《My Enchanted Tale》Charm 35 ❀ Official

Advertisement

Officially an air charmer.

"Bye!" Sigaw namin ni Vien sa kanila, papasok na kase sila sa academy, kami naman ni Vien papunta na uli sa training.

Noong makapag-paalam na kami, umalis na din kaming dalawa, I'm not used Vien being like this, walang imik. Kaninang kanina pa siya walang imik. Iimik man sobrang dalang, mas gusto ko pa iyong mataray na engesherang Vien kaysa sa pinapakita niya ngayon.

Nakarating kami sa training place, pero wala parin naimik sa amin. So, I decide to speak first. "Vien, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

"Ah?" Wala sasariling sagot niya. Sabay iling, "Hindi, wala wala. Masama lang pakiramdam ko. Simulan na natin." Maikling tungon niya saka siya naglakad papunta sa pusisyon niya. Hidni ako kumbinsido sa sagot ni Vien pero hinayaan ko na lamang siya.

May mali kay Vien. Mayroon, ayaw niya lang ipahalata ng sobra, pero iyong pagiging matamlay pa lamang niya may meaning na. Subalit, imbis na magtanong hinayaan ko na lamang siya. Alam naman niya na nandito lang kami para sa kaniya. Alam kong kapag handa na si Vien na sabihin sa amin ang kinikimkim niya sasabihin niya iyon.

Maya maya lang, nagsimula na kaming mag-training. Tinuruan niya ako ng mga basic para madami kong magawa ang mga complex na techniques. Mabuti na lamang at mabilis kong natutunan ang mga iyon.

Matapos iyon, invisible air naman ang itinuro niya. Nakakatuwa iyong invisible air dahil noong una hindi ko napapansin iyon, pagkatapos bigla bigla na lang akong masasaktan. Maniniwala na talaga ako sa sinasabi ni Louie na idiot ako. Kidding aside. Hindi din nagtagal natuto agad akong kontolin iyon at tinuruan niya ako ng iba pa kagaya ng invisible weapons.

Air shield ang next niyang itinuro, it's much easier than earth shield and fire shield. Madali lang gawin iyon. Pero, sabi ni Vien kung gusto ko mas matibay ang shield, mas madaming amount ng air daw ang kailangang i-release. Kaya paulit ulit akong gumawa ng ganoon para maging mapakapal ito.

Next was air tornado. I admit it, that thing is really hard. Noong ginagawa iyon ni Vien parang ang hirap hirap. Una, gagawa ka ng maliit na air ball na paikot tapos, dandahan papalakihin mo siya. Pagkatapos, ipapagpatuloy mo rin ang pagpapaikot dito. Until, ma reach mo yung desired, na laki noong air tornado.

I tried doing what Vien is doing,mat sobrang hirap na hirap ako. Sinusunod ko naman siya, sa una maliit muna, pero iyong maliit na iyon, biglang nag-wawala at makaka sugat sa akin. Imbis na panghinaan ng loob, mas nagkaroon ako ng passion na magawa iyon. I tried making one again. Napalaki ko siya unti unti pero, hindi ko makontrol ang paglaki nito. Hindi ko na ito nakontrol. Mabuti na lamang nakagawa agad si Vien ng shield para sa a,ing dalawa kaya't naligtas kami sa ginawa kong pahamak. Mapatigil din agad niya ang ginawa ko.

"Sorry." Nakatungong sabi ko dahil nakakahiya naman kay Vien. Imbis na pag-sabihan ako, nginitian niya ako at saka pinalakas ang loob kaya't mas naging pursigido ako na huwag na ulit gumawa ng madaming pagkakamali.

Dandahan kong ginawa ulit iyon, pero tulad noong una palpak, nagkakasugat tuloy ako dahil doon. Pero, hindi ako sumuko. Hindi nagtagal halos magtatalon ako sa sobrang saya noong nagawa ko iyon ng tama. Paulit ulit pa nga ako, kasi baka mamaya nakatyamba lamang ako, ngunit totoo na talaga. Marunong na ako! Sobrang saya ko matapos noon.

Advertisement

Kasunod na itinuro ni Vien ay kung paano makakalipad gamit ang air. I manage to do it quickly, kaso lang minsan na-gewang gewang ako, nagkakatawanan pa nga kami dahil na bagsak na lanh ako bigla sa lupa. Noong makita kong tumatawa na ulit siya, napapangiti na lamang ako. Ang ganda kasi ng ngiti niya.

Noong maayos na akong nakakalipad. Itinuro niya naman sa akin ang iba pang techniques at lessons na kailangan kong matutunan. Isa doon ay iyon pag-gamit ko ng hangin para mawala ang apoy. May hangin na content kasi ang apoy kaya puwede kong alisin iyon para mawala ang apoy. Pati nga din mga halaman kinukuha ko iyong carbon nila, para malanta sila. Puwede ko daw magamit iyon, sa mga kalaban na may dark powers na fire at plant.

Marami pa siyang ibang tinuro, hanggang sa na pagod kaming dalawa at umuwi na.

***

After eight days.

Mabilis lumipas ang mga araw. Pero, walang pinagbago si Vien, sobrang tamlay niya parin, ayaw niya pa din sabihin sa amin. Hinahayaan na lang namin siya. Hindi lang siya ang nag-iba ang kilos sa amin.

Si Louie, parang naging moody nanaman. Oo, nag-aaway pa din kami. Normal na iyon, pero nitong nakaraan parang umiiwas na naman siya, hindi naman totally umiiwas parang ang tahimik lang niya lagi kaoag hindi kami nag-aaway. Ang sabi pa ni Bella sa akin hindi daw napunta sa school minsan.

Si Kyle din. Nag-aalala na nga si Bella, dahil nakatulala na lang daw minsan si Kyle. Umamin kasi sa aming girls si Bella na nanliligaw si Kyle sa kaniya. Hindi na ako nagulat or nagtaka noong ibalita niya sa amin iyon, dahil kita ko naman sa kinikilos ni Kyle simula noong halos lima o apat na buwan ang nakakaraan. Kaya pala tinutukso din si Kyle noong mga lalaki noong isang araw.

Si Charlene at Ash. Matagal ng weird ang dalawang iyan. Siyempre joke lamang. Wala namang iba sa kanila. Si Ash palagi pa din akong kinakausap at nakikipagkukitan ganoon din si Charlene.

Hindi pa kami nakakaalis ni Vien papunta sa training dahil hindi ko siya makita kaya nag-lalakad lakad ako ngayon sa bahay niya.

"Ayisha!" Napalingon agad ako noong may tumawag sa akin. Doon ko nakita si Vien, pagkatapos kasama niya si Louie. Lumapit ako sa kanilang dalawa. Noong makalapit ako, ginulo ni Louie ang buhok ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil doon.

"Babo." Asar niya sa akin. Kaya't agad kong sinuntok ang braso niya. Binigyan niya ako ng dakilang poker face niya dahil doon. "Sige, alis na ako." Simpleng sabi niya at saka kami iniwan ni Vien.

"Anong meron?" I asked Vien while looking at Louie's back. "Wala. Halika na." Maikilingbanggit ni Vien. Napa-kibit balikat na lamang ako dahil doon at saka kami pumunta ni Vien sa air heaven land.

Noong makarating kami doon, wala na kaming inaksayang oras pa. Nagsimula na agad akong makipaglaban sa isang air eagle. Kitang kita ko sa kulay asul na mata ng eagle na iyon ang galit. Umatake agad iyon sa akin at mabilis naman akong naka-iwas.

Nakakulong kaming dalawa ngayon, sa loob ng malaking malaking air shield at doon kami naglalaban. Sobrang nakakaloko at nakakatakot ang air eagle na ito. Ang bilis kumilos, pagkatapos minsan nagiging invisible pa.

Pinilit kong kalabanin siya ulit, pero tulad kahapon wala pa din.

Gumawa ako ng shield para sarili ko lang. Then, gumawa ako ng invisible air weapons para patamaan siya. Ngunit, dahil nga mabilis siya, naiilangan niya ng walang kahirap hirap iyon. Matapos din ang ilang sandali ng pag-pagaspas niya ng pakpak nasira ang shield ko.

Advertisement

Napa-iling iling ako dahil doon, nadidisappoint ako sa sarili ko.

Pero, kahit ganoon, tuloy ang ang laban. Sumugod ulit sa akin ang agresibong air eagle. Imbis na umiwas pumikit ako sa gitna ng panganib. I tried to concentrate immediately at mukang nagawa ko naman. Tumahimik ang buong paligid. Wala akong ririnig kung hindi ang kumpas ng hangin, isang malakas na kumpas ang narinig ko sa kanan, kaya kumaliwa ako. I know it's the eagle going to attack me.

Umiiwas sa bawat tira ng ibinabato ng eagle. Tanging sound lamang ang pinakikinggan ko, pakiramdam at pandinig lamang ang tanging ginagamit ko ngayon. Naramdaman ko ang eagle napasugod sa akin kaya mabilis akong umilag. Mabilis na rin ang nagiging kilos ko, bawat atake niya, binibigyan ko siya ng counter attack. Para akong nagsasayaw at nakikipaglaro habang nakapikit.

Gumawa ako ng invisible blades para pang-atake, naramdaman kong umikot sa kinatatayuan ko iyon eagle kaya itinira ko sa iba't ibang direksyon iyong invisible blades, may narinig akong ungol ng eagle. Napangiti ako dahil natamaan siya.

Hindi ko na inaksaya ang pagkakataon ko kaya gumawa agad ako ng tornado para pa sugudin ang eagle na iyon, narinig ko ang malakas na ingay nito, dahil panigurado hinahabol na siya ng ginawa kong tornado.

Maya maya, naramdaman kong nawala ang tornado ng ginawa ko. Tsk! Ibang klase na takasan niya iyon? Gumawa uli ako ng invisible blades at itinira uli iyon, at narinig ko ang malakas na ingay na nagmula sa kaniya. Pulido nanaman ang tira ko, I can't help but to grin. Sa wakas nagbunga ang mga ginawa kong training.

Nagmulat na ako at nakita ko ang eagle na nakahiga. Bago pa siya makatayo, I released a cold air, para mag-yelo na siya at nagtagumpay naman ako doon. Narinig ko pa ang palakpak ni Vien dahil sa nagawa ko.

"Amazing!" She exclaimed happily. "Isa ka nang official air charmer." Dugtong pa niya, kaya't napapalakpak ako sa tuwa. Worth it talaga lahat ng pagod ko kapag naririnig ko na nagagawa ko ng maayos ang mga kailangan kong gawin. Katulad din ngayon, official air charmer na ako.

"Congrats, Ayisha." Bati sa akin ni Vien. Pagkatapos ay niyakap niya ako.

"Salamat." I said. Namayani ang katahimikan matapos noon. Nakita ko nanaman ang pagiging uneasy sa muka ni Vien. Napabuntong hininga ako dahil doon at saka ko hinawakan ang kamay niya.

"May problema ba? Ang tagal mo ng ganiyan. You can always tell me---us, kung may bumabagabag sa isip mo." I told her sincerely.

Noong sabihin ko iyon, nagulat ako noong may biglang pumatak na luha sa kaliwang mata ni Vien. Agad akong nabahala dahil doon. Mag-sasalita sana ako pero niyakap niya ulit ako. "A-Ayisha..." Hikbi niya, hinimas himas ko siya sa likod niya.

"Shh. Okay lang iyan, okay lang." I comforted.

"A-Ayisha.. I'm the princess of Air Heaven Land." Humihikbi sabi niya. Literal na nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Parang hindi din agad ito nag-process sa utak ko.

"Ano ulit?" Hindi ko na napigilan ang bunganga ko at iyan ang nabanggit ko. Gusto ko lang makasigurado kung tama ba iyong narinig ko. Humiwalay si Vien sa pagkakayap niyaa sa akin. Napatingin ako sa kaniya nang nag-aalala.

"You heard it right. I'm now the princess of air heaven land." Bahagya akong nagtaka dahil sa sinabi niya.

"Huh?"

"Mayroon nang bangong tatlong princess at dalawang bagong prince dito sa charm world, Ayisha. Napapaltan ito kada siglo. I'm the chosen one in air heaven land. There will be different princes and princesses, one in fire circle land as well as the other lands. Mga nakatataas ang pumipili noon at kasali doon ang hari at reyna. Sa earth wall land it's Angelica Anthurium ang napili, muntik na nga si Charlene kaso mas binigya nila ng priority si Angelica."

"Sa water tribe land si Jade Steven Douse, sa air heaven land: ako, sa enchanted land si Fiona Jelyn Stygian dahil sa pagiging makapangyarihan ng pamilya nila." Malumanay na wika ni Vien.

"Teka, sa fire circle land?" I asked.

"Ahm." Mukang nag-aalinlangan pa si Vien na sabihin sa akin kung sino. "Wala akong karapatan na pangunahan siya." Dugtong pa niya, pinigilan ko na siyang magsalita matapos ang pahayag na iyon.

"Si Louie?" I asked directly, at base sa itsura niya, si Louie nga. Kaya pala ganoon si Louie noong nakaraan, laging tahimik at mukang malalim ang iniisip, kaya siguro hindi din siya pumupunta ng school gaya ng sabi ni Bella.

Mayroon pang isang pangalan na nakakuha sa atensyon ko. Fiona. Fiona Jelyn Stygian. Ngunt, ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Kung ano ano nanaman ang iisipin ko. Kailangan ko ng itigil ang pag-o-overthink.

"Oh? Dapat masaya ka!" I exclaimed. She's a princess of air heaven land, deserve niya ang titulong iyon. Sobrang galing kaya niyang air charmer.

"Kung Princess lang ba, okay ako doon. Pero, I have to marry someone, at hindi ako ang pipili noon kung hindi sila ang magtatakda noon para sa akin." Malungkot na tungon niya. Para din akong pinanghinaan ng loob dahil sa narinig ko. Pati ba naman iyon pakikialaman? Ang unfair.

Nanatili kaming tahimik ni Vien. Hanggang sa napa-isip ako. "Nagtakda na ba sila?" Mahinahong tanong ko. Tumango siya biglang sagot doon, kaya lalong bumagsak ang balikat ko. Sino naman kaya ang itinakda nila para kay Vien?

Teka... Huwag mong sabihin na si Louie? "Vien," Kinakabahang approach ko sa kaniya. "Si L-Louie ba?" Halos mag-stammer ako dahil sa tinanong ko. Ang bigat sa loob ko. Magka-usap sila kanina ni Louie bago kami pumunta dito, saka prince si Louie ng fire circle. P-parang ang hirap i-sink in sa utak ko ng mga nangyayari.

"No. It's not him." Nagulat ako dahil sa sinabi ni Vien. Para din akong nakahinga ng maluwag at nabunutan ng tinik dahil doon. Woo. Mabuti na lamang at hindi siya. Kinabahan ako doon.

"Puwede ko bang malaman kung sino?" Malumanay na tanong ko.

"Ahm..." Mukang hindi niya masabi kung sino. Hinawakan ko ang kamay niya, I look at her to assure her. "Hindi mo kailangan sabihin." Saka ko siya binigyan ng sinserong ngiti. Pero, bigla siyang umiling.

"H-Hindi okay lang, sasabihin ko na ang tagal ko na din itong kinikimkim." She said as she gave me a faint smile. Saka siya nagsalita...

"I-it's ... Kyle." Omygosh! Pano si Bella!?

***

    people are reading<My Enchanted Tale>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click