita. "There's nothing special about you. Tss." Mahinang imik niya saka siya tumayo mula sa pagkakaupo.
"Eh?" Nagtatakang banggit ko. Alam ko naman sa sarili ko na walang espesyal sa akin. Anong pinagsasabi nitong si Louie?
Imbis na pansinin ako, tuloy tuloy lang siyang nag-lakad paalis dito, kaya't sumunod na din ako sa kaniya. Napatingin tuloy ako sa paligid. Maliwanag pa pero mag-sa-sun set na din. Hindi ako nakapasok sa klase ko. Patay.
"Oy, teka, Louie intay." Paghabol ko sa kaniya, ang bilis kasi maglakad. Hindi nagtagal nakaabot din ako sa kaniya.
Advertisement
Nanatili pa din siyang tahimik habang naglalakad. Sanay na akong ganiyan siya kadalasan kaya't hindi na din ako nagsalita. Patuloy lamang kami sa paglalakad hanggang sa tumigil siya kaya't napatigil din ako.
"Huwag mo ako sundan." Napatingin ako sa kaniya noong sabihin niya iyon gamit ang seryosong boses. Kumabog din ng kauntian ang puso ko dahil doon. Galit ba siya sa akin?
"B-bakit?" Nauutal na tanong ko. Para kasing may kakaibang aura na bumabalot sa kaniya ngayon, para bang naiinis siya sa akin. Kitang kita mo naman kasi sa mga mata niya iyong expression na iyon.
"Layuan mo ako." Lalo akong kinabahan dahil sa sinasabi niya.
"M-may nagawa ba ako?" Tanong ko sa kaniya, napaatras din ako ng bahagya dahil nakakakita ako ng kaunting flame sa mata niya, para bang konti na lamang makikita ko nanaman iyong cursed eyes niya.
"Just leave me alone, okay?" Madiin ang wika niya sa bawat salita kaya't agad akong napatango. Nag-simula na ulit siyang maglakad dahil matapos niyang sabihin iyon. Samantalang ako ay naiwang nakatulala at nagulat sa inakto niya.
Hindi naman siya ganito sa akin dati ah? Kapag may nagagawa ako sa kaniya na kinaiinis niya. Pag-tritripan lamang niya ako, o di kaya'y pipitikin sa noo. Iyong ipinapakita niya kasi ngayon iba. Parang ayaw talaga niya akong makita.
Bagsak ang balikat ko habang naglakakad ako pa-iba ng patutunguhan. Habang naglalakad hindi ko pa din maiwasan mapa-isip kung ano iyong nagawa ko. Hindi ko naman inaasar nitong nakaraan kaya bakit ganoon na lamang siya?
Aish. Huwag mo na munang pansinin Ayisha. Parang hindi mo kilala iyang si Louie, kita mong napaka-bipolar niyan. Pagsasabi ko sa sarili ko kaya't napabuntong hininga na lamang ako.
Wala na din naman akong kasunod na klase, napag-isip isip ko na umuwi na lamang tutal wala na din namang gagawin dito sa school.
Tinahak ko na ang way papunta sa gate ng school, noong may tumawag sa akin. "Ayisha!" Napalingon agad ako dahil doon.
"Oh? Ash." Kinawayan ko siya agad. Tumakbo naman siya papunta sa akin.
"Pauwi ka na?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya doon, saka ako tinanong kung pauwi na din ako, tumango na lang din ako.
"Hatid na kita?" Pang-aaya niya. Agad naman akong umiling doon. "Nako, hindi na. Nakakahiya naman. Saka kaya ko naman, baka nakakaabala na ako ng sobra sa iyo."
Tumawa siya ng marahan dahil sa sinabi ko. "Hindi. Wala din naman akong gagawin." He said. I smiled.
Advertisement
"Ganoon ba? Mag-pahinga ka na lang. Baka napagod ka sa game kanina." I sincerely told him.
"Okay lang ako. Halika na, hatid na kita." Noong hawakan na ni Ash ang kamay ko ay wala na akong nagawa kundi pumayag sa kagustuhan niya, muka kasing hindi din magpapatalo ang isang ito.
Noong nasa gate na kami, tumawag siya ng pegasus. Inalalayan din niya akong umakyat doon. Pagkatapos siya ang kasunod na umakyat. Paalis na sana kami noong may maramdaman akong mga matang nakatingin sa amin. Napalingon lingon tuloy ako at nakita ko si Louie sa isang dako.
Kakawayan ko sana siya, ngunit mabilis siyang tumalikod na lamang. Saktong utos ni Ash sa pegasus kaya't lumipad na ito.
Napa-isip tuloy ako sandali. Bakit ba ganun makatingin si Louie sa akin? Para bang naiirita siya. Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko dahil sa ginagawa niya.
Maya-maya lang nakarating na kami sa bahay ni Bella. Tinulungan akong bumababa ni Ash, saka siya nagsalita.
"Hey, you owe me." Pagsasabi nito sa akin kaya't natawa ako.
"Oo alam ko, ang laki ng naitulong mo sa test ko kanina." I told him while beaming.
"Kita tayo sa weekend." He said while smiling pagkatapos ay nag-salute siya at sumakay ulit sa pegasus.
"Ha? Bakit, anong meron sa weekend?"
"Gusto ko lang mas makilala ka pa. Wala namang masama, hindi ba?" Casual na sabi nito sa akin. Napa-isip ako ng kaunti doon. Tama siya wala namang masama, at saka wala din naman akong gagawin.
"Ganoon ba? Osige." I said, saka siya nagpaalam.
Naka-alis na siya, kaya't pumasok na ako sa loob. Doon ko nakita si Bella at Kyle na nasa salas mukang may pinanunuod. Kasama din noong dalawa si Emerald at Onyx.
"Bella, Kyle." Bati ko sa kanila. "Hi din Onyx at Emerald." I added.
"Ayisha! Halika, manuod ka din. Nanunuod kami ng movie ni Kyle, kanina pa pagkatapos noong game nyo, matapos naming bisitahin si Vien. Tinamad na kaming pumasok." Natawa ako dahil sa sinabi ni Bella.
"Ikaw ha, ang tamad mo na din." Panloloko ko sakaniya.
"Baliw ka. Si Kyle ang tinatamad nadamay lang ako." Pag-depensa ni Bella sa sarili niya. Umupo ako sa katabi ni Kyle dahil doon.
"Ikaw, saan ka galing Ayisha?" Tanong ni Kyle sa akin.
"Nakatulog ako sa lotus light garden kasama si Louie. Pagkatapos noon," Napatigil ako sandali dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba na mukang asar na asar sa akin si Louie ng hindi ko alam ang dahilan o hindi. "Ahm, iyon pagkagising ko wala na siya, kaya napagpasyahan kong umuwi, pagkatapos nakita ko si Ash, kaya hinatid niya ako dito. Naka-alis na din siya." I told them. Hindi ko na binaggit iyong kay Louie, baka wala lang iyon. Sa ugali ba naman noon.
Nag-kwentuhan kami nina Bella at Kyle. Si Kyle ang daming tinatanong sa akin mukang nakalimutan na nandito si Bella. Pero kahit ganoon, kita ko sa mata niya na iba ang tingin niya kay Bella.
Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin noon, pero simula noong mga nakaraang buwan, mas naging close si Bella at Kyle. Mukang na-f-fall nga sila sa isa't-isa pero hindi sila aware. Lalong lalo na si Kyle, para kasing sa akin siya lagi nakatingin pero ang totoo si Bella naman ang mas pinahahalagahan niya. Action speaks louder than words ika-nga.
Hindi namin napansin gabi na pala. Kaya umalis na din si Kyle.
"Oy, paano mo nakilala si Ash?" Pang-iintriga sa akin ni Bella. Wala akong nagawa kundi ikwento sa kaniya iyon. Tuwang tuwa pa siya na parang kinikilig sa kinuwento ko, gayong wala namang nakakakilig doon. Mukang tinamaan nanaman ng katopakan si Bella.
Habang nag-kwe-kwentuhan kami ni Bella. Kumuha ako ng tyansa para itanong sa kaniya, ang kanina pa bumabagabag sa utak ko.
"Bella, may kilala kang Fiona?" Pagkasabing pagkasabi ko doon. Agad natigilan si Bella pati na din si Emerald na nagtatahi ata gamit ang maliliit niyang kamay.
"A-Ayisha." Nagulat pa ako noong tila mautal siya dahil doon.
"Kilala mo siya?"
"Saan mo nakuha iyang tinatanong mo?" Halata mo sa muka niya ang pagiging uneasy. Kaya't nakaramdam ako ng kaba. So, mukang iyong binaggit na pangalan nga ni Louie ang babaeng mahal niya?
"May uganayan ba siya kay Louie? Mahal ba siya ni Louie? Paki-sabi naman para alam ko kung saan ako lulugar." Pagsasabi ko sa kaniya. Ayaw ko naman na makakasira ako ng relasyon.
Oo ang tagal ko na dito, ilang buwan na din pero wala akong nakikitang Fiona. Baka nasa ibang lugar lang siya kaya ganoon, at baka bumalik na din siya, kaya ayaw kong mang-gulo.
"Wala akong karapatan sabihin ang mga nalalaman ko Ayisha. Siguro mas makakabuti kung si Louie mismo ang tanungin mo." She stated. I sighed.
Fiona. Ikaw ba talaga ang mahal ni Louie? Bakit parang naiinis ako sa hindi malamang dahilan?
***
Advertisement
- In Serial7 Chapters
Arcanum
For nine hundred years, the Arcanum has endured as the premier institution of higher magical education in the Kingdom of Renaitia. Its graduates maintain the Kingdom's sovereignty against demonic incursions from the Abyss, explore the Far Planes, push back against hordes of Outworlders seeking to claim dominion of the world of Ethore, and establish diplomatic relations with other civilisations across the Material Plane and beyond. Taelin Korr now enrolls in Quintus, one of the Arcanum's nine Colleges, and opens his eyes to new heights of magic. Though he may still be a fledgling student of little talent, through his years of study in the Arcanum, his name shall one day have its place alongside the greatest mages of legend. - - - This is a slow story that explores the life of a student in magical university.
8 142 - In Serial7 Chapters
The Hunter Prince
The kingdom has been overthrown. Dire beasts roam the land in greater numbers than ever before. A boy who doesn't remember his past and a young woman looking to escape her own join forces with a band of Dire Hunters seeking to build a better future. Together they investigate the source of the beasts ravaging the countryside and wreaking havoc across the kingdom. What they discover will change the face of the empire. Whether its for the better is yet to be seen.
8 167 - In Serial155 Chapters
Parallel
Following the death of his popular online persona, seventeen-year-old Suzuki Mato decides it's time to retire from professional VR gaming. However, his plans are abruptly cut short when he's kidnapped from his high school and forced to be a guinea pig for Genaco Gaming, the world's largest esports and entertainment company. Armed with nothing but his wit and a new online persona, he's thrown headfirst into the virtual reality of "Live No Evil," a VRMMORPG littered with overpowered bosses, secretive NPCs, and backstabbing gods. His mission? Find a way to conquer this new world and get back at the company that took over his life, all while avoiding 'Parallel' -- a condition that would make it impossible to separate his real and virtual personalities. Because in a world obsessed with VR gaming, Parallel means death, and Suzuki just doesn't have time for that...
8 145 - In Serial19 Chapters
Flower Girl
When Poire wakes up, she is in an unknown forest, and her head has been replaced by that of a flower’s. A talking lemur is convinced Poire has written a list that doesn’t belong to her. Poire must prove him wrong, or she might never find her way back home again.
8 70 - In Serial47 Chapters
The Concerto for Asp and the Creali Orchestra
Making a wish on her fourteenth birthday, Anya had no idea it would come true… literally the next day! She gets transported to a magic world inhabited by strange and dangerous creatures. Will she survive her fairy dream gone scary? The novel is being published in four installments:Part I: AllegroPart II: Adagio Part III: Scherzo Part IV: Finale
8 115 - In Serial59 Chapters
Vanquishing Evil for Love
An everyday man is summoned to the another world to become a hero, but he asks to become a girl and so is reborn as Princess Samantha, losing his memories. Growing up, she realises she is a lesbian. However, she struggles to find a partner and, in a society that sees homosexuality as a corruption of the soul, she doubts she ever will find love. Then, on her seventeenth birthday, she discovers her divine powers. While initially unwilling to go on a heroic journey to vanquish the Great Evil, her friend (an aspiring Royal Guard called Julie) makes her an offer: Go on the journey and I'll be your lover. So begins their (often light-hearted) journey to both vanquish evil and find love, getting in all kinds of trouble along the way.
8 189

