《My Enchanted Tale》Charm 48 ❀ What Jealousy Can Do
Advertisement
Now I know, what jealousy can do. And it's like... Argh!
***
Napatulala ako sa nakita ko dahil mukhang todo ang kasiyahan nilang dalawa noong babaeng kasama niya. Hindi ko alam pero talagang nag-init ang ulo ko dahil doon. Ramdam na ramdam ko ang pagka-inis at selos ngayon. Hindi ko itatanggi iyon, dahil what's the use?
Parang kahapon lamang mangiyak-ngiyak siya sa kasiyahan dahil maayos ang lagay ko pagkatapos makikita ko siya ngayon dito? Huh, hindi lamang iyon, mayroon pang kalandian. Ayos ah.
Nag-simula na silang mag-lakad kaya sumunod agad ako sa kanila, hindi ko pinakawalan ang pagmamasid ko sa kanila. Samantalang, iyong ibang charmers natingin sa akin na parang may kakaiba. Sabagay, baka ito iyong ibang naka-alam na patay na ako. Subalit, wala akong paki-alam sa kanila ngayon.
Tingnan ko muli si Louie at iyong kasama niya, hindi pa din mawala wala ang ngiti nila sa isa't-isa lalo na kapag nagkakatinginan sila.
Kaya pala siya sweet kahapon dahil may kalokohan siya. Konti na lang maniniwala na ako na kapag talaga nanlalambing ang mg alalaki may nagawang mali. Tsk! Napaka talaga. Tago doon, tago dito ang ginawa ko ngayon. Nag-mumukha na akong stalker dahil sa ginagawa ko.
Habang nagtatago, bigla na lamang may sumigaw sa pangalan ko. "Ayisha!" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Akala ko nahuli na ako ni Louie, mabuti na lamang medyo malayo sila sa tayo ko at hindi nila ako napapansin.
Napaharap naman ako doon sa biglang tumawag sa akin. "Bella, grabe ka ginulat mo ako." Iiling iling na banggit ko saka ako tumingin ulit doon sa sinusundan ko at nakita ko silang pumasok sa isang restaurant at naupo doon, kaya naman kahit papaano nakahinga ako ng maluwag, dahil hindi sila basta basta mawawala doon habang kinakausap ko si Bella.
"Ginagawa mo dyan? Kaya pala may naririnig akong bulungan na ang elemtal guardian, nandito at buhay." Sabi sa akin ni Bella. Hinigit ko naman agad siya sa pinag-tataguan kong malaking poste na pabilog.
"Magtago ka muna, baka makita ka pa nila." Sita ko sa kaniya.
"Nino naman?" Takhang tanong niya. Hindi ko siya pinansin at tiningnan ko si Louie na kasama iyong kalandian niya. Sarap sunugin noong babae dahil ang landi landi niya kay Louie. Psh.
"Uy! Iyong si Louie mo, may kasamang iba. Oh, well ang ganda noong girl---" Agad kong tinakpan ang bibig ni Bella dahil doon. Oo, aminado naman ako na maganda talaga iyong babae, napaka-elegante at the same time napaka-bubbly ng dating. Wala akong panama for short, pero wala akong paki-alam kung wala akong panama, iba naman ang katauhan ko sa kaniya.
"Shh! Huwag ka ngang maingay! Saka bakit ka ba nandito ha? Bruhang 'to." I bluntly stated, natawa naman ng marahan si Bella sa inasta ko.
"Taray na'tin ngayon ah, selos ka bes? Huwag. Ganda mo kaya." Biro niya habang nakangiti ng nakakaloko. Napa-ismid naman ako doon.
"Alam kong maganda ako huwag mo na ipakalandakan." Nakangiting sagot ko sa kaniya at saka nag-flip ng hair, na lalo niyang ikinatuwa. May pagka-baliw din talaga itong si Bella, parang timang.
"Aba't saan mo nakuha ang confidence na iyan ha? Ang tapang mo ah." Naningkit pa ang mata niya at halata sa boses niya ang pagka-amuse. May ganito naman talaga akong side dati pa, kaya nga nasagot ko kahit palihim iying mga nang-aapi sa akin dati, kaso noon parang nawawalang kuting pa ako na hindi mailabas ang matitilos na kuko.
Ngayong alam ko na ang buong pagkatao ko, parang nabuo na din ako. Sa ngayon? Wala na akong kinakatakutan pa, siguro nga mas pinakalakas ako noong mga nakita ko sa nakaraan. Nasaksihan ko kung gaano katapang ang magulang ko para harapin ang malupit na kapalaran, kaya dapat maging mas matatag ako para sa kanila.
Advertisement
"Matagal na ito, naitago ko lang." Natawa muna ako ng marahan at saka kami nag-apir ni Bella. "Pero, teka ano nga? Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya.
"Namimili ako ng pang bake. Pagbabake ko si Hubby mamaya. Ikaw ano ginagawa mo dito ah? Iniistalk mo sila?" Pang-aasar niya sa akin. Muntik ko na siyang batukan dahil doon.
"Wow. Napaka supportive mo talagang bestfriend ka." I said sarcastically. Natawa naman siya dahil sa sagot ko.
"Ano pang ginagawa mo dyan? Tatago tago ka pa. Sugudin mo na girl! Cheer pa kita!" Tuwang tuwang banggit niya. "Gawan pa kita ng cheer, gusto mo? Like this, 'Go Ayisha, go go go!' Oh, hindi ba?" Natawa ako dahil sa ginawa ni Bella, sabi ko nga mag-pinsan talaga kami, mukhang naman namin ang kakulitan sa ama ko.
"Kung batukan kaya kita? Tara dali! Aalis na sila." Wika ko kay Bella, at saka ko siya higit. Wala tuloy siyang nagawa kung hindi sumama sa kalokohan kong pang-iistalk.
Sunod kami ng sunod, pagkatapos magugulat kami kapag lilingon sila sa banda namin kaya naman bigla kaming nagtatago. Konti na lang baka sunugin ko na itong mokong na ito. Aish.
"Maghulusdili ka Ayisha. Huwah ka manununog ng iba." Narinig kong saad Bella. Nagtaka naman kaya't tingnna ko siya at i-nginuso niya iyong kamay ko. Doon ko lamang napansin na nag-aapoy na ito.
Napa-iling iling na lamang ako at tinggal iyong apoy sa kamay ko. Mahirap na baka maibato ko pa ng wala sa oras.
Umalis sila doon at naglibot-libot pa. Holding hands pa silang dalawa, mukha pang mag-kasintahan dahil sa sobrang ka-sweetan. Tch. Kung ano-ano tuloy ang naiisip ko ngayon. Ganito pala ang nakakaramdam ng selos. Nakakainis, hindi ko gusto iyong pakiramdam, hindi ka mapakali pagkatapos nagagalit at naiinis ka sa simpleng gawin lamang noong may gawa kung bakit ka nag-seselos.
Baka naman si Fiona ang babaeng ito? Hala, kung ganoon nga... Agh! Napahilamos na lamang ako sa mukha ko. Ano ba ang dapat kong gawin? Oo, alam ko naman na mahal ako ni Louie, hindi sa nag-fe-feeling pero iyon ang lagi niyang ipinaparating.
Kaso, may karapatan ba ako? Parang wala naman. Agh.
Kasama ko si Bella sa pag-sneak out at pag iistalk sa kanila. Talagang sweet na sweet sila. Ang landi pa noonh girl! Sunod ng sunod si Louie sa gusto noong babae. Imbiyern! Hmp! Makita niya baka patalsikin ko siya gamit ang hangin.
"Ayisha, hindi ka ba na papagod kasusunod sa kanila? Kasi ako pagod na." Biglang banggit ni Bella na nakabagsak na ang balikat at halatang pagod na nga, dahil kanina pa kami naglilibot dito.
"Ganoon? Iiwan mo ko mag-isa? Baka kung ano magawa ko, Bella---"
"Oo nga, Ayisha, hindi kita iiwan, baka kasi lapnusin mo iyang dalwang iyan." Pag-iiba ng isip niya habang mayroong pilit na ngiti sa labi, kaya naman nag-tago ult kami para hindi mahuli.
Ramdam na ramdam ko ang pagkainis sa sistema ko. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganitong todo todo, dahil kahit naman noong inaapi pa ako noon sa mortal world, hindi ako nainis ng todo todo na gusto ko ng manugod.
"Ayisha! Tumigil ka! Baka makita tayo!" Pabulong na sigaw ni Bella, habang pinipigilan akong sumugod sa kanila. Hanggang sa nahigit niya na ko, hanggang dito sa labas ng mall.
"Aish! Bella, nakakainis ka. Paano iyan? Nawala na sila sa paningin ko. Paano kapag hindi ko na ulit sila nahanap ng mabilisan? Ikaw kaya paghanapin ko sa kanila. Inis." Pahayag ko sa kaniya ng nakabusangot. Sinaaman naman ako ng tingin ni Bella, at doon ko na-realize na ang oa ko na pala. Okay... Napasobra ako doon, actually kanina pa pala ako napapasobra na ang oa na. Alam ko naman, hindi ko lang mapigilan. Aish! Pati ako sa sarili ko naguguluhan na dahil dito. Argh!
Advertisement
"Chill ka lang muna bes. Hanapin na lang uli natin sila mamaya. Bira ka ng bira dyan. Parang hindi ikaw iyong kilala ko na Ayisha na calm at maayos humandle ng sitwasyon." Wika niya at saka ako pinaupo sa isang bench pagkatapos ay umupo siya sa katabi ko.
"Ano ba kasing gagawin ko? Para akong natitimang dito. Seryoso Bella, hindi ko mapigilan hindi mainis kapag nakikita ko silang sweet na sweet. Talagang gusto ko silang sunugin. Biruin mo, pwede ko palang maramdaman iyon. Para tuloy akong head over heels kay Louie." Nanlulumong salita ko.
"Oo nga, head over heels ka." Saad ni Bella pagkatapos ay nag-roll eyes pa kaya naman tinulak ko siya ng bahagya.
"Tatanggi ka pa, totoo naman. Huwag kang mag-alala mas patay na patay sa'yo si Louie." Natatawang banggit niya. Napantig naman ang tainga ko dahil sa narinig ko. Patay na patay sa akin iyong lalaking iyon? Ay, ano pala iyong nakikita ko kanina pa?
"Nagsisinungaling ka lamang, Bella." Pahayag ko.
"Nako, kung alam mo lamang ang pinagsasabi noon sa akin noong nawalan ng pintig ang puso mo, tsk tsk tsk. Mahal ka noon huwag kang paranoid dyan." Banggit ni Bella na mayroong assurance at ngiti sa labi. Kahit ganoon ang sinabi niya, hindi ko pa din maiwasan na magduda, ayokong maging kampante dahil lamang doon.
"Masisisi mo ba ako? Hindi mo pa kasi nararamdaman itong nararamdaman ko, para akong kinakain ng selos." Malumanay at malungkot na bigkas ko.
"Ayisha, naramdaman ko na iyan sa inyo pa ni Kyle." Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya.
"Ano? Ikaw nagselos? Sa amin ni Kyle?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata ko.
"Oo nga. Tanda mo dati noon? May gusto si Kyle sa'yo noon, kahit kaibigna kita hindi ko mapigilan mainis at mag-selos sa'yo kasi nakuha mo ang atenyson niya." Sincere na banggit ni Bella. Ganoon naman talaga kapag nag-seselos ka sa isang tao, kahit gaano pa sila kabait o kahit ano pang relasyon mo sa kanila, maiinis ka ng kauntian.
"Huwag mo na pansinin iyon, ang tagal na noon. Asawa mo na nga si Kyle." Pagsasabi ko sa kaniya. Tumango naman siya doon.
"Tara, hanapin na natin sila. Kalmado ka na ng kauntian. Chill ka lang. Wala naman silang ginagawang masama, magkasama lang." Nakangiting sambit niya, kaya naman tumango na lamang ako at sabay kaming nag-tungo sa loob.
Nag-ikot ikot kami ni Bella at hindi namin sila makita.
"Nasaan na kaya sila?" Tanong ko kay Bella habang tumitingin tingin sa paligid.
"Hindi ko lang alam. Sino kaya yung girl?" Sagot niya sa akin at saka inilibot ang paningin sa paligid, umaasang makikita din namin sila agad agad.
Halos libutin na namin ni Bella ang buong enchanted park, subalit kahit anino man lamang nila hindi namin nakita. Nakaramdam na din ako ng pagod at pag-bigat ng pakiramdam dahil doon.
Nawawalan na ako ng pag-asang makita sila noong may lalaki akong natanaw. Nakatalikod siya mula sa amin pero, kilalang kilala ko ang likod at batok na iyon. Si Louie iyon, sigurado ako.
"Bella, na ayon sila." Turo ko sa kaniya, kaya naman mabilis namin silang sinundan ulit. Hindi ko na sila hahayaan na maka-alis pa sa paningin ko. Ang hirap pa naman nilang hanapin.
"Tara, papasok sila sa live theater." Banggit ni Bella at saka ako hinigit papunta doon.
Bumili kami ng ticket at mabuti na lamang hindi nila kami napansin, dahil talagang nasa isa't-isa lamang ang atensyon nila. Nakita namin kung saan sila naka-upo kaya naman nakisabay kami sa ibang charmers na dumaan sa tapat nila para hindi halata, para kasing sinehan ang set up dito.
Noong makahanap kami ng magandang pwesto kung sana kitang kta namin ang likod nila ay umupo na kami.
Nagsimula na iyong show. Pagkatapos iyong girl biglang dumantay ang ulo sa balikat ni Louie. Naiyukom ko tuloy ang kamao ko dahil doon, parang may kumirot sa puso ko. Aish.
"Ang sweet ha." I remarked noong akbayan ni Louie iyong babae. Pagkakapulupot ng braso niya sa balikat nito parang gustong gusto niyang protektahan iyong babae. Mas napahigpit ang pagporma ng kamao ko dahil doon.
Nag-subuan pa talaga sila ng pagkain. Napapikit na lamang ako ng madiin dahil doon. Kinakain nanaman ako ng selos. Gusto kong itapon iyong babae papalayo sa lalaking mahal ko. Nakakainis.
Natapos na iyong show, kaya naman natapos din iyong landian moment nila sa live theater kaya't lumabas na sila, kaya sumunod ulit kami ni Bella. Si girl naman akala mo linta kung makakapit kay Louie. Lingkis ng lingkis parang ahas. Psh.
"Alam mo Ayisha. Sobra na talaga!" Halos galit na banggit ni Bella. Napatingin naman ako kayna Louie dahil sa sinabi niya. Bigla lang naman binuhat ni Louie iyong babae at tumakbo sila palabas nitong mall.
Mabilis namin silang sinundan ni Bella at nakita ko lamang na pumunta sila doon sa may fountain. Iyong fountain na iyon nasa gitna, pagkatapos ang sahig malapit doon sa fountain ay may mababaw na tubig.
Nagtakbuhan sila doon at nag-basaan bakas na bakas sa mukha nilang dalawa ang kasiyaha, na nakapag-painit naman ng todo todo sa ulo ko. Wala na, iyong selos na kanina ko pa pinipigilan ay biglang lumabas.
"Sugudin mo na, Ayisha! Sugudin mo na, i-chi-cheer kita!" Pag-eencourage sa akin ni Bella dahil hinalikan ni Louie sa pisngi iyong babae.
Kapal na talaga ng muka nilang dalawa--este si Louie lang pala. Wala nang pag-aalinlangan pa. Sinugod ko sila, nabasa nga iyong sandals ko dahil doon sa tubig, hanggang paa lang naman siya, kaya't ayos lang. Ang ganda sana noong place, panira lamang iyong nakikita ko ngayon.
"Oh, mukang nagkakasiyahan kayo, Louie." Walang kagatol gatol na banggit ko, kaya't nakuha ko ang atensiyon nilang dalawa.
"Ry-Ryleen?" Bakas sa mukha at boses ni Louie ang gulat noong makita niya ako. Parang hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ako.
"Ano? Nagulat ka pa? Iyan kasi, hindi mo namalayan nandito ako dahil sa pakikipaglandian mo. Huh, ang lakas mong makapag-sabi sa akin ng 'I love you, remember that.' Pero ang ginagawa mo ganito? So, lokohan lang pala?" Inis na lintanya ko.
Hinawakan naman ako bigla ni Bella sa balikat at nagsalita. "Ayisha---" Hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy ako sa pag-sasalita.
"Ikaw naman Miss, pwede ba? Lumayo ka sa lalaking iyan. Playboy iyan, may relasyon kayo ngayon bukas wala na." Nakataas kilay na banggit ko pa habang nakatingin sa mata noong babae. Subalit, parang hindi man lamang ito natinag sa akin.
"Ryleen, let me explain--" Napabaling ako kay Louie noong mag-salita ito, ngunit hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita.
"Wow! May gana ka pa palang mag-explain? Anong i-e-explain mo? Na may iba na ka nang nagustuhan? Nice one, ang galing mong manloko." I stated candidly.
"Excuse me, miss---" Mag-sasalita sana iyong babaeng kasama ni Louie pero kagaya sa ginawa ko kay Bella at Louie ay hindi ko siya hinayaan.
"Hiwalayan mo na, papakamartir ka? Huwag na, kahit loko loko iyang lalaking iyan at magaling manloko, huwag kang aasa na ipapaubaya ko siya sa kagay mo." Mataray na saad ko.
"Ayisha tama--" Bella started to speak, so I cut her off.
"Shut up, Bella." Iritang banggit ko.
"Miss, alam mo. Girlfriend niya ako, kaya huwag ka nang mang-himasok pa sa relasyon namin." Taas noong pahayag niya. Napataas naman ako ng kilay doon at napatingin sa kaniya ng sarkastiko. So what? Girlfriend lang naman, hindi asawa. Kayang kaya pang masulot. Psh.
"Liah---" Sasawayin sana ni Louie iyong babae subalit nag-salita pa ulit ito ng mapang-asar.
"Miss, kung ako sa'yo, titigilan ko ang pagsasalita ng kung ano ano sa harapan namin. You look pathetic." She stated candidly. This girl just hit a nerve. Tiningnan ko siya ng nakakainsulto, anong akala niya sa akin, magpapatalo na lamang ng basta basta? Hindi na. Ayoko na maging Ayisha na mahina.
"Ikaw ata ang pathetic Miss, ipinagpipilitan mo ang sarili mo sa kaniya gayung alam mo naman na niloloko ka na? Psh." Walang pakundangang sagot ko habang naka-cross arms.
"Ayisha--" Hindi ko pinansin si Bella at gumawa ako ng mga letters gamit ang tubig na nandito. Matapos iyon, tumingin ako ng masama kay Louie at mukha naman siyang nasindak doon.
"Basahin mo iyan." Seryosong banggit ko kay Louie. So, ang pinaglalaban pala ng babaeng pa-elegante at pa-bubbly na ito ay kasintahan siya ng lalaking ito? Tch.
Kumunot ang noo ni Louie subalit binasa niya padin ang pinapabasa ko sa kaniya ng puno ng pagtataka.
"Ryleen, will you be my girlfriend?" Naguguluhang tanong niya. Agad namang sumilay ang ngiti sa labi ko dahil sa binasa niya. Agad akong lumapit sa kaniya at mabilis siyang sinunggaban ng yakap.
Lumapit ako sa tainga niya. "Yes. I'm yours and you're mine." I whispered sweetly as a smirked formed into my lips.
Tiningnan ko iyong babae na halos malaglag ang panga sa nangyari. Hindi pa din ako humiwalay sa pagkakayakap kay Louie, mabuti na lamang at kita ko pa din siya. "Paano ba iyan Miss? Kasintahan ko na din ang lalaking ito, kaya pwede mo na siyang hiwalayan." Mapang-asar na saad ko pa.
Akala ko magwawala iyong babae o sasabunutan niya ako, pero ang bigla niyang ginawa ay hindi man lamang pumasok sa isip ko. Malakas siyang tumawa with matching hawak pa sa tyan, samantalang si Bella ay nakita ko din na tumatawa. Kaya naman nagtakha ako ng sobra.
Aalis na sana ako sa pagkakayap kay Louie para kumprontahin sila but I felt the arms of Louie draped around my waist. Napakahigpit ng pagkakayakap niya sa akon at saka ko narinig ang mahinang tawa niya.
Damn. He chuckled sexily yet manly. Ang mahinang chuckle na iyon ay parang nagdala ng libo libong botalhe ng kuryente sa katawan ko. Pakiramdam ko tuloy pinamulahan din ako ng tainga.
Ano bang nagyayari?
"Yeah, Ryleen. I'm all yours, and you are all mine." Nag-stiff ang katawan ko noong marinig ko iyang mga salitang iyan malapit sa tainga ko. Naramdaman ko na lang din bigla ang hininga niya sa leeg ko.
Natigang ako sa kinatatayuan ko sa kakaibang pakiramdam na hatid noon sa akin. "You are really an unpredictable idiot." Banggit pa niya, kaya naman bigla ko siyang binatukan. Okay na sana iyong moment kahit para akong kinuryente dito, pero ang lakas pang makapanira dahil sa 'idiot' line niyang hindi na nalaos.
"Babo, baka, idiot. Even though, I still love you." Natatawang wika niya, pagkatapos ay pinakawalan niya ako sa pagkakayakap at tinitigan sa mata. Saka niya pinitik ang noo ko habang mayroon siyang ngiti sa mga labi.
"Aish." Asar na banggit ko at saka ako napahawak sa noo ko.
"Ano bang nangyayari?" Tanong ko, dahil mukhang kumalma na si Bella at iyong babae mula sa katatawa. While Louie have this triumphant smile plastered on his face.
"Wala naman, Ryleen. You just became mine." Mayabang na saad nito, kaya naman pinalo ko siya sa braso.
"Jerk." I mouthed. "So hiwalay na kayo ng babaeng iyan kasi tayo na?" I added. Mabilis naman siyang umiling dahil doon, kaya naman simamaan ko siya ng tingin pero hinigit lamang niya ako at saka niya inakbayan.
"Ano ba--" Louie cut me off and spoke. "No, Ryleen. She's not my girlfriend." He bluntly stated, while the girl chuckled heartily.
"Tama siya, miss. Hindi niya ako girlfriend." Pahayag nito. Para tuloy nagkaroon ng napakaraming question mark sa ulo dahil sa sinabi niya. Say what? Naglolokohan ba kami dito.
"Kasi naman Ayisha, kanina pa kita pinipigilan hindi ka nagpapa-awat. Kilala ko pala itong kasama ni Louie, hindi ko lamang namukaan kaagad dahil ang laki ng ipinagbago." Natatawang banggit ni Bella.
"So let me introduce myself. Hi, Ms. Ayisha Ryleen Heartlock, I'm the little sister of Louie Blake. My name is Liahnna Blair Stanford. Nice to meet you." Masayang pahayag niya kahit mukhang amuse pa din siya sa akin.
Mas lalo akong natigilan sa narinig ko, parang umikot iyong mundo ko. Hindi ako makapag-salita, paulit ulit na parang sirang plaka sa akin iyong narinig ko kanina. Little sister.
Advertisement
- In Serial195 Chapters
Mark of the Crijik
Andross Silver had a nice life until he was pushed over the side of his building. Reborn into a family that wants to kill him, gifted with a system and armed with determination he rises to the challenges of this strange world. His only blessing is the Mark of the Crijik, a magical gift from a divine being that bestows great powers onto those that possess it. It also kills them at the age of twenty five. Andross must master magic to help him carve a path to greatness, and overcome the countdown of death that has been placed upon him. My parents love me. That’s why they run towards danger with me in their arms. A stone with newborn babies on it? Its just a sacrificial altar. Nothing for me to worry about. What’s that in the sky? Oh no.
8 8112 - In Serial15 Chapters
Reincarnated! The Blind and Deaf Boy
The boy never needed, never wanted anything with his life. He is unlike "normal people." Not that he knew what his life, nor what his world really was.He couldn't see, he knew not of beauty, nor of atrocities. He couldn't hear, he knew not of spite, nor words of tongue. He needn't think much, for he knew no words or images to think with.He only knew desire, sensations, and pain.What would he do when he had the ability to see, hear, and do much more than "normal people"?Would he even understand it?
8 139 - In Serial27 Chapters
The Hunt for Veritas - Book 2 of the Rosethorn Chronicles
Tunio is orphaned by the dark elves completing the break of the curse. Charged by his father to forgive, Tunio seeks to start his own life. He is sent away from Fort Northern Wiles with Captain Hiwot. Onboard he makes friends with Aquillia the Elf, Metilia the half elf, and Gazali the captain’s son. They arrive at Peace Landing the Gnomish island city.King Angularis fears for his own crown, as plots and intrigue begin to surround him. The first of the eight seals have fallen, and the fear is that another will fall. So, he seeks to find the Belt of Veritas which is rumoured to have the ability to grant the wearer the discernment between lies and truth.Anatoli loses his mother and discovers that his father has another son, a true son that he didn’t abandon and seeks revenge on Tunio. First taking his fathers sword and then doing what he can to hamper Tunio even if it means lying to the king.
8 116 - In Serial45 Chapters
Hope
There were 2 options: Fight the same war for countless more aeons. Shatter the Betrayer's undead legions time and time again until all was ground to dust. Because the endless legions truly never end. A hair's breath of ground in a century is enough if the war takes all of eternity. Or to choose Hope. To cast away his memories, his power, his very life. To wager everything on a chance to prevent their eventual end or to perish trying. Because if he were to return it would be with the power necessary to finally slay what remains of the Betrayer. Of the last Aspect. Only then would all things be right. And so, he chose the latter. Expect:Weak to strong quick-ish.Powerful MC reincarnates, gradually starts regaining memories.MC that is an actual character not a plot device.My original unique magic system discovered along with the MC.My original setting with mythos that have both been living rent free in my head for actual years.Opening arc will be less fast than the following story. Good writing (I think) and grammar. Upload schedulle: 2 chapters a week of 3-4k words each. I want to upscale to 3 in the future. Meant to be read in RR dark mode. For those coming here from my other stories, this is indeed a reimagining of my older story, CotM. I say reimagining because I have changed so much it cannot be called just a rewrite. Among the major changes, MC is fundamentally different in personality and background, I have actually planned the story out and changed it almost completely and I have adjusted my mythos so it no longer has as many holes as swiss cheese.
8 207 - In Serial9 Chapters
The Cursed Imperial Heart
In a world divided into different social classes, a nameless girl starts her journey rather tiring than most kids. Abandoned by her parents, she became a servant at a very young age to a wealthy noble family--the Brotillon, a family of powerful water elementals. Whose head is a well known Viscount. Though the girl was born with shiny brown hair and sparkling brown eyes, it was for that reason that she became a laughing stock to those around her. With no one to turn to for support, she swore to learn how to use magic no matter what! But as each day goes by, the beatings and humiliation got worse and worse. Finally had enough, she lashed out screaming! Done with the world she lived in! Done with her life! Only to faint out of exhaustion afterwards. Upon opening her eyes, she expected nothing more than an empty room with no one inside but her. However, it was the opposite! A room full off doctors and worried faces?! Indeed, she must have hit her head so hard when she fainted! She's probably just hallucinating, right?! But to her shock, it was all real! The Viscount who constantly beat her, patted her on the head?! The mistress who ridiculed her every chance she got, was worried?! Not just that, but----CRYING?! This continued for the next few weeks, and it looked like the 'situation' won't be stopping anytime soon. But she of all people knew, that it was all an act. But the question is, why? She screamed and lashed out at them, so why? Or perhaps, what she really needs to be asking are.... What REALLY happened before she fainted? What are they hiding from her? And lastly, Why are they suddenly interested in her eyes?
8 98 - In Serial51 Chapters
Realize (PUBLISHED)
They live on the same floor. They attend the same luxurious school. They have the same friends. They couldn't stand each other. And just when she thought she could get away from him, they end up being on the same band.Could life get any more worse?Oh, that's right. He, the coldest arrogant jerk, is also the most handsome guy she had ever set eyes on. That's definitely saying something, living on the Upper East Side.Now, she faces her biggest problem of all.Differentiating LOVE from HATE.__________Realize is copyrighted.**I guess you could say this is Gossip Girl in rainbow land, without all the drama and scandal. Only humorous and fun.**
8 133

