《My Enchanted Tale》Charm 39 ❀ Wedding
Advertisement
The promise of eternity.
***
"Bella!" Napahawak tuloy ako sa dibdib ko. Sa sobrang gulat at kaba ko, kaninang kanina pa ako hindi mapakali.
"Ayisha. Mamamatay ako ng maaga sa'yo." Iiling iling na sabi ko. Hindi ko maiwasan na hindi magulat at matakot sa mga simpleng bagay ngayon dahil sa nararamdaman kong halo halong pakiramdam.
Para akong mababaliw na dito dahil hindi ko maintindihan ang gagawin ko. Hindi din ako makapaniwala na ikakasal na ako ngayon ay kay Prince Kyle Clifford pa. Sobrang saya ko sa loob loob ko, kasi mahal ko iyong lalaking pakakasalan ko, pero hindi ko din maiwasan na kabahan, kasi mamaya baka magkamali ako sa pagiging asawa niya.
"Anong oras na?" Tanong ko sa kanila para maiwasan ko ang pag-iisip ng kung ano ano, kanina pa din kasi ako inaayusan ni Vien. Pagkatapos kagabi ko pa hindi nakikita si Kyle. Noong umaga kasi, wala na sya dito, kasama na daw si Ayisha sa training.
"2 hours and 35 minutes before the wedding," Wika ni. Charlene na inaayusan ngayon si Ayisha.
Sinuot ko na iyong white dress. Actually, hindi siya wedding gown o kung ano man, simpleng white dress lamang ito. Kami kami lang naman at rush itong kasal na ito at hindi ganoong planado.
Magaganap ang kasal sa enchanted forest. Doon namin napili pagkatapos si Charlene ang nag-ayos doon dahil sa pagiging earth charmer niya. Hindi ko lang alam kung anong itsura ngayon doon. Humingi pa nga siya kanina ng mga ilaw sa akin.
Sobrang natetense talaga ako ngayon. Pano kung may naka-alam? Paano kung magsubong iyong Archangel (Nagkakasal sa Charm World)? Paano kung may masamang mangyari mamaya? Paano kung--
"Huwag ka masyadong kabahan. Magiging maayos ang lahat." Narinig kong sabi ni Ayisha. Napatingin naman ako sa kaniya. Pagkatapos pilit akong ngumit. Hindi kasi alam kung paano mawawala itong nararamdaman ko.
Nagbihis at nag-ayos na din sina Charlene at Vien saka si Ayisha. Matapos ang napa katagal na ayusan. Natapos din ang lahat ang kailangan na lang naming gawin ay pumunta doon.
Gumawa si Charlene ng parang cinderella pumpkin. Iyong karwahe, natawa nga ako doon. Akalain mo pwede pala iyon. Gamit nga lang ang lupa at hindi ang pumpkin. Tapos nilagyan niya iyon ng mga magagandang bulaklak at dahon. Tapos nilagyan ni Ayisha ng apoy iyong mga lalagyan ng ilaw.
Nagpakawala muna ako ng buntong hininga. Eto na talaga. Papunta na ako dun. Wala nang makakapigil pa. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Lalo tuloy akong kinabahan, pero alam kong masaya ako.
Una akong sumakay tapos sumunod si Ayisha tinabihan niya ko. Si Charlene at Vien naman sa harap namin. Tapos pinalipad ni Vien at ni Ayisha iyong karwahe gamit ang kapangyarihan ng hangin.
Advertisement
Habang papalapit kami ng papalapit sa venue, iyong puso ko parang kakawala na sa dibdib ko.
Hinawakan ni Ayisha kamay ko ngumiti siya. Ngumiti na lang din ako, tapos si Vien at Charlene naman hinawakan din yung kamay ko. Kasal ko na talaga. Ito na iyon.
****
It's already five in the afternoon, wala pa din sila. Kinakabahan ako. Nandito na din iyong mga fairy, nagitla nga sila sa nadatnan nila. Hindi kasi nila alam na ikakasal kami ni Bella, noong malaman nila. Nag-unahan na sila dito, at ang kulit nila. Lalong lalo na si Sapphire at Emerald.
Ang galing ni Charlene, ang ganda ng venue. May arc sa unahan iyon bang parang papasukan nila mamaya tapos may mayayabong na puno at doon sa mga punong iyon, may nakasabit na baging at mga bulaklak, iyong bulaklak nailaw pa nga. Iyong mga upuan naman, gawa sa kahoy pero ang ganda ng dating. Meron ding fountain sa tagiliran, ako ang gumawa. Pagkatapos may mga nakalutang na apoy sa dadaanan nila mamaya. Meron din siyang red carpet with rose petals.
Maya maya may bumabang sasakyan. Nandito na sila. Parang bigla akong kinabahan ng mas sobra pa. Hindi ako mapakali sa loob loob ko. Naramdaman ko iyong kamay ni Louie sa balikat ko. "Ayan na," Pang-aasar pa niya.
Unang bumababa si Vien, ang Ganda niya. May flower crown siya, at may hawak na basket na may lamang petals at kinakalat niya iyon. Flower girl lang? Haha. Oo Kyle itawa mo yan, sa sobrang kaba. Nginitian ako ni Vien bago maupo.
Sumunod namang bumababa si Charlene. Simple pero ang ganda pa din, ngumiti din siya ng nakakaloko. Pagkatapos may ginawa siya. Iyong mga petals na nasa puno, unti unting naglagpakan. Tapos iyong mga tikum na bulaklak, pinaganda niya. Lalong gumanda iyong paligid.
Next na bumababa ay si Ayisha. Walang kupas ang ganda at napaka-amo niyang muka. Napalingon ako kay Louie dahil doon at nakangiti ng sobrang lapad ang loko. Halatang tinamaan. Samantalang noon, ang lakas niyang mag-denai.
Unti-unti nagbabago na din siya, hindi na siya iyong tahimik at laging nagsosolo, nagiging madaldal at makulit na din, parang nagiging kayulad na siya ni Ayisha at sobrang nakakatuwa iyon.
"Dude, pwede bang kami muna pakasal?" Biglang hataw ni Louie, kaya't siniko ko siya.
"Baliw, umayos ka nga dyan." Natatawang tugon ko. Hindi ko akalainna babanat ng ganoon si Louie, hindi naman kasi niya ugali ang ganoon, pero tingnan mo nga naman.
Bumalik ulit ang tingin ko kay Ayisha. Bawat daan niya lalo niyang pinapatingkad iyong mga apoy. Pagkatapos, iyong nasa fountain na tubig, pinagalaw niya at pinapunta sa bababaan ni Bella.
Parang pinantakip niya ito doon. Hindi tuloy namin maaninag si Bella. Ngumiti si Ayisha saamin ni Louie saka umupo katabi nina Vien. Nagitla nga sila ng makita iyong mga fairies.
Advertisement
Biglang natanggal iyong tubig. Hindi naman siya nabasa, baka ginamit niya ang light shield.
Beautiful. Napakaganda niya. Siya ba talaga iyan? Sobrang swerte ko ata sa mapapang-asawa ko. Nakatitig lang ako sa kaniya habang naglalakad siya papalapit sa akin. Hindi ko akalain na siya ang babaeng pagkakasalan ko, ang babaeng mamahalin ko. Sabihin nyo ng mabilis ang lahat, para mahalin ko siya. Pero kapag tinamaan ka naman ng pagmamahal, aminin mo, wala ng makakapigil pa sa nararamdaman mo.
She slowly walks down the aisle, with her genuine smile. She's so beautiful. Paulit-ulit man, wala ng iba pang mag-dedescribe sa kaniya kundi iyon. Inside and out, maganda talaga siya. Nagsimula rin kaming makarinig ng maganda at mahinhin na tunog. Napakaganda sa pandinig at napakaganda naman ng nakikita ko.
Malapit na sya saakin. Hawak ang bouquet ng roses at nakangiti. Inalok ko agad ang braso ko noong makalapit na siya, hindi ko din mapigilan ang malawak na ngiti sa labi ko.
"You're beautiful." Bulong ko sa kaniya, narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya. Ang sarap sa pandinig.
Pumunta kami sa unahan. Nagsimulang magsalita iyong archangel. Archangel ang nagkakasal sa mga charmers. May mga pakpak sila at sila lang puwedeng magbigay basbas sa mga charmers. Charmers value the meaning of marriage. Ang sinumang kinasal ay kailangan panindigan ang sinumpaan nilang pangako. Kaya hinihiling ko, sana kami na talaga ni Bella ang para sa isa't-isa dahil ngayon, wala na akong balak pakawalan pa siya.
Bawat sinasabi ng Archangel hindi ko na naiintindihan dahil nakatingin lang ako kay Bella. Parang may kung anong mahika na nakapalibot sa akin at hindi ko maialis ang titig ko sa kaniya.
May sinabi iyong archangel. Pagkasabi ng pagkasabi nun ng Archangel. Humarap kami ni Bella sa isat isa. Unti unti kong nilapit ang muka ko sa kaniya.
"I love you," bulong ko sa kanya ngumiti lang siya, at sya pang naunang humalik sa akin. Napangiti tuloy ako dahil doon. Habang hina halikan ko siya, naramdaman ko na may nabubuong singsing sa palasinsingan ko.
Nauna siyang bumitaw sa halik, at nag habol ng hininga, mukang nadala kami parehas. Napatingin kami parehas sa kamay namin. May singsing na kami. Ibig sabihin kasal na kami. Umilaw iyong singsing ko na parang hinahanap iyong kaparehas na singsing niya. Nilapit ni Bella iyong kanya sa akon. At sabay na umilaw yung dalwa, at nagkaroon ito ng ukit. Na ang ibig sabihin ay 'eternity'.
"By the blessed light.
You are now man and wife.
Chant your promises to each other
May the light guide you forever."
Ngumiti kaming dalwa, dahil sa sinabi noong archangel. Walang mapag-sidlan ang saya ko ngayon, alam ko ganoon din siya.
"Mahal kita, Yzabella Fyzerille Gartone-Clifford. Hindi na kita papakawalan pa. Ang swerte ko sa'yo. Sobra. Nag-simula tayo sa pagiging magkaibigan, hindi nga kita napapansin noon biglang isang babae, pero simula nitong mga nakaraang buwan, natauhan ako bigla, nahuhulog na pala ako sa'yo ng hindi ko namamalayan. Buti na lamang talaga at hindi pa huli ang lahat noong ma-realize ko iyon. Salamat sa pagtytyga sa kagaya kong mahangin, suplado, at makulit. Masayang masaya ako ngayon na asawa na kita. Mahal na mahal kita." Buong pusong pahayag ko sa kaniya, nakita ko naman na nagingmaluha luha siya dahil doon. Agad ko tuloy siyang niyakap.
Matapos ang ilang sandali, siya naman ang nagsalita.
"Ikaw, Prince Kyle Clifford, crush na kita dati pa, kahit magkaibigan tayo. Wala akong magawa kasi sa'yo tumibok ang puso ko." Napangiti at natawa naman ako ng marahan doon. "Alam mo buti na lang nahulog ka sa akin, kasi pangarap ko iyon na ikaw ang makasama ko habang buhay. Sana mapagtiisan mo ako. Ang swerte swerte ko din sa'yo, mabait na maalaga pa. Huwag kang magbabago, hubby ha? Mahal na mahal din kita." Hindi ko mapigilang hindi maluha sa sinabi niya, kaya agad ko siyang niyakap.
Sobrang swerte ko sa babaeng ito. Hindi ko alam ang mangyayari kung hindi siya ang minahal ko. Matapos iyon, humarap ulit kami sa Archangel.
"May you live in the promise of eternity."
Unti unting lumipad pataas ang Archangel matapos niyang sabihin iyon. Tapos na ang kasal. Hinalikan ko ulit si Bella, dahil parang sasabog ang puso ko kung hindi ko iyon gagawin. Noong una nagulat siya pero tumugon din naman siya. Ako na ata ang pinakamasyang lalaki sa buong charm world, dahil pinakasalan ako ng babaeng nagturo sa akin kung paano mag move on at kung papano mag mahal ulit nang hindi ka nasasawi.
***
Maya maya pa, na-una na silang umalis papunta sa mga pegasus na kadadating lang. Magkasama si Ayisha at Louie sa iisang Pegasus tapos si Vien at Charlene ay may kani-kaniyang sinakyan.
Hinigit ko naman si Bella papunta doon sa sinakyan nila kanina. Pegasus na ang magpapatakbo ngayon sa karwahe.
Ito na siguro ang pinakamasayang araw ko. Ang pinakasalan ko ang babaeng mahal ko. Si Yzabella Fyzerille Gartone-Clifford. Aalagaan at mamahalin ko siya habang buhay. Pangako.
"Mahal kita, Mrs. Yzabella Fyzerille Gartone-Clifford." Bulong ko sa kaniya sabay hawak sa kamay niya.
"Mahal din kita, Mr. Prince Kyle Clifford." Nakangiting bigkas niya. Ang ngiting iyon, ngiting punong puno ng lubos na kasiyahan, kaya't nadala ako at nginitian din siya ng matamis.
I will never regret this day.
***
Advertisement
- In Serial15 Chapters
To Become a Troll: A Monster Evolution Story
Thrust into the supernatural world of the deep forest, Paul finds himself in a situation where he could find himself prey to pretty much every other creature and animal around. If he's to survive, he must shed his weak form to grow stronger and survive. But the forest is full of creatures beyond human understanding, that act without the need for food or shelter and that seem to exist for the sole purpose of dragging humans to the bottom of a murky river. Is it really possible to kill such creatures when your only strength is physical prowess? --- A monster evolution story based on Swedish creature mythology. The focus will overwhelmingly be on the progression of the main character and his slow increase in strength. Although many of the creatures are based on Swedish creature mythology, I have taken creative liberties in order to ensure that evolution lines and the such are in line with the usual. The main thought I had when going into this is that I want to delay the "meeting a human" section as much as possible. My plan is to get him to endgame levels of strength before even sniffing the possibility of seeing a human. Whether I'm actually able to do this remains to be seen, but I'm holding my thumbs! Also, I'm aware that there are other troll evolution stories, but this is unrelated to them. They can do their stuff and I'll do mine, but this is in no way related to any of them. That said, hope you enjoy it!
8 169 - In Serial55 Chapters
Princess
In which a girl’s only memories are about how to escalate until everyone respects you, Queen Salem tries to deal with being a single mom, and all of Remnant develops an acute case of acarophobia. A Worm/RWBY crossover
8 179 - In Serial36 Chapters
Primal Adaptation
The story of a little soul that ends up tangled in the games and bets of entities that utilize beasts of any primordial planet as a game avatar to make the Perfect Primal. This tale is not only its story because it will also share its destiny with the entity that will help it in its journey, and together they will rise from their particular situations one way or another. Primal Adaptation is a history with some RPG elements in it, but the MC can't look at a status screen or skill page because it's a beast through and through. I have implemented an evolution system for all the creatures of this story, where they grow or mutate depending on what they consume. In this tale, you won't find a Deus ex machina to give the protagonist power-ups. Everything must be learned and comprehended before its use unless it's something it gets immediately, or the abilities get understood by instinct. In essence, it is survival and gambit for opportunities, be it from one MC or the other.
8 231 - In Serial10 Chapters
My never ending cycle of Life and Death
My name is Stewart, Christopher Lynn Stewart. I am a normal Junior high student, and the 2nd son of a normal family. Well... I should be... however, my memory is being inherited by some genius in the territory of an ancient kingdom. not only were he able to comphrehend my memory and knowledge. he even put it to great use... alas... he has a short life just like me... but... there's a diffrence between me and him... that is... he is cursed... it is unknown whether it is curse or blessing but... you will understand this when you read this neverending cycle of my life and death...
8 199 - In Serial43 Chapters
Reunited At Last|✔️
[COMPLETED]BOOK TWO OF HIS MAFIA QUEEN. NOT TO BE READ AS A STAND-ALONE. DESCRIPTION CONTAINS SPOILERS IF YOU HAVEN'T READ THE FIRST BOOK|Disclaimer|• More Romance•Sexual Scenes~Liliana Romano, now known as Elena Rose, made her grand escape to London, UK. After being shot by the love of her life and deciding she wants out of the mafia life, she leaves, faking her death and breaking hearts. Six years later, Sebastian Di Salvo and Liliana's paths cross as she finds out he's finally tying the knot with Isabella Moretti. The news of Liliana's heart beating shakes the mafia world causing her life to be on the line once again. But she risks it all to stop Sebastian from making the biggest mistake of his life.What happens will happen. It's unstoppable and unavoidable. Maybe reuniting at last won't be so bad? After all she is his everything as he is hers.Will they reconcile their love? Have they always loved each other? Will they get the happy ending they've dreamed of?~I watched as Sebastian stuffed his hands into his dress pants pockets, keeping a careful eye on the time. "You can't marry her. I can't let you." His head snapped towards mine. "I didn't see you there beside me as I grieved for you," he snapped. "She was there.""She's also the reason why we lost each other." He let out a scoff. "We lost each other because you gave up on us and ran away. I'm marrying her and that's final. If you came here with the idea of us getting back together then you need to get the fuck out 'cause that's not happening."My breath hitched in my throat. She's poisoned his mind and turned him against me. But what could I have expected? I showed up here out of the blue after six years. I let him go once and now, he's in my reach, I'm gonna do whatever it takes to get him back, no matter what because I now know that we're meant for each other. But if he's happy with her, then reuniting won't be an option after all.Started: January 2022Finished: March 2
8 204 - In Serial23 Chapters
SHIVI KI DASTAN
Enjoy reading🤍✨This story is under editing.#1 Kanwardhillon(28/05/2022)#1 PandyaStore(27/07/2022)#2 Shiva(27/07/2022)#2 KanwarDhillon(27/07/2022)#1 PandyaStore(3/08/2022)#2 Shiva(3/08/2022)#2 KanwarDhillon(3/08/2022)
8 89

