《My Enchanted Tale》Charm 37 ❀ Solution

Advertisement

Next stop, water power.

***

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko nakalapat pa din ang labi niya sa labi ko. Sobrang saya lamang ng pakiramdam ko, para akong nakalutang sa ere, iyong puso ko pa parang tumigil sa pagtibok--syempre joke lang, iyong puso ko kanina nag-hyperventilate na. Kahit naman ako, sa loob loob ko nag-sisigaw na ako.

Iyong first kiss ko, si Louie. Hindi ko din naman iyon pinagsisihan, kasi aaminin ko, ginusto ko din naman iyon. Charing! Ano ba naman itong pinag-iisip ko. Ang arghh, ah basta. Nakakaloka masyado.

Basta pagkatapos noong napakahabang sinabi niya at noong halikan niya ako. Ngumiti siya sa akin at hinatid ako sa dito sa kwarto namin ni Bella. (Magkasama kasi kami sa kwarto ni Bella) hindi ako nakaramdam ng awkwardness sa kaniya bagkus kakaibang saya pa. Sigurado akong ganoon din naman ang naramdaman niya.

Wala na, nakakainis. Nahulog na ata ako kay Louie. Gusto kong itanggi sa sarili ko, kasi nga ako ay napaka-denial, pero hindi ko magawa. Iyong puso ko na ata ang kumo-kontrol sa sistema ko. Jusme.

"Ngingiti ngiti ka dyan ng parang aso ha?" Napalingon ako noong biglang may mag-salita. Nakita ko si Bella, mukang nagising siya mula sa pagkakatulog.

Nginitian ko na lang ulit siya. Napa-kunot noo naman siya dahil sa ginawa ko. "Para kang timang Ayisha. Anyare?" She stated bluntly. Ang lakas maka-timang nito.

"Maka-timang ka naman. Secret na iyong nangyari." I said as I winked at her. Napa-pout naman siya at saka nag-buntong hininga. Problemado nga pala itong si Bella.

"Kung ako sa'yo kausapin mo si Kyle ng maayos. Alam mo, I can see naman na sincere siya." Pagsasabi ko sa kaniya.

She let out a deep breath. "Ewan ko, Ayisha. Alam mo kasi bago ako magustuhan ni Kyle, ikaw ang gusto niya kaya nahihirapan akong mag-isip ngayon. What if, biglang kaibigan lang ang talagang tingin niya sa akin at ikaw pa din talaga?" Kitang kita ko sa mata ni Bella ang pagdududa at pangangamba.

Binigyan ko naman siya ng sapok dahil doon. "Aray, para saan naman iyon?" Asar na banggit pa niya.

"Ay nako, Bella. Mag-bestfriend nga tayo, parehas tayo masyado, parehas overthink-er. Magtiwala ka kay Kyle. Hindi naman ako ganoon kashunga noon, tingin ni Kyle noon sa akin, katulad ng tingin mo sa kaniya. So, yeah alam ko feelings ni Kyle, kaso hindi ko ganoong pinansin para kasing puppy love lang, alam mo iyon? Iyon bang hindi na lalalim pa, iyong parang crush lang, ganoon." I stated. Pero, kung makapag-salita naman ako, nalaman ko lang naman ito kay Charlene, dahil ako'y dakilang manhid na hindi ko alam na may crush pala sa akin si Kyle noon. Joke lang iyong sinabi ko ngayon kay Bella. Hehe.

"Hindi niya alam noon Bella pero nahuhulog na siya sa'yo kahit pinopormahan niya ako. Kung hindi mo lang naman napapansin mas close kayo, na mas komportable kayo sa isa't-isa, matagal na kayong magkaibigan. Saka noong nakakasama ko noon si Kyle, ikaw din naman ang bukang bibig niya sa akin." I told her. Kinukwento ito sa akin ni Charlene noon, syempre napakadaming alam noong si Cha. Pero, iyong nakakasama ko si Kyle, sa akin na talaga galing iyon. May bonding moments din naman kami ni Kyle noong mga nakaraang buwan kaso, Bella here and there lang naman topic namin.

"Sinungaling ka, Ayisha." Nakasimangot na sabi niya na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. My eyebrows met because of that.

"Huwag kang maniwala, wala namang mawawala sa akin, sa'yo lang." I retorted, narinig ko naman ang impit na pag-tili niya dahil doon.

Advertisement

"Hindi ko na kasi alam iisipin ko. Oo, noong isang buwan pa niya sinabi sa akin na unti-unti nagugustuhan na niya ako, tapos noong nakaraang araw noong nandoon pa tayo kayna Charlene, sinabi niya sa akin na manliligaw daw siya dahil mahal na daw niya ako. Ayisha, nahihirapan ako maniwala." She said gloomily. Ramdam ko na nalilito talaga si Bella ngayon.

"Huwag kang gumaya sa akin na in-denial queen. Sumunod ka sa nararamdaman ng puso mo. First day ko pa lamang noon sa school, I knew that you have a crush on Kyle at sa halos limang buwan na magkasama kayo lagi, as if naman hindi kayo madedevelop noon, lalo na sobrang caring ni Kyle." I spoke.

"Alam ko, Ayisha. Nahulog na nga ako, natatakot lang ako na baka hindi niya ako saluhin." She looked weary so I hugged her.

"Clear your thoughts for a while and listen to your heart." I said as I smiled at her genuinely. Naramdaman ko naman na ngumiti din siya habang nakayakap sa akin.

"Why not, try those words to yourself, Ayisha?" She suddenly verbalized.

Natigilan naman ako doon. Inirapan ko siya at saka humiga sa kama. "Alam ko, kaso mas malala ang sakit ng pagiging magulo ng utak ko kaysa sa'yo, kaya huwag kang gumaya sa akin." I uttered as I yawned.

Narinig ko naman ang mahinag tawa niya. "Siguro nga, hindi ako gagaya sa'yo. Kasi biruin mo iyon, twelve pa lamang kayo may connection na kayo sa isa't-isa, tapos pinagtagpo kayo ng tadhana halos kalahating taon na ang nakararaan, at hanggang ngayon nagtatagihan pa din kayo sa nararamdaman niyo." She mocked.

"Che!" I snorted. Naramdaman ko na humiga na din siya. "Goodnight." I heard her say. "Bangungutin ka sana." Dugtong pa niya.

"Ang bait mo talagang bestfriend." I murmured. "I know right." She replied.

Matapos noon naging tahimik na ulit ang lahat, mukang natutulog na ulit si Bella samantalang ako, patuloy pa din inaabsorb ang lahat lahat ng nangyari sa akin simula noong mapunta ako dito sa Charm World. Simula noong makita ko ulit si Louie, at may maramdaman akong connection sa kaniya. I know, he felt the same connection I'm feeling.

Ang dami na din namin napagsamahan at syempre napaka dami naming away. Pero, kahit ganoon hindi ko maikakaila na may puwang ang puso ko sa kaniya. Am I really in love? Siguro nga. It's a new feeling to me, ngayon lang naman ako nakaramdam ng ganito, dahil buong buhay ko noon, halos kapaitan lamang ang naranasan ko.

And after almost half a year of staying in here, I can feel the true happiness, I'm longing for. At isa sa naghahatid ng kasiyahan na iyon ay siya. Napangiti na lamang ako at saka ko ipinikit ang mga mata ko.

Siguro nga bago pa lahat ng pakiramdam na ito sa akin, subalit si Louie ang nasisiguro kong nagbibigay sa akin pinaka-kasiyahan na gusto kong maramdaman.

***

Kasama ko na ngayon si Kyle sa water tribe land, dito naman kasi ako magtratraining ng water charm. Simula noong makarating kami dito hindi pa din nag-sasalita si Kyle kaya naiilang ako.

"Ahm, Kyle." Tawag ko sa kaniya. Hindi ko na kasi makayanan iyong katahimikan parang kakainin na ako.

"Ah? Sorry, Ayisha. May iniisip lang." Matamlay na wika niya. Napa-buntong hininga tuloy ako dahil doon. Apektado pa din talaga si Kyle sa nangyayari. Hindi ko naman siya masisi dahil ramdam ko naman na naiipit lang siya dito. Kaya nga kailangan na ng solusyon para sa problemang ito.

"Kyle. Sundin mo na lang iyang puso mo. Oo may mga pagsubok kang kahaharapin at mayroong maapektuhan. Pero, kahit ganoon alalahanin mo, tatak sa buhay mo ang disisyong yaan, kaya piliin mo kung saan ka lubos na sasaya. Maikli lang ang buhay, masaya kayang sumaway sa mga patakaran kahit isang beses lang." Malumanay na wika ko habang nakangiti.

Advertisement

Lumingon sa akin si Kyle at mukang gumaan ang pakiramdam niya dahil doon. "Salamat, Ayisha." Nakangiting banggit niya, kaya lumitaw iyong paborito kong dimples. Niyakap niya ako kaya niyakap ko din siya.

"Aayusin ko iyong saamin ni Bella. Mahal ko iyong bestfriend mo na iyon. Ewan ko ba sa sarili ko, huli ko na narealize, ang tagal na naming magkasama pero ngayon ko lang siya nakita." Banggit niya.

"Nako, hindi pa huli ang lahat para sa inyo, malapit pa lang kaya gumawa ka na ng paraan." Natatawang saad ko sa kaniya kaya naman nag-thumbs up siya.

"O siya siya, kailangan pa natin mag-training." Sabi ko sa kaniya, kaya sumang-ayon siya.

Pagkatapos naglakad kami sandali hanggang makarating kami sa isang lugar. May malaking parang pond siya? Hindi. Mas malaki ng konti sa pond. Tapos, ang linaw linaw ng tubig noon, may mga puno din sa isang tabi.

Parang sa lahat ng na puntahan ko, dito ko pinaka-gusto. Ramdam na ramdam ko kasi iyong payapang enerhiya ng tubig pagkatapos parang nasa isang masayang lugar lamang ako. Ang gaan sa pakiramdam.

Lumapit kami doon at lalo kong nakita kung gaano kalinaw ang tubig at ang maaliwalas na paligid. "Water. One of the most powerful power." Sabi niya, na sinang-ayunan ko. Tama siya, water is one of the most powerful, pagkatapos ang fire naman ay isa sa pinaka delikado.

"Una sa lahat kailangan mong matutunan kung paano huminga sa ilalim ng tubig. Hindi dito ang training ground natin. Sa ilalim tayo ng tubig." Medyo nagulat ako dahil sa pahayag ni Kyle. Sana magawa ko ito ng maayos dahil ayoko pang malunod.

Dandahang bumababa si Kyle doon sa pond. "Tara." Sabi niya saakin, kahit medyo nag-alanggan ako sumunod parin ako. Patuloy ko pa ding iniisip na makakayanan ko ito.

Mas nauna nang lumubog si Kyle, buti na lang sobrang linaw ng tubig. At buti na lang naka shorts ako ngayon. Hindi pa din ako lumulubog dahil nag-aalinlangan pa ako pero naramdaman kong, hinawakan ni Kyle iyong kamay ko. Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga at saka dandahan rin akong lumubog. I can feel the peaceful relaxing energy of the water.

Nagmulat ako sa tubig, kulay blue tubig at muka lang ni Kyle ang nakikita ko.

"Try to breathe, Ayisha." Mahinahong banggit niya. Pumikit ako, at huminga sa tubig. At... halos pasukan ako ng tubig sa ilong agad akong napaahon at nag-simulang ubuhin. Mukang nabigla ko ang sarili ko.

"Yari ako kay Louie nito." I heard him murmured. Natawa naman ako ng kaunti dahil doon. Mukang nabantaan siya ni Louie tungkol sa akin ah. Ibang klase talaga iyong lalaking iyon.

Huminga muna ako ng malalim. Basa ng basa agad ako kaya medyo malamig. Tumingin naman ako kay Kyle. Ngayon ko lang na pansin na hindi man lang siya nabasa. Mabuti pa siya.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.

Tumango naman ako ng marahan doon. "Oo okay na." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Kaya mo pa?"

"Bakit pa ako naging elemental guardian kung hindi ko kaya?" Malumanay na tanong ko sa kaniya. Mukang nakumbinsi naman sya sa sagot ko kaya, tumango na lang sya.

"Concentrate Ayisha. Concentrate." Sabi nya. Tumango na lamang ako. Sa ikalawang pagkakataon, lumusong ulit kami sa tubig. Inisip ko na kaya kong makahunga sa tubig. Nag-focus ako at pinakiramdaman ko ang tubig. Dandahan kong minulat mga mata ko. Puwede kayang gumawa ng invisible air shield para sa ulo ko? Haha! Kalokohan ko nga naman. Umiling iling ako sa pinag-iisip ko. Seryoso. Kailangan ko maging seryoso.

Hinayaan ko yung sarili kong pakiramdaman ulit iyong tubig. Unti unti, hinayaan kong huminga ang sarili ko. Dahandahan, hinayaan kong malunod ako sa enerhiya ng tubig. Akala ko maluluhod na ko ng tuluyan, pero naramdaman ko na lang, na parang hindi kumokontra sa akin iyong tubig, umaayon na ito sa kagustuhan ko. Noong pagkakataong iyon, alam kong nakakahinga na ako, nung una parang natatakot ako, baka pasukan ako ng tubig sa bibig. Pero hindi ko hinayaan na lamunin ako ng takot. Sinubukan kong magsalita at...

"Kyle." Imik ko. Hindi ko man lang na ramdaman na nasa tubig ako nung nagsalita ako. Parang normal lang. Ngumiti sa akin si Kyle, saka nag-salita. "Ang galing mo." Napangiti naman ako dahil doon.

Hinawakan niya ulit iyong kamay ko, tapos lumangoy kami ng mas malalim, ang ganda dito, ang daming isda, corals at iba pa. Nagmuka tuloy dagat. Akala ko simpleng pond lang yun pala sobrang lawak sa ilalim.

Habang naglalangoy kami ay mga bubbles parang gumawa ng daan. Lalo akong namangha sa kapangyarihan ng tubig, ang ganda. Parang naging pathway namin iyong mga bubbles.

Ilang sandali lang, nakarating kami sa isang magandang lugar. Mayroong bulaklak sa paligid noong ground tapos may isang bato sa malayo, medyo malaki ito at mukang upuan.

Bumababa kami doon ni Kyle. Ngumiti sya saakin sabay sabing, "The training starts now."

He started teaching some techniques. Like, water blades, balls, shuriken, and other weapons. Madali ko naman natutunan ang lahat ng tinuro niya. Next naman ay water shield. Isang malaking water ball ang gagawin mo tapos papalakihin mo ito hanggang sa gusto mong maging size nito.

Next naman ay water tornado. Diyan ako na hirapan. Mahirap gumawa nito. Minsan nasusugatan ako ng todo, pagkatapos nasasaktan ako, dyan na gagalit si Kyle. Ang careless ko daw, tapos baka malagot pa daw kaming dalawa kay Louie.

Sinimulan ko uling gumawa ng water tornado. Mahirap talaga siya laging nagwawala. Ang tagal tagal ko doon, akala ko nga hindi ko na magagawa pero dahil may fighting spirit ako, nagawa ko na siya sa unang pagkakataon iyon lang, maliit, kasing tangkad at laki ko lang. Matawa tawa nga si Kyle sa ginawa ko. Buti nga nakagawa ako.

Paulit ulit ako sa pag-gawa noon hanggang naging contented na rin si Kyle sa mga ginagawa ko. Next naman ay ang paggawa ng water tsunami. Ito na siguro ang pinaka mahirap gawim, dahil minsan hindi nakikiayon ang tubig opposite forces ang nangyayari saamin. Ayaw nito sumunod sa akin. Lagi kong iniilagan iyong mga tira na ginawa ko na hindi naman dapat para sa akin.

Kaya nga minsan niloloko ko si Kyle baka maging red na iyong tubig sa sobrang dami kong dugo. Pero sabi niya hindi daw, dahil permanent daw iying color dito. Panandalian akong namangha dahil doon.

Saka, buti na Lang talaga at may healing power si Kyle. Kaya nagagamot niya ako. Maya maya nag-pahinga na lang muna kami. Baka daw ma-over use ko nanaman ang charm ko at manghina nanaman ako. Pagkatapos din noon, umahon na kami. Napag-disisyonan kasi namin na umuwi na muna dahil madami na din naman akong natutunan.

Noong maka-ahon na kami ng tuluyan. "Tuyuin mo sarili mo Ayisha." Sabi niya sa akin. Ginawa ko makakaya ko. Inisip kong matutuyo ako. Buti na lang sumang-ayon at natuyo naman agad ang damit ko.

Pumunta na kami sa portal at nakarating din kami sa bahay ni Vien. Pagkadating doon ready na sila. Oo ready na silang pumunta kayna Kyle. O diba? Nauna pa sila sa may-ari ng bahay? Mga atat talaga mga ito.

"Oh, tara na!" Masayang sabi ni Charlene, tapos na nguna siyang umalis, napag-usapan kasi namin na doon na sa bahay ni Kyle namin pag-uusapan ang plano para hindi matuloy ang kasal ni Vien at Kyle.

Lumapit naman si Kyle kay Bella. Lihim akong napangiti doon. Sana magkaayos na sila.

Si Louie naman biglang lumapit sa akin. At yung aming mga cute na cute na mga fairies ay wala dito siguro halos dalawang linggo na rin silang wala. Pinatawag kasi sila sa Enchanted Palace. Hindi ko nga alam kung bakit sila pinatawag doom.

"Kamusta ang training?" Tanong niya sa akin.

"Okay lang." Nakangiting banggit ko.

"Nasaktan ka ba ng todo? Sabihin mo lang, uupakan ko si Kyle." Agad naman akong natawa dahil sa sinabi niya. May ganto palang side ang isang bipolar haha. Joke lang.

"OA nito. Okay lang ako, buhay na buhay pa oh." Sabi ko sabay pakita sa kaniya na walang masamang nangyari, kahit ang dami kong galos kanina. Ganoon talaga.

***

Nakarating kami sa bahay nina Kyle. Si Ash umalis, hindi na daw muna siya sasama sa amin, kailangan niya daw muna umuwi. Hindi na namin pa inusisa pa si Ash at hinayaan na lamang.

Noong makapasok kami sa bahay niya. Namangha kami. May parang river man made sa loob ng bahay! Basta iyong bago ka makadating sa salas, tatawid ka sa maliit na bridge tapos sa ilalim ng bridge na iyon ay isang makipot na parang ilog, though hindi naman talaga siya ilog. Sosyal grabe.

Sa living room naman may makikita kang malaking malaking aquarium! Wow! Para kang nasa ilalim ng dagat! Sobrang ganda! Hinatid kami ni Kyle sa mga magiging kwarto namin. Iyong hagdan dito? Babasagin tapos may tubig sa loob nun. Bago ka makadating sa mga kwarto dito, madadaganan mo ang isang malaking fountain sa gitna. Engrande!

"Naiwan ko muna kayo. Doon na lang tayo sa may meeting room magkita-kita." Sabi ni Kyle saka nihawakan ang kamay ni Bella bago umalis. Mukang maayos na silang dalawa ah. Mabuti iyon para wala ng ganoong problema.

Humiga kami sa kama ni Bella, noong makaalis si Kyle. "Oy! Swerte mo kay Kyle, laki ng bahay." Natatawang pang-aasar ko.

"Loka loka ka."

"Paano kayo nag-kaayos?" Tanong ko. Baka nag-usap sila habang papunta kami dito, tutal parang may sariling mundo sila kanina.

"Ipinaintindi niya sa akin ang lahat." Nakangting wika niya. "Nag sorry siya. Sabi niya naiipit lang siya sa sitwasyon niya. Na hindi niya ginusto lahat ng nangyari. Kaya hindi niya sinabi sa akin kasi magagalit nga ako. Pinaunawa niya unti unti sa akin na ako at ako lang daw ang pipiliin nya! Ang sweet." Kinikilig na sabi ni Bella. Halatang halata mo sa kaniya ang kasiyahan pati na din ang pagiging in-love niya kay Kyle.

"Mahal niyo naman ang isa't-isa. Kayanin niyo lahat iyan." Nakangiting sabi ko. Tumango naman siya doon at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Maya maya napag-disisyonan namin na pumunta na sa meeting room.

Pagkapasok namin dun andun na sila. Sosyal din ang loob ng meeting room dahil para itong office sa mortal world.

Lumapit naman si Kyle kay Bella tapos hinawakan nya ito sa kamay at inałalayan umupo. Napatingin ako sa kanila at wala pa si Louie.

"Tara!" Narinig kong tawag sa likudan ko, pagkatapos may humigit sa akin pa-upo sa nga upuan. Ang gentledog talaga ng isang ito. Tsk. Nakaupo na kaming lahat. Tapos mukang naging seryoso na ang mga itsura nila.

"May naisip na kayong paraan para hindi matuloy ang kasal?" Panimula ni Charlene.

"Wala pa." Sagot naman ni Bella.

"Paano ba dapat para hindi matutuloy ang kasal?" Tanong ko.

"Kapag kasal na ang isa saamin, o kaya naman pag patay na ang isa. Iyan lang ang paraan, kapag kasi nagtakda ang nasa itaas. Wala ng makapigil pa, kahit ayaw ng isa." Malungkot na tugon ni Vien.

"Kung ganoon, patayin na lang natin si Kyle, para tapos ang problema!" I exclaimed. Bigla naman silang natahimik dahil sa sinabi ko.

"Ayisha!" Suway ni Bella sa akin.

"Joke lang! Ang intense nyo." Natatawang sabi ko. Masyado kasing seryoso para namang wala itong solusyon, may naiisip pa naman akong pang-resolba dito.

"Ryleen, stop joking." Bulong sa akin ni Louie, kaya naman napatango ako ng marahan.

"Paano yan? Ang hirap naman. Wala na ba talagang makakapigil?" Nanghihinayang na sabi ni Charlene.

"Pakasal natin si Bella at Kyle!" Masayang banggit ko sa kanila.

Napatingin naman sila saakin. "Ano?" Naka-simangot na tanong ko. Aba, kahit naman mukang joke iyong sinabi ko. Iyon na lang ang tanging paraan na naiisip ko.

***

    people are reading<My Enchanted Tale>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click