《My Enchanted Tale》Charm 51 ❀ Say It Again
Advertisement
The thing about love is I never saw it coming.
***
"Wow! Anong booth yun?" Tuwang tuwang banggit ko habang nakaturo sa isang booth na naka-agaw ng pansin ko.
"Basketball booth yun master nakalagay na oh. Nagtatanong ka pa!" Napasimangot ako nung tawanan ako noong tatlo, si Louie, Jasper at Sapphire. Masyado kasi akong na-aamaze sa mga booths dito, kaya hindi ko mapigilan mamangha, pagkatapos lagi akong binabara nitong tatlo. Tsk.
Nagkakaintindihan sila. May fire power kami ni Sapphire at fire charmer si Jasper at Louie, kaya ganoon. Mabuti na nga lang, para hindi ko na kailangan mag-translate ng mag-translate para sa kanila.
"Wala ka pala, babes. Binabara bara ka lang ng fairy mo." Pang-aasar ni Louie sa akin, kaya naman binigyan ko siya ng death glare, pero wala man lamang epekto sa kaniya iyon. Si Sapphire at Jasper naman tatawa din.
"Master, slow ka ba?" Biglang tanong ni Sapphire. Napakunot noo naman ako dahil doon.
"Bakit?" Tanong ko habang naniningkit ang mga mata.
"Nag-tatanong ka pa, master. Totoo naman." She said while giggling, pagkatapos nakipag-apir pa siya kay Jasper. Ibang klase din galaga ang trip ng mga fairy na ito, lalong lalo na itong fairy ko.
"Ah? Ganun?" Panimula ko habang naka-cross arms at nakatingin kay Sapphire. "Makulit na fairy ko, maliiit ka ba?" Lakas loob na tanong ko umaasang hindi ako mababara nito.
"Malamang master, fairy nga hindi ba? Malamang maliit. Slow mo talaga." Agad akong napa-poker face at napabagsak ang balikat dahil sa sagot niya, kanina pa ako basag sa mga banat nila.
"Boom! Basag ka master Ayisha." Tumatawang banggit ni Jasper, napa-roll eyes naman ako doon. Samantalang si Louie, tinatawanan din ako imbis na tulungan sa kakulitan nitong mga ito.
"Sapphire? Ini-small ka ba nila?" Napa-ngiti ako ng palihim dahil doon. Mukhang babanat si Jasper. Wushu~
"Malamang, hindi lang ako, pati ikaw. Sa liit ba naman nating 'to." Walang kagatol gatol na imik ni Sapphire na sinamahan pa niya ng irap. Ako naman ang biglang natawa dahil sa reaksyon ni Jasper na hindi makapaniwala na nabara din siya. Pft.
"Ano basag ka din pala Jasper." Natatawang pang-loloko ko sa kaniya. Lalo tuloy nag-mukhang pinag-sakluban ng langit at lupa. Itong fairies namin ni Louie may relasyon din ata. Lumalandi.
"Tuladan mo kasi ako Jasper." Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi ni Louie. Aba't nakikipagkulitan din? "Ganito kasi dapat. Babes, huwag ka maiingit sa love life nang iba." Napataas kilay naman ako dahil doon.
"Huwag ka mag-alala hindi na ako maiingit, dahil alam ko naman ngayon na akin ka na!" Natatawang sagot ko kay Louie. Pagkatapos biglang nagkaroon ng mahabang katahimikan. Napa-tigil din tuloy ako. Bakit? May mali ba sa sinabi ko?
Wait... Nakakakilabot pala iyong sinabi ko. Sheez, saan ako nakakuha ng ganung ka-korni na salita? Omg. Nahahawa na ako sa ka-sweetan ni Jasper at Sapphire, idadag mo na din pala ang parang sinapian na si Louie.
"Boom!" Biglang imik ni Sapphire.
Tinuloy ni master Ayisha, banat ni Master!" Sabi ni Jasper habang tumatawa. Kaya naman nag-apir silang dalawa. Napa-ngiwi naman ako nh kauntian. So babanat pala talaga si Louie? Mygash.
Maya-maya bigla na lamang tumikhim si Jasper kaya naman napa-tingin kami sa kaniya. "Sapphire! Natatakot ka ba sa multo?" Tanong ni Jasper kay Sapphire. Mukhang babanat din ang isang ito. Magtagumpay kaya?
"Hindi. Bakit naman ako matatakot sa kanila?" Sagot ni Sapphire. Medyo basag ata si Jasper doon ah. Akala ko mukhang nalugi nanaman si Jasper pro tumaas ang sulok ng labi nito.
"Dapat lang, kasi mas nakakatakot, iyong mawala ka sa buhay ko."
Advertisement
"Boom!" Sigaw namin ni Louie at sabay din kaming natawa. Sa wakas nalabanat din. Namula naman ang cute na cute kong fairy, sabay tago sa likod ko. Aba't nahiya pa daw ito.
"Anong akala mong fairy ka ha? Nabanatan ka!" Natatawang pang-aasar ko kay Sapphire. Nakita ko naman na lumipad siya papunta ulit sa gitna namin, at saka nag-cross arms at umirap. Taray.
"Jasper, dictionary ka ba?" Tanong ni Sapphire na parang may mapang-asar na ngiti sa mga labi. Ibang klase, ayaw magpatalo sa banatan? Pft. Napatingin naman ako kay Louie at nakikita kong nag-eenjoy siyang panuodin ang dalawang ito.
"Bakit? Kase, I give meaning to your life?" Maangas na tanong naman ni Jasper. Ang gwapo tuloy tingnan. Blonde kasi si Jasper pagkatapos ang puti puti pa. Mas gwapo ito kay Louie. Joke lang, haha.
"Hindi. Gusto mo malaman kung bakit? Simple lang, kasi ang kapal mo." Straight forward na sagot ni Sapphire with matching flips hair pa. Kaya naman nagkatawanan kami ni Louie at nag-apir. Kawawang Jasper na-api nanaman ng fairy ko.
"Louie, tao slash charmer ka ba?" Tanong ko. Ngumiti siya sa akin. Kaya ngumiti ako ng nakakaloko.
"Bakit?" Tanong niya.
"Wala. Nainigirado lang." Pabirong sagot ko, kaya nagkatawanan ulit kami, pati na din iyong dalawang fairy. Halos mangiyak ngiyak na din ako katatawa dahil sa mga kakornihan at kalokohang pinag-gagawa namin ngayon.
"Babes!" Warning ni Louie sa akin kaya naman tumakbo ako.
"Sapphire at Jasper. Dali, iwan natin iyang si Woo Wee!" Natatawang sabi ko dun sa dalawa. Lumipad din sila at tinakbuhan namin si Louie. Rinig ko pa ang hagikhik noong dalawang dairy habang tumatakbo kami na walang paki-alam sa nag-kalat na charmers dito sa open ground.
Nakaramdam ako ng pagod dahil kanina pa kami takbo bg takbo, pagkatapos si Louie na nahihirapan kaming habulin dahil ang daming charmers at tabi tabi at bigla na lamang siyang kinakausap o di kaya'y hinihila noong iba. Sikat kasi ang gwapong iyon. Haha.
Umupo muna kami nang mga fairy sa bench. Naghabol din ako ng hininga dahil sa pagod. Ilang sandali lamang, nakita ko si Louie na palapit na sa amin. Noong makalapit siya, agad niya akong tinabihan. Rinig ko pa ang mabigat na pag-hinga niya.
Kaya naman kinuha ko iyong panyo sa bulsa ko at pinunasan iyong pawis niya, napangiti naman siya dahil sa ginawa ko at saka ako inakbayan. Kaya naman may ibang nagtilian na charmers na nakakita sa ginawa niya. Pakiramdam ko tuloy namula ako. Nasa public place nga pala kami.
"Hindi ba ikaw si Win?" Napalingon ako noong marinig ko ang inimik mi Jasper. Mukhang babanat nanaman itong fairy na ito. Hindi na nasawa sa pangbabara sa kaniya. Pft.
"Hindi, ako si Sapphire. S-A-P-P-H-I-R-E!" Sapphire remarked firmly. Napatawa na lamang ako ng mahina dahil doon. Ibang klase talaga itong dalawa.
"Ryleen, ang liit ng kamay m." Sabi ni Louie sabay hawak dun sa kamay ko. Ngumiti ako sa kaniya at saka siya tinitigan sa mga mata. "Oo nga eh," mahinang banggit ko.
"Ang liit liit ng kamay mo pero, paanong na hawakan mo ang puso at mundo ko?" Pakiramdam ko unti-unting umakyat ang dugo ko papunta sa mga pisngi ko. Hindi ko akalain banat iyon. Natawa na lamang ako sa kaniya at saka binawi iyong kamay ko at tinakpan ang mukha ko.
"Nakakahiya ka, Louie." Sabi ko habang nasa pisngi ang mga kamay ko. Bigla naman niyang ginulo ang buhok ko at saka tumawa ng mahina. "Tss. Hindi ko nga alma kung bakit, nagiging korni ako para sa'yo. Epekto ata ng gayuma mo." He said while smirking.
Advertisement
Hinampas ko tuloy siya sa braso ng mahina. Ganito siguro talaga kapag mahal mo ang isang tao, kahit hindi ka korni dati nagiging korni ka para lang mapangiti ito. Madami ding magbabago sa katauhan mo na ma-eenjoy mo. Nakakatuwa lamang.
Maya-maya biglang tumayo si Louie. "Saan ka?" Tanong ko sa kaniya, pero hindi niya ako pinansin at pumunta sa field kung saan maraming mga charmers ang nag-aayos para sa festival ng academy. Napunta siya sa crowded place kaya naman hindi ko na siya natanaw.
Naoatayo tuloy ako. Saan ba pupunta ang isang iyon at bigla bigla na lamang umalis? "Sapphire, Jasper, nasaan si Louie?" Tanong ko sa kanila, subalit nagkibit balikat lamang iyong dalawa.
"Hanapin natin." I suggested, kaya naman tumango iyong dalawa, bago sila tuluyang maka-alis narinig ko pa ang usapan nila.
"Sapphire." Tawag ni Jasper sa namumulang si Sapphire. Hinawakan kasi niya ang maliit na kamay nang fairy ko.
"Sapphire? Galit ka?" Tanong ni Jasper. No response si Sapphire, pagkatapos tumalikod pa ng kaunti, pero, naka intertwined padin kamay nila. Hindi ko alam pero bigla akong kinilig sa nakikita ko. Ang cute lang kasi nila.
"Galit ka nga siguro, hindii ka kasi maka-tingin sa akin." Malungkot na sabi ni Jasper at saka niya binalak na tanggalin iyong pag-hoholding hands nila, ngunit bigla na lamang umimik si Sapphire.
"Kapag ba hindi ako makatingin sa'yo, galit na ako? Hindi ba, pwedeng kinikilig lang ako, kaya hindi ako makatingin sa'yo ng diretso?" Mahinang sagot ni Sapphire, pero sapat na para makarating sa pandinig ko.
Natatawa akong umalis mula sa kanila dahil baka lokohin ko lamang iyong dalawa. Kaloka, naunahan pa sina Charlene at Vien sa usapang love life.
Nagsimula na akong maglakad para hanapin si Louie. "Ayisha Ryleen Heartlock." Napatigil ako dahil narinig ko ang pangalan na iyon. Nag-mumula ata sa speaker iyong boses. Panigurado rinig iyon sa buong academy. Pagkatapos iyong boses pa na narinig ko... kilalang kilala ko kung sino ang may-ari.
Maya-maya nakarinig pa ako ng fake cough. "Babes, Ryleen? Wala ka bang balak humarap. Marahan akong napa-harap dahil sa sinabi ni Louie sa speaker. Walang duda, boses talaga niya iyon.
Parang magic na bigla na lamang nahati iyong kumpulan ng mga charmers kaya naman parang nagkaroon ng way para makita ko kung saan nanggagaling iyong umiimik. Doon, nakita ko si Louie na nakatayo sa may stage na naka-set up sa stage.
Kitang kita ko pa kung paano siya marahang ngumiti at napakamot sa batok. Parang siyang nahihiya na ewan. Samantalang ako sa kinatatayuan ko dito, nangangamatis na ata o di kaya'y pakiramdam ko mangingisay na lamang ako bigla.
Agaw atensyon din kami dahil nakatingin sa amin ngayon ang mga charmers na kanina ay may kaniya kaniyang ginagawa. Humakbang ako ng mga lima para mapunta ako sa medyo kalagitnaan nitong field pero malayo pa din mula sa stage.
"Ryleen, anong gusto mong gawin ko dito?" Tanong niya na para bang nawalan na ng hiya. Napatawa ako ng mahina, lalo na noong kinidatan niya ako. Para tuloy gusto ko hulahin pababa si Louie sa stage dahil sa kahihiyang ginagawa niya.
"Babes, ano nga? Ano gusto mo gawin ko?" Natatawang tanong niya pagkatapos iyong mga mata niya parang nangungusap na huwag na akong mahiya or something.
"Hmmm." Panimula ko na parang nag-iisip. Minsan lamang ito dahil karaniwan kay Louie hindi gagawin ang mga bagay na ganito. Kailangan gamitin ko na ang opportunity. "Louie, sumayaw ka nga!" Natatawang sigaw ko sa kaniya.
Narinig ko yung tawa niya mic. Saka yung medyo natatawang audience namin. Lumapit pa ako ng kauntian para naman hindi ako sobrang layo sa stage.
Naririnig ko ang chismisan noong mga charmers na malapit sa akin. Tuwang tuwa sila dahil first time daw iyong gagawin ni Louie. Sweet na sweet din sila sa amin. Nakakatuwa pakinggan ang usapan nila ngayon.
"Talaga? Babes? Sayaw?" Natatawang tanong niya.
"Oo! Sabi mo kahit ano?" Sigaw ko.
"Yiiee! Si master Ayisha kinikilig." Sabi ng magaling kong fairy.
"Naks! Dumamoves si Master Louie!" Sabi naman ni Jasper. Hindi ko sila pinansin at tumingin ulit kay Louie. Gagawin niya kaya?
"Sige. Gagawin ko. Tawagin mo muna akong babes!" Napatawa naman ako sa sinabi niya. Nawalan na talaga ang hiya ang lokobg ito. Subalit dahil curious ako sa isasayaw niya, wala namang masama na tawagin ko siyang babes hindi ba?
"Babes! Sayaw ka para sa akin!" Sigaw ko. Nagtilian naman iyong mga charmers sa pinag-gagawa namin at saka sabay sabay na tumili. Ngumiti pa si Louie na killer smile, na lalong nakapag-pa-tili sa mga babae dito sa field.
Maya-maya may bigla na lamang tumugtog na music at nagulat ako noong sabayan niya iyon ng sarili niyang sayaw. "Omygad." Hindi mapigilang banggit ko dahil sa tindi ng moves niya. Ang galing! Ang hit niyang sumayaw doon sa unahan. Hindi ko tuloy maalis ang tingin sa kaniya. Para akong tinutunaw ng maangas na sayaw na iyon.
Grabe iyong tilian ng mga nanunuod, dahil sa galing ng beat at appeal ni Louie. Hindi nga ako makapaniwala na ganoon siya kagaling sumayaw. Omygosh lang talaga. Lalo ata akong na-inlove sa kaniya.
Tumigil siya sa pagsayaw, dahilan para mabitin iyong iba syempre pati na din ako. Pero, kahit na ganoon pakiramdam ko ang pula pula ng buong pisngi ko dahil sa sayaw niya.
"Ano, babes? Pasado ba?" Pagka-imik niya sa microphone, kaya't nagkaroon nanaman ng sigawan sa crowd. Para tuloy nag-coconcert si Louie.
"Oo na, ang galing mo na!" Sigaw ko. Tapos ngumiti nanaman siya. Gosh! Lalo pong dumadami ang charmers dito.
"Babes! Ang ganda mo!" Natatawang sabi niya sa microphone, samantalang ako halos mapunit na ang labi sa sobrang lawak ng ngiti.
"Pakasalan mo na ako, Ryleen!" Lalong tumili ang mga charmers lalo na iyong mga babae, dahil sa sinabi niya. Para namang nanghina ang tuhod ko dahil sa sobrang kilig. Say what?
"Walang proposal?" Natatawang kantyaw ko sa kaniya. Nakikisakay lamang ako sa trip niya ngayon. Hindi ko din alam pero bigla atang kumapal ang mukha naming dalawa. Pft.
"Bakit babes? Gusto mo?" Natatawang sabi niya, tapos nag-acting na luluhod at mag lalabas ng sing sing. Halos dumugin si Louie ng mga babae dahil sa ginawa niya. Kaya naman natawa ako.
"Ang dami mong kalokohan, Louie. Ang childish mo ngayon!" Sigaw ko habnag natatawa. Sigurado naman kasi ako na rinig niya iyon kasi medyo tumatahimik ang mga charmer kapag nag-sasalita ako.
"Okay lang maging childish. Dahil gusto ko ako lamang ang baby mo!" Agad akong napatakip ng mukha dahil sa sinabi niya. Say what?
"Kyyyyaaaah! Ako na lang baby mo!"
"Omygosh! Prince Louie! Why so sweet?"
Iba pala talaga magpakilig ang isang Louie Blake Stanford, pwede kang mahimatay sa kilig. Hindi ko akalain na ganito pala siya katamis magmahal. Mygosh! Hindi ko alam ang i-rereact ko. Ang swerte ko lang sa kaniya.
"I love you, Ryleen!" Nakangiting sabi niya at bigla na lang pumaibabaw ang halos magwalang mga boses ng charmers. Iba talaga ang epekto niya sa mga nadito. Kaya madaming patay na patay sa kaniya e.
"Babes, there's only one thing to do three words for you. I love you." Simula niya sabay kindat. Wala pang music na tumutugtog noong sabihin niya iyon pero may tono na iyon.
"1, 2, 3!" Saka lang nagkaroon ng music at sobrang lakas noon, kaya pati iyong mga charmers na nagkalat dito ay bigla na lamang sumayaw na paang nakikisama at nakikigulo sa kalokohang ginagawa ni Louie.
♫♪ 1, 2, 1, 2, 3, 4 ♫♪
Nagsimula Syang kumanta, kaya lalong nag tilian yung mga nanunuod. Ako naman ay hindi maka-paniwala na kinakantahan ako ng lalaking minsan ay itinuring ko lamang na mapang-inis na kaibigan. Love is just pure... magic.
♫♪ Give me more lovin' than I've ever had
Make it all better when I'm feelin' sad
Tell me that I'm special even when I know I'm not. ♫♪
Nakatitig na nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko ma-explain kasi para akong nalulunod sa titig niya. Napaka-soft ng boses niya pero ang lakas ng dating. May kakaibang epekto sa akin ang mga binibigkas niyang salita ng kanta.
♫♪ Make me feel good when I hurt so bad
Barely gettin' mad, I'm so glad I found you
I love bein' around you
You make it easy, it's as easy as 1, 2, 1, 2, 3, 4. ♫♪
Lalong lumakas yung tilian, kala mo nasa concert ka na. Tapos parang nag-give way yung mga nakakalat na charmer sa unahan ko. Nagkaroon tuloy ako nang mas malawak na way, papunta sa gitna. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko noong pagkakataong iyon.
♫♪ There's only one thing to do
Three words for you I love you (I love you)
There's only one way to say
Those three words and that's what I'll do, I love you (I love you). ♫♪
Then he mouthed, "I love you, Ryleen!" Para akong mabibingi hindi dahil sa lakas ng tilian ngayon, kung hindi dahil sa lakas ng kabog ng puso ko na parang naririnig ko na itong mag-wala. Kanina pa din napaka-init ng pisngi ko, pero iyong pakiramdam ng tunay na kasiyahan hindi mawala wala sa damdamin ko.
♫♪ Give me more lovin' from the very start
Piece me back together when I fall apart
Tell me things you never even tell your closest friends. ♫♪
Nakakatuwa siyang pananoorin habang nakanta. Kasi andun yung saya sa mata niya, yung mga ngiti niyang puro at walang halong panloloko at kayabangan. All I see id the true Louie, behind the walls he built back then. Pakiramdam ko tuloy, natibag ko ng maayos ang walls na hinarang niya sa sarili niya.
♫♪ Make me feel good when I hurt so bad
Best that I've had, I'm so glad that I found you
I love bein' around you
You make it easy, it's as easy as 1, 2, 1, 2, 3, 4. ♫♪
Wala na. Buong atensyon ko nasa kaniya na talaga. Parang bigla nawala yung mga charmers na andito, parang sya lang nakikita ng mga mata ko, at parang siya lang din ang naririnig ko. Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko. Pagkatapos nakita ko pa siyang bumababa sa stage.
♫♪ There's only one thing to do
Three words for you I love you (I love you)
There's only one way to say
Those three words and that's what I'll do, I love you (I love you)
You make it easy, it's easy as 1, 2, 1, 2, 3, 4. ♫♪
Nag-simula siyang lumakad ng marahan, naiisip ko, tuloy na parang lumalapit iyong prince charming ko papunta sa akin. Malapit na siya sa akin, pagkatapos nagitla pa ko nung bigla siyang kumuha ng rose at habang nadaan siya, biglang may nagpaganda nung rose, plant charmer siguro ang tumulong kay Louie.
♫♪ There's only one thing to do
Three words for you I love you (I love you)
There's only one way to say
Those three words and that's what I'll do, I love you
(I love you). ♫♪
Nakalapit na siya sa akin, tapos binigay niya yung rose, I smiled at him sweetly and in return he also smiled at me. Para akong tinunaw noong makita ko ang genuine na ngiti niya sa akin, napatitig din ako sa mga mata niya at nakita ko doon ang pagmamahal.
♫♪ 1, 2, 3, 4
I love you
I love you. ♫♪
Hinapit niya ako sa baiwang na naging resulta ng impit na tili ng mga charmers. Inilapit niya ang mukha niya sa may bandang leeg komkaya naman pigil hininga ako noong pagkakataong iyon. Mas matinding pagtatambol ata sa puso ko ang nangyari. Naramdaman ko na lamang ang hininga niya malapit sa tainga ko. Halos mag-ngisay ako dahil sa nararamdaman ko.
"I love you, Ryleen." He whispered sincerely. At saka siya humiwalay sa akin na mayroong ngiting tagumpay sa labi. Hindi ko maiwasan mapatungo dahil sa halo halong emosyon ko ngayon. Ang saya ko sobra.
Imbis na sabihan sya ng 'I love you too' o nang kung ano pa man. Tumakbo ako paalis paalis sa kinatatayuan niya. Mukhang nagulat pa si Louie pati na din iyong iba dahil sa ginawa ko. Subalit, hindi ko iyon pinansin at pumunta ako sa stage.
Advertisement
- In Serial76 Chapters
Fifth Dimension
When a man from the past is reborn in the far future, what is he to do? His prided sword skill meaning nothing in this new life, he turns to a place where they matter - VR gaming. He lives his life in game, but when a game isn't all that it appears, how will his life change?
8 113 - In Serial13 Chapters
The Wyrm King
A warrior, drenched by war after war had become tired of it. He cast his weapons down and picked up farming, a peacful work. A much more beneficial line of work as well. His life was just beginning to settle down when once again war creeped into his life. His village was attacked! He was the only survivor and he was saved by a Wizard. He vowed for revenge and set out on a quest that will gain him not only glory and power but the thing he wanted most, to see his family again. This is a tale of old, a tale of revenge, betrayal, and a tale of honor. This warrior does not know what his fate will bring him, but he does know, his revenge will be swift.
8 141 - In Serial25 Chapters
The Wonderful Wizard of Oz
The Wonderful Wizard of Oz, is an American children's novel written by author L. Frank Baum and illustrated by W. W. Denslow, originally published by the George M. Hill Company in Chicago on May 17, 1900. It has since been reprinted on numerous occasions, most often under the title The Wizard of Oz, which is the title of the popular 1902 Broadway musical as well as the iconic 1939 musical film adaptation. The story chronicles the adventures of a young farm girl named Dorothy in the magical Land of Oz, after she and her pet dog Toto are swept away from their Kansas home by a cyclone. The novel is one of the best-known stories in American literature and has been widely translated. Its groundbreaking success and the success of the Broadway musical adapted from the novel led Baum to write thirteen additional Oz books that serve as official sequels to the first story.
8 98 - In Serial12 Chapters
Dearest O'Malley
This story tells about a car's life and the way he lived in 1967. His name is O'Malley Malibu and he is a 1967 Chevrolet Malibu with a straigh six engine. He grew up with a two door Lincoln and a Chevrolet Impala and did everything with them together. Later on into the story, O'Malley is sitting up for sale in a yard of a little old lady who's husband was mean to him for a little while. He meets his new owner Gladys Kennedy who takes care of him well. She takes O'Malley to work with her and to church. But one day, a bully picks on a car for a parking space and when the bully tries to pick on O'Malley, he learns his lesson of what happens when he messes with a Chevy Malibu raised in Texas. Soon after Gladys gets too old to take care of O'Malley, she gives him to Randy and Jan, the next owners. They have O'Malley as the only car they have to drive until he met Susie, a Mercury Grand Marquis and a blue van. Then comes along Erik and Nathan, the two additions that he meets. O'Malley plays and makes Nathan smile by the time he reaches 2 years old. Leading Nathan up the road to learning, O'Malley guides his new master through a home schooling system to keep him on track. As many years went by, O'Malley soon is passed on to Nathan's care and being a planned college subject of a college sememster work of having his transmission redone. When Nathan meets his new girlfriend, Natalie, O'Malley grows a liking on her just as she is showing her photos of O'Malley that she captured on camera in 2014 and 2015. He soon finds answers for all the questions he had been always asking from finding out what happened to Impa to discovering the location of where Gonzo was to opening up to a friend back that seemed to be next to him all these years. O'Malley and his friends make videos for the internet from a pickle and white flour bath to the Elvis impersonations to honor the Elvis Presley feastival for all Elvis fans around the world. The three friends have a lot of fun together including pranking each other for kicks and laughs. Ticking back in time, O'Malley tells the audiences the memories he had back to his younger days when he and his cousins would prank each other and laugh at it now as he remembers it then. From the happy to sad stories that he experiences throughout the novel. People stop and stare at the beauty of O'Malley's sleek body all over town including taking pictures of him without his knowing. The story has yet to unwrap the secrets inside of O'Malley outside the car shows. There are hints of originality, heart, tranquility, untapped potential, undisturbed sensational zen, and undiscovered twerks that make him so amazing that people don't see nor don't pay attention to like they do in the show. O'Malley has a smooth, witty, sweet and relaxed personality. O'Malley travels down the road of memorable experiences from being in a sample teaser trailer of a movie to meeting a new love to finding another of his old friend from the 70s to meeting a life coach that would be his biggest inspiration. This is a novel that needs to be discovered for all eyes alike.
8 121 - In Serial6 Chapters
His Royal Ballerina. (completed)
A magical tale between a ballerina who comes across a prince who can't feel pain. she gets involved in a dangerous quest which will change an ordinary ballerina's life.will she get back what was lost? or lose herself in this enchanting story of a prince and his royal ballerina. Read the Review done by@angellover36 http://read-a-holic-reviews.blogspot.com/2012/08/review-his-royal-ballerina-by-sanayakant.html
8 159 - In Serial28 Chapters
Chakra Spider
With great power comes great responsibility but Peter had never imagined getting in contact with such power. Disclaimer: I do not own anything
8 125

