《My Enchanted Tale》Charm 43 ❀ Pain

Advertisement

Some unexpected things happened with unexplainable reason.

***

Pakiramdam ko hindi maipinta ngayon ang muka ko dahil sa narinig ko sa hari at reyna. Paligsahan? Tss. Mabuti sana kung si Ryleen lang ang sasali para tapos na. Nakakawalang gana dito sa palasyo minsan, pati mga galaw mo kailangan nilang kontrolin. Tsk.

Nag-lakad na ako paalis mula doon. Sumunod sa akin sina Kyle, Bella, Vien at Charlene. Mabuti pang umuwi na muna kami, baka gising na din si Ryleen. Kailangan ko na siyang makausap.

"Sandali Blake, kausapin mo ako." Bigla na lamang may umimik at sumulpot sa harapan ko. Ngayon ko lamang siya nakita dito sa palasyo dahil hindi naman ako laging pumupunta dito. Wala na sana akong balak makita pa siya, kaso nga lang mukang wala akong magagawa dahil prinsesa din siya.

Hinawakan niya ang braso at mabilis ko namang tinanggal iyon at saka siya tiningnan ng masama. Nakita ko na halos mag-tubig ang mga mata niya dahil sa ginawa ko. "Wala tayong pag-uusapan, Fiona." Mariing sabi ko.

Matapos iyon sumakay agad ako sa pegasus na tinawag namin at umalis na. Pagkadating sa bahay ni Kyle hinanap ko agad siya ngunit hindi ko siya nakita. Nagtanong ako kay Bella kung saan ko mahahanap si Ryleen, at ang sabi niya baka nasa bahay niya ito, kaya naman dali dali akong pumunta doon.

Pagkadating doon, kinatok ko agad ang pinto at tinawag siya, ngunit may nakapag-sabi sa akin na wala naman daw tao sa loob. Napasabunot na lamang ako sa sarili ko dahil sa frustration. Nasaan na ba siya?

Naglakad muli ako at natigilan ako noong makaramdam ako ng matinding panghihina at sakit ng katawan. Agad akong napahawak sa pader dahil doon. Ano itong nararamdaman ko? Damn.

Ipinikit ko muna sandali ang mga mata ko at nagpahinga. Hanggang sa bigla na lamang tumunog ang cellphone ko kaya't tingnan ko doon kung sino ang nag-message. Mula ito sa unknown number pero kahit ganoon parang may nararamdaman ako na kailangan ko iyong basahin kaya't iyon ang ginawa ko.

Hinahanap mo si Ayisha? Pumunta ka sa lugar na ito at isama mo ang mga kaibigan mo.

Noong una, naguluhan ako. Sino ito? Tsaka bakit niya alam na hinahanap ko si Ryleen? Doon ako biglang kinutuban na maaaring may masamang nangyari sa kaniya. Idagdag mo pa ang mga bigla ko na lamang nararamdaman kagabi at kanina. Hindi kaya iyong mga pakiramdam na iyon ang nararamdaman ni Ryleen? Lalo akong kinabahan kaya naman mabilis akong bumalik sa bahay ni Kyle.

Nakarating din agad ako doon at tinawag si Kyle. "Kyle!" Sigaw ko habang hinahanap niya. Nakasalubong ko naman agad si Bella.

"Maka-sigaw ka naman, Louie. Anong kailangan mo kay hubby?" She asked. Napa-iling na lamang ako dahil natataranta ako. Naiisip ko pa lamang na baka nasa panganib si Ryleen, parang mababaliw na ako.

Ipinaliwanag ko kay Bella ang lahat. Noong una parang ayaw pa niya maniwala dahil baka trap lamang ito, subalit napilit ko naman siya kaya't papunta na ako sa lugar, samantalang hinahanap pa ni Bella ang barkada.

Hindi nagtagal nakarating din kami doon. Napakaraming puno sa lugar na ito. Anong naisipan noong nag text saakin para papuntahin ako dito? Kung trap lang ito, pupunta at pupunta padin ako dito, dahil si Ryleen ang pinag-uusapan.

Naglakad lakad ako noong bigla akong may narinig akong kaluskos, agad akong naging alerto at nagtago sa isang puno. Nagulat na lamang ako noong biglang may humawak sa balikat ko, dahil sa nangyari naibalibag ko agad siya sa lupa, kaya't napa-ungol ito sa sakit.

Tumitig ito sa mata ko at doon ko nalaman ang lahat. Kapangyarihan siguro nito ang message charm, dahil ang mga message charmer kapag tinitigan mo sa mata, mapupunta sa isip mo ang gusto nilang iparating.

Advertisement

Napatayo agad ako. "Salamat." Wika ko saka nagtatakbo sa likod ng nakita akong abandonadong building.

***

Hinang hina pa din at nagkakaramdam ako ng pananakit ng katawan. Samantalang nakatitig lamang sa akin si Ash ng blanko. "D-damn you Ash! Y-you traitor." Nauutal na sumbat ko sa kaniya, ngunit nginitian lamang niya ako ng kakaiba. Tumawa lamang iyong Dave dahil sa sinabi ko. Lumayo pa siya ng kaunti sa amin ni Ash.

"Pwede mong gawin ang gusto mong gawin sa kaniya. Subalit, kailangan ako ang papatay sa kaniya." Madiing bigkas ni Dave, at tumango na lamang si Ash bilang pag-sang-ayon.

Hindi ko maiwasang maiyak at mas manghina dahil akala ko kaibigan ko si Ash, iyon pala trinatraydor lamang niya kami. Sabagay, katulad ng sinabi ni Dave kagabi, papatayin nila ang hindi pumayag. Ngunit, hindi ko pa din akalain na gagawin ito ni Ash.

"Akala ko kaibigan kita, pero traydor k-ka p-pala!" Nauutal na sigaw ko sa kaniya. Tumawa lamang siya ng malalim at mahina. Napaka-manly noon, at nakapaghatid iyon ng kilabot sa sistema ko.

"Say whatever you want to say, Ayisha." He said playfully. Hindi ko mapigilan manlumo dahil sa sinabi niya. Ang sama niya, akala ko napaka-buti niyang kaibigan sa ilang buwang pinagsamahan namin.

Hinag hina na ako. Ito na ba talaga ang katapusan ko? Iyong boses ko, kaunti na lang mauubos na. Hirap na hirap na ako. Hanggang dito na lang ba talaga ko? Ni hindi ko pa nga alam kung sino ang magulang ko, pagkatapos mamatay na ako? Ang unfair. Sobra.

Hinawakan ni Ash iyong muka ko, iyong pisngi ko hinaplos niya ito. Nandidiri ako sa ginagawa niya, nakakasuka siya. Pinagkatiwalaan ko siya tapos gaganituhin niya ako?

"Ayisha, Ayisha, Ayisha." Dumomble ata ang bilis ng tibok ng puso ko dahil doon. Narinig ko namang tumawa iyong Dave.

"Bitiwan mo ako, Ash. Parang awa mo na." Nanghihinang banggit ko sa kaniya, habang tumutulo ang luha sa mata ko, agad niya iyong pinahid at saka niya inilapit ang muka niya sa muka ko. Nanginig ako dahil doon. Samantalang si Dave ay mukang natutuwa sa nangyayari ngayon. Darn it.

Ngumiti muna si Ash sa akin at saka niya ibinababa ang muka niya sa leeg ko. Halos hindi ako huminga noong naramdaman ko iyong hininga niya. Hindi ko akalain na gagawin niya ito sa akon, wala akong magawa kundi humikbi ng humikbi.

Louie, please... Save me from him.

"Please... A-Ash, I beg you. D-Don't do this to me." Umiiyak na pagmamaka-awa ko. Hindi niya ako pinansin sa sinabi ko bagkus at naramdaman ko naman ang hininga niya malapit sa tainga ko, kaya lalo akong naiyak. Ang sama sama niya.

"Listen carefully Ayisha." Saglit ang natigilan noong marinig ko ang seryosong seryosong boses niya. Noong bangitin niya iyon, hindi ko alam pero nakaramdam agad ako ng pag-asa na tutulungan niya ako. "Act." As if on cue, agad akong sumigaw.

"L-layuan mo ako!" Nahihirang sigaw ko, bakas pa din sa boses ko ang takot at kaba. Subalit alam kong tinutulungan ako ni Ash ngayon.

"Just act naturally Ayisha." Bulong ulit ni Ash, sinunod ko agad ang sinabi niya at sinigawan ko siya. "Bitiwan m-mo a-ako hayop ka!" Tila nanggagalaiting sigaw ko. Tumawa naman si Dave doon na tila nagugustuhan ang nangyayari.

"Good. I'll get the anklet from your ankle, act that I'm doing something to you." Mahinahon at sobrang hinang bulong ni Ash. Mabuti na lamang at naging klaro agad ang isipan ko sa sinasabi ni Ash. Andito siguro siya para iligtas ako. Nagkamali ako ng iniisip sa kaniya. Kahit papaano nakahinga ako ng maluwag doon.

Advertisement

"T-Traitor! Get your dirty hands off me!" Sigaw ko upang hindi mahalata ni Dave ang ginagawa ni Ash. Kung titingnan mo naman kasi muka talagang may ginagawang masama sa akin si Ash, mabuti na lamang at magaling siyang magpanggap.

"Thank you for trusting me Ayisha." Mahinang bulong nito. Gustuhin ko mang magsalita para pasalamatan din siya, hindi ko magawa. Kaya't pinagpatuloy ko na lamang ang pag-acting na gunagawa namin. Mukang naloloko naman namin ang ibang dark sorcerers.

Ilang sandali lamang naramdaman kong natanggal na iyong anklet na pumipigil sa kapangyarihan ko kaya't napangiti ako ng palihim doon. Nagtagumpay kami ni Ash.

Umayos sya at nakita kong palihim nyang nilagay sa bulsa nya yung anklet. Lumapit siya sa leeg ko at bumulong. "Use an air blade. To cut the rope." Paalala niya sa akin, napatango naman ako ng marahan doon.

Nag-acting ulit si Ash at napasinghap ako noong maramdaman ko ang labi niya sa leeg ko. "Damn A-Ash!" I yelled. Narinig ko naman ang mahinang tawa niya pati na din ang sorry niya. Maya-maya lamang mukang na-inip iyong Dave at lumapit ng kaunti sa pwesto namin kaya naman kinabahan ako.

Binilisan ko na lamang ang pagputol sa lubod, at napasigaw ako noong maputol iyon. "Yes!" Mabilis naman akong tiningnan ng masama ni Ash. "Darn, Ayisha." Napangiwi ako dahil sa malutong na mura niya. Shit, hindi ko naman iyon sinasadya.

"Tumatagal kayo ng tumatagal. Anong nangyayari dyan?!" Sigaw ni Dave, kaya naman dali daling bumulong sa akin si Ash. "Listen. Run towards that door on your left, and find a door on the right downstairs. Louie's waiting there." Ash said with authority.

"No." I whispered. Habang papalapit parin saamin si Dave. Hindi ko puwedeng iwan si Ash, tinulungan pa din niya ako. Tsaka, baka patayin na talaga siya ng mga dark sorcerers na ito kapag nangyari iyon.

"Just follow me." Matigas na banggit niya. Wala na kong nagawa kundi tumango. Dahil sa pagka-inip noong Dave, hinawakan niya si Ash. Dandahang tumayo si Ash. Nakita ko siyang nagsmirk, hinawakan niya din iyong kamay ni Dave at mabilis na ibinalibag.

"Now!" Malakas na sigaw niya. Sa pagkakasabi niya, talagang susunod ka. Tumabkbo agad ako papunta sa pintong sinasabi niya kahit hinang hina na ako. Bago ako tuluyang tumakbo paalis, nilingon ko siya. Kinakalaban niya ngayon ang mga dark sorcerer ng mag-isa. Darn! He's only a time manipulator. Mano mano lang siya makakalaban.

"Habulin niyo ang elemental guardian!" Agad na sigaw ni Dave, kaya naman kahit labag sa loob ko bumababa na ako patakbo.

Noong makababa ako, napasinghap ako sa nakita ko, mas madaming dark sorcerers. Curse them! Wala na akong nagawa, tumakbo ulit ako pataas. Habang pa-akyat ako, gumamit ako ng isang earth wall para harangan ang daan pataas.

Lalo akong nanghina noong gamitin ko ang charm ko. Nakakainis, sana kasi hindi ako nakuryente noong Dave na iyon, para hindi ganito ang kalagayan ko ngayon.

Nakita ako ni Ash. "Damnit! Ayisha! I told you to escape!" He yelled, habang patuloy niyang kinakalaban ang mga dark sorcerer na nasugod sa kanya. I just smiled at him.

"I'm not the elemental guardian for nothing." Mahinanong banggit ko sa kaniya. Pagod na akong tumakbo ng tumakbo na lamang, panahon na para ako naman ang magtanggol sa mga kaibigan ko. I used the healing power of earth to heal myself. Ang kaso nga lang mag-tatake time ito. Napansin siguro yun ni Ash, kaya agad niya kong dinipensahan sa lahat ng may gustong sumugod saakin.

"Wala na bang ibibilis iyan?" He irritatedly said, then he punched and kicked the dark sorcerer na aatake na sana sakinatatayuan namin. Kasabay ng pagsuntok ni Ash sa isang dark sorcerer at pagtumba nito. Ang siya namang panunumbalik ng dati kong lakas!

Agad akong tumalikod kay Ash. Napapalibutan na pala kami, napaka dami pa din nila, para silang hindi nauubos. I released an air force at lahat sila nagtalbugan agad, pero may ilan paring nakabangon pa.

I saw Ash, naaatakihin sana sa likod ng isang dark sorcerer kaya't dali dali akong nagrelease ng fire ball, sa dark sorcerer na dapat gagawa noon. Nasunog tuloy siya dahil sa ginawa ko.

Ash jumped and landed on one of the big men. Tapos medyo tumalon uli sya ng mahina at pinagtatadyakan yung lalaki sa ulo nito. Tumba. May susugod ulit sa kanya ngunit, pinigilan niya ito at hinawakan sa braso sabay noon ang pagtaas ng paa nya palikod, dahil may dark sorcerer pala doon, pagkatapos ipinaikot niya iyong hinawakan niya sa braso at ipinatama sa mga kalaban.

He jumped and kick high, tapos susundan nya yun ng malalakas at mabibilis na suntok. Ang galing niya makipag-laban. Dahil sa pagka-aliw ko. "Ayisha!" He yelled suddenly, buti na lang mabilis ang reflexes ko, at nakagawa ako ng earth wall at naprotektahan ko ang sarili ko sa muntik ng sumugod sa akin.

Patuloy ang naging laban at kahit anong gawin namin ni Ash, parang hindi sila nauubos. Nakaramdaman na din ako ng panghihima dahil kanina ko pa ginagamit ang kapangyarihan ko. Mukang pati si Ash nauubusan na din ng lakas.

Ilang sagit lamang, bigla na lamang may tumawa ng sobrang lakas. Nangibabaw ang tawang iyon at alam ko kung kanino iyon galing. Kay Dave galing ang tawang iyon, dahil nakakakilabot iyon.

Pinalibutan ko agad ang sarili ko ng invisible air shield. Mahirap na, baka---"Aaaaah!" Napabaling agad ako kay Ash, dahil bigla na lamang siyang sumigaw ng malakas. Para akong naistatwa. Napa-upo ako unti unti sa nakita ko. Naawa ako kay Ash, halos mamatay na ata siya sa sobrang sakit na nararamdan niya dahil sa kuryente ni Dave, alam ko ang pakiramdaman na iyon kaya naman tinulungan ko agad si Ash, kahit nanginginig ako sa takot.

Maya-maya lamang tumigil si Dave sa ginagawa niya kay Ash. Agad kong hinawakan si Ash at inilagay ang ulo niya sa lap ko. Hindi ko din mapigilan na umiyak dahil, para siyang naghihingalo. Ngayon lamang ako nakasaksi ng ganito sa tanang buhay ko, kaya't hindi mawala wala ang kilabot, takot at panginginig sa akin. Hindi na ako makapag-isip ng matino dahil dito. Para akong tino-torture dahil sa nakikita ko.

"Ash... Ash..." I called him, subalit hindi man lamang siya makasagot.

Ilang saglit lamang may nag-iba sa ekspresyon ni Ash, hindi ko matuloy kung ano iyon pero parang gusto niyang sumigaw at parang may gusto siyang ituro. "A-Ano iyon, b-bakit, a-anong nagyayari---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko noong bigla na lamang akong makaramdam ng matinding sakit sa likudan ko. Parang may tumarak doon na matilos na bagay.

Napa-ubo agad ako dahil doon. Nanginig ang buong sistema ko noong may makita akong dugo. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa. Parang kumakalat ang matinding sakit sa buong katawan ko. Hanggang sa bumagsak na lamang ako sa semento. Nakita ko si Ash na unti-unti ng papikit.

Nanubig naman ang mga mata ko dahil sa nangyari. Patuloy ang pag-agos ng dugo mula sa bibig ko, pati na din ata sa likudan ko. Nahirapan na din ako sa pag-hinga. Mukang nasira iyong shield na ginawa ko kanina noong may sumaksak sa akin.

Nanlalabo na ang paningin ko at nahihrapan na ako. Para din akong nilalamon ng sakit at antok. Papikit na ang mga mata ko noong may marinig akong malakas na pag-sabog at kasabay noon ang pagkakita ko sa pigura niya. Presensya pa lamang niya alam kong siya na iyon...

"L-Louie..."

***

    people are reading<My Enchanted Tale>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click