《Line without a hook || Darlentina》Chapter 14
Advertisement
Biyernes na ngayon at bukas na ang huling araw para makapagbonding sila ni Regina. Kahit pa sya ay nalulungkot, hindi nya ito pwede ipakita kay Regina dahil makakahalata ito.
"Regina?" Sabi ni Narda at tinapik tapik ang braso nito para magising. "Gising na bebe girl, nagluto ako."
"Hmm." Sabi ni Regina at napangiti naman si Narda dito.
"Gising na o kikiss kita."
Pero hindi parin minumulat ni Regina ang kanyang mga mata.
"Awsus, ayaw pang sabihin na gusto ng kiss ko." Pang-aasar ni Narda dito.
"Shut up."
"Oh tignan mo, sumagot agad. Ibig sabihin gusto talaga ng kiss ng isang Narda Custodio." Natatawang sabi ni Narda.
"Manahimik ka nga, lumalakas yung hangin."
Napailing-iling nalang si Narda at tumabi dito. Niyakap naman nya si Regina at kiss ang ulo nito.
"Bangon na! Si Brian pala umalis na kanina kase may pasok daw sya."
"Hmm." Antok na sagot ni Regina.
"Osige, tulog nalang din ako ulit."
"Anong pagkain dyan?" Tanong ni Regina at humikab.
"Nagluto ako ng sinangag, itlog, hotdog at bacon."
"Ang dami naman."
"Edi akin na lahat." Sabi ni Narda at bigla naman syang hinampas ni Regina. "Grabe ka talaga sakin, tinotorture mo ako."
"Tsk! Eh kasi kinakausap ka nang maayos tapos hindi ka sumasagot ng ayos." Naiinis na sabi ni Regina.
"Maayos naman ako sumagot ah? Aga aga naman highblood ka, porket umalis na si Brian." Sabi nama ni Narda at ngumuso.
"Tss, iniinis mo ako eh."
"Meron ka ba?" Tanong ni Narda.
"Wala."
"Eh bat ang highblood mo?" Nakangiting tanong ni Narda.
"Ulit ulit ka girl?" Sagot ni Regina at umirap.
Tumalikod naman si Narda at nanahimik nalang. Kinuha nya ang phone nya at naglaro nalang.
Advertisement
"Regina, tignan mo, ang ganda ng bahay ko!" Masayang sabi ni Narda at ipinakita ang bahay nya sa roblox, pero hindi sya pinansin ni Regina. Bumuntong hininga nalang sya at nagpatuloy sa paglalaro.
Tumawag naman bigla si Leslie at agad nya itong sinagot.
"Leslie! Laro tayo." Masayang aya nya kay Leslie.
"Nako, wala na akong storage eh. Anong oras pala ali—"
Hindi na natapos ang sasabihin ni Leslie nang patayin agad ni Narda ang tawag. Bigla naman syang pinawisan at chinat si Leslie.
Narda : Bonak! Katabi kolang si Regina, hindi ko pa nasasabi.
Leslie : Ay sorry, hindi ko naman alam eh. Anyways, ano ngang oras?
Narda : Madaling araw eh, 3 am.
Leslie : Sino maghahatid sayo?
Narda : Ikaw, sino pa ba.
Leslie : Akala ko ihahatid ka ni crushie mo?
Narda : Mukhang hindi kasi magcoconfess na ang lola mo.
Leslie : Goodluck accling! Mahal na mahal kita pogi.
Narda : Crush mo nanaman ako, hays, grabe ka na talaga.
Leslie : HAHAHA dyan ka na nga baka masapak pa kita.
"Aalis ka?" Tanong ni Regina.
"A-ah." Nag-iisip si Narda ng pwedeng sabihin pero walang pumapasok sa isip nya. "M-mamaya."
"With who?"
"A-ako lang." Bigla namang pinagpapawisan si Narda. "Bibili lang ako ice cream."
"Okay." Sabi naman ni Regina at bumangon na para kumain. "Tayo ka na dyan at kakain na tayo."
"Lagi nalang tayo kumakain ah?"
"Eh anong gusto mo? Wag nang kumain at uminom nalang?" Sabi ni Regina at umirap.
"Init talaga ng ulo." Bulong ni Narda.
"Are you saying something?" Tanong ni Regina at nakataas pa ang isang kilay.
"Huh? Wala noh!"
Kumain na silang dalawa at hindi parin pinapansin ni Regina si Narda. Kaya nanahimik nalang si Narda hanggang sa natapos silang kumain.
"Galit ka ba sakin?" Narda said while pouting.
Advertisement
"No."
"Bakit hindi mo ako pinapansin?"
Regina lookes at Narda's eyes and she can see the sadness in it. Bigla tuloy syang naguilt.
"Wala lang siguro ako sa mood, I am sorry." Sagot nya.
"Okay lang." Sabi naman ni Narda at ngumiti pero hindi abot sa kanyang mga mata.
"I am really sorry, Narda."
Ngumiti naman ulit si Narda but still, hindi parin ito abot sa kanyang mga mata. "Okay lang, Regina. May pupuntahan pala ako."
"Where?"
"Seven eleven, bibili lang ako ng ice cream." Sabi nya at umalis na agad ng condo.
"Argh! What did you do Regina?" Naiinis na sabi ni Regina sa sarili nya.
Pagbaba ni Narda ay agad syang sumakay sa bike nya. Pagdating nya sa seven eleven ay binili nya ang favorite flavor ng ice cream ni Regina pati narin ang brand nito.
Nakita nyang may dalawang lalaking nagsusuntukan, kaya naman inawat nya ito, paglapit nya ay ginawa syang shield ng isang lalaki at nasuntok tuloy sya sa nguso nya.
Andaming nakakita ng nangyari kaya agad tumakbo ang mga tao para umawat. Dali dalinh sumakay si Narda ng bike at naghanap ng mask dahil hindi ito pwedeng makita ni Regina.
"Dapat kasi hindi na ako nangialam, pero ayos na yun atleast naawat na ang dalawang lalaki." Inis na sabi nya at nagsuot na ng mask.
Pag bukas nya ng pinto ay niyakap sya agad ni Regina. Niyakap nya naman ito pabalik.
"Kainan na ulit!" Masayang sabi ni Narda, pero pag ngiti nya ay medyo sumakit ang sugat nya sa labi.
Nako, paano na ako kakain nito? Sabi ni Narda sa kanyang sarili.
"Why are you wearing a mask?" Takang tanong ni Regina.
"Wala lang, style lang sya."
"Remove that now and eat." Sabi naman ni Regina, pero hindi parin tinatanggal ni Narda.
Ngayon ay kinakabahan na si Narda, bigla syang pinagpapawisan kahit may aircon naman.
"Aalisin mo yan o ako ang mag-aalis dyan?" Seryosong sabi ni Regina, pero again, hindi parin tinatanggal ni Narda ang mask.
Dali dali syang lumapit at hahablutin na sana ni Regina ang mask nang pigilan ito ni Narda.
"Isa! Narda!" Regina gave her a cold stare. Napatigil naman si Narda at hinayaan na lang si Regina.
Pag-alis ni Regina ng mask nya ay nakita nya ang labi nito na medyo dumudugo pa.
"What the heck? Anong nangyari dito?" Tanonf ni Regina.
"U-umaawat lang kasi ako, tapos b-bigla akong ginawang shield ng lalaki. T-tapos ako yung nasuntok." Kinakabahang paliwanag ni Narda.
Ibinaba ni Regina ang ice cream nya at yung nasa tupperware ay inilagay nya sa freezer. Kinuha nya ang kit at lumapit kay Narda.
"Dapat kasi sa susunod ay hindi kana mangialam." Pagsesermon nya dito at kinuha ang bulak. "Yan tuloy napahamak ka pa."
"Atleast naawat na yung away nila, yun ang mahalaga."
Bigla namang napadiin ang bulak na may gamot kaya naman napa-aray si Narda.
"Oh tignan mo? Ayan ang nakuha mo sa ginawa mo." Bumuntong hininga sya at patuloy na ginamot ang sugat.
Magkalapit naman ang mukha nila at bumibilis nanaman ang tibok ng puso ni Narda. Tumingin sya sa mga mata ni Regina hanggang sa kanyang mga labi. Napalunok naman sya at doon na lumayo si Regina.
"Oh ayan, maayos na ang sugat mo."
"Salamat." Nakangiting sabi ni Narda.
Sana lagi akong may sugat sa labi.
Advertisement
- In Serial11 Chapters
Heroes Of 21st century !
A giant meteor hit our planet earth,releasing a strange energy throughout the world which gives a teenager some strange abilities.........Long story short a teenager got some strange ability and decided to become a superhero! (hah! kids knower days) only to find out it isn't that easy of a job or well a hobby especially when you are scaredy cat and a introvert social outcast after trying once and failing horribly(really HORRIBLY) he waited 3 years and has once again decided to try..............Boy got to live his dream!
8 298 - In Serial40 Chapters
Try Reincarnation, They Said. It Would Be Fun, They Said.
A young man dies saving his friend from a truck. His soul floats away, where he is then left to drift in endless darkness. He wishes for strength and power, the rights held by the strong. Unexpectedly, he finds his wish granted, and he reincarnates as the force of the universe known as qi. However, God realizes that he screwed the hell up and tries to fix his mistake, only to realize it too late. Out of options, he imprisons the MC on the lowest-ranking planet in the entire multiverse. What happens now? “Don’t I just get super OP?” That comes later MC. This is my first fiction and I'd greatly appreciate criticism. Feel free to let me know any problems you have with my story and any suggestions you may have. Updates are once a week, but will vary in dates. However, you can (most likely) expect a chapter once every week. I may miss a week, but I will make sure to make it up to you by giving you another chapter in a different week. This is also hosted on my website: Lonely Writing. Currently on Hiatus due to personal reasons.
8 168 - In Serial7 Chapters
Glam rock for life!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
livin' the Glam life!
8 136 - In Serial54 Chapters
Naruto-Gold & Silver
Naruto the reincarnation of the sage of six paths.With the most powerfull chakra,even more powerfull then the bijju's Naruto will need to improve his chakra control in order to use his on chakra.
8 115 - In Serial5 Chapters
the ronald mcdonald fic
im sorry
8 69 - In Serial11 Chapters
The Tension
This story is about tension between two gay guys named Clay and Alexander. Clay and Alexander have been besties 4 lyfe until one day it all changed. The tension..
8 125

