《My Enchanted Tale》Charm 41 ❀ Unexpected
Advertisement
***
"Sino ba talaga ako?" Nasambit ko na lang sa sarili ko. Maging ako kasi naguguluhan na sa pagkatao ko.
Bakit naka'y mama ang key of hearts? Bakit niya ibinigay sa akin iyon? Bakit noong nasa mortal world ako, ni wala man lang nagparamdam na dark sorcerer saakin? Ang sabi kasi sa akin noon ni Bella may scent daw ang mga charmers na naamoy ng dark sorcerers kaya nagtataka ako noon, ang tagal ko sa mortal world, pero walang nangyari sa akin.
Sino ba talaga ang tunay na magulang ko? Sina mama Arisa at Papa Seb, may alam ba sila noon pa tungkol sa charm world? Kung ganoon bakit hindi nila sinabi sa akin?
Argh! Ang daming tanong sa kaisipan ko, hindi ko alam kung may kasagutan pa ang lahat ng iyon.
"Ryleen..." Napalingon ako sa tumawag saakin, si Louie. Nasa garden kasi ako ng bahay ni Kyle. Nag-iisip isip.
"Bakit?"
"Ano iniisip mo? Seryosong seryoso ka dyan?" Malumanay na tanong niya. Napa-iling na lamang ako tsaka sumagot.
"Wala." Mahinanong wika ko habang nakatingin sa kawalan. Naramdaman ko naman na umupo siya sa tabi ko. Para din akong nakuryente bigla noong maramdaman ko ang kamay niya na hawakan ang kamay ko. Agad akong napatingin sa kaniya dahil doon.
"Alam ko mayroon. Kilala na kita, ekspresyon pa lamang sa muka mong maamo nahahalata ko na. Puwede mong sabihin sa akin, pampagaan ng loob. Handa akong makinig." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya, ang seryoso at ang sincere kasi ng boses niya. Siguro nga, sa tagal naming magkasama kilalang kilala na niya ako.
"Hmm..." Mahinang tinig ang lumabas sa bibig ko. Nag-aalinlangan kasi akong sabihin sa kaniya, dahil ayoko namang madamay pa siya sa kaguluhan ng isip ko. Siguro kapag may kasiguraduhan na saka ako maglalabas ng mga iniisip sa kaniya.
"Alright. Just always remember that I'm here." Malumanay na banggit niya sa akin. Naging magaan ang pakiramdam ko kahit papaano dahil doon. Ngunit, agad ko din siyang tinaasan ng kilay.
"Bakit?" Inosenteng tanong niya, marahil ay nagtaka siya kung bakit parang nasa kaniya na ang buong atensyon ko.
"Bawat araw talaga na lumilipas, bumabait ka ng bumabait. Nawawala na iyong mayabang, masungit at sira ulong nakilala ko. Ikaw pa ba iyan?" Seryosong tanong ko sa kaniya habang naniningkit ang mga mata.
Mahina naman siyang tumawa dahil doon. "I'm always like this. Let's say, I'm like a fire." Pagsasabi niya. Kaya naman naging curious ako.
"Apoy? Apoy ka nga. Charm mo pa lang." Natatawang biro ko, pero ginulo lamang niya ang buhok ko. Saka ngumiti... Iyong ngiting iyon nakakatunaw ng puso. Ang gwapo talaga ng dating. Kaya siya tinaguriang hot fire charmer e. Tsk.
"No. Bakit apoy? Kasi kaya kong bigyan ng warmth ang mga taong pinahahalagahan ko, minamahal ko at ang mga deserving dito. Samantalang, kaya kong sunugin ng walang pag-aalinlangan ang mga hindi karapat-dapat." Napaka-seryoso ngunit parang musika sa pandinig ko ang pagkakasabi niya noon. Panandalian akong natahimik, dahil napaka-lalim ng ibig sabihin noon sa akin.
"So, isa ako sa nakakatanggap ng warmth na iyon?" Nakangiting tanong ko.
"Tinatanong pa ba iyan?" Nakangising sagot niya tsaka ako inakbayan. Hindi ko maiwasan hindi kiligin sa simpleng galaw at mga salita niyang iyon. Alam ko kasi na si Louie ang klase ng lalaki na kapag seryoso ang usapan seryoso din ang kasagutan. Kahit, minsan ako ang lagi niyang pinipilosopo.
"Baliw ka talaga." Natatawang wika ko. Kiniliti niya ako, kaya't nawala lahat ng alalahanin ko dahil sa pagpapasayang ginagawa niya tuwing nasa tabi ko siya.
Habang kinikiligi niya ako, bigla na lamang niya akong binuhat ng parang sako. "Yah! Louie Blake!" I yelled, pero tatawa tawa lamang siya sa akin.
Advertisement
"Ayisha Ryleen Heartlock Stanford. Ang gandang pakinggan hindi ba?" Pakiramdam ko biglang uminit ang muka ko ng dahil sa sinabi niya kaya naman pinagpapalo ko iyong likod niya.
"Loko loko ka talaga! Woo wee na panget." Paulit ulit na sigaw ko pa, ngunit parang wala lang iyon sa kaniya, hanggang sa bigla na lamang niya akong ibaba, kaya naman napa-habol muna ako ng hininga at saka siya hinarap.
"Ang sama pa din talaga ng ugali mo. Nakakahilo kaya ang ginawa mong pag-buhat!" Alma ko sa kaniya. Baliktad kasi ako sa likod niya, hindi man lang ba niya naisip iyon? Asar. Pinuri ko na nga siya kanina sa isip ko, pagkatapos may kalokohan naman palang gagawin.
"So, anong gusto mo?" Maangas na tanong niya. Umangat naman ang gilid ng labi ko sa pag-kaasar at nag-roll eyes din ako. "Ganito?" Nagulat na lamang ako noong bigla akong lumutang sa ere, dahil bigla akong binuhat ni Louie ng bridal style.
"Blake, ibaba mo ako!" I suddenly shrieked. Lalo na noong makita ko iyong swimming pool na pagka-laki laki sa harapan namin. Ngumiti naman ng nakakaloko sa akin si Louie.
"Blake sounds cool when you say it." Pagkatapos niya sabihin iyon, bigla niya akong kinindatan at saka siya tumalon sa pool. Napatili naman ako dahil sa ginawa niya.
Para akong nakainom ng tubig dahil sa ginawa niya. Loko loko talaga. Imbis na mainis sa ginawa niya, natawa na lamang ako kahit basang basa na kami at ang lamig ng tubig.
"Walangya ka, Louie!" Natatawang sabi ko sa kaniya saka ko siya hinabol dahil bigla siyang nag-langoy papalayo sa akin.
"No, call me Blake, it sounds more interesting." Pang-asar na hataw pa niya, kaya naman ginamit ko ang water charm ko at ala-ala ko siyang nilunod. Matapos ang ilang sandali para siyang sumigaw dahil sa ginawa ko kaya't itinigil ko iyon.
"Damn. Ang sama din ng ugali mo, Ryleen!" Sigaw niya at saka siya biglang lumagoy papunta sa akin. Agad naman akong naglakad naglangoy sa kaniya.
"Kasalanan mo, ang arte mo. Woo Wee ang itatawag ko sa'yo e." Pang-loloko ko sa kaniya.
"Ang lakas mo din talagang mang-asar." Iiling iling na wika niya saka ako hinuli sa bisig niya, kaya nakayakap na siya sa akin ngayon mula sa likod, hindi ko alintana iyon, dahil medyo sanay na ako sa pagiging malapit sa kaniya.
"Mana sa'yo." Tatawa tawang saad ko habang sinasabuyan ko siya ng tubig. Panay ang tawanan naming dalawa dahil doon. Aaminin ko, unti-unti minamahal ko na si Louie, bago sa akin iyong pakiramdam pero iyong puso ko parang sigurado na.
Maya-maya nagpahinga kaming dalawa mula sa kalalaro sa pool at umupo kami sa may hagdanan ngunit nakalubog pa din ang katawan namin sa tubig. Nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Louie, habang hawak niya ang kamay ko.
"Ryleen." Malambing na tawag niya, pagkatapos ay inilagay niya sa puso niya iyong kamay ko na hawak niya. "Hmm?" I retorted.
"Nararamdaman mo? Ang bilis ng tibok, hindi ba?" Agad akong napa-upo ng ayos at umalis sa pagkakadantay sa kaniya. Napatango din ako ng marahan upang maging sagot sa tinanong niya.
"Kasalanan mo." Plain na sabi niya. Binatukan ko naman siya dahil doon. Ibang klase talaga.
"Pero, seryosong usapan nga, Louie. May connection ka pa din bang nararamdaman sa akin?" Paninigurado ko, mamaya kasi hindi na niya nararamdaman iyon.
Biglang sagot tumango lamang siya sa akin. Sa simpleng tungon na iyon, nakaramdam ako ng assurance. Iyong mga mata kasi niya parang walang bahid ng pag-aalinlangan o kasinungalingan. Sobrang totoo lang.
Advertisement
Maya maya bigla na lamang sumulpot si Bella at Kyle pati na din ang mag-best friend na si Charlene at Vien. Naglaro na lamang kami dito sa pool bilang bonding. Mabuti na lamang wala kaming training ngayon ni Bella at wala din silang pasok.
Napuno ng tawanan at kulitan ang paligid dahil sa pag-eenjoy namin. Noong mapagod kami ay napagpasyahan din naming umahon at mag-ayos na. Dahil medyo boring ang panunuod ng movie na kasunod naming ginawa. Nagkasundo kaming pumunta na lamang ng charm edifice na mall dito. Doon kami pumunta ni Bella noong bago pa lamang ako dito.
***
Mabilis lamang kaming nakarating sa lugar na iyon. Katulad ng normal na gawain sa mga mall nag-uli uli kami at namil ng gamit. Naghiwahiwalay din kami ng landas, kaya si Louie na lamang ang kasama ko ngayon.
Tahimik lamang kaming dalawa. Ganito talaga kami minsan, natatahimik dahil hindi naman sobra kadaldal si Louie, mga tama lang. Kanina pa kami naglilibot, kaya naman nag-akit akong kumain muna. Nagugutom na din kasi ako.
"Gutom ka na ba?" I asked.
"Hmm. Ikaw ba? Kain na tayo?" Agad akong tumango dahil sa alok niya. Walang imik imik tumungo agad kami sa isang restaurant, parehas naman kami ng hilig sa pagkain kaya iisa lang ang nasa isip naming puntahan.
Nag-order na kami at hinihintay na lamang namin iyong pagkain. Tahimik ko lamang pinagmamasdan ang paligid, samantalang si Louie ay masinsinang nakatingin sa akin. Iniirapan ko nga siya kapag nagtatama ang tingin namin sa isa't-isa. Baka nang-aasar nanaman kasi ito.
"Baka matunaw ako." Natatawang biro ko sa kaniya.
"Baliw." He retorted, saka siya lihim na napangiti. Subalit, mabilis ding naglaho ang ngiting iyon noong bigla na lamang may matapon na tubig sa damit ni Louie.
"Darn." Mahinang mura niya, habang nakatingin sa damit niyang basang basa. Samantalang ako naman ay biglang napatayo at kumuha ng tissue at nilapitan siya. Nadanggil ko nga iyong babaeng nakatapon sa kaniya ng tubig dahil doon.
Pinunasan ko iyong basang damit niya kaso no use na iyon dahil basang basa.
"Sorry. Sorry." Nakatungong sabi noong babae. Ang hinhin noong boses niya. Parang maganda din siya kahit hindi ko pa nakikita ang muka niya. Patuloy ang pag-so-sorry niya at muka namang sincere iyon.
Kakausapin ko sana siya na tigilan na ang pag-so-sorry, ngunit naunahan ako ni Louie. "Hindi marunong mag-ingat." Iiling iling na wika nito. Nako, sa pananalita niya mukang naiinis siya.
"Sorry talaga." Parang maiiyak iyong babae, kaya hinawakan ko siya sa braso. Ang kaso lang tinggal iyon ni Louie at inilayo ako doon sa babae.
"Nagkamali ka ng tinapunan, miss. Kung isa iyan sa technique mo para pansinin kita, huwag ka ng mangarap. Umalis ka na sa harap ko." Walang bahid ng kahit anong concern ang boses niya tanging pagka-inis lamang, aish. Ang hot tempered nanaman.
"H-Hindi naman sa ganoon--" Natigil ang pagsasalita noong babae, noong magkatinginan sila ni Louie. Kitang kita ko ang pagka-gulat sa muka ni Louie ngunit halos maiyak lang lalo iyong babae noong magkatinginan sila.
Maamo iyong muka noong babae, maganda din at mukang mabait. "Umalis na tayo, Ryleen." Madiin na bigkas ni Louie na kinagulat ko.
"Ha? Pero, hindi pa tayo nakakain at saka nag-sorry nanaman siya, hindi ba puwedeng---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko noong titigan niya ako ng masama. Bigla akong nakaramdam ng takot. Ito nanaman iyong mga tingin niyang nakakapagpasindak sa akin dati.
"Aalis na tayo." Bawat salita niya mapanganib, kaya't kahit hindi ko alam ang mismong nangyayari kung bakit ganoon siya mag-salita ay tumango na lamang ako. Hinila niya agad ako paalis doon, pero ang pinagtaka ko ay noong bigla na lamang humabol iyong babae at sumigaw.
"Blake!" Hindi man lang pinansin iyon ng lalaking ito at dire-diretso kaming umalis sa lugar na iyon. Hindi ko na din ganoong ininda ang sakit ng wrist ko dahil sa paghila niya.
Ilang sandali lang tumigil kami at bigla siyang sumigaw. "Bullshit!" Napitlag ako sa kinatatayuan ko dahil doon. Napa-atras din ako. Galit siya, galit na galit.
"L-Louie..." I approached, agad siyang tumingin sa akin, unti unti lumilitaw nanaman ang mga matang kinatatakutan ko kaya't mabilis kong konontra iyon.
Halos sampung segundo din kaming nakatitig sa isa't-isa dahil doon. Nawala na din iyong apoy sa mata niya kaya naman kumalma ako,mmukang nakokontrol na niya ang emosyon niya ngayon.
Natahimik kaming dalawa. "Okay ka lang?" Nag-aalang tanong ko.
"Wala kang paki-alam." Nakaramdam ako ng kaunting sakit at pagka-bigla dahil sa sinabi niya. Para kasing wala lang ako sa kaniya noong banggitin niya iyon.
"H-hala, wala namang ganyanan." Kinakabahang wika ko. "Ano bang problema?" Patuloy ko pa.
"Ikaw, ikaw ang problema ko!" Napa-atras nanaman ako doon. Oo nga't wala na akong nakikitang apoy sa mata niya ngunit nararamdaman ko ang galit sa boses niya. Baka, nakokontrol na niya iyon ng kauntian. Subalit, hindi ko maiwasan hindi matakot at kabahan dahil sa nangyayari. Bakit dumali nanamn siya sa pagiging moody?
Hindi ko na din alam kung paano ko haharapin o kakausapin si Louie, kaya tumalikod na ako at nag-simulang mag-lakad paalis. Baka kailangan kong lumayo muna dahil ako daw ang problema niya. Inaamin ko, sumama ang loob ko dahil doon. Parang back to zero nanaman kasi iyong pakikitungo niya sa akin, parang balik siya sa apoy na naghahatid ng sunog sa buhay ko imbis na warmth.
Ewan ko kung bakit siya biglang naging ganon. Iyong pagbabago agad ng mood niya. Dumali nanaman siya, kaso wala naman akong magagawa. Kaya iintindihin ko na lamang. Baka kailangan lang niyang mapag-isa.
***
Umuwi ako ng solo sa bahay sa nangyari sa bahay. Nanuod na lamang ako dahil wala pa sila dito.
Hindi din ganoong nagtagal dumating na sila. Sabi nina Charlene at Bien sila daw ang magluluto, kaya naman kaming tatlo nina Bella at Kyle ang nandito sa salas nanunuod. Wala pa kasi si Louie. Nasaan na kaya ang moody na iyon?
"Bakit hindi mo kasama si Louie?" Biglang tanong ni Bella.
Nagkibit balikat naman ako. "Hindi ko alam sa lalaking iyon, bigla na lamang ako sinigawan kanina, kaya hinayaan ko na lamang baka kailangan lang mapag-isa." Paliwanag ko.
Napatango naman si Bella at Kyle doon. "Hindi pa din ba umuuwi dito?" Tumango na lamang ako sa tinanong ni Kyle.
"LQ ba kayo?" Biglang pangloloko ni Bella, natawa na lamang ako dahil doon. Wala naman kaming relasyon kaya ano ba iyon.
"Baka, away tropa." Pagtatama ko. Hindi naman sumang-ayon iying mag-asawa sa sinabi ko, kaya nagfocus na lamang kaming tatlo sa panunuod. Napunta punta din kami ni Bella sa kitchen para i-check sina Charlene at Vien na nag-luluto. Kaso, pinagtatabuyan kami doon, suprise daw dapat. Dumali nanaman sa kalokohan iyong dalawa.
After sometime, tinawag din nila kaming kakain na kaya't tumungo na kami sa dinning area. Saktong dating naman ni Louie, inakit agad siya ni Kyle kaya sumunod siya sa amin. Wala kaming imikan na dalawa, mukang galit at naiinis pa din siya.
Nagka-upo na kaming lahat at nagsisimula na din sa pagkain, magkatapatan pa din kami ni Louie, tapos nararamdaman ko na naiinis siya sa akin kaya naman napa-simangot ako doon.
Tingin pa lamang niya mukang galit siya. Ano bang kasalanan ko? Siya itong bigla na lamang akong sinigawan. Pagkatapos siya itong galit? Nakakabanas naman ata iyon. Wala naman akong ginagawang mali. Binigyan ko na nga siya ng oras mapag-isa, tapos ganito igaganti niya? Ang sama nanaman ng ugali tss.
"Alam n'yo iyong feeling na may galit sa'yo, pero wala ka namang ginagawang masama sa kanila?" Pagpaparinig ko. Hindi ko kasi gusto ang mga binibigay niyang tingin sa akin na para bang ako pa ang may kasalanan sa nangyari kanina.
Nakakasama na nga siya ng loob, nakakapikon pa ngayon. "Mga inggit o kaya'y walang magawa lang sa buhay ang mga iyon, Ayisha. Hayaan mo sila pakamatay na sila." Sagot ni Bella sa sinabi ko. Medyo lihis sa tinutukoy ko iyong sagot niya. Sabagay, iba din pala ang dating noong sinabi ko.
"Charlene, paki-sabi naman kay Ryleen na, ang slow niya para hindi magets iyong nangyari." Napataas ang kanang kilay ko dahil doon. Ano daw? Ako pa? Ako pa ang slow?
Kung titingnan mo ang nangyari kanina, halata naman na magkakilala sila noong babae kanina at galit siya doon kaya nga kami umalis. Ang akin lang hindi niya ako kailangan sigaw sigawan o kaya'y sabihan na ako ng probelma niya, kung ang sa totoo naman ang problema talaga niya ay iyong babae. Siya na nga itong binigyan ng time para maka-pag-isip, siya pa itong may ganang mang ganito ngayon.
"Ayisha, hayaan mo daw siyang magpaliwanag." Napatingin naman ako kay Charlene dahil doon. Sinunod nga ang may bipolar disorder na si Louie. Ewan ko ba sa lalaking iyan kung bakit pabigla-bigla ang emosyon, siguro ay dahil, lagi na lamang niya iyon kailangan kontrolin, kaya ngayong nagagawa na iyon paunti unti, lumalabas na ng natural ang mga emosyon niya. Tss.
"Charlene, sabihin mo na lang sa kaniya na wala siyang ipapaliwanag kasi hindi ako para makinig." Inis na banggit ko. Minsan gusto ko din mag-buhos ng inis, kasi lagi ko na lamang iniintindi ang ugali niyang pa-iba-iba.
"Louie, hindi na daw kailangan, wala siyang balak makinig." Pahayag ni Charlene sa kaniya, subalit lalo lamang niya akong tiningnan ng masama, kaya napa-irap ako. Tss.
"Charlene sabihin mong kung pinakikinggan niya muna kasi sana iyong sasabihin ko." Inis na sabi niya, na medyo malakas din.
"Ayisha, pakinggan mo daw muna kasi." Sunod ni Charlene sa pinapasabi niya. Napa-buga naman ako ng hangin mula sa bibig ko. Nagiging bossy nanaman siya, puwede namang maki-usap ng maayos, binibigyan pa niya ng attitude.
"Wala akong balak makinig sa ngayon, pakisabi sa lalaking moody." Request ko kay Charlene.
"Wala daw siyang balak makinig sa ngayon Louie." Pasa ni Charlene sa sinabi ko, kahit rinig din naman niya. Hindi naman kasi kami nagbubulungan gamit namin ang karaniwang boses namin.
"Alamin niya muna kasi ang dahilan, kaysa sarhan ang tainga niya. Paki-hatid sakaniya ng mensahe ko." Utos ni Louie na mukang naasar na.
"Ayisha, makinig ka na kasi." Charlene told me.
"Charlene, ayaw kong makinig, kaya huwag niyang pilitin ang ayaw." Halos pasigaw na banggit ko. Para naman kasing pinalalabas niya na ako itong makitid ang utak, samantalang gusto ko lamang palipasin ng konti ang panahon, para malamig ang ulo namin na kakausapin ang isa't-isa.
"Louie, ayaw nga niya." Pag-sasabi ni Charlene sa kaniya.
"Charlene, paki-sabi nga. Paki baba noong pride niya." Madiing bigkas niya. Napa-kunot noo naman ako doon. Wow, pati pride ko nadamay. Hindi naman siya inaano nito. Hindi kasi kumalma muna. Tss. Pasalamat na lamang ako at walang apoy sa mata niya. Mabuti naman kontrolin dapat niya iyon kahit galit na galit na siya.
"Ayisha, pakibaba daw noong pride mo." Sabi ni Charlene sa akin.
"Psh." Mahinang banggit ko. Napa-tayo naman si Louie doon. "Pakisabi huwag na siya mag-inarte." Maangas na bigkas niya. Napantig naman ang tainga ko doon. Maarte? Siya nga itong maarte.
Patuloy kaming nagsigawan sa harapan nila, at nasa gitna namin si Charlene na nag-re-relay ng message. Uminit din bigla ang ulo ko dahil sa mga binanggit niya. Tss.
"Puwede ba? Huwag ako ang gawin niyong messenger. Excuse me lang ha. Nabibingi na ako sa pagtatalo n'yo! Kung kayo kaya ang sigawan ko ng sigawan sa magkabilang tainga, samantalang nagkakarinigan naman kayo, bakit ako pa kailangan mag-sabi ng kung ano ano ha?!" Nagulat kaming dalawa ni Louie noong bigla na lamang sumigaw si Charlene na parang stress na stress sa aming dalawa.
Kasabay din noon ang biglang tawanan ng barkada maliban sa aming tatlo nina Cha. "Grabe, para kong nanuod ng drama!" Mamatay na ata katatawa si Vien at Bella dahil doon.
"Oo nga. Kawawa naman tuloy si Charlene!" Nakipag-apir pa si Bella kay Vien matapos ang sinabi niya.
"Ayusin niyo nga iyan." Iiling iling na sabi ni Kyle. Natigilan kami ni Louie dahil narealize ko na kanina pa nga kami nagbabangayan. Aish. Hindi ko,na kasi nakontrol ang pagka-inis.
Pumunta na lang ako sa garden para makapag-pa-lamig ng ulo, tsaka ako makikipag-usap sa kaniya. Baka lalo lamang kaming magkasagutan katulad kanina kung parehas kaming galit.
Advertisement
- In Serial20 Chapters
Genesis - A LitRPG modern day cultivation story
The Grand Lotus Empire's Dynasty has risen with the rise of modern Technology. Its Scientists and Engineers have paved the way for a prosperous Populus. The Empires Generals leading their armies subduing wild lands and beast alike. The emperor himself has forced law and order upon the world’s sects ushering in the age of Corporate Sects. Cultivation has become available for the most common of people. Still the Sects push their influence on the world, but now they do it with advertising and education. In the Empire people cultivate mana pushing forward their concept. Every individual is born with a concept and idea that defines their cultivation. To apply your concept upon the world is the purpose of every Cultivator. Some use it in their everyday life, making art, using it in construction. Yet still the most prestigious use of your concept is to push yourself further on the path of Martial Arts and ascend the heavens. Although the Empire is safe and people live in peaceful days, the threat of monsters, demons, and beasts of the wild are undiminished. The armies and generals stand vigilant on the borders of civilization. Excursions made of sect disciples regularly set out to acquire rare resources such as the corpses of mana beasts, rare minerals, or strange plants. In this world were political intrigue clash with scientific research and traditional martial arts, Jade Saelee lives a pretty ordinary life. Like all the common people she mostly tries to survive and maneuver the attention of the government and sects. Her adoptive Mother, Mara, is a junior Alchemist in a minor local sect. The only uncertainty in her life is her origins. Abandoned as a babe she was left on Mara's doorstep. Her only possession an awakening stone left with her in her crib. Today is the day of her awakening ceremony, what concept will she awaken to, will she get her quiet life?
8 126 - In Serial8 Chapters
Kingdom
Harold Grimes wrote fantasy stories to escape the debt and drudgery of his all-too-mundane life. But after waking up in the body of his main character, Harold must use every ounce of courage and wit he has to survive in a bloody world rife with betrayal and slaughter. The catch? He's now a prince.
8 116 - In Serial15 Chapters
Parallel
Half the world, Disappeared. The other half, Branded. With the world irreversibly changed, Blaze, Ysandra, and Theta Squad must master their Brands if they want to survive. But they're not the only ones - friends and foes alike continue to roam the ruins of civilization, and ghosts from Blaze's past still haunt him. Will they survive? Or will history forget them as it has forgotten the past all too many times?
8 128 - In Serial11 Chapters
Taotuz's Melody
VrMmoRpg BattleCry Online has been released much sooner then expected but the masses don't know that, nor will they ever. This fantasy world will form Heroes, Villains, Betrayers, Friendships, and stories soon to be told. This Story of five will bring together a couple to their wits end. Will they die Heroes or live long enough to become the Villains.- The southern regions of Slaihan are unexplored and are teeming with monsters and discoveries unfound than any other part of the Slaihan. Will Taotuz and Melody be able to pierce through the horrors of the unknown and still stay true to their love? Somethings may better left unsaid...
8 136 - In Serial14 Chapters
Life Poems
"The poems I write needs to be read one day."Copyrights themangostyles 2016
8 143 - In Serial10 Chapters
Be Mine - Ruikasa [Drunken Confession]
[VERY CRINGEY DO NOT READ]Taking care of a drunk friend is not an easy task...Additional tag(s):Aged-up characters
8 170

